Professional Documents
Culture Documents
Aga Talambuhhay
Aga Talambuhhay
Abadilla
Kabilang sa mga akdang isinulat ni Abadilla ang koleksiyong Ako ang Daigdig at Iba Pang
Tula at Piniling mga Tula ni AGA, gayundin ang mga nobelang Sing-ganda ng Buhay at
Pagkamulat ni Magdalena. Ngunit higit na nakilala ang kaniyang tulang Ako ang Daigdig at
koleksiyong Erotika sapagkat higit na makikita rito ang kaniyang pagtiwalag sa tradisyonal
na uri ng panulaan.
“Sa tulong ng kaniyang kakaibang gamit ng mga kataga, napalaya ni Alejanro G. Abadilla
ang taludturang Pilipino, kung hindi man ang panulaang Filipino,” ani Victor Emmanuel
Carmelo Nadera, makata at direktor ng Likhaan UP Institute for Creative Writing.
Sa kaniyang panayam na may temang Pagtitig sa ‘Di Nakikita: Ang Babae ay Wala sa Mga
Piling Tulang Erotika ni Abadilla, binigyang-diin ni Añonuevo na bagaman hindi
pinangalanan ang mga kababaihan sa mga tulang erotika ni Abadilla, kusa naman itong
umiiral, kumikilos, at umuudyok sa kaniyang panulat.
Sa kaniyang panayam na may temang Pagtitig sa ‘Di Nakikita: Ang Babae ay Wala sa Mga
Piling Tulang Erotika ni Abadilla, binigyang-diin ni Añonuevo na bagaman hindi
pinangalanan ang mga kababaihan sa mga tulang erotika ni Abadilla, kusa naman itong
umiiral, kumikilos, at umuudyok sa kaniyang panulat.
Nagtapos ng Pilosopiya sa dating Faculty of Philosophy and Letters (Philets) noong 1931, si
Abadilla ang nagtatag ng Kapisanang Balagtas na naglalayong palaguin ang paggamit ng
wikang Tagalog. Sa tulong din niya, naitatag ang Kapisanang Panitikan noong 1935, na
kinabilangan ng iba pang mga manunulat tulad nina Teodoro Agoncillo, Brigido
Batungbakal, at Genoveva Edroza-Matute.
Ayon kay Florentino Hornedo, isang historyador at propesor ng Pilosopiya at Panitikan sa
UST Faculty of Arts and Letters at Graduate School, maaaring naging isang salik sa
paghubog ng kaisipan ni Abadilla ang pag-aaral niya sa Philets, at makikita ito sa kaniyang
tulang “Ako ang Daigdig.”
“Ang tulang ’Ako ang Daigdig’' ay isang poetic installation ng mga pangunahing ideyang
pilosopikal tungkol sa tao na maaaring natutunan ni Abadilla noong nag-aaral pa siya sa
Philets,” ani Hornedo.“Ang tulang ’Ako ang Daigdig’' ay isang poetic installation ng mga
pangunahing ideyang pilosopikal tungkol sa tao na maaaring natutunan ni Abadilla noong
nag-aaral pa siya sa Philets,” ani Hornedo.
Para naman kay Efren Abueg, isang kuwentista at propesor sa De La Salle University-
Dasmariñas, maaaring nakaapekto sa liberal na edukasyong pampanitikan ni Abadilla ang
kaniyang pamamalagi at pagtatrabaho bilang manunulat sa Estados Unidos, gayundin ang
pagbabasa niya ng mga kanluraning aklat.“Kung hindi man sa kaniyang pamamalagi sa
Estados Unidos, masasabing nagpatuloy ang edukasyon niya sa panitikan sa kaniyang
pagbabalik hatid ng mga aklat na masigasig na inaangkat para maging mabilis ang
Amerikanisasyon ng sambayanang ilang dekada pa lamang nahahango sa dilim at
kamangmangan ng eskudo ng Espanya,” ani Abueg.
“Kung hindi man sa kaniyang pamamalagi sa Estados Unidos, masasabing nagpatuloy ang
edukasyon niya sa panitikan sa kaniyang pagbabalik hatid ng mga aklat na masigasig na
inaangkat para maging mabilis ang Amerikanisasyon ng sambayanang ilang dekada pa
lamang nahahango sa dilim at kamangmangan ng eskudo ng Espanya,” ani Abueg.
Sa lahat ng mga tulang isinulat ni Abadilla, higit na binigyang-pansin ang akdang “Ako ang
Daigdig” dahil sa iba’t ibang makabagong ideyang ipinahihiwatig nito bagaman kakaunti
lamang ang mga salitang ginamit rito.Tinalakay ni Gary Devilles, propesor sa Ateneo de
Manila University at Artlets, sa kaniyang papel na Si Superman at si AGA: Pagdalungad sa
Konsepto ng Ubermensch ni Nietzsche sa Ako ang Daigdig at Iba Pang Modernong Tula ang
pagkahalintulad ni Abadilla sa konseptong Superman ng pilosopong Aleman na si Friedrich
Nietzsche sa pamamagitan ng pagsalungat sa tradisyonal na panulaan at paggawa ng mga
tulang may panibagong anyo at nilalaman.
“Sa pag-uulit ng mga salitang ako, daigdig, tula, at maliw sa kaniyang tulang ‘Ako at ang
Daigdig,’ nakalikha si Abadilla ng isang obrang hahamon sa hangganan ng poetikang
Tagalog na nakalubog pa noon sa tradisyon ng Balagtasismo,” ani Devilles.
“Maituturing na progresibo sa isang post-colonial na perspektibo ang tulang ito dahil ang
puno’t dulo ng tula ay ang ‘ako’, ang manlilikha ng tula na lumilikha sa mundo,” ani
Rolando Tolentino, kuwentista at propesor sa Unibersidad ng Pilipinas.
Ayon naman kay Michael Coroza, makata at propesor sa Ateneo at dating patnugot ng
Varsitarian, hindi lamang laban sa imperyalismo ang tulang “Ako ang Daigdig” ni Abadilla
kundi nagpapahiwatig ito ng pagbabalik sa sarili. Tinuligsa ng makata ang mekanikal na
paggamit ng tugma at sukat dahil sa tingin niya, hindi tula kundi prosang nakasilid sa
mahigpit na anyo ng tugma at sukat ang sinusulat ng mga makata,” aniya. Bilang
pagpupugay sa mga naiambag ni Abadilla sa panitikang Filipino at pagkilala na rin sa
kaniyang mga tulang makabago, inilunsad sa kumperensiya ang Kaakuhan, isang audio
album ng mga tula ni Abadilla gayundin ang mga tulang nilikha para sa kaniya.
Noong 1935
-Itinatag ang ” kapisanang Panitikan” na nilahukan ng mga kabataang makata't
manunulat na may dugong malapot at maalab, at diwang mapangarapiin sa larangan ng
panitikan .
-Sa kapisanang ito sumubo ang unang paghihimagsik ni Abadilla laban sa mga
makatang aniya'y di karapat-dapat sa mga papurit pagpaparangal.
Ito ang pahayag ni Abadilla tungkol sa pagtalikod niya sa kombensyonal na uri ng tula:
Totoo man ang kapaniwalaang ang sukat at tugma ay tula ng matatawag. Kadalasan,
at siya namang totoo, ang mga ito ay berso o tugma lamang sa maseselang panlasa. Sa
panulaang tagalog, nakakahihiyang tanggapin, ang sukat at tugma ay siya nang lahat, at
tanging dahilan kundi bakit sa kapamuhayan nito hanggang ngayon ay kapaitang pa rin ang
katotohanang iyan ang siyang nanaig. Dahil sa pahayag na ito, maraming reaksiyon at
implikasyon ang nabuo sa “panghihimagsik” na itinatag ni Abadilla. Isa na rito si Arcellana
na nagpahayag ng ganito:
Ang mga tula ni AGA ay isang panghihimagsik sa panulaang Ingles ni Wiliam Carlos
Williams.Ayon kay Agoncilio, ang pagkakakilala niya kay Abadilla ay ganito:
Mga katangiang tanging kay Abadilla lamang nauukol sa pagkat si Abadilla ang
“tagapaglitas” at “sugo” ng kagandahan ng katotohanan sa nakukubling muka ng buhay. Si
Abadilla'y buhay na kaluluwang lagalag at mapangmimagsik. Isang kritikong di nangiming
humagkis sa mga hindi pa ma'y naniniwala ng mga dakila ng panitikang Pilipino. Ngunit
paano nailarawan ang sarili noong sumandaling siya'y nasa daigdig ng paglikha at
panghihimagsik?
Alin kaya sa mga nalikhang daigdig ni abadilla ang itinuturing niyang puso? Ang maikling
katha sa Wikang Pilipino; Ang Panitikang tagalog sa paningin ni Abadilla; Mga Piling
Sanaysay (1950); Mga Piling katha (1948); Mga Kwentong Ginto(1936); Ang Maikling
Kathang Tagalog(1954); o Ang Maikling Katha (1960)?
Alin naman kaya rito ang itinuturing niyang budhi? Ang Parnasong Tagalog(1949);
Tanagabadilla(1964) o Ang Daigdig at iba pang tula.
Makatiyak din kaya ang sino man na ang kaluluwang tinutukoy niya ay ang Pagkamulat ni
Magdalena(1958); o ang kanyang nobelang “Ulap sa Bundok Buntis” at “ Walang Wakas” .
Alin kaya naman sa mga karangalang natamo ni Abadilla ang pinakatatangi ? Marami. Alin
sa mga iyon, Ang 1966 Republic Cultural Heritage Award na ipinagkaloob kay Abadilla ay
isang pagpapatunay na ang lagalag at mapanghimagsik na makata ay pumanday ng mga
pamantayang panlipunan at pangsiningupang ang daigdig na kanyang nilikha ay magpatuloy
sa walang lumbay na pag-iinog.Halaw sa Ang Daigdig ng Tula , Ang Daigdig ng Makata at
Daigdig ng kaakuhan ni Alejandro G. Abadilla sa “ Ako ang Daigdig at ipa pang tula” ni
Pat. Villasan Villafuerte na nagkamait ng pangalawang gantimpala sa Gawad Surian sa
Sanasay '83.
a. Rebecca Anoñuevo
c. Hornedo Florentino
d. Micheal Caroza
3. Sa lahat ng tulang isinulat ni Abadilla, alin sa mga tulang iyon ang higit na
binigyang pansin?
d. Tanagabadilla
4. Sino ang nagsabi na ang tulang tulang Ako ang Daigdig ni Abadilla ay isang poetic
installation ng mga pangunahing pilosopikal tujngkol sa tao?
b. Hornedo Florentino
c. Micheal Caroza
d. Rebecca Anoñuevo
5. Ano ang tanging sandata’t kapangyarihayang ginamit sa panghihimagsik ni
Abadilla sa kanyang panahon?
c. Galit at poot
d. Wala sa Nabanggit
b. Alejandro G. Abadilla
c. Jose DelaCruz
d. Francisco Balagtas
b. Tanza, Cavite
c. Imus, Cavite
d. Rosario, Cavite
a. Efren Abueg
b. Micheal Caroza
c. Gary Devilles
d. Florentino Hornedo
a. Sa daidig ng makata
b. Sa daigdig ng kaakuhan
c. Sa daigdig ng tula
d. Lahat ng Nabanggit
a. 1935
b. 1931
c. 1936
d. 1930
d. Lahat ng Nabanggit
a. Kapisanang Panitikan
b. Kapisanang Balagtas
d. Kapisanang Pilipino
a. De lmundo
b. Hornedo
c. Devilles
d. Caroza
14. Sino ang nagsabing ang tula sa alin mang wika sa katotohanan ay walang batayan
maliban sa kakayahan ng makata, sa pagpapahayag sa kaniyanag sarili, sa kanyang katauhan
at ng kanyang kaisahan.
a.Lope K. Santos
c. Pagkamulat ni Magdalena
d. Tanagabadilla
Answer Key:
1. C.
2. A
3. A
4. A
5. A
6. B
7. D
8. B
9. D
10. A
11. D
12. B
13. A
14. C
15. A
Mahigit na apat na dekada na ang lumipas pagkamatay ni Alejandro G. Abadilla (AGA ang
maikling pantukoy ko rito sa awtor) noong 26 Agosto 1969. Bukod sa pamilya, kaunti
lamang ang nakiramay, bagamat pinarangalan siya ng “Cultural Heritage Award” noong
1966. Hindi siya “National Artist.” Walang makatawag-pansing libing ang nasaksihan noon.
At bihira lamang, sa pagkaalam ko, ang nagtanghal ng pagdiriwang sa malaking
kontribusyon niya sa ating kultura liban na sa puta-putaking pulong ng mga masugid na
alagad ng makabagong panulaan sa MetroManila.
Sumilang si AGA sa Salinas, Rosario, Cavite noong 10 Marso 1906. Kahuhuli pa lamang
noon kina Heneral Macario Sakay at Col. Lucio de Vega, na siyang nagpatuloy sa
rebolusyon laban sa hukbong Amerikano pagkaraang sumuko si Aguinaldo. Patuloy pa rin
ang gerilyang pakikidigma ng mga kawal ng Republika tulad ni Felipe Salvador (nahuli at
pinarusahan noong 1910), nina Papa Isio sa Negros, at mga pulajanes sa Cebu (Constantino
1975). Pagkatapos ng haiskul sa Cavite City, nagtrabaho si AGA sa isang imprenta sa
Seattle, Washington, USA. Pinamatnugutan niya ang seksiyong Filipino sa magasing
Philippine Digest. Naging editor din siya ng Philippine-American Review at nagtayo ng
Kapisanang Balagtas upang itaguyod ang wikang Tagalog sa mga kababayan roon. Bumalik
si AGA sa Pilipinas, natapos ang BA sa pilosopiya sa Unibersidad ng Santo Tomas, at
naging konsehal sa Salinas, Cavite, hanggang 1934, bago nabuo ang Philippine
Commonwealth. Bukod sa nagsilbing ahente ng Philippine-American Life Insurance, si
AGA ay kumita ng kabuhayan bilang katulong sa pangasiwaan sa iba’t ibang pahayagan at
magasin. Nakalikom siya ng maraming antolohiya ng tula, kuwento, sanaysay, atbp., na
siyang ipinagtawid sa buhay at kalusugan ng asawa’t walong anak.
Nabanggit din sa mga tala na naging gerilya si AGA noong panahon ng pananakop ng
Hapon, at nakaranas siya ng pagmamalupit ng Hapon, kaya siya nabingi. Di kaipala’y bayani
rin ang makata sa panahon ng karahasan, kung saan ang mamamayang tumututol sa poder ng
status quo ay kabilang sa kolektibong lakas ng bansa, bagay na dapat mapaglirip upang hindi
manatili ang maling pasiya na ang indibidwalismo ng makata ay walang kaugnayan sa
kalagayang panlipunan. Sinapantahang iyon ay pansariling udyok o hilig na hindi
maipapaliwanag sa paraan ng agham-panlipunan o agham-pampulitika. Kung hindi, paano
maiintidihan ang programang “sining-para-sa sining” nina Oscar Wilde, Walter Pater at
Theophile Gautier kung hindi ipapasok ang argumento na iyon ay reaksiyon nila sa
utilitaryanismo at moralistikong puritan na laganap sa kapaligiran? Kailangan ang konteksto,
lumulukob na balangkas, at pagkakaugnay-ugnay ng bawat sangkap at bahagi sa
totalidad/larang (“field,” ayon kay Bourdieu [1993]) ng diskursong tinatalakay upang
magkaunawaan at magkapagpalagayan.
Ang maikling karanasan ni AGA sa Amerika noong mga taong 1921-28 ang nagbigay sa
kanya ng kamalayan tungkol sa industriyalisadong lipunan at kalinangang Kanluranin.
Tandaan na ang kolonyang pag-aari ng Estados Unidos noon ay agraryo, mala-piyudal,
laganap ang sinaunang animistikong paniniwala ng mga tribu na hinaluan ng medyibal na
Katolisismong pang-madla. Ang milyung kinagisnan ng binatang AGA ay saklot ng
pananampalatayang bulag, pagsunod sa doktrina ng simbahan, bagamat may hinagap na sa
halaga ng karapatan ng bawat indibidwal salig sa katuwiran at rasyonalidad. Hindi pa
nakapaimbabaw ang mga demokratikong prinsipyong ipinaglaban nina Rizal, Del Pilar,
Bonifacio, Isabelo de los Reyes, at mga kapanalig na manunulat tulad nina Lope K. Santos,
Antonio Abad, Faustino Aguilar, Severino Reyes, atbp.
Laro ng Talambuhay
Sa okasyong ito, nais kong isingit ang ilang gunita upang mabigyan-konteksto ang sosyo-
estetikong diskriminasyong sumusunod. Sa di ko matiyak na aksidente o sugal ng
pagkakataon, nagkatagpo kami ni AGA marahil sa pamamagitan ni Roger Mangahas nang
nagtuturo pa si Roger sa University of the East. Noo’y abala si Roger sa paghahanda ng
antolohiyang Manlilikha at iba pang proyektong pampanitikan. Kababalik ko pa lamang
mula sa pagtatapos sa Harvard University noong Hunyo 1965 at nag-umpisang magturo sa
University of the Philippines, at minsan isang linggo sa Centro Escolar University.
Kontribyutor din ako sa Free Press sa Filipino ni Ben Medina Jr at Graphic Weekly.
Kaya ang mga pook ng aming mga huntahan ay sa Mendiola, Legarda (kasama na sina
Florentino Dauz, Teodosio Lansang, at iba pang kabalikat sa dating Philippine College of
Commerce ni Dr. Nemesio Prudente); sa Espanya, Morayta, Quiapo, Sta Cruz, at mga
restoran sa Soler at Florentino Torres sa Avenida Rizal. Sa puso’t budhi ng mga binatang
alagad ng sining nakakintal ang masalimuot na pakikibakang sosyo-pulitikal ng bansa at
matalas na paghihimay ng mga paraang magagamit upang malutas ang bawat suliranin sa
gitna ng magusot at nag-aapoy na lansangan ng MetroManila.
Nasa sukdulang yugto na ng “Cold War” ang kasaysayang pandaigdig na ginagalawan namin
noon, matapos magtagumpay ang Pulang Hukbo ni Mao Tsetung sa Tsina at ang gerilyang
pangkat nina Fidel Castro at Che Guevara sa Cuba noong 1960. Limang taong pagkatapos
nangyari ang nakaririmarim na masaker ng isang milyong “komunista” sa Indonesia sa
kamay ng diktadurang Suharto at US-CIA. Noong 1966-67 ang pagpupulong ng mga
kaibigang “panitikero” sa Soler, Sta. Cruz, at Quiapo. Matagal na ring nasugpo ang
rebelyong Huk ng rehimeng Magsaysay kakutsaba ang CIA ni Edward Lansdale. At sa dilig
ng alimbukay ng Rebolusyong Pangkultura sa Tsina sumibol at lumago ang nasyonalismong
ipinunla nina Claro Recto at Lorenzo Tanada, na kalauna’y namulaklak sa “First Quarter
Storm” ng 1969-70. Pumapasok na ang napipintong pagbulusok ng imperyalismong U.S. na
sinikap igupo ang masang Biyetnam, na walang humpay namang nagtanggol sa kanilang
soberanya hanggang matamo ang tagumpay noong 1973. Ang modernismong kanluranin ay
naigpawan at nailakip sa bagong bugso ng postmodernismong nagpalabo na sa isyu ng
identidad: kung ano ang pagkukunwari o pagpapanggap sa katunayan at realidad. Sa patlang
ng mga pangyayaring nabanggit sumulpot ang postmodernong salinlahing kinabibilangan ko
at mga kasama.
Malaki ang agwat sa edad namin ni AGA, ngunit ang pook at lugar ng paghinog ng
kamalayan ay iisa. Isinilang ako sa isang ospital sa Oroquieta, Santa Cruz, malapit sa
Karerang San Lazaro (binuwag na’t pinatayuan ng SM at Ayala Condominium) at
Simbahang Espiritu Santo, bago sumiklab ang WW2 nang si AGA ay naglalako ng
insurance. Taga-Montalban Rizal, ang ama ko na naging kalihim ni Senador Eulogio
Rodriguez; at ang ina ko’y may ninuno sa Cavite at Pampanga. Kapwa sila kasama nina
Loreto Paras at iba pang manunulat sa Inggles sa U.P. sa Padre Faura noong mga dekadang
1930-1935. Dahil tubo sa Blumentritt at nag-haiskul sa Jose Abad Santos High School sa
Reina Regente, malapit sa Binondo at San Nicolas, noong 1950-1954, kabisado ko ang
entablado ng dulaang tanghalan ng mga diskusyon at pagpapalitang-kuro ng mga kaibigan at
kakilala ni AGA. Aksidenteng gulong ng kapalaran at naging kaklase ko sa Andres
Bonifacio Elementary School si Cesar Abadilla, anak ni AGA, kaya ng basahin ko ang
Diwang Ginto at Diwang Kayumanggi, hindi na banyaga si AGA sa aking musmos na isip.
Tulad ng “Ang Panday” ni Amado Hernandez, ang “Ako ang Daigdig” ay palaging paksa ng
talakayan ng mga kamag-aral ko’t guro sa haiskul at unibersidad (tulad ni Franz Arcellana,
propesor sa Inggles na unang pumuri kay AGA). Mahiwagang inog o sayaw ng kapalaran!
Sa makipot na sosyedad ng Maynila noon, maaaring kakilala ng mga magulang at kamag-
anak ko si AGA. Kaibigan ng magulang ko si Ignacio Manlapaz, may-ari ng Manlapaz
Publishing Company, na siyang taga-limbag ng mga klasikong akda nina Lope K. Santos,
Julian Cruz Balmaceda, at iba pang awtor. Naging kasama ko noong dekada 50 sina Roger
Mangahas, Mauro Avena at iba pang kontemporaryong manunulat mula sa Arellano, Torres
at Mapa High School. Nakilala ko rin sina Anacleto Dizon, Pedro Ricarte, Mar Tiburcio,
Bienvenido Ramos, at iba pang kasangkot sa Liwayway at mga publikasyong nakasentro sa
downtown ng Sta. Cruz. Sa pakikisalamuha ko sa mga manunulat sa Pilipino sa buong taon
ng 1966-67, bukod kay Ka Amado V. Hernandez at mga kasapi sa KADIPAN (tulad ni
Ponciano Pineda), ang pinakamatinding pakikisangkot ko sa nalalabing henerasyon ng mga
“panitikero”—kabilang na sina Lamberto Antonio, Federico Licsi Espino, Pablo Glorioso,
Teo Baylen at mga kasapi sa iba’t ibang pahayagan at imprenta—ay dumaan sa mga pahina
ng magasin ni AGA, ang Panitikan.
Ang mga akdang natipon ko sa librong Ang Sining ng Tula (Phoenix Press, 1975) ay unang
nailathala sa rebyu ni Abadilla, na mahalagang synergesis noon ng mga luma’t makabagong
pananaw at mapangahas na saloobin sa sining at kalinangang Pilipino. Mabusisi, mapaglaro,
ngunit malikhaing kolaborasyon ang nangyari. Katuwang ako ni AGA sa paglalathala ng
ilang bilang ng rebyu at paglalako ng ilang aklat niya upang maipanustos sa mga
pangangailangang pang-araw-araw.
Paglalakbay ng Kaluluwa
Nagsimula ang “Talaang Bughaw” ni AGA noong 1932, ayon sa ilang tala, panahon ng
mapusok ang debate tungkol sa independensiya nina Quezon, Osmena, Roxas, Sumulong—
kabilang na ang oposisyon nina Benigno Ramos, Crisanto Evangelista, atbp. Noong 1931
pumutok sa Pangasinan ang insureksiyon ni Pedro Calosa at mga kolorum, na susundan ng
rebelyon ng Sakdalista sa Mayo 1935 ng mga pesanteng inaapi sa timog Luzon. Nabuksan
ang utak at damdamin ng mamamayan sa tagisan ng mga ideolohiya at prinsipyong
pampulitika.
Kamakailan, naisusog na ang ideolohiya ng panitik ni AGA ay simple lamang. Ito ang
layunin ng pagbuo sa sarili na siyang pinakamahalaga sa makata. Sa isang panayam noong
Marso 2002, naimungkahi ni Virgilio Almario: “Katumbas ba ng kanyang sarili at
pagsasarili ang damdamin na masugid ibantayog ang sarili laban sa lipunan?” Hindi anti-
sosyal si AGA, lamang ay “naniwala siya sa pagiging payak na walang bahid na
pagkukunwari at pagpapanggap” {Lazaro 2002). Hindi ang tema ng “pagsasarili” o
autonomiya ang dapat pagtuunan ng pansin, kundi bakit namamayani ang pagkukunwari at
pagpapanggap? Tutol si AGA sa ipokrisyang gawi at mapangmatang ugali na namasid niya
sa paglunsad ng Komonwelt ni Quezon at sa lipunan ng Republika noong dekada 50 at 60.
Ngunit saan nagmula ang pagkukunwari? Bakit naging batas ng buhay panlipunan ang
pagpapanggap? Ito ang hindi masagot ng akademikong kritisismong pinatnubayan ng
diktadurang Marcos-E.U at kasalukyang status quo.
Oryentasyong Mapagbago
Palatandaan ng Sintomas
Sa unang paglilitis, ang panitik ni AGA ay singaw ng krisis ng buong lipunan, laluna ng mga
naiipit na gitnang uri. Nakaukit doon ang krisis ng buong bansa. Sa tugon ni AGA kay
Regalado noong Hulyo 8, 1944, sa sanaysay na pinamagatang “Tula: Kaisahan ng Kalamnan
at Kaanyuan,” ang tema ni AGA ay hindi nihilistiko o tahasang pansarili. Wika niya na
tumutugon lamang siya sa “di-pangkaraniwang kalagayan ng panahon,” at ang pagwawasak
niya ng mga lumang kinagawian upang magbuo ng bagong balangkas at sa gayon “makilala
natin ang sarili at mga katangiang katutubo nating mga Pilipino.” Lumalabas na ang “Ako”
ay sumasagisag sa isang kolektibong konsiyensiya at paniniwala, hindi ng isang pribadong
budhing nakabilanggo sa metapisika ng imahinasyon.
Waring ang ako sa tula [‘Awit ng Sarili” ni AGA] ay ang makata mismo na naging kaisa ng
daigdig ng sining at ng tula at maaring kaisa pa rin ng damdaming Pilipino: ang ako na
pinaksa rin sa “Ako ang daigdig”….Sa ibang salita, kung ang damdamin ng makata ay
mahagip ng damdaming Panlipunan—at mangyayari lamang ito kung ang lipunan ay
magkaroon ng isang tunay na damdaming Pilipino—mawawala ang ikaw (the other) at
mananatili na lamang ang ako (self) sa konteksto ng pagsusuring ito. (Sa pilosopiya ni
Sartre, sadyang hindi nawawala ang “the other,” sapagkat ito ang nagbibigay-kahulugan sa
“self” at vice-versa)….Ang predikamentong ito ng Lipunang Pilipino na inilarawan ni
Abadilla ang siyang una-unang dahilan ng pagkakaroon ng mga akdang nagpoprotesta o
rebolusyonaryo at ang alyinasyon ng isang tauhan sa isang katha ay mauunawaan sa
kontekstong ito (1972, 118-119).
Bumalik tayo muli sa paksa ng sining ng panulaan. Sang-ayon ang lahat na ang tugma at
sukat, ang retorika ng mga Balagtasista, ay hindi permanenteng katangian ng tula. Singaw at
bunga iyon ng kondisyong umiiral sa bawat yugto ng kasaysayan. Ang mga iyo’y istorikal at
kontingent na bagay. Sa katunayan, pakli ni AGA, “ang mahalaga ay ang kalamnan,…ang
damdaming matulain—yaong damdaming may hubog, may kulay at may tinig.” Dagdag pa,
ang talagang mahalaga ay ang “daloy na panloob,” ang intwisyon at dalumat ng pagkatao.
Ano iyon? Tila mistipikasyon at kababalaghan ang paliwanag. Iyon ay “ang pagkakaisa at
natural na pagkakasundo ng kulay, tinig at hubog ng damdamin ng makata, sa isang dako, at
ng mga salita bilang sangkap o mabisang sangkap sa pagpapahayag ng kagandahan sa kabila
tungo sa ipapagkakahulugan nito sa damdamin ng mambabasa” (1992, 229). Ibig sabihin:
dapat magkaroon ng kaisahan ang anyo at kalamnan ng tula, isang organikong banghay o
tinaguriang “kongkretong unibersal,” sa terminolohiya nina Coleridge, Hegel at Benedetto
Croce—mga pantas na tumatangkilik sa Platonikong doktrina ng mga Ideya/pormang
transendental. Subalit bakit nagkaroon ng pagkakahiwalay ang wika at ang paksaing
isinasakay sa wika? Bakit naging sagabal o sagwil ang paraan ng pagpapahayag?
Tulad ng mga kaisipan nina Balagtas hanggang kina Regalado, Del Mundo at Almario,
hango ang humanistikong simulating ito sa Kanluran. Sa hiwatig ko, may etika ng
pakikiramay ang ating mga ninuno—sining at gawain ay magkaisa sa komunidad bago
sumipot ang paghahati ng lipunan sa nagsasalungatang uri (Thomson 1947). Ngunit, sa
malas, wala pang nakalagom ng ganitong ethos sa katutubong estetika sa mga epiko ng
Igorot o ibang grupo ng mga Lumad. Kung mayroon man, gagamit iyon ng mga teorya nina
Claude Levi-Strauss at mga dayuhang narratologist at lingguwist. Ang siyentipikong metodo
ng materyalismong istorikal ay magagamit sa ermenyutikong pagpapaliwanag sa galing ng
katutubong sining at kultura.
Subaybayan natin ang kapalaran ng mithiing ito sa hinaharap na mga pag-aaral. Samantala,
imumungkahi ko na hindi maisasakatuparan ito hanggang hindi napapalitan o nababago ang
umiiral na kapaligiran sanhi sa alyinasyon at dehumanisasyon. Walang maaaring magkamit
ng personal na katubusan ang sinuman kung walang kalayaan at demokratikong
pagkakapantay-pantay sa buong lipunang kinabibilangan niya. Ito ay mahigpit na batas ng
pangangailangan na siya ring landas tungo sa ganap na kalayaan at paglinang sa nasugpong
potensiyal na humanidad ng bawat nilalang.
Binalewala ni Del Mundo ang tema ng “kahalinturang pansinukob” (1992, 237) na sa tingin
niya ay buod ng “maputlang larawang-diwa sa berso ng isang namimilosopiya.” Lantad na
naghahanap si Del Mundo ng mga katangian—mala-Bathalang mga damdamin, atbp.–na
ipinagpasiya niyang kinakailangang salik ng tula. Tulad ng ibang mga kritikong nabanggit,
hindi binigyan ng kontekstong pangkultura o panlipunan ang tula, bilang isang partikular na
artikulasyon lamang sa mayama’t masaklaw na arkibo ng panulat ni AGA. Romantiko rin si
Del Mundo, subalit nanaig ang prehuwisyo na ang timbre ng titik at himig ng taludturan ni
AGA ay hindi kumikilala sa huwarang itinakda ng tradisyon.
Sumunod naman si Pedro Ricarte sa pormalistiko’t suhetibong kuro-kuro. Tinuligsa niya ang
hinihingi ni Del Mundo na tumpak na reaksiyon ng mambabasa sa mala-Bathalang
personalidad ng makata. Ngunit ang bigat ng kaigtingan ng mga parirala at tayutay ay
nagbubunsod lamang na husgahan ang tula bilang isang romantikong paglalahad. Tama si
Ricarte na hindi rebelde si AGA sa porma—nagsimula na noon pa sina Benigno Ramos, Jose
Garcia Villa at iba pang manunulat sa Inggles—ngunit baluktot na argumento ang gawing
“tagapaghayag ng paniwala at damdamin at karanasan” ng sambayanan si AGA. Ano ang
katibayan noon? Sa pangakalahatan, ang petiburgesyang hinagpis ni AGA ay bahagi ng
protestang daing ng sambayanan; sa aktwalidad, iyon ay sintomas ng alyenasyon ng isang
pangkat na naipit at nagipit sa puwang ng naghaharing komprador-burokrata-kapitalista at
nilulupig na masang yumayari at gumagawa.
Ang krisis ng bayan noong panahon ng Liberasyon at pakikibaka ng Huk ay saksi sa laganap
na gutom, pandarambong ng may-lupa, at pagmamalabis ng pamahalaang alipin ng US
monopolyo kapital. Nawala sa malay ng kritiko ang komplikadong tagisan ng mga lakas sa
lipunan. Nawala rin ang masalimuot na problema hinggil sa katungkulan o papel na
ginagampanan ng sining o kultura bilang ideolohiya ng kolonyalismo. Sa wakas, natulak si
Ricarte na walang rasong ipataw ang primitibismo (suryalismo, hindi primitibismo) ni
Rimbaud kay AGA, na hindi naman sumubok sa droga o nagpuslit ng mga nakaw na sandata
sa iba’t ibang lupalop ng daigdig. Ang ganitong eklektikong panunuri ay nakaliligaw,
laluna’t babanggitin pa ang mistikal na “collective unconscious” ni Carl Jung na siyang
huwad na kalutasan sa malubhang alitan ng mga kaluluwa (1970, 349). Pasismo at
diktadurya ng militar at oligarko ang labas nito.
Dahil dito, pinuna ni Almario ang “kaisiping sungyaw” (2006, 300). “Reperensiyang
Kanluranin” ang masamang dapat iwasan, utos ni Almario, Nabunyag ang ironya at siste ng
iskolastikong panunuri: ang pamantayan ni Almario, taliwas sa kanyang intensiyon, ay
pormalistikong paghimay sa imahen, retorika, bilang ng pantig, atbp. Isang kontradiksiyon sa
tangka ni AGA. Upang maging hindi tigang at lubhang makitid ang talaan ng kanyang karera
sa sining, dinagdagan ng kaunting paunlak sa ilang siniping alusyon sa kasaysayan;
halimbawa, ang pagbitiw ni AGA sa Liwayway nang magkabanggan sila ng editor na si Jose
Esperanza Cruz. Konklusyon ni Almario sa orihinalidad ni AGA: “…ginamit lamang ni
AGA ang wika ng himagsik laban sa mga Balagtasistang tagapagmana ng alaala ng
Himagsikang 1896” (2006, 314). Ngunit deklarasyong walang pagpapatibay ito, tangka o
intensiyon lamang, babala ng maaaring gawin ngunit hindi pa aktwalidad. Natalakay ko na
ito sa itaas at sa ibang pagkakataon (San Juan 2000,2006).
Sa kabilang dako, bukod sa pansin ni Queano, dapat mabanggit ang puri ni Jose Villa
Panganiban kay AGA, isang “makatang nakasaklang sa tula—sa tulang masuri, malaman,
mapanudyo…sa ibabaw ng lahat ay tapat-na-loob at maka-katotohanan” (1965). Maingat at
masaklaw na perspektiba ang nailahad ni Efren Abueg sa kanyang introduksiyon sa ikatlong
edisyon ng Parnasang Tagalog 1973) ni AGA na kanyang pinamatnugutan. Idiniin ni Abueg
na ang paghihimagsik ni AGA laban sa romantisismong hango sa pilosopiya ni Rousseau ay
hindi lamang pagtakwil sa eskapistang paksa at mapagdiktang porma ng panulaan nina Lope
K. Santos, Florentino Collantes, atbp. (Batay sa bagong pannanaliksik, hindi na
maisasangkot sina Jose Corazon de Jesus at Amado V. Hernandez sa ganitong paglalagom.)
Salungat sa nasiping puna ni del Mundo, iminungkahi ni Abueg na “hindi ang sentimental na
pagpukaw sa damdamin ang layunin ni Abadilla kundi ang pagdidili-diling hubad sa
emosyon at pangangaral” (1973, 35).
Bagamat tinuligsa ni AGA ang “demo-kapitalismong buhay,” dagdag ni Abueg, hindi rin
maigpawan ni AGA ang indibidwalismo nina Rousseau at D.H. Lawrence. Ngunit sa palagay
ko, ang kabaguhan sa nilalaman, hugis, pananalita ay hindi inangkat mula sa Amerika kundi
reaksiyon ito ng petiburgesyang uri sa kolonisadong sitwasyon. Ang uring intelihensiya sa
Pilipinas ay naipit at nagipit sa pagitan ng oligarkong may-lupa’t burokratang pangkat na
minamaniobra ng gobyernong Amerikano at ng pesante’t manggagawamg uri na noo’y unti-
uniting bumabangon muli sa pagkagulapay ng kilusang mapagpalaya sa pagkalipol sa mga
Sakdalista noong dekada 30 at pagkatalo ng Huk noong dekada 50 at 60. Kaya dalawahin
ang tendensiya ng sining ni AGA: kalangkap ng mapanlabang paghihimagsik ang pag-atras
at pagsuko sa pangungulilang tumatalikod sa karahasan at kapangitan ng mundo.
Ang indibidwalistikong ilusyon ng makatang hiwalay sa nakararaming masang nilulupig ay
bunga mismo ng burgesyang kaisipan at gawi sa pamumuhay. Sa pagsusuri ni Christopher
Caudwell as kanyang Illusion and Reality (1937), ang ugat ng nominalistikong modernismo
ay nasa paniniwala na ang esensiya o kaibuturang buti ng isang tao ay wala sa lipunan kundi
nasa kanyang kaluluwa, sensibilidad, o budhi. Hindi batid ng makata na ang birtud ng sining
niya ay nagmumula sa lipunan, gaano man kabulok o kagulo ito; ang wika, talinghaga,
retorika, sagisag o haraya, ay bukal sa daigdig ng lipunan—yaong mga tendensiya, lubog na
pangyayari, prosesong humihingi ng pag-unlad at paglago, na katambal ng kamalayan at
praxis sa bawat karanasan ng tao sa mundo. Hindi nasakyan ni AGA ang diyalektika ng
laman at kaluluwa.
Ilang huling panukala. Bukod sa istorikal na pagkilatis sa sining ni AGA, kailangang gamitin
ang prinsipyong diyalektikal na naimungkahi nina Georg Lukacs, Ernst Bloch at Bertolt
Brecht (1996). Naipahiwatig na ito sa pag-aaral na nabanggit dito. Umaapaw sa sapin-saping
kontradiksiyon ang katayuan ng makata sa kapitalistang orden, laluna sa kolonyang teritoryo
tulad ng Pilipinas. Pinapatnubayan ang lahat ng kaabalahan (pribado man o pampubliko) ng
dualistikong metapisika at mekanikal na pag-iisip ayon sa makitid na pragmatikong pang-
industriyal. Watak-watak ang damdamin, isip, gawa, hangarin at mithiin. Anarkismo ng
pamilihian o palengke ang naghahari, kanya-kanya, digmaan ng mga uri at dinamikong
sektor ng lipunan. Komodipikasyon at reipikasyon ng lahat ang namamayani na nagtungo sa
pagbulusok ng Wall Street noong 2008 at ang pagsilakbo ng kilusang “Occupy Wall Street”
na siyang tugon sa “Global War of Terrorism” ng imperyalismo ng U.S., Hapon at Europa.
Imbentoryo at Prospektus
Bukas ako sa anumang mungkahi at pagwawasto mula sa mga kapanalig. Ulirang paghawan
ng landas ang mga komentaryo nina Abueg at Ricarte. Pinapanagimpan pa ang darating na
henerasyon na may kakayahang lumikha ng isang malalim, masaklaw at makabuluhang
pagsipat sa buong korpus ng panulat ni AGA. Limot na si Del Mundo, ngunit tila humantong
naman sa pagsamba sa isang idolo ang ilang pag-aaral tulad ng kay Pat Villafuerte: ang mga
tula ni AGA ay “kawing-kawing na mga perlas ng kaisipan at karanasang tinuhog ng
makalupa at maka-Bathalang damdamin” (1984, 200). Sandali lamang, pwede bang maging
makabago tayo tulad ni AGA (o ng kanyang awtentikong pagkatao) at huwag suubin ang tila
tradisyonal na sining ng dating suwail, ang mapangahas na makatang lumabag sa batas?
Kabalintunaan ang ihalal na ikon o idolo si AGA, tulad ng balighong pagsamba ng mga
Rizalista sa bayani. Walang mabuting parangal kay AGA kundi ang pagtutol sa ganitong
kahangalan.
Nabanggit ko rin kay AGA noong magkasama kami ang mga aral at proposisyon ni Georg
Lukacs (1986), progresibong pilosopo sa Ungria. Payo ni Lukacs na laging isaisip ang
totalidad, ang diyalektikong paglalangkap ng laman at porma upang itakwil ang
impresyonistikong paniwala na ang sining ay tinig lamang ng isang personalidad o kaluluwa,
sapagkat ang wika—ang mga tanda o senyal na bumubuo nito—ay semiotikang paglikha ng
kahulugang unibersal sapagkat iyon ay tumutukoy sa mga prinsipyo o batas na
nagpapagalaw sa mga partikular na bagay, tao o pangyayari. Ang tipikal na paglalarawan ng
tauhan o pangyayari ang layunin ng manunulat. Ang katotohanan ay bunga ng semiotikong
proseso ng senyas o tanda (sign), referent o kalagayang pumapaligid, at interpretant
(konsepto o kahulugan sa kamalayan), ayon sa teorya ni Charles Sanders Peirce (San Juan
2010). Kaya ang diyalektikong katunayan ng porma sa sining ay laging kaugnay ng galaw at
pagsulong ng buhay ng tao sa lipunan. Kaya hindi maibubukod ang dinamikong repleksyon
ng buhay sa sining mula sa pagpili ng panig, ng pagpapahalaga o etikal na pagpapasiya.
Magkasiping ang etika at estetika sa pulitikang paghubog ng kagandahan, natatanging matris
ng kalayaan at sandigan ng kaligayahan.
Sumusungaw sa gunita ngayon ang larawan ni AGA (circa 1966) sa isang restawran sa
Avenida Rizal, malapit sa Carriedo. Nagbibili, pinagbibili. May listahan ang mapaglarong
utak ng awtor, binabalasa ang kanyang mga pautang sa gunita na dinadaliri habang
humihigop ng kape. Samantala, isang sipi ng bagong isyu ng Panitikan ang nasa harap ko.
Bilang, salita, titik, tasa ng kape, plato ng pansit, anghot, usok ng sigarilyo sa bawat panig,
kalansing ng salapi sa cash register sa likuran, kindat ng makiring waytres, busina ng diyip at
sigawan sa kalsada–ito ang literary salon o arena ng pakikibaka ni AGA, ang bukas at
tambad na talyer o laboratoryo ng tula, ng pagninilay at ng pagpapaimbulog ng guniguni.
Dito rin hinihimas ang buntis na pusod ng kritiko at manlilikha, pinipilit mapagtalik ang
katawan at kaluluwa, ang loob at labas, upang makabuo ng kahulugan at katuturan para sa
kapwa nilalang.
Ang maikli ngunit maigting na kolaborasyon namin ni AGA, na hindi laging mahinahon at
palaging matiwasay at maluwalhati, ay mahuhugutan ng ilang himatong na habilin. Una, ang
petiburgesyang alagad ng sining ay maaaring maging malikhaing katulong sa nagkakaisang-
prente ng kilusan para sa pambansang demokrasya, at dapat silang igalang at pahalagahan
gaano man limitado ang kanilang kakayahan o kaalaman. Pangalawa, ang suliranin ng sining
ay suliranin ng mga nagtutunggaliang ideolohiya (praxis at institusyon) sa lipunan. Kung
nais baguhin ang takbo nito, dapat baguhin ang kondisyon o situwasyong sanhi nito.
Maipapataw ang aksiyomang ito hinggil sa usapin ng relihiyon. Pangatlo, umiwas sa
pagtingin sa problema ng sining o ng lipunan bilang personal o pribadong usapan.
MGA SANGGUNIAN
Zimmerman, Robert L. 1970. “Levi-Strauss and the Primitive.” Nasa sa Claude Levi-Strauss:
The Anthropologist as Hero, pinamatnugutan nina E. Nelson Hayes at Tanya Hayes.
Cambridge, MA: MIT Press.
Alejandro G. Abadilla
(10 Marso 1906–26 Agosto 1969)
Filipino poet; known as the “Father of Modern Tagalog Poetry”