You are on page 1of 1

Maikling Talambuhay ni Macario G.

Pineda
1912 – 1950

Si Macario Pineda ay ipinanganak sa Malolos, Bulakan, noong ika-


10 ng Abril, 1912. Siya’y nagtapos sa Bulakan High School. Naging
tagaingat-yaman ng Pandi, Bulakan. Katulad ng buhay-nayong lagi
niyang inilala-rawan, ang buhay ni Pineda ay hindi makulay na katulad
ng buhay ng mga manunulat na nahirating umuwi ng hatinggabi at
magpalipas ng mga sandali sa mga kapihan.

Ipinagmamalaki ng nasirang Salvador R. Barros na siya ang


nakatuklas kay Pineda nang ipadala nito sa panlinggo ng Mabuhay ang
kuwentong “Walang Maliw and mga Bituin.” Buhat noon, Si Macario
Pineda ay nakilala ng tanang mangunguwento hindi lamang dahil sa
kanyang kanais-nais na mga akda kundi dahil sa madali siyang
makilala at makita: siya kung nakatungo, ay may anim na talampakan
ang taas. Ayon kay Gunigundo, nang minsang naglalakad siya sa
sabana ng Bulakan ay nakakita siya ng kapre, nguni’t nang sipating
mabuti ay si MP pala! Si MP ay mabuting kaibigan, at karaniwan ng
maririnig sa kanya ang mga salitang pabulalas na “Ang damuho!”

Ilan sa kanyang mga kilalang akda ang mga sumusunod:

“Suyuan sa Tubigan,” [Liwayway, Nobyembre 27, 1943],


nagkamit ng Unang gantimpala sa Carlos Palanca
Memorial Awards
“Ang Langit ni Ka Martin”
“Kasalan sa Malaking Bahay”
“Sinag sa Dakong Silangan,” [Liwayway, Agosto 28, 1943]
“Ang Ginto sa Makiling”
“Talambuhay sa Aming Nayon”
“Ang Siste Nito”
“Boda de Plata.”

Namatay siya noong ika-2 ng Agosto, 1950.

You might also like