Professional Documents
Culture Documents
PANAHONG 1950’s-
1960’s
Ano ang Panitikan?
PANITIKAN
galing sa unlaping PANG- (na nagiging PAN-
kapag ang kasunod na ugat ay nagsisimula sa
d, l, r, s, t ); sa ugat ng TITIK (letra) na
nawawalan ng simulang T sa pagkakasunod sa
PAN-; at sa hulaping –AN, samakatwid: pang*
titik* an. Ang salitang ito ay panumbas ng
Tagalog sa “literature” na kapwa batay sa
ugat na Lating “literatura” o “literature” na
kapwa batay sa ugat na Lating “litera” na ang
kahuluga’y “letra” o “titik”.
Ayon kay Hon. Azarias sa kanyang
aklat na “Pilosopia ng Literatura”,
ang panitikan ay pagpapahayag
ng mga damdamin ng tao hinggil
sa mga bagay-bagay sa daigdig,
sa pamumuhay, sa lipunan at
pamahalaan, at sa kaugnayan ng
kaluluwa sa Bathalang lumikha.
ANYO NG PANITIKAN
Tuluyan o prosa
- maluwag na pagsasama-sama ng
mga salita sa katutubong takbo ng
pangungusap.
Patula
- pagbubuo ng pahayag sa
pamamagitan ng salitang binilang sa
pantig (6,8,12,16 o 18 na taludtod) na
pinapatugma-tugma sa mga dulo ng mga
taludtod sa loob ng isang estropa (stanza).
PANITIKAN SA PANAHON NG BAGONG KALAYAAN
KAPALIGIRANG PANGKASAYSAYAN
pagkatapos ng bumagsak ang kapangyarihan
ng Hapones sa Asya at natupad ni MacArthur
ang kanyang pangakong siya’y babalik sa
Pilipinas ay sumigla agad ang panitikang Pilipino.
Maraming sabik na sabik sa pagsulat maging sa
Tagalog at sa Ingles.
Nagkaroon ng mga pagganyak at pang-akit sa
mga manunulat na magsisulat.
Palanca Memorial Award in
Pilipino and English Literature
Gawad in Balagtas Award
Republic Cultural Award
Taunang Gawad ng Surian ng
Wikang Pambansa o Talaang
Ginto
Lumaganap ang mga lingguhang
babasahin gaya ng Liwayway,
Bulaklak, Ilang-Ilang, Sinagtala,
Malaya, Kayumanggi at Tagumpay
na siyang pinagkunan ng pinilakang
tabing ng mga nobela at dula nilang
isinapelikula.
MGA PAGBABAGO AT SALOOBIN
Sa mga pamantasan ay nadagdagan
ng mga kurso sa pagsulat ng tula,
Kuwento at Sanaysay sa Ingles at Filipino.
Nagkaroon din sila ng palihan at
sanayan dito. Kaya’t marami sa mga
mag-aaral na may hilig sa ninig ng
pagsulat ay nahasang mabuti at marami
sa kanila ang nagtagumpay sa
pagwawagi sa Palanca Award.
Dahil sa mga pagbabagong ito, ang mga mambabasa
naman ay nahati sa dalawang uri, ang mga tinatawag
na intelektuwal na mambabasa at ang mga
karaniwang mambabasa o ang masa.
INTELEKTWAL NA MAMBABASA
karaniwan ay mga akdang Ingles ang mga binabasa.
Nagbabasa upang maadagdagan ang kaalaman.
KARANIWANG MAMBABASA o Ang MASA
ang mga babasahin sa Filipino ang mga binabasa.
Nagbabasa upang maglibang.
SAMAHANG PAMPANITIKAN
Kabilang dito ang TANIW (Taliba ng Inang Wika),
KADIPAN ( Kapisanan ng Diwa at Panitik), PANITIK ng
mga KABABAIHANG MANUNULAT.
SAMAHANG BALAGTAS
KAMPI (Kapisanan ng mga Mandudulang Pilipino) at
PANITIKAN.
SAMAHANG PAMPANITIKAN SA INGLES
Philippine Writer’s Association, The Barangay Writer’s
Guild Dramatic Philippines, Arena Theater at PETA
(Philippine Educational Theater Association).
ANG PANITIKANG TAGALOG
SIMULA NOONG 1950
ang pansin ng mga manunulat
na Tagalog ay nalipat sa mga
pagsusulat ng mga aklat
pampaaralan sa Filipino.
Nagsulat sila ng mga aklat
pambalarila at pampanitikan.
Sa mga sinulat nila ay kasama ang mga
tula, sanaysay at maikling kuwento.
Marami sa kanila ang muling
nagpalimbag ng mga katipunan ng
mga tulang “ Salamisim”, 1955 ni Cirio
Panganiban, “Talaang Ginto” 1958 ni
Jose Corazon De Jesus, ang klasikong
nobelang “Banaag at Sikat” ni Lope K.
Santos at “ Nena at Neneng” ni
Valeriano Hernandez Peña.
ALEJANDRO G. ABADILLA
Ipinalimbag niya ang “Parnasong Tagalog” noong 1949.
Parnasang Tagalog ang katipunan ng mga piling tula
mula kay “Huseng Sisiw at Balagtas” hanggang sa
kanyang kapanahunan.
Noon namang1955 ay ipinalimbag niya ang katipunan
ng kanyang mga tulang may pamagat na “Ako ang
Daigdig”.
Dahil sa kagandahan ng mga tula niya’y
pinagkalooban siya ng Surian ng Wikang Pambansa ng
Diploma ng Karangalan bilang Pangunahing Makata ng
taong 1957.
JOSE VILLA PANGANIBAN
Noong 1960 ay ipinalimbag niya ang kanyang 70
tulang pinamagatang “ Mga Butil ng Perlas”.
Inihandog niya ito sa kanyang maybahay na si
Gng. Consuelo Torres Panganiban, alang-alang
sa pagsapit ng kanilang ika-25 taong anibersaryo
ng pag-iisang dibdib.
Sinulat din niya ang 101 Tanong at Sagot na
pang-wika.
Tinaguriang Makata ng taong 1957.
Sinulat din niya ang 101 Tanong at
Sagot na pang-wika.
Tinaguriang Makata ng taong 1957.
Sumulat din ng makabagong tulang
walang sukat at tugma, ang Tanaga at
Pantun noong 1963.
AMADO V. HERNANDEZ
siya ang humalili kay Jose Corazon De Jesus bilang
pangunahing makata sa Tagalog.
Nagkamit ng “Republic Cultural Award” noong 1962 sa
katipunan ng kanyang mga tulang may pamagat na “Isang
Dipang Langit”.
Siya’y napiit sapagka’t napagbintangang isang kumunista dahil
sa pagtatanggol niya sa mga dukkha at mangga-gawa.
Ang kanyang mga tula at mga dula ay nagtatanggol sa
katarungang panlipunan.
Pagkatapos ng walong taong pagkakapiit ay nakalaya na rin
siya ngunit makalipas ang ilang taon siya’y binawian ng buhay.
Noong 1957 ay lumabas ang katipunan ng
20 maikling katha ng mga pangunahing
manunulat na tinipon nina Alejandro
Abadillo at Ponciano B.P Pineda.
ito’y inilathla ng Panitikan ng Wika.
Ang mga kuwentong ito’y naiiba sa mga
unang kuwentong nasulat noong panahon
ng Amerikano.
Ang mga paksa at istilo ng pagkasulat ay
makabago.
MGA IBA PANG MAKATA
MANUEL CAR SANTIAGO
Nagtipon din ng kanyang mga
tulang may pamagat na “ Buhay at
Iba pang Tula” na nalathala noong
1959.
BENIGNO RAMOS
Isang lider sosyalistang kilala sa panulat na “Ben
Ruben”.
Sumulat ng mga sumusunod na tula:
Ano Pa
Ang Bahay ng Diyos
Bayani
Ang ating Pag-ibig
Ang kayumanggi
Katas Diwa
TEODORO GENER
Isang makata at guro.
Ang kanyang mga akda ay:
Ang Sining ng Tula (1958)
Pag-ibig
Guro
Subo ng Sinaing
Ang Masamang Damo
Kudlit at Tatas ng Wikang Pilipino
ANCETO SILVESTRE
Makatang makaluma.
Ang kanyang tulang “Filipinas” ay nanalo ng unang
gantimpala sa paligsahang ibinunsod ng Surian ng Wikang
Pambansa noong 1946.
Noong 1968 ay ang katipunan ng kanyang mga tulang “May
Luha ang Tula at Iba pa” ay kilalang Makata at
mambabalagtas.
Kinilala siyang Pambansang Makata ng maipanalo niya ang 2
niyang tulang “ Ako’y Lahing Kayumanggi” at “ Mutya ng
Silangan” na nagkamit ng una at pangalawang gantimpala
noong 1946 na ibinunsod ng Surian ng Wikang Pambansa.
TEO BAYLEN
Tinipon ang kanyang mga tulang
nasulat sa loob ng 30 taon at
pinamagatang “Tinig ng Darating”.
Ito’y pinagkalooban ng Republic
Cultural Award noong 1963.
MGA MAKATANG NAGHIMAGSIK SA MAKALUMANG
PANULAT
Sa pamumuno ni Alejandro Abadilla, ang mga batang
manunulat ay nangaghimagsik sa mga tuntunin ng
tulang makaluma. Sa paniniwalang ang tula ay hindi
nararapat mabalot ng mga tuntunin, ang mga batang
manunulat ay nangagsisulat ng malaya at pinarisan ang
sistema ng pagsulat ng mga Hapones at ng mga iba
pang mga makabago at makapangyarihang bansa
gaya ng Amerika.
Kasama samga makabagong makata ay sina
Gonzalo Flores, Corazon Arceo, Manuel Principe-
Bautista, Ruben Vega, Hernando Ocampo, Manuel
Car Santiago at Hilario Coronel.
SUSANA de GUZMAN
Sumulat ng mga sumusunod: “Ulilang Bituin”, “Kalapating Puti”,
“Probinsiyana”, “Krisalis”, “ Sino ang May Sala”, “Ang Sumpaan
Natin”, at “Dahlia”.
Marami sa kanyang mga nobela’y pinalabas sa pelikula.
NARCISO H. ASISTIO
Sumulat ng mga nobelang “Nagising Sa Sarap”, “Elisa”, “Dahil
Lamang Sa Iyo”, “Patawad”, “Limutin Mo na Ako”, “Sa Laot ng
Buhay”, “Lumigaya Ka Lamang”, at “Bukang Liwayway”.
ANTONIO H. SEMPIO
Isa ring magaling na nobelista.
Karamihan sa kanyang mga nobela ay isinapelikula.
Ang mga ito ay: “Rosa Birhen”, “Pusong Lumuluha”, “Pangarap
Lamang”, “Ilaw at Panitik”, “Dalagang Bukid”, “Ang mga Ulila”,
“Magandang Loleng”, “Ave Maria”, “Celia Macaraig”, “Ama
Maria”, “Anak Dalita”, “Luha ng Dalaga”, “Dasalang Perlas”,
“Ang Punyal na Ginto”, at “Luha at Luwalhati”.
ANG MGA DULANG TAGALOG
Severino Reyes - sa kanya nagsimula ang makabagong
dualang Tagalog.
- Tinaguriang Ama ng Dulang Tagalog.
Sa pagdating ng pinilakang tabing ay unti—unti nang nawala
ang mga Moro-Moro at Zarzuela.
Natira na lamang ang mga dulang maiikling pang-intermisyon
sa mga sine.
Ang mga mahihilig sa dula at sa pagsulat nito’y nangagtatag
ng mga samahang pandulaan – Ang Dramatic Philippines.
Nagtanghal ito ng mga dulang Ingles at Tagalog ngunit
karamihan ng mga Ingles ay isinalin sa Tagalog gaya ng
“Macheth” at “Cyrrano de Bergerac”.
Ang Dramatic Philippines ay nagpalabas ng “Kuwentong
Kutsero” at “Tatluhan sa Escolta”, gayon din ang “Martir sa
Golgota” na pinalalabas nila taun-taon hanggang 1960.
Binuhay na muli ang pagpapalabas ng mga sarsuwelang
“Dalagang Bukid”, “Sundalong Mantika”, at “Ang Masayang
Dalaga”.
Lumusog ang mga samahang pandulaan sa Filipino sa iba’t
ibang kolehiyo at pamantasan gaya ng:
U.P. Mobile Theater, na nagpalabas ng mga dual ni Wifrido
Ma. Guerrero na isinalin sa Pilipino.
U.P. Tambuli Playhouse na nagtanghal na “Pamana”
Arena Theater ng P.N.C. na nagtanghal din ng mga dulang
Tagalog sa pamumuno ni Severino Montano.
Kumulang humigit na labing-anim ang mga manunulat
ng dulang nagsipagkamit ng gantimpalang Palanca sa
mga dulang iisahing yugto. Ang nga tumanggap ng
gantimpal ay sina:
Amado V. Hernandez
Fernando Samonte
Clodualdo del Mundo
Dionisio Salazar
Purita Sicam
Fedel Sicam
Ruben Vega
Rolando Bartolome
Lazaro Bunag Jr.
G. de Vera
Benjamin Pascual
Pedro S. Dandan
Buenaventura Median Jr.
Gregorio R. Florencio
Mar Puatu
Ang mga laging nagpapanalo ay sina:
Dioniso Salazar na ipinanalo sa unang patimpalak ang kanyang
mga dulang “Juli 4, 1944”, “Sinag sa Karimlan”, 1964,
“Makapaghihintay ang Amerika” , 1968 at “Bukang Liwayway at Iba
Pang mga Dula”, 1969.
Sina Purita at Fidel Sicam ay magkatulong na sinulat ang dulang
“Pitong Taon”.
Si Rolando Bartolome, “Kamatayan ng mga Simulain”.
Gregorio A. Moral, Jr. “May Iba Pang Daigdig” at “Nakalipad ang
Ibon”.
Benjamin Pascual, “Huling Kahilingan”
Amado V. Hernandez, “Muntinglupa”, “Magkabilang Mukha ng
Isang Bagol”, (Mga Unang Gantimpala), “Hagdan sa Bahaghari”, at
“Ang mga Kagalang-galang” (Mga Pangalawang Gantimpala).
PANITIKANG FILIPINO SA INGLES
PANULAAN SA INGLES
Simula nang ituro ang Ingles sa mga Pilipino ay kasama na ring
itinuro ang mga yaman ng Pmpanitikang Ingles.
Ang mga Pilipino’y madaling natuto ng kayamanang ito.
Sa loob lamng ng may 20 taon ay may tatlong daan nang mga
makatang Pilipino sa Ingles
May dalawang kadahilanan ang mabilis na pag-unald ng
Pnitikang Filipino sa Ingles.
Una, ay ang pagkakaroon ng bagong sisrema ng
Edukasyon sa buong bansa
Ikalawa, ay ang pagkakalis ng lupon ng sensura na siyang
pumigil sa kalayaan sa pagsulat noong panahon ng Kastila.
Ang mga unang makatang
Filipino sa Ingles ay sina:
Fernando M. Nicasio Espinosa
Maramag
Celedenio P. Gloria
Luis Serrano
Natividad Marquez
Bernardo P. Gracia
Procopio Solidum
Juan Salazar
Ceferino Montejo
Lorenzo Paredes
Luis Dato
Francisco M. Africa
Leopoldo Uichangco
Mario Mendez
M. de Gracia
Maximo M. Kalaw Concepcion, atb.
MGA BAGONG MAKATA
Ang mga bagong makata sa Ingles pagkatapos ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig ay nagkaroon ng maraming karanasan noong panahon ng
digmaan.
Kaya’t ang kanilang mga paksa sa tula ay iba’t iba, ang kanilang istilo ay
makatotohanan at buhay na buhay.
NICK JOAQUIN
Ipinalalagay na siyang Higante sa Panulat.
Ang wika ng kanyang panulat ay malinaw, masining, at malambing.
Ang kanyang aklat ng mga tula at kuwento na may pamagat na “Prose and
Poems” (1952) ay nagtataglay ng labing siyam na tula na nagsisimula sa tulang
“The Innocence of Solomon” at nagtatapos sa tulang “Landscape Without
Figures”.
Ang mahahaba niyang tula ay “The 14 Stations of the Cross”, “Jose Rizal’s
Validictory Poem” at “Stabbs Road Cantos”.
DOMINADOR I. ILIO
Hindi lamang isang makata kundi siya’y isa ring guro sa
Pamantasan ng Pilipinas.
Marami siyang nasulat na tula at ang kanyang tula ay
malayang taludturan.
Ang kanyang kalipunan ng mga tula ay ang “Diplomat
and Other Poems” (1955). Ang mga iba pa niyang tula ay
“Six Filipino Poets” at “Heart of the Islands”.
Ang pinakamahaba niyang tula ay “Evening Star”. Ito ay
isang elehiya para sa naging Pangulong Manuel A.
Roxas. Ito ang pinakamahusay na elehiyang nasulat ng
isang Filipino.
Pagkatapos ng tatlong taon ay lumabas naman ang
kanyang maiikling kuwentong may pamagat na “White
Wall”.
Ang magaganda niyang mga tula’y “Dusk”, “Dawn”,
“Flower by the Estero”, “Night on the Estero” at
“Evensong”.
RICARDO DEMETILLO
Isa sa pinakamahusay na makata pagkatapos ng
digmaan.
Kinilala siyang pambihirang makata noong siya nag-
aaral sa U.P. at sa Pamantasan ng Siliman.
NINA ESTRADA
Makata ng Pag-ibig.
Noong 1959 ay ipinalimbag niya ang kanyang limampu at anim
na Soneto – sa pamagat na “Heart of Clay”.
Ang ilan sa magagandang soneto’y “Make Me the Liquid by Your
Vase Contained”, “ My Heart Beats in Remembered Harmonies”,
“But How Can Pride Exit Between Us, Love”, at “Who Speaks of
Death When Life is in the Offspring”.
CARLOS H. ANGELES
Nagkamit ng Republic Cultural Heritage Award noong 1964 sa
tulang “A Star of Jewels”.
Ang kanyang mga tula ay nakasama sa aklat ng mga tula nina
Manuel Viray na “Heart of the Islands” at sa “A Doveglion” ni Jose
Garcia Villa.
Siya’y nakasama sa Anim na Magagaling na Makatang
Filipino na sinulat ni Leonard Gasper.
EMMANUEL TORRES
Hindi lamang isang propesor sa Ateneo de Manila
University kundi siya’y isang makata at kritiko.
Ang kanyang pangalan ay madalas lumitaw sa mga
magasin ng mga tula nitong bansag dahilan sa mga
pambihirang katangian.
Isa siya sa napili sa Sampung mga Tanging Kabataang
Filipino(Ten Outstanding Youngmen) noong 1964.
Ilan sa mga mahuhusay niyang tula ang “The Heart is in
Bethlehem Tonight”, “Carabaos in Blue and Green”, “The Scholar
in Summer Time” at “Angels and Fugitive”.
Sinulat niya ang “13 Kalisud” (1955), “Sickle Season” (1959), “Poro
Point” (1962).
BIENVENIDO SANTOS
Kinilala sa kanyang aklat ng mga tulang “The Wounded Stag” na
nalimbag noong 1956.
Ang aklat ay nagtataglay ng limampu at apat na tula.
Ang magagandang tula sa aklat niya’y ang mga sumusunod:
“Opening Night”, “Anniversary”, “Processional”, “Legend of Day
Grass”, Brief Beauty is Brave”, “Marcenas”.
OSCAR de ZUÑIGA
Kasama sa patnugutan ng Manila Chronicle noong
nakaraang panahon.
Ang paksa ng kanyang mga tula ay tungkol sa pag-
ibig at sa mga babae.
Ang katipunan ng kanyang mga tula ay
pinamagatang “Love Song and Other Poems” (1959) at
saka ang isapa niyang aklat ng mga tula ay “Mid-
Years” (1962).
Siya’y isang modernista.
TITA LACAMBRA-AYALA
Hindi lamang isang makata kundi isa rin siyang mahusay
na kuwentista.
Pinamagatan niyang “Sun Flower Poems” ang aklat ng
kanyang mga tula.
Gumamit siya ng malayang taludturan.
Dalawa sa kanyang mga tula, ang “Cactus”, at ang
“Creations Precisely” ang isinama ni Jose Garcia Villa sa
katipunan ng kanyang aklat na “A Doveglion Book of
Philippine Poetry” (1962).
FIDEL de CASTRO
Isang makatang higit na kilala sa Amerika kaysa sa Pilipinas.
Karamihan ng kanyang mga tula ay nalathala sa Atlantic Monthly
at sa Chelsea.
TEOFILO D. AGCAOILI
Hindi lamang makata kundi siya’y isa ring kuwentista.
Noong 1953 ay ipinalimbag niya ang katipunan ng kanyang mga
tula at mga kuwentong may pamagat na “Philippine Writing”.
Ilan sa mga magaganda niyang mga tula ay “Chant”, “The
Dead”, “Thunder in the Rain”, “Manila Beloved”, “The Lion in the
Crowd”, “Manover”, “Anniversary”, “Ambiguity”, “Golden Music”,
at “Quarttett”.
AMADO DAGUIO
Isang tanging kuwentista at makata.
Nagturo siya ng Ingles sa U.E.
Ang katipunan ng kanyang mga tulang nalathala dito at sa
ibang bansa ay ang “The Flamming Lyre” (1959) – binubuo ng
limampu’t anim na tula tungkol sa iba’t ibang paksa.
Ang kanyang ibang tula ay isinama ni Manuel Viray sa kanyang
aklat ng mga tulang may pamagat na “Heart of the Island”
(1947).
Kasama sa Anim na Makatang Pilipino (1954) na ipinalathala ni
Leonard Casper.
Isinalin din niya ang “Aliguyon” sa Ingles – isang epikong Ipugaw.
ANG MGA SUBIDO
Ang mag-asawang Abelardo Subido at Trinidad Tarrosa-
Subido ay mahusay magsisulat ng mga soneto.
Sila’y kapwa nakilala sa pagkakalathala ng kanilang
katipunan ng mga tula ang – “Two Voices” pagkatapos
ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Si Gng. Subido ay nakasulat ng tatlumpong tula. Siya rin
ang nagsalin ng Florante at Laura sa Ingles.
Si G. Subido naman ay bukod pa sa isang
mamamahayag ay isang tanging makata. Nakasulat siya
ng tatlumpo at apat na tula.
SERAFIN LOMOT
Nakatipon ng animnapu’t anim na tulang ipinalathala niya sa
pamagat na “Songs of the Brown Man”.
Ang mga berso niya ayon kay Nick Joaquin ay malalambing at
nagsasalaysay ng kuwento at nagbibigay ng aral.
GUILLERMO SISON
Kasabay at kapanahunan ni Jose Garcia Villa.
Sa pagkamakata, siya’y makabago.
Hindi siya sumusunod sa istilo at paksa ng mga datihang makata.
Ipinakita niya ang kanyang katalinihan sa pagsulat ng tula sa
kanyang “Procession”.