You are on page 1of 16

VIRTUAL

PORTFOLIO
Bernadette B. Azañes
Ako si Bernadette Azañes, dalawampung
taong gulang at kasalukuyang naninirahan sa
San Lucas, Calabanga, Camarines Sur.
Kasalukuyang nag-aaral sa Central Bicol
State University of Agriculture, Calabanga.

Kumukuha ng Batsilyer ng Sekondaryang Edukasyon


na nagpapakadalubhasa sa asignaturang Filipino na
ngayon ay nasa ika-apat na taon na. Bago ko ito
narating, ay nagtapos muna ako ng sekondarya sa
Union National High School noong taong 2015-2016.
Masasabi kong hindi biro ang magkaroon ang pag-
aalinlangan kung saan mo gustong direksyon na
tahakin. At ang lahat ng paghihirap at sakripisyo
ay masusuklian kung mananatili kang determinado
na ipagpatuloy ang mga pagsasakripisyo mo.
Kaya ngayon ay nabuo na ang aking baku-
bakong daan kung saan ako patungo. At
isang magandang simula ang pagsasanay sa
amin ang pagtuturo sa labas ng unibersidad
sa siyang huhubog pa sa aming kakayahan
bilang isang epektibong guro sa hinaharap.
PILOSOPIYA SA PAGTUTURO
Ang pagtuturo ay nagiging masalimoot para
sa isang guro kung ito ay walang alam na
ibang estratehiya upang mapanatiling sa
kanya ang atensyon at isip ng isang bata.
Para sa akin, nagsisimula ang pagtuturo mo sa
iyong sarili. Kailangan na magkaroon ka ng
disiplina kung paano mo gagawing organisado ang
mga bagay na dapat unahin. Dahil ang pagtuturo
ay nagsisismula sa iyong sarili patungo sa iba.
Yan ang trabaho ng isang responsableng guro.
Tungkol sa Aking Katuwang na Guro
Larawan ng isang simpleng guro subalit mahusay
magdisiplina sa kanyang mga mag-aaral. Iyan ang
nakita ko sa aking katuwang na guro na si Gng.
Maricel Parato na kasakalukuyang guro sa
asignaturang Filipino sa Grade 7 at Grade 9 ng
Union National High School.
TUNGKOL SA ULONGGURO

Si Gng. MERCY G. BORROMEO ay ipinanganak


noong ika-30 ngEnero taong 1969. Siya ay
kasalukuyang guro at coordinator sa
asinaturang Filipino sa Union National High
School, Sto. Domingo Calabanga Camarines Sur.
Siya ay halos dalawampung taon na sa serbisyo
ng pagtuturo. Marami na rin siyang naging
karanasan sa larang na ito partikular na sa mga
bagay na may kaugnayan sa asignaturang Filipino.
PAARALANG TUMULONG SA
AKING KAKAYAHAN
KATUWANG KO ANG AKING BANGHAY ARALIN AT
KAGAMITANG PAMPAGKATUTO SA PAGTAMO NG
MGA LAYUNIN SA LOOB NG PAARALAN
PAGPAPAKITANG TURO
CLASSROOM STRUCTURING
PINAL NA PAKITANG TURO
30TH FOUNDATION
ANNIVERSARY

You might also like