You are on page 1of 1

Enero 22, 2024

JEANIE L. MATIVO, PhD., CESO V


Tagapamanihalang Pandibisyon
DepEd Agusan del Norte Division
Agusan del Norte

Madame:

Pagbati!

Isang karangalan na maging bahagi ng inyong paaralan bilang guro sa Sekundarya at ibahagi ang
aking kaalaman sa maraming mag-aaral.

Ako si RASHIEL JANE PARONIA CELIZ 29 taong gulang at nagtapos ng Batsilyer ng


Pansekundaryang Edukasyon medyur sa Filipino sa Surigao del Norte State University noong
Septyember 03, 2021. Sa awa ng Diyos ay nakapasa ako Licensure Examination para sa mga
guro noong Marso 2023.

Naniniwala akong ang mababang antas ng edukasyon (basic education) ay ang


pinakamahalagang antas sa pag-aaral at pagkatuto ng isang indibidwal. Nais kong ibahagi ang
aking serbisyo sa inyong respetadong institusyon upang tuparin ang aking nais na maging isang
lingkod-publiko.

Pagdating sa karanasan sa pagtuturo ay mayroon na akong 2 taong karanasan, natuklasan kong


ang metodo sa pagtuturo na facilitating ang pinakamagandang gamitin kaysa sa tradisyunal na
guro ang tagapagbigay ng mga impormasyon. Napagtanto ko rin na mas mainam na hayaan at
pagkatiwalaan ang mga bata sa nais nilang matutuhan at gabayan na lamang sila sa kanilang
gagawin. Kaya naman, gusto kong ilaan ang aking oras upang gabayan at turuan ang mga
kabataan sa susunod na panahon.

Kalakip nito ay ang aking mga dokumento para sa inyong pagbabasa at pagsusuri. Kaya naman
lahat ng aking mga napag-aralan at naging karanasan sa pagtuturo ay tiyak kong kwalipikado na
akong kandidato para sa paghulma ng kinabukasan ng mga kabataan. Maraming salamat.
Kasiyahan nawa tayo ng Diyos!

Lubos na gumagalang,

Rashiel Jane P. Celiz, LPT


Gurong Aplikante

You might also like