You are on page 1of 28

KONTEMPORARYONG

PANITIKANG FILIPINO
MAF 206
Inihanda para kay: Dr. Moreal N. Camba
KRITIKAL-REPLEKSIYONG
REPRESENTASYON 1
Ni: Bb. Rashiel Jane Paronia Celiz
“THE QUEST FOR A PRE-
C O L O N I A L F I L I P I N O PA S T ” - i s a n g
pagsususri

panayam ni Pambansang Alagad ng


S i n i n g Vi rg i l i o S . A l m a r i o s a
American Library of Congress, 2018
Virglio S. Almario
kilala sa kanyang sagisag panulat na,
RIO ALMA, ay isang manunulat,
kritiko ng mga literatura, editor,
cultural manager, at guro. Siya ay
kasalukuyang Pambansang Alagad ng
Sining sa Pilipinas.
Tinalakay ni Ginooog Virgilio S. Almario
kung ano ang kahulugan ng kulturang Pilipino
at ang halaga ng kaugalian ng kultura sa
lipunan, paano ito mapapanatili at ma
protektahan. Inumpisahan niya ang talakayan
sa pagbahagi ng kaniyang sariling
komposisyong tula na pinamagatang “Ang
Bangkay” KULTURA ng mga Pilipino.
Isinalaysay ang ebulosyon o
kasaysayan ng kulturang Pilipino
na nag impluwensiya at bumuo
sa mga mitolohiya, alamat,
kuwentong bayan sa panahon
bago pa sinakop ang Pilipinas ng
mga koloniyalismo. Sa mga
larawan o simbolo at relikya o
artifacts at literatura ng mga
pilipino na makasaysayan.
Itinalakay din ni Ginoong
Almario ang kahalagahan ng
isipin at tuklasing muli ang sarili
bilang isang pilipino at ang
kanilang pamana galing pa sa mga
ninuno upang magkaroon ng
matibay na pundasyon ng
pagkakakilanlan sa kultura.
Para sa akin pag sinasabing kultura ay hindi lalayo sa akda ni Pat V. Villafuerte na kilala
bilang si Patroconio F. Villafurete “Ang pamana ng nakaraan, Regalo ng kasalukuyan, at
buhay ng kinabukasan”
Ang Kultura ay pamana ng
nakaraan dahil nangyari o nabuo ito
noong sinaunang panahon at
ginugulan ng mga sinauna bago pa
tayo sinakop ng mga mananakop.
Ang mga taong ito ay ang ating mga
ninuno at ang ating mga
pinagmulan. Tinatalima natin ang
kung ano-ano ang mayroon tayo
noon at ngayon dahil ginampanan
nilang lumikha, mabuhay, at
makaligtas para magkaroon pa ng
maraming henerasyon.
Regalo ng kasalukuyan ang Kultura dahil patuloy-tuloy
tayong natuto sa kanilang mga galing, kahusayan at mga
pamanang karunungan. Sa bawat galaw din natin sa araw-araw
at habang binubuhay natin ang ating mga tradisyon,
nagtutuloy-tuloy ang ating kultura na siyang nagpapakulay ng
ating mga buhay. Ang mga regalo na napakikinabangan natin
sa pang-araw-araw na buhay ay ang Sining, Medisina, Siyensa
at Astrolohiya, Estratehiya sa politikal at sosyal na buhay,
Teknolohiya, at Pangangalakal.
Buhay ng kinabukasan ang kultura dahil kung ‘di natin
matututunan at ‘di pahahalagahan ang ating kultura
na ipinamana at iniregalo para sa ating henerasyon
at mga darating pang henerasyon, ‘di tayo
magkakaroon ng kinabukasan. Halos lahat ng ating
galaw at mga produkto ay hinuha sa kultura natin.
“Ang Bangkay”
ni: Rio Alma

Iniluwa ng dagat ang bangkay


Pagkaraan ng dalawang oras na unos.
Isang katawang bumulagta sa asin
At namamaga sa nilagok na alon;
Nababalot ang leeg ng lantang baging dagat,
May sihang na talukab ang bunganga
At halos lumuwa ang nakatirik na mga mata.

Nang matagpuan sa dalampasigan


Sinusuot ng mapagsaliksik na alupihan
At talangkang bato ang butas ng ilong at tenga,
Bagamat walang mabakas na kasaysayan sa katawan
Ang mga nagsiyasat na taga baryo.
Marahil inabot ng sigwa sa laot,
O, naaksidente habang namamasyal,
At tinangay ng matuling agos;

O biktima ng karahasan,
At itinapon sa dagat
Natagpuan itong nakasampay sa toud
ng isang anak ng mangingisda
At hindi rin matapos ang kanyang pagtataka
Kung paano inagnas ng dagat
Pati ang pangalan ng bangkay.
Ang bangkay ay hindi simbolo ng
bansang Pilipinas kundi ito ay ang
KULTURA ng mga Pilipino dahil para
sa kanya ang kulturang pilipino ay
parehong walang pangalan at hindi kilala
ng maraming pilipino, ito ay naiwan sa
isang nakahiwalay na isla ng alala at
walang nakakaalam kung ano ito at kung
anung halaga nito.
Ang bagyo ay sumisimbolo ng
parorounan ng bangkay na kung saan
marami ng bagyo ang dumaan sa
Pilipinas.
Ang mga bagyong ito ang ang mga
mananakop ang pananakop ng kultura
ng mga dayuhan ang bumura sa ating
bakas ng alala noon at pagkakakilanlan
ng ating sariling kultura.
Una na ang pananakop ng mga kastila na
umabot ng 333 taon at di ko ikinakaila na
karamihan sa ating kulturang ginagamit
magpasa hanggang ngayon ay sa kanila
kung ating babalikan ang Maria Clara at
Ibarra ng GMA network sumasalamin ang
kulturang meron tayo sa kulturang meron
sila sa tradisyon, literatura, wika at iba pa.
“An imagined community” ni
Benedict Anderson’s notion of an
Asian, paaano nga natin makakamit
ang naisip nating komunidad at
ibalik ang kulturang meron tayo
kung tayo ay magpapasakop?
Alam kung hindi naman lahat tayo ay
nasakop ng kulturang dayuhan pwede naman
tayong magising at
gunitain ang mga kapwa nating pilipino na
nangarap para sa ating bansa at ilan na rito
ang mga rebulosyunaryo sa panahon ng 19th
siglo ang propaganda movement ni Dr. Jose
Rzal na hiningi ang reporma mula sa mga
Spanish Central Government.
Nagtapos sa revulotionary movement
ng Katipunan ni Andres Bonifacio
ang KKK taong 1892 na dahilan ng
pagbagsak ng kastila dahilan ng
kagustuhan ng mga bayani natin na
maibalik ang kalayaan meron tayo
noong wala pa ang mananakop kahit
ito man ay humantong sa kanilang
kamatayan.
Ang naging inspirasyon ni Bonifacio ay
ang mga sulatin ni Jose P. Rizal ang
Noli Me Tangere at El FiliBusterismo
na sumasalamin sa mga buhay ng
pilipino sa ilalim ng panankop ng
kastila, naisulat ni Bonifacio ang
sanaysay na Ang dapat Mabatid ng mga
Tagalog na kung saan tayo mga pilipino
ang tagalog na tinutukoy dito.
Dahilan at kagustuhan ng mga bayani natin
na maibalik ang kalayaan meron tayo noong
wala pa ang mananakop kahit ito man ay
humantong sa kanilang kamatayan. Dumaan
ang panahon marami pang dumating na
mananakop peru ang nais lang mabatid dapat
ng bawat henerasyon ang mangarap para sa
sarili nating kultura at ito ang tinutukan ng
NCCA The Cultural Sector and National
Comission for Culture and Arts.
Marapatin nating pagahalagahan, pakaingatan
at huwag isawalang bahala ang mga minanang
kultura ng ating mga ninuno katulad na lamang
ng mga artifacts na kung saan na diskubre ang
mga unang tao sa Pilipinas ang mga taong
Tabon sa Palawan cave at sinundan pa sa bawat
parte ng Pilipinas.
Ang mga tradisyon katulad ng mga ritwal,
mga mitolohiya, alamat, kuwentong bayan,
karunungang bayan,awitin, sayaw,ang ating
wika at ang paniniwala na hindi natin nakuha
sa mga kulturang dayuhan kundi sa ating mga
ninuno na nagbigay sa atin na pagkakakinlan
bilang isang Pilipino.
Kinalaingan nating panitilihin ang minana ng ating mga
ninuno o ang ating pagkakalilanlan (National Heritage)
dahil gusto nating maalala upang manumbalik ang
nakaraan, pilitin nating makaalala dahil gusto nating
manumbalik ang ating dapat ipagmalaki para sa
pagkakaroon ng malinaw na direksiyon sa kinabukasan
ng ating pambansang paroroonan.
At ang bangkay na naagnas sa gilid
ng dalampasigan ay hindi na muli
pang maibabalik ang dating anyo
dahil sa mga karanasan at nadaanang
mananakop, ang tanging magagawa
natin bilang isang pilipino ay baguhin
at buhayin muli ang natutulog nating
mga damdamin at sara nating mga
isipan sa mga sakripisyong ginawa ng
ating mga magigiting na bayani, para
mapanatili ang KULTURANG PILIPINO
at dito ang simula upang tayo ay
matawag na PILIPINO.
Gusto nating makilila kung sino ang nakadiskubre
sa Pilpinas na kapwa natin pilipino at hindi
dayuhan kagaya ni Magellan kaya ako’y taos
pusong nagpapasalamat at napanuod ko ang
panayam ni Ginoong Almario na nabigay daan sa
aking upang mapukaw ang aking nais isipan at
pangarapin sa bansang Pilipinas bilang isang
Pilipino.
MARAMING
SALAMAT
PO!

You might also like