You are on page 1of 18

Muntinlupa Cosmopolitan School

National Road Putatan, Muntinlupa City

Akademikong Taon 2023-2024

Sanhi at Bunga ng Kulang na Kaalaman sa Sex Education


ng ika-12 na baitang sa Muntinlupa Cosmopolitan School

Isang Pananaliksik na iniharap sa Muntinlupa Cosmopolitan School

Bilang bahagi ng pagpapatupad ng mga kinakailangan sa pagtamo

ng titulong pagbasa at pagsuri ng ibat ibang teksto tungo sa pananaliksik

2023-2024.

Adlawan, Aidyl Claudette

Agda, Princess Nichole

Alias, Federico

Albes, Analyn

Andrino, Joannaliza

Aragdon, Raeza

Bobier, Rian Love Faith

Corona, Precious Shanai

Cabanlong, Princess Jillian

Planco, Christine Joy

Abril 2024

1
Muntinlupa Cosmopolitan School
National Road Putatan, Muntinlupa City

Akademikong Taon 2023-2024

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Ang pananaliksik na ito ay pinamagatang “Sanhi at Bunga ng


Kulang na Kaalaman sa Sex Education ng ika-12 na baitang sa
Muntinlupa Cosmopolitan School taong 2023-2024.” Isang
pananaliksik na inihanda nina Adlawan Aidyl Claudette , Agda
Princess Nichole , Alias Federico , Albes Analyn , Andrino
Joannaliza , Aragdon Raeza , Bobier Rian Love Faith , Cabanlong
Princess Jillian , Corona Precious Shanai , Planco Christine Joy
bilang bahagi ng pagtupad sa mga kursong Pagbasa at Pagsusuri ng
iba't-ibang Teksto tungo sa Pananaliksik ay isinuri at tinatagubilin para
sa patanggap at pagpapatibay para sa pasalitang pagdepensa.

Gng. Christine Calara

Tagapayo

2
Muntinlupa Cosmopolitan School
National Road Putatan, Muntinlupa City

Akademikong Taon 2023-2024

PASASALAMAT

Taos-pusong
pagpapasalamat ang
ipinaaabot ng mga
mananaliksik na ito sa
mga
sumusunod na indibidwal at
tanggapan dahil sa walang
sawang suporta, tulong, at
kontribusyon
upang maging matagumpay
ang pananaliksik na ito
Taos-pusong
pagpapasalamat ang
ipinaaabot ng mga
3
Muntinlupa Cosmopolitan School
National Road Putatan, Muntinlupa City

Akademikong Taon 2023-2024

mananaliksik na ito sa
mga
sumusunod na indibidwal at
tanggapan dahil sa walang
sawang suporta, tulong, at
kontribusyon
upang maging matagumpay
ang pananaliksik na ito
Malaking pasasalamat ang pinapaabot ng mananaliksik sa
mga sumusunod na indibidwal at pangkat na nagbigay ng
mahahalagang tulong, pagpayo, kontribusyon, at suporta upang
maisaayos at mailathala ang mga pamanahong papel na ito:

Sa mga Guro sa Pagbasa at Pagsusuri ng iba't-ibang Teksto


tungo sa Pananaliksik na si Bb. Donna Demayo na patuloy na
gumabay at nagturo sa amin, at sa paglalahad ng mga
makakatulong sa aming layunin at mga hakbang sa paggawa ng
makatotohanan at nagbibigay-kaalaman na pananaliksik.

Sa aming Tagapayo na si Gng. Christine Calara kami ay


nagpapasalamat sa pagpayo at paghuhulma sa amin na maging

4
Muntinlupa Cosmopolitan School
National Road Putatan, Muntinlupa City

Akademikong Taon 2023-2024


matagumpay sa pagsasagawa ng aming pananaliksik. Taos puso
naming pinasasalamatan siya at ang kaniyang pag gabay sa
panahon na isinasagawa ang pag-aaral.

Ang oras na kaniyang nilaan, ang mga impormasyon at


basehan na kaniyang naibigay at naituro, ito ay hindi matutumbasan
sapagkat ito ang naging pagganyak na maisakatuparan ang at
mapaganda ang aming pananaliksik.

Ang pananaliksik na ito ay hindi mailalathala bilang kabuuan


kundi dahil sa determinasyon at dedikasyon ng mga mananaliksik.
Sa aming minamahal na Pamilya, sa aming mga Magulang na
walang sawang nag suporta at naging daan sa pagpapatagumpay
ng pananaliksik, kayo ay aming buong pusong pinasasalamatan.

5
Muntinlupa Cosmopolitan School
National Road Putatan, Muntinlupa City

Akademikong Taon 2023-2024

ABSTRAK

Layunin ng naipiling paksa at pamagat sa pagsusuri na ito na


mapakita ang mahalagang bahagi ng pag-unlad at pagbibigay ng
kaalaman sa mga kabataan tungkol sa sekswalidad, at pangkalusugang
pagpapasya. Sa pag tatag ng adbokasiya at pagpapataas ng kamalayan
sa lahat ng mga mag-aaral ng Muntinlupa Cosmopolitan School,
maipaparating ang kahalagahan ng pagkakaruon ng tamang kaalaman
tungkol sa sex education. Sa Muntinlupa Cosmopolitan School para sa
taong panuruan 2023-2024, ang kakulangan sa kaalaman tungkol sa
sex education ng mga mag-aaral sa ika-labing dalawang baitang ay
maaaring magdulot ng maraming mga problema at epekto at nararapat
na malutas, sa pamamagitan ng pananaliksik na ito. Upang labanan ang
mga bungang nagmumula sa kulang na kaalaman tungkol sa sex
education, mahalaga na magkaroon ng komprehensibong sex education

6
Muntinlupa Cosmopolitan School
National Road Putatan, Muntinlupa City

Akademikong Taon 2023-2024


program na nagbibigay-diin sa tamang impormasyon, kasanayan sa
pagpapasya, respeto sa sarili at sa iba, at pagpapalakas ng
komunikasyon sa pagitan ng mga mag-aaral, mga magulang, at mga
guro. Dapat ang isyung naitala ay isama sa kurikulum ng paaralan at
suportahan ng komunidad upang matiyak ang maayos na pag-unlad ng
mga mag-aaral sa aspetong sekswalidad. Pagkakahiyang nauugnay sa
sekswalidad ay maaaring humadlang sa mga mag-aaral na magtanong
o maghanap ng tamang impormasyon. Ang takot sa pagtanggap o
pagkahalata ng iba ay maaaring magdulot ng pag-iwas sa
pakikisalamuha sa mga gurong naghahatid ng sex education.

PANIMULA

Ang Sex Education ay ang pag-aaral tungkol sa sekswalidad ng tao


kabilang dito ang kalusugan, relasyon, responsibilidad, pakiramdam,
bahagi o parte ng katawan, sekswal na pagpaparami, gawaing sekswal,
Mga karapatan sa reproduktibong gawi, birth control at pagpipigil sa
pagtatalik.

Ang Senate Bill 1334 (2020), ay naglalayong maiwasan ang teenage


pregnancy at mabigyan ng social protection ang mga batang ama at ina.
Ang batas ay kilala rin sa tawag na Prevention of Adolescent Pregnancy
Act of 2020. Ayon kay Hontiveros na chairperson ng Senate committee
sa kababaihan, mga bata at relastong pampamilya ay patuloy parin ang
pagtaas ng kaso ng teenage pregnancy sa Pilipinas.

Ang pananaliksik na ito ay naglalahad ng Sanhi at Bunga ng Kulang


na kaalaman sa Sex Education ng mga mag-aaral ng ika-labing
dalawang baitang ng Muntinlupa Cosmopolitan School, nilalaman ng

7
Muntinlupa Cosmopolitan School
National Road Putatan, Muntinlupa City

Akademikong Taon 2023-2024


pananaliksik na ito ang mga dahilan kung bakit hindi nakakamit ng mag-
aaral ang karampatang Sex Education at kung ano nadudulot ng
kakulangan na ito sa kanila.

Ang isang mag-aaral habang lumalaki at nabubuo ang pag-iisip ay


kinakailangan pumaharap sa iba't-ibang klase ng impormasyon sa loob
ng paaralan, at upang mas matututo ito, tutuklas at hahanap ng mga
kaalaman sa pamamaraan gaya ng pagbabasa, pag-susulat, pakikipag-
usap at pag guhit. Di katagalan ay matutuklasan ng isang mag-aaral
ang Sex Education at kung ano ang pumapaloob dito ngunit sa
kasalukuyang kalagayan ng edukasyon ng mag-aaral, mas nakatuon
ang pokus nila sa mga pang akademikong gawain o aktibidad.

Ang administrasyon ng paaralang Muntinlupa Cosmopolitan School


ay walang kurikulum na may kinalaman sa Sex Education, bagamat
may ginanap na oryenstasyon sa paaralan tungkol sa HIV and AIDS
awareness, ika-16 ng Marso, 2024 at nakapagbigay ng libreng condoms
at lubricant, pati na rin ang libreng pagsuri sa mag-aaral patungkol sa
AIDS, ganunpaman hindi ito sapat upang maiparating ang kahalagahan
ng Sex Education sa buhay ng mga mag-aaral. Hindi sapat ang isang
oryenstasyon o sandaliang pagpapaliwanag upang lubusang
maintindihan ang Sex Education at lahat ng mga sakop na paksa nito.

8
Muntinlupa Cosmopolitan School
National Road Putatan, Muntinlupa City

Akademikong Taon 2023-2024

BATAYANG TEORETIKAL

Ayon kina Atilla, Agyei-Sarpong, atbp. (2023), itinuturing ng


Psychological Theory ang edukasyon sa sex bilang isang
konstruksyon na maaaring mapangalagaan sa mga unang taon ng
buhay, tinitingnan ng teoryang psychosocial ang edukasyon sa sex
bilang isang konstruksyon na maaaring mangyari sa pamamagitan ng
mga pakikipag-ugnayan sa lipunan, isinasaalang-alang ng operant
conditioning ang edukasyon sa sex bilang may kakayahang batay sa
mga kahihinatnan ng pag-uugali, at mga pananaw sa pag-aaral sa
lipunan.

9
Muntinlupa Cosmopolitan School
National Road Putatan, Muntinlupa City

Akademikong Taon 2023-2024

KONSEPTWAL NA BALANGKAS

Input

1.Ano ang katangian ng mga respondente (mag-aaral) ayon sa


naitalang mga katanungan:
1.1 Pangalan (Opsyunal)
1.2 Kasarian
1.3 Edad

2.Paano naaapektuhan ang pag-iisip at pananaw ng


mga respondente (mag-aaral) sa Sex Education ayon sa mga
naitala:

2.1 Pamilya
2.2 Social Media
2.3 Paaralan

3.Bilang isang mag aaral makakatulong bang mapalawak


ang iyong kaisipan sa usaping edukasyon sa sex kung
maidagdag ito sa mga asignatura? Kung oo, bakit?

4. Paano nakakatulong ang tamang sex education sa pag-


unlad ng kamalayan at responsibilidad ng mga kabataan
hinggil sa kanilang kalusugan at relasyon?

5.Bilang isang mag aaral, bukas ba ang inyong isipan sa


usaping nauukol sa sex edukasyon? Kung Oo, bakit?

10
mapalawak ang isipan sa pamamagitan ng aming
seminar patungkol sa Sex Education.

Muntinlupa Cosmopolitan School


National Road Putatan, Muntinlupa City

Akademikong Taon 2023-2024

Proseso

- Pagtitipon ng datos at impormasyon


- Pag gamit ng Kwalitatibong pamamaraan ng
pananaliksik
- Paglikha ng mga tanong pang panayam
- Pagkalap ng dagdag impormasyon sa National
Library
- Pagkalap ng dagdag impormasyon sa Silid-
aklatan
- Ang disenyo ng pananaliksik ay sanhi ng
paghahambin ng pananaliksik, o “Causal-
comparative research”

11
Muntinlupa Cosmopolitan School
National Road Putatan, Muntinlupa City

Akademikong Taon 2023-2024

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

1. Ano ang katangian ng mga respondente (mag-aaral) ayon


sa naitalang mga katanungan:

1.1 Pangalan (Opsyunal)


1.2 Kasarian
1.3 Edad

2. Paano naaapektuhan ang pag-iisip at pananaw ng mga


respondente (mag-aaral) sa Sex Education ayon sa mga
naitala:

2.1 Pamilya

12
Muntinlupa Cosmopolitan School
National Road Putatan, Muntinlupa City

Akademikong Taon 2023-2024


2.2 Social Media
2.3 Paaralan

3. Bilang isang mag aaral makakatulong bang mapalawak ang


iyong kaisipan sa usaping edukasyon sa sex kung
maidagdag ito sa mga asignatura? Kung oo, bakit?

4. Paano nakakatulong ang tamang sex education sa pag-


unlad ng kamalayan at responsibilidad ng mga kabataan
hinggil sa kanilang kalusugan at relasyon?

5. Bilang isang mag aaral, bukas ba ang inyong isipan sa


usaping nauukol sa sex edukasyon? Kung Oo, bakit?

13
Muntinlupa Cosmopolitan School
National Road Putatan, Muntinlupa City

Akademikong Taon 2023-2024

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral ng sanhi at bunga ng kulang na kaalaman sa Sex Education ng


ika-12 na baitang na mag aaral ay makakatulong sa mga sumusunod:

MAG-AARAL: Ang pananaliksik na ito ay mahalaga sa mga mag aaral


dahil mabibigyan sila ng kaalaman at ideya tungkol sa mga sanhi at
bunga ng kulang na kaalaman sa sex education.
MGA MAGULANG: Ang papanaliksik na ito ay makakatulong sa mga
magulang upang malaman rin nila ang kahalagahan ng pag aaral ng sex
education, nang sa ganon ay magabayan at maturuan nila ang kanilang
mga anak.
MGA GURO: Sa pag aaral na ito mabibigyan kamalayan ang mga guro
na pag usapan ang paksa na ito upang ipaintindi sa kanilang mga
estudyante at makapag hatid ng kaalaman upang mag silbing gabay sa
mga aaral nila.
MGA SUSUNOD NA MANANALIKSIK: Ang pananaliksik na ito ay
makakatulong sa mga susunod na mananaliksik upang mag bigay ng

14
Muntinlupa Cosmopolitan School
National Road Putatan, Muntinlupa City

Akademikong Taon 2023-2024


dagdag na kaalaman. At sa pamamagitan ng mga impormasyon na
nakasaad dito, ito ay mag sisilbing gabay ng bawat isa sa kanila para
malaman ang kahalagahan ng pag aaral na ito.
ADMINISTRASYON: Ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa
administrasyon ng paaralan upang mas mabigyan pansin ang paksa,
upang makapag sagawa ng iba't-ibang paraan na makakatulong at
makakamulat sa mga aaral patungkol sa ganitong usapin.

SAKLAW AT DELIMITASYON

Saklaw ng pananaliksik na ito ang kaugnayan ng sanhi at bunga ng kulang sa


kaalaman sa sex education ng mga mag-aaral sa ikalabing dalawang baitang ng
Muntinlupa Cosmopolitan School s.y. 2023-2024. Sa isang daan at limang mga
mag-aaral sa ika-labing dalawang baitang sa lahat ng strand, tatlumpu na mag-
aaral na random ang napiling i-interviewhin. Dito mailalahad ang mga
pangunahing dahilan sa pananaliksik na ito, malalaman sa pananaliksik na ito
ang mga bunga at sanhi ukol sa kakulangan ng kaalaman sa sex education at
ang mga maaaring idulot nito sa mga kabataan, hindi na sakop ng pananaliksik
na ito ang mga paksa katulad ng aborsyon o illegal na pagpapalaglag,
pagpapaampon sa bagong silang, pag aabandona ng bata at iba pa.

15
Muntinlupa Cosmopolitan School
National Road Putatan, Muntinlupa City

Akademikong Taon 2023-2024

DEPINISYON NG TERMINOLOHIYA

Aborsyon - ay ang sinadyang pagtatanggal ng embryo o fetus sa


loob ng matres ng babae, na nagsasanhi ng kamatayan nito.

Asignatura - Ang asignatura o subject ay isang sangay ng


kaalaman na pinag aaralan o tinuturo sa eskwelahan,
kolehiyo, o unibersidad.

Bunga - Ang bunga naman ay ang. siyang kinalabasan o dulot ng


naturang pangyayari

Kalusugan - Isang kalagayan ng buong pangkatawan, pangkaisipan


at panlipunang kagalingan, at hindi lamang binubuo ng
pagkawala ng sakit o kahinaan

16
Muntinlupa Cosmopolitan School
National Road Putatan, Muntinlupa City

Akademikong Taon 2023-2024


Pag-ganyak - Ang pagganyak, pag-uudyok o motibasyon ang
dahilan kung bakit nagsisimula, nagpapatuloy, o nagtatapos
ng isang kilos ang mga tao at hayop

Pagtatalik - Ayon sa biyolohikal na kahulugan, ay isang


pamamaraan ng isang babae at ng isang lalaki upang
makabuo ng kanilang magiging supling sa pamamagitan ng
kanilang mga pribadong parte

Responsibilidad - Ang pananagutan, o akontabilidad sa konteksto


ng etika at pamamahala, ay itinuturing bilang pananagutan,
pagtanggap ng kasalanan, isang responsibilidad kung saan
ang isang tao ay inaasahang magbibigay ng paliwanag sa
mga taong nasasakupan
Sanhi - Ang sanhi ay tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng isang
pangyayari
Sekswalidad - Ito ay isang kabuuang katauhan ng isang tao o
nilalang

17
Muntinlupa Cosmopolitan School
National Road Putatan, Muntinlupa City

Akademikong Taon 2023-2024

18

You might also like