You are on page 1of 9

Persepsyon ng mga Mag-aaral sa Maryhill College sa Pagtuturo ng Edukasyong

Sekswal sa mga Paaralan.

Konseptong Papel

Isinulit sa Departamento ng Filipino

Bilang bahagi ng pangangailangan sa asignaturang

Pagbasa at Pananaliksik sa Wikang Filipino

Isinulit ni:

Paderon, Jean Francel R.

Baitang 11 - Courage

Isinulit kay:

Bb. Anabel Caagbay

Mayo 2023
Isa sa mga problema na patuloy kinakaharap ng Pilipinas at ng mga Pilipino lalo

na ng mga kabataan ay ang maagang pagbubuntis ng mga kabataan o early pregnancy at

ang pagkalat ng HIV, AIDS, at iba pang sakit na nakukuha mula sa pakikipagtalik.

Maituturing na isa sa mga dahilan nito ang kakulangan sa kaalaman ukol sa edukasyong

sekswal ng mga kabataan. Ang edukasyong sekswal o sexual education ay nagbibigay ng

kaalaman at kasanayan na kailangan nila para sa habambuhay ng mabuting sekswal na

kalusugan. Dito rin nalalaman kung paano magkaroon ng malusog na relasyon, gumawa

ng matalinong mga desisyon tungkol sa sex, mag-isip nang kritikal tungkol sa mundo,

maging mabuting kakampi sa mga taong nasa gilid, at mahalin ang kanilang sarili kung

sino sila. Ngunit bilang isang Kristiyanong bansa, tinuturing ng Pilipinas ang sekswal na

edukasyon na isang sensitibong paksang pag-uusapan (Gallao et al., 2020). Napatunayan

ng mga pag-aaral na ang sexual education ay nakatutulong para maiwasan ang maagang

pagtatalik ay malaki pa rin ang pagkukulang sa kaalaman tungkol dito. Ang mga tinedyer

ay nakakukuha pa rin naman ng impormasyon ukol sa pakikipagtalik, itinuturo man sa

kanila ito o hindi. Maaari silang mahantad sa mga sekswal na kagamitan o kaalaman sa

pamamagitan ng internet at ng kanilang mga kaibigan. Ang mga impormasyon na

maaaring makuha sa mga sangguniang ito ay maaaring kulang o nakapagdududa, na

nagbubunsod ng mga hindi gaanong napag-isipang pagpili. Kung kaya’t ang

komprehensibo at tamang pagtuturo ng ganitong uri ng edukasyon ay mahalaga lalo na

kapag ang mga kabataan ay humantong na sa edad kung saan sila ay nasa pagtuklas ng

mga bagay gaya ng sex at kanilang sekswalidad.


Ayon kay Corpin (2022), ang pangangailangan para sa mas mainam na sexuality

education sa bansa ay masasalamin sa mataas na antas ng maagang pagbubuntis. Naitala

ng 2013 National Demographic and Health Survey na 8% ng mga kababaihang Pilipino

sa pagitan ng edad 15 hanggang 19 ay mga ganap nang ina. Ang dagdag na 2% ay buntis

sa kanilang unang anak. Sa kadahilanang ang Pilipinas ay isang konserbatibo at

relihiyosong bansa, maraming mga pagtuligsa para sa pagpapatupad ng sexuality

education. Ang mga dalaga at binata sa mga bansang may kahawig na kultura ay hindi

nabibigyan ng tamang pagpapaliwanag na may kinalaman sa kanilang mga isyu sa

sekswalidad. Ito ay dahil ang mga ganitong paksa ay nakikita bilang mga taboo. Ayon din

sakanya. Kapag maayos na naihatid ang komprehensibong sekswal na edukasyon,

napakikilos nito ang mga kabataan na gumawa ng napagplanuhang desisyon.

Maraming mga kabataan ang nakatatanggap ng mga nagbabanggaan at nakalilitong mga

impormasyon na may kinalaman sa sekswalidad at mga ugnayan. Ang kakulangang ito ay

nagbunga ng pangangailangan sa kaparaanan kung saan maaari silang makakuha ng

mapagkakatiwalaang impormasyon.

Ayon naman kay Tanaka et al. (2016), ang mababang antas ng kaalaman sa

pakikipagtalik at ang peligrosong sekswal na pag-uugali ng mga Pilipino ay nagdudulot

ng pagtaas ng pagkalat ng mga sexually transmitted infections (STIs) at teenage

pregnancy o maagang pagbubuntis.

Ayon sa Harvard, ang pagtuturo ng mabuting edukasyong sekswal ay

makakatulong upang pigilan o kontrahin ang stereotyping at bias ng kasarian. At maaari

nitong mabawasan ang mga pagkakataon ng sekswal na panliligalig at pag-atake sa


hayskul — mga pagkakataong maaaring mula sa cyberbullying at stalking hanggang sa

hindi gustong paghipo at walang pahintulot na pakikipagtalik.

Ang isang kamakailang pag-aaral mula sa proyekto ng Sexual Health Initiative to

Foster Transformation (SHIFT) ng Columbia University ay nagmumungkahi na ang

komprehensibong edukasyon sa sex ay nagpoprotekta sa mga mag-aaral mula sa sekswal

na pag-atake kahit na pagkatapos ng high school. Kung ang mga mag-aaral ay magiging

mas mahusay na nagsasanay sa pag-iisip tungkol sa pangangalaga sa isa't isa, sila ay mas

malamang na gumawa - at maging mas mahina sa - sekswal na karahasan, ayon sa

bagong estratehiya na ito sa pagtuturo ng sekswal na edukasyon. At mas magiging handa

silang makisali at suportahan ang isa't isa sa mga relasyon, romantiko at sekswal.

Dahil ang pangangalap ng impormasyon ay patuloy na isinasagawa sa mga

paaralan upang makabuo ng isang pag-aaral o research paper, ang mananaliksik ay

nagsagawa ng isang pag-aaral ukol sa persepsyon ng mga mag-aaral ng Maryhill College

ukol sa pagtuturo ng edukasyong sekswal sa mga paaralan. Sa pamamagitan ng

pananaliksik na ito, magkakaroon ang mga mambabasa at iba pang mananaliksik ng

impormasyon ukol sa kahalagahan ng pagtuturo ng edukasyong sekswal sa mga paaralan.

Ang pananaliksik na isinagawa na may pamagat na “Persepsyon ng mga Mag-aaral

ng Maryhill College sa Pagtuturo ng Edukasyong Sekswal sa mga Paaralan” ay may

layunin na tukuyin at alamin ang persepsyon ng mga mag-aaral pagdating sa pagtuturo ng

sekswal na edukasyon sa mga paaralan at kung ano ang kahalagahan nito. Ang pag-aaral

na ito ay naglalayong matamo ang mga sumusunod na layunin; (1.) Malaman ang

kahalagahan ng pagtuturo ng edukasyong sekswal sa mga mga paaralan base sa mga


mag-aaral. (2.) Matukoy ang mga masasamang dulot ng kakulangan sa edukasyong

sekswal ng mga mag-aaral. (3.) Makapaghain ng mga rason kung bakit dapat itaguyod

ang pagtuturo ng edukasyong sekswal sa mga paaralan.. Ang mananaliksik ay may

paniniwala na sa pagpokus sa pag-aaral na ito, ay makakapaglahad ng impormasyon ukol

sa kahalagahan ng pagtuturo ng edukasyong sekswal sa mga paaralan, at makapagbigay

ng solusyon kung paano ito maisasakatuparan.

Layunin ng pag-aaral na ito na matukoy ang epekto ng kakulangan sa pagtuturo

ng edukasyong sekswal sa mga paaralan. Upang maiugnay ng mananaliksik ang mga

layunin ng pag-aaral ay ginamit niya ang paraan ng kwalitatibong pananaliksik na

Naratibong Pananaliksik, nang sa gayon ay mailahad ng mga kalahok ang kanilang mga

tugon, persepsyon, at kaalaman pagdating sa edukasyong sekswal. Sa paraan ng pagtukoy

at pangongolekta ng kinakailangan na kaalaman at datos pagdating sa lawak ng kaalaman

ng mga estudyante pagdating sa sekswal na edukasyon ay gumamit ang mananaliksik ng

mga panayam o interbyu upang tanungin ang mga kalahok sa pananaliksik. Bago dumaan

sa panayam ang mga kalahok ay sinigurado ng mananaliksik ang permiso mula sa

punong guro ng paraalan at sa bawat makakatagpong guro sa mga silid-aralan na

kaniyang papasukan. Matapos makuha ng mananaliksik ang permiso ng guro at punong

guro ay bibigyan naman ng mananaliksik ng paunang kaalaman ang mga magiging

kalahok sa pananaliksik tungkol sa kaniyang isinasagawang pag-aaral. Ang mga panayam

na ito ay magaganap sa personal na interaksyon upang mapadali ang pangongolekta ng

kaalaman, ito ay isasakatuparan sa oras na maluwag sa iskedyul ng mga kalahok. Ito rin

ay upang mapadali ang pagsasalin ng mga kalahok ang impormasyon na nais nilang
sabihin nang hindi na nila kailangan alahanin ang kritikal na gramatiko sa pagpapadala

ng mensahe at maging kaswal lamang ang pagpapalitan ng impormasyon.

Ang paaralang Maryhill College ang napiling lugar na pag-gaganapan. Ang

Maryhill College, o dating kinikilalang Maryknoll, ay isang Katoliko at pribadong

paaralan na matatagpuan sa siyudad ng Lucena, sa Pilipinas. Napili ang paaralan ng

Maryhill College sapagkat dito matatagpuan ang mga kalahok para sa pag-aaral at ang

paaralan ng mga mananaliksik.

Sa paraan ng pamimili ng mga kalahok para sa pag-aaral ay napili ng

mananaliksik ang Simple Random Sampling. Nalilimitado lamang ang pagpilii sa mga

kalahok sa mga baitang Grade 11 lamang at nararapat na ang edad nila ay patok sa edad

na 15-18, at walang pinipiling kasarian o seksyon.

Narrative analysis ang pormat na gagamitin ng mananaliksik upang masuri at

maiugnay ang kaalaman at impormasyon na nakolekta. Gamit ang pormat na ito ay

makukuha ng mananaliksik ang kinakailangan na datos para sa pag-aaral at

maihahalintulad ang mga nakuhang kaalaman at maisusuri para malaman ang

pagkakatulad na tema at buod ng mga impormasyon.

Ang pangongolekta ng kaalaman at impormasyon ay maisasagawa at

mapo-proseso sa paraan ng mga interview at panayam sa personal na buhay, kung saan

ito ay maitatala sa paraan ng pag-record ng kanilang mga tugon gamit ang isang voice

recorder. Kung saan pagkatapos na maipahatid ang kinakailangang impormasyon ay ito

naman ay maisasalin, masusuri at maipaliwanag ng mabuti ng mga mananaliksik ang

kanilang mga tugon at nakuhang datos.


Inaasahan na dahil sa pag-aaral ng mananaliksik batay sa persepsyon ng mga

mag-aaral ng Maryhill College sa pagtuturo ng edukasyong sekswal sa mga paaralan, ay

matutukoy at maibabahagi ng mananaliksik ang kahalagahan ng pagtuturo ng edukasyong

sekswal sa mga mag-aaral at kung ano ang mga negatibong epekto sa mga mag-aaral ng

kakulangan sa kaalaman ukol dito. Inaasahan ng mananaliksik na mabibigyang liwanag

ang pag-aaral na ito at magagamit sa iba pang pananaliksik upang mas lalong mapalawak

ang kaalaman tungkol sa pagkakaroon ng sapat na edukasyong sekswal na dapat ating

nakukuha mula sa paaralan. Higit sa lahat ay inaasahan na makakabuo ng isang

infographic ang mananaliksik tungkol sa paksa ng pag-aaral at kahalagahan ng

edukasyong sekswal para sa mga kabaataan at mag-aaral.


Sanggunian

Corpin, M.K. (2022). Sex Education sa High School sa Pilipinas: Bakit ito

Mahalaga?.https://hellodoctor.com.ph/fil/sekswal-kaayusan/sex-education-sa-hig

h-school/

Gallao, M. et al. (2020). Sex Education: Level of Knowledge and Its Effects on Sexual

Behavior and Opinions Among the Government Senior High School Students of

Vigan City.

https://papers.iafor.org/wp-content/uploads/papers/seace2020/SEACE2020_55943

.pdf

Tatter, G. (2018). Sex Education that Goes Beyond Sex.

https://www.gse.harvard.edu/news/uk/18/11/sex-education-goes-beyond-sex

Tanaka, Y. et al. (2020). The Current Situation and Issues of Sexual Health Education by

School Nurses in Muntinlupa City, Philippines.

https://pdfs.semanticscholar.org/7038/8a243bac871cce9a92eb8c92b51cf82cb4ad.

pdf

Hirsch, J.S., Mellins, C.A. (2019). Sexual Health Initiative to Foster Transformation.

https://sexualrespect.columbia.edu/sites/default/files/content/Images/shift_final_re

port_4-11-19_1.pdf
https://caypatrice.wordpress.com/2016/11/18/ang-seksuwal-na-edukasyon-sa-pilip

inas/

https://www.plannedparenthood.org/learn/for-educators/what-are-goals-sex-educa

tion-youth

https://d1wqtxts1xzle7.cloudfront.net/54542797/victoria-la-bella-6103332-final-t

hesis-ids-jan-19-2014-libre.pdf?1506440610=&response-content-disposition=inline%3B

+filename%3DIncorporating_Sexuality_Education_in_the.pdf&Expires=1685086584&Si

gnature=Vo3SZAunhUmCQdv0nthnQwnzz5cu9YlhFGwk70k4finK1OIGOAdDHKXYI

ZC3HiVD0y6fDYmlumsGh~Oyc7-66sJtN7dZhQ9jgBW7eIxuG7THGv~o--nuKuBBwE

EJ6jSO6BCbfmE3Aci~Ces1pSXv-vLNfooYtadD46~lXeW9uqBSQU98f0LWb3qpxpun

EqgPJZCt1N-UqdJDLwFm4gVBTPrgggtEVartu0~0TcxsZxXgtnpVOpxM8oBaawu700j

1zyc4B632SdxKY8prIrX73NLfHf3aUrL2zCg~nEYXtO3k1rykqepsv03DYRuxvq4PGu

M138E0Rv9KXelGrKe-PQ__&Key-Pair-Id=APKAJLOHF5GGSLRBV4ZA

https://pdfs.semanticscholar.org/7038/8a243bac871cce9a92eb8c92b51cf82cb4ad.

pdf

https://www.studocu.com/ph/document/university-of-the-cordilleras/komunikasyo

n-sa-akademikong-filipino/posisyong-papel-hinggil-sa-pagpapatupad-ng-comprehensive-

sexuality-education-sa-pilipinas/21377334

https://www.studocu.com/ph/document/guagua-national-colleges/technical-vocati

onal-education/epekto-ng-pagtuturo-ng-sex-education-sa/44411819

https://www.gse.harvard.edu/news/uk/18/11/sex-education-goes-beyond-sex

You might also like