You are on page 1of 8

HOLY CHILD COLLEGE OF DAVAO

Green Meadows, Mintal, Davao City

Mintal Campus

Konseptuwal na Papel sa
Tradisyonal na Panliligaw sa Pilipinas: Ang Pagbabago
nito sa Modernong Panahon at ang Epekto Nito
sa mga Kabataan Ngayon
Mga Miyembro:

Balbuena, Jeremy Matthew


Calimutan, Mary Divine
Esperat, Raniella Keisha
Mañago, Kristine Daffodil
Perez, Aliyah Mae
Tradisyonal na Panliligaw sa Pilipinas: Ang Pagbabago nito sa Modernong
Panahon at ang Epekto Nito sa mga Kabataan Ngayon
ng Unang Pangkat

I. Panimula
Tanyag ang Pilipinas bilang isang konserbatibong bansa pagdating sa panliligaw o sa mga
relasyon. Ang mga pilipino ay likas na mapagmahal, maalaga, at magiliw pagdating sa kanilang
mga minamahal at lalong mas higit sila magmahal at mapagpunyagi sa kanilang tinatangi. Mula pa
sa panahon ng mga Kastila, nadala na ng mga pilipino ang konsepto ng panliligaw o panunuyo
hanggang sa kasalukuyang panahon.

Para sa mga pilipino, mahalaga ang pagdaan sa yugto ng panliligaw bago humantong sa pag-
iisang dibdib o sa isang seryosong relasyon. Dahil sa yugtong ito, makikita ang sinseridad ng isang
binata para sa isang dalaga sa pamamagitan ng kanyang pagsisikap na mapanalo ang puso ng
kan’yang sinisinta. Isa itong mabusising proseso, kadalasang tinatawag ang pagdadaanan ng binata
na parang “butas ng karayom” dahil sa sobrang masalimuot na prosesong ito. Kahit pa man ang
dalagang babae ang magiging kasintahan ng lalaki, kailangan din ligawan ng binata ang mga
magulang ng babae. Maraming kailangang pagdaanan ang lalaking nangangarap na makamit ang
“matamis na oo” ng kan’yang iniibig, maaaring maging pisikal, sikolohikal, at ekonomikal ang
mga pagsubok na ito at kailangan niyang malagpasan lahat ng ito para makapiling ang dalaga.

Ang panliligaw ay isang simbolo ng pagrespeto at pagpapahalaga sa isang dalaga. Ang


pagsisikap ng isang binata na mapanalo ang isang babae ay nagpapakita kung gaano niya
pinapahalagahan ang babae na hindi niya ito basta basta lang na aayaing pumasok sa isang
relasyon kasama siya, kundi, papatunayan niya muna ang sinseridad ng kanyang mga intensyon sa
babae sa pamamagitan ng pagdaan sa yugto ng panliligaw. Ito rin ay isang tanda ng paggalang sa
magulang ng babae. Sa pagbibigay ng bulaklak, panghaharana, sa pagpapakilala ng pormal sa mga
magulang makikita na mataas ang respeto ng lalaki at tapat ang lalaki sa kanyang intensyon hindi
lang sa babae kundi pati na rin sa mga magulang niya.

At dahil lahat ng bagay ay nagbabago, ang tradisyon din na ito ay nagbago na rin sa tagal ng
mga taong lumipas. Sabay sa modernisasyon ng teknolohiya ang modernisasyon ng panliligaw.
Ngayon, ang tradisyonal na panliligaw ay napasawalang bahala na at nakasalalay na ang
panliligaw ng mga binata sa social media. Halos lahat ay nakadepende na sa teknolohiya pati na rin
ang panunuyo ng mga lalaki. Ngunit ang pamamaraan na ito ay nagdudulot ng mga negatibong
epekto sa mga kabataan lalo na sa mga dalagang nililigawan. Ito ay nagdadala ng ‘di magandang
epekto sa mga dalaga dahil ang mga manliligaw na nasa likod ng phone screen ay maaaring
nagpapanggap lamang tungkol sa kanyang pagkatao at ang sinseridad ng binata ay hindi dama.
Ang dating pormal at mabusising proseso, ay kadalasang hindi na nabibigyang halaga at respeto.

II. Paglalahad ng Suliranin


Pangunahing Suliranin:
1. Anong pagbabago ang tinamo ng tradisyonal na panliligaw sa Pilipinas?
Mga Tiyak na Suliranin:
1. Ano ang epekto ng modernong panliligaw sa mga kabataan?
2. Anong maaaring maging impluwensya ng online na pakikisalamuha sa personal na integridad
ng mga kabataang nagliligawan?

III. Mga Kaugnay na Literatura


Mga Tradisyon ng Panliligaw ng Pilipino
Ang pamana ng Pilipinas ay mayaman sa mga tradisyon, at isa sa mga pundasyon ng
Pilipino ay pagsasagawa ng tradisyonal na panliligaw. Dela Cruz (2007) nagbibigay ng isang
malalim na paggalugad ng mga tradisyonal na ritwal ng panliligaw, nagbibigay-diin sa
kahalagahan ng mga kaugalian tulad ng "harana" at "ligawang pagtatapat." Manaliksik ang
pangako at katapatan na kailangan ng isang manliligaw sa pagtatagumpay ng pagmamahal ng isang
babae.

Mga Impluwensya na Humuhubog sa Tradisyonal na Panliligaw


Santos at Rizal (2015) nasiyasat ng modernisasyon sa mga tradisyonal na gawi sa
panliligaw sa Pilipinas. Ang kanilang pag-aaral ay nagpapakita na ang mga pagsulong ng
teknolohiya, lalo na ang paglaganap ng social media at online na pakikipag-date, ay makabuluhang
binago ng panliligaw. Nagtatalo ang mga may-akda na ang mga pagbabago sa mga pattern ng
komunikasyon at, pagkatapos, ay nakakaapekto sa lalim at pagiging tunay ng mga romantikong
relasyon.

Kwalitatibong pag-aaral galing sa Kabataan Pananaw


Cruz's (2019) kwalitatibong pag-aaral sumasalamin sa mga pananaw ng kabataang Pilipino
hinggil sa traditional na panliligaw sa modernong panahon. Ang mga natuklasan mula sa
pananaliksik ay nagmumungkahi ng isang spectrum ng mga saloobin sa mga kabataan, mula sa
patuloy na pagpapahalaga sa mga kultural na tradisyon hanggang sa isang mas liberal at
kontemporaryong diskarte sa mga romantikong relasyon. Ang pag-aaral ay nakakatulong sa
pagkakaiba-iba ng mga pananaw sa mga kabataang Pilipino, tungkol sa tradisyonal na panliligaw.

Oportunidad sa Nagbabagong tanawin


Reyes (2021) sinaliksik ang mga hamon at pagkakataong ipinakita ng umuusbong na
tanawin ng panliligaw sa Pilipinas. Ang paglitaw ng mga mas liberal na pananaw sa mga relasyon
ngunit binibigyang-diin ang kahalagahan ng pagpapanatili ng mga kultural na halaga. Ang balanse
ng tradisyon at modernidad ay napakahalaga para sa pagpapaunlad ng makabuluhang koneksyon at
pagkakaunawaan sa pagitan ng mga henerasyon.

Midya Representasyon at pagsasama ng Mga Pananaw


Garcia et al. (2018)'s pag-aaral ay nag-iimbestiga sa papel ng midya sa paghubog ng mga
pananaw sa traditional na panliligaw sa mga kabataang Pilipino. Ang pananaliksik ay nagpapakita
na ang media, kabilang ang mga palabas sa telebisyon at mga pelikula, nakakaimpluwensya sa mga
inaasahan at pag-uugali ng mga nakababatang henerasyon. Itinatampok ng pag-aaral para sa midya
literacy at kritikal na kamalayan sa mga kabataan tungkol sa representasyon ng panliligaw sa sikat
na kultura.

IV. Mga Pamamaraan ng Pag-aaral at Pagkuha ng Datos


Disenyo ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay nabibilang sa deskriptibong klasipikasyon na karaniwang ginagamit
sa pananaliksik upang ilarawan at maunawaan ang mga elemento ng tradisyonal at modernong paraan
ng panliligaw.
Lugar ng Pag-aaral
Ang pag-aaral ay isasagawa sa Green Meadows Campus ng The Holy Child College of Davao.
Ang paaralan ng Holy Child ay matatagpuan sa Mintal, Davao City. Dito piniling isagawa ang pag-
aaral dahil ang pagsasagawa ng survey sa isang edukasyonal na institusyon ay maaaring magbigay ng
masusing pagsusuri sa epekto ng modernong panliligaw sa kabataang nag-aaral.

Mga Kalahok sa Pag-aaral


Ang mga kalahok sa pag-aaral na ito ay ang dalawampung (20) SHS students ng Holy Child,
Green Meadows Campus na pinili sa pamamagitan ng random sampling. Ang survey ay isinagawa sa
pamamagitan ng online survey upang mapadali ang proseso nito. Ang dalawampung SHS students na
ito ay maaaring meron o walang karanasan sa panliligaw o kaya’t hindi pa nakaranas na maligawan.
Mga estudyante ang piniling sumagot sa survey dahil sila ang sila ang kasalukuyang nararanasan ang
pagbabago sa pamamaraan ng panliligaw sa Pilipinas.

Mga Instrumentong Gagamitin sa Pag-aaral


Ang mga mananaliksik ay gagamit ng google forms na may pitong (7) katanungan. Ito ay
ipapadala ng mga mananaliksik sa kanilang mga kakilala sa social media upang ito ay kanilang
sagutan.

Mga Hakbang sa Pag-aaral


Isasagawa ng mananaliksik ang sumusunod na mga hakbang upang maisagawa ang kanyang
pag-aaral:
1. Pagkalap, pagbasa, at paglikom ng mga impormasyon na may kaugnay sa pag-aaral
Sinimulan ang pag-aaral sa pamamagitan ng paghahanap ng mga impormasyon tungkol sa pag-aaral
upang makahanap ng parte na dapat pagtuunan pansin sa mga na-publish na pag-aaral tungkol dito.

2. Pagbubuo ng mga katanungan na ipapasagot sa survey


Matapos pag-aralan ang mga kaugnay na mga pag-aaral at nakapili na ng paksa na pagtutuunan ng
pansin ay bumuo na ng mga katanungan na ipapasagot sa mga kalahok sa pamamagitan ng online
survey o google forms.

3. Pagpakalap ng survey form sa mga kilala ng mga mananaliksik sa social media


Matapos makabuo ng mga katanungan at nakagawa na ng google form ay ipinasa na ang link sa
survey at ipinasa sa mga kilala ng mga mananaliksik sa social media.
4. Pagtala at pagbibigay interpretasyon sa mga sagot at resulta ng survey
Pagkatapos ipasagot ang survey at nakakuha ng mga sagot mula sa mga kalahok, kailangan bigyang
interpretasyon ang mga resulta at sagot ng mga kabataan upang makakuha ng mga datos at
konklusyon.

5. Pagrerebisa ng mga resulta at datos ng survey


Ngayon na meron ng nakolektang datos at resulta mula sa survey, kailangan itong i-finalize at ayusin.

V. Batayang Konseptwal ng Pag-aaral


May dalawang uri ng variable: independent variable at ang independent variable. Ang
independent variable ay ang variable na iniisip na nagiging sanhi ng pagbabago o epekto. Sa pag-
aaral na ito, maaaring maging independent variable ang "uri ng panliligaw" o "paraan ng panliligaw."
Ito ay maaaring nahahati sa tradisyonal at modernong paraan ng panliligaw. Ang pangalawang
variable naman ay ang dependent variable, ito ay ang variable na iniisip na naapektuhan o binabago
ng independent variable. Maaaring maging dependent variable ang "reaksyon o epekto sa mga
kabataan." Ito ay maaaring ipakita sa pamamagitan ng mga aspeto tulad ng kanilang pananaw sa
relasyon, pag-uugali, o kahit ang kanilang pakikipag-date. Sa simpleng paraan, ang independent
variable: uri ng panliligaw (tradisyonal at moderno) at ang dependent variable: epekto sa mga
kabataan. Ang pagsusuri na ito ay maaaring tuklasin kung paano nakakaapekto ang uri ng panliligaw
(tradisyonal o moderno) sa mga kabataan ngayon.

VI. Saklaw at Delimitasyon


Ang pananaliksik na ito ay nakatuon lamang sa nakalap ng datos tungkol sa tradisyonal na
panliligaw, ang pagbabago nito sa modernong panahon at ang epekto nito sa mga kabataan ngayon
dito sa pilipinas. Ang mga mananaliksik ay kukuha ng dalawampu (20) na respondente galing sa
buong paaralan ng Holy Child College of Davao, sila ay pipiliin sa pamamagitan ng random sampling.
Ang mga mag-aaral na ito ang siyang binigyang pansin ng mga mananaliksik sapagkat sila ang
makapag-bibigay opinyon ukol sa pag-aaral na gagawin at dahil sila rin ay mayroong karanasan sa
nasabing usapan.

Ang pag-aaral na ito ay hindi tumitiyak sa panlahat na saloobin ng mga respondente o mag-
aral sa buong eskwelahan sa loob ng bansa. Ito ay may kinalaman lamang sa mga saloobin ng mga
mag-aaral sa paaralan ng Holy Child College of Davao . Ngunit anuman ang magiging kalalabasan ng
nasabing pag-aaral ay hindi malayo sa mga saloobin ng mga mag-aaral sa ibat- ibang paaralan sa ating
bansa.

VII. Paglalahad ng Datos at Kinalabasan ng Pag-aaral

VIII. Konklusyon at Rekomendasyon


IX. Talaan ng mga Sanggunian

Dela Cruz, J. (2007). Harana: A Cultural Examination of Traditional Filipino Courtship Practices.
Manila Studies, 12(2), 45-60.

Santos, M., & Rizal, J. (2015). Changing Tides: The Impact of Social Media on Traditional Filipino
Courtship. Philippine Journal of Sociology, 40(3), 213-230.

Cruz, A. (2019). Voices of the Youth: A Qualitative Study on Filipino Perspectives on Traditional
Courtship. Journal of Contemporary Culture, 34(4), 567-583.

Reyes, L. (2021). Nurturing Tradition in a Modern World: Challenges and Opportunities in Filipino
Courtship. Cultural Dynamics, 28(1), 78-94.

Garcia, E., et al. (2018). Love in Pixels: Media Representations and Filipino Youth Perceptions of
Courtship. Journal of Media Studies, 25(2), 189-206.

You might also like