You are on page 1of 5

Pangalan: Kim Paula Y.

Ortiz Seksyon: 12STEME-6

I. Pamagat ng Pag-aaral:

Mga Salik ng Maagang Pakikipagrelasyon at mga Epekto nito sa Kabataan Habang Nag-aaral

II. Tesis na Pahayag:

Ang maagang pakikipagrelasyon ng isang estudyante ay tunay na nakakaapekto sa kanyang


pag-aaral. Nagdudulot ito ng iba’t ibang epekto sa performance sa loob ng paaralan ganoon
na rin sa kanilang pagkatao at mentalidad.

III. Anyo ng Sintesis:

Explanatory Sysnthesis

IV. Uri ng Sintesis:

Thesis-Driven Sysnthesis

V. Teknik sa Pagdebelop ng Sintesis:

Pagdadahilan

VI. Nilalaman:

Ang relasyon ay isang kakaibang koneksyon ng dalawang tao sa isa’t isa. Ito ay
nangangailangang magtaglay ng pundasyon upang maging matibay at hindi madaling
gumuho. Sa kasalukuyan kung saan ang mga kabataan ay siya nang binabansagang GEN-Z
o Generation Z, hindi na bago sa paningin ang talamak na estudyanteng nakikipagrelasyon
sa kabila ng pagiging menor de edad nito. Wala nang pinipiling edad ang pakikipagrelasyon
sa kasalukuyan. Maituturing na isang murang pag-ibig ang relasyon na siyang pinapasukan
ng mga kabataan sa panahon ngayon sa kadahilanang hindi pa ito ganap na buo. May mga
pagkakataong nagiging mapusok ang bawat kabataan na siyang nagdudulot ng masasamang
epekto sa kanilang pag-aaral. Kung pagmamasdan ay kahit mga estudyante sa elementarya
ay mulat na sa ganitong usapin sa kadahilanang ito ang nauuso sa henerasyon ngayon na
hindi kaaya-ayang tignan sa nakararami. Bilang isang mag-aaral, normal lamang na mahulog
o umibig sa isang tao. Hindi na bago sa pandinig ang pagkakaroong ng crush o kaya naman
ay mga love team na nabubuo dulot ng mga mapang-asar na kantiyawan ng bawat kaklase
sa silid-aralan. Marahil ang pag-ibig na ito ay nagdudulot ng inspirasyon sa kanilang pag-aaral
at may mga nagagawa itong mabubuting epekto sa kanila. Ngunit sa kabila ng magagandang
epektong ito, kaakibat ang masasamang dulot sa pagsasabay ng pakikipagrelasyon sa buhay
ng mga estudyante. Dagdag pa rito ay dapat maunawaan ng mga mag-aaral kung paano
ibalanse ang oras ng pag-aaral sa iba pang gawain. Ang pagkakaroon ng karelasyon o hindi
pagkakaroon habang nag-aaral ay nakasalalay sa desisyon ng isang estudyante.
Nakadepende sa bawat mag-aaral kung paano niya pahahalagahan ang kaniyang pag-aaral,
may karelasyon man o wala. Tunay na kailangan ng determinasyon na may kaakibat na
pagiging masunurin sa pag-aaral. Walang anumang suliranin at problemang kakaharapin sa
pagpasok sa eskuwela kahit na may ka-ibigan kung mayroong ganitong pag-iisip at pag-
uugali ang bawat mag-aaral.

Malawak ang sakop ng mga kadahilanan kung bakit nakikipagrelasyon ng maaga ang
isang estudyante. Ito ay tunay na nakakaapekto sa kanilang emosyonal na kalusugan ganoon
na rin sa kaniyang mentalidad. May mga kabataan na pinapasok ang maagang
pakikipagrelasyon dahil sa pagnanais ng atensyon na hindi nakukuha sa kanilang mga
magulang. Maraming kabataan ngayon na naghahanap ng aruga at pagmamahal sa kanilang
tahanan ngunit maaaring ang atensyong ninanais ay hindi maatim sa kadahilanang malayo
sa magulang o di kaya ay ulila na sa mga mahal sa buhay. Ang pagmamahal na kanilang nais
maramdaman ay hinahangad na lamang sa ibang tao. Dagdag pa rito ay dulot ng kawalan sa
atensyon at aruga mula sa kanilang tagapag-alaga ay hindi na nasusubaybayan ang mga
pangangailangan at kakulangan ng bata. Isa rin ang social media na nagsasanhi ng malalim
na kagustuhang makipagrelasyon ng kabataan. Hindi taliwas sa isipan ng nakararami na
tunay na nakatutulong ang social media sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao. Sa kabila
nito, ang social media ay nakaaapekto sa mentalidad ng kabataan sapagkat napakaraming
sakop ng kagamitang ito. Ilan sa mga nauusong social media sites ay ang Facebook, Twitter,
Instagram, at TikTok. Sa mg site na ito nakikita ang mga tinatawag na memes, videos, at mga
nauusong gawain ng bawat indibidwal. Karamihan sa mga nauusong ito ay may patungkol sa
pakikipagrelasyon. Dahil sa kawalan ng sapat na atensyon mula sa magulang ay hindi ito
nabibigyang pansin na nagdudulot ng kung ano-ano na lamang ang nakikita ng kabataan sa
social media. Ang mga kabataan ngayon ay mahilig sumabay sa uso kung kaya naman ay
anumang makita sa social media ay nagkakaroon sila ng kagustuhang gayahin ito. May
pagkakataong sa simpleng pakikipagkilala lamang online ay nakakahanap na ang mga ito ng
ka-relasyon na kung wawariin ay walang pundasyon na nagdudulot rin ng pagtatapos sa
maikling panahon. Kung dadako naman sa paaralan, maraming impluwensiya sa paligid at
maaaring magmula ang kagustuhang pakikipagrelasyon sa mga kaklase o kaibigan. Dulot ng
pakikipagsabayan sa kung anong mayroon ang iba ay pumapasok sa isang relasyong hindi
mulat ang kabataan. Ang mga kaibigan ay napakalaking impluwensiya sa pagkilos at
paguugali ng isang tao. Ang simpleng pakikipagsalamuha lamang sa mga kaibigan araw-araw
ay nakapagpapabago ng mentalidad ngunit kahit ano pa man ay may pansariling desisyon
ang kabataan kung gagayahin nila ang mga gawaing nakikita sa kanilang paligid. Dagdag pa
rito ang pagkakaroon ng problema. Sa panahon ngayon, ang mga kabataan ay mas nagiging
sensitibo sa bawat bagay na kung hindi nasosolusyonan ng maaga ay nagdudulot ng
matinding emosyon at pangangailangan. Marahil may dinadala sila kung kaya ay naiisip
nilang ang pakikipagrelasyon ang solusyon sa kanilang problema. Walang sapat na gabay at
emosyon lamang ang tumatakbo sa kanilang pagkatao na hindi nila alam na makapagdudulot
pa ito ng mas malalalim na epekto sa kanilang buhay. Isa pang dahilan ang paghihiganti sa
magulang. Marahil ay hindi maganda ang mga pangyayari sa loob ng tahanan kung kaya ay
nagdudulot ito ng pagsuway dahil sa paghihigpit ng mga magulang. Sa kalagitnaan ng
pagsuway na ito, maaaring maghanap sila ng taong masasandalan at makakapitan. Mabilis
mahulog ang mga kabataan sa isang bagay na sobra nilang hinahangad at pinapangarap.
Ang panghuling nagdudulot ng maagang pakikipagrelasyon ay ang pagbabago ng panahon.
Napakalaking parte nito sa pamumuhay ng tao. Ang pangkalahatang dahilan na nabanggit ay
dulot ng pabago-bagong takbo ng buhay. May mga bagong nadidiskubre at nalalaman ang
bawat isa. Ang mga kabataan ngayon ay madali nang nakakakalap ng mga impormasyong
maaaring may mabuti o masamang dulot sa kanila. Sa kasalukuyan, madali nang
makipagusap dulot ng pagunlad ng teknolohiya, patuloy na umuunlad kung kaya ay mayroong
bagong kaalaman. May mga kabataang pinapasok lamang ang isang relasyon dahil nais
nilang maranasan kung ano ang pakiramdam na may kasintahan.

Napakalaking epekto ng pakikipagrelasyon sa buhay ng kabataan lalo pa at sila ay


kasalukuyang nag-aaral. Iba’t ibang emosyon ang kanilang kakaharapin at maaari pang
magdulot ng mas malalim na suliranin. May mga magagandang dulot ito gaya ng mas
magiging maingat sila sa hinaharap sapagkat mayroon na silang karanasan sa
pakikipagrelasyon at marahil ay ginagamit nila ang kanilang kasintahan bilang inspirasyon sa
pag-aaral. Alinsunod sa mga magagandang dulot na ito ay may kalakip na masasamang dulot
sa pag-aaral gay ana lamang ng pagkawala ng pokus at mas pinagtututunan ng pansin ang
kanilang kasintahan kaysa sap ag-aaral. Nagdudulot rin ito ng pagkawala ng alaga sa sarili,
maaaring maubos ang pera sa paggastos lamang sa mga regalo at habang tumatagal ay
nalilimutan nang alagaan ang sarili. Ang panghuli at pinakasensitibong parte ay ang teenage
pregnancy. Hindi maiiwasan ng mga kabataan na mag explore sa bawat bagay sapagkat wala
silang sapat ng gabay, dulot nila ang pagkasira ng kanilang kinabukasan.

Ang pakikipagrelasyon ay may tamang proseso at hakbang na dapat maintindihan ng


bawat kabataan. Hindi ito minamadali sapagkat ito ay may nakatakdang panahon kung kailan
darating sa buhay. Hindi makapagpapabawas ng pagkatao kung mayroon man o walang
kasintahan lalo pa kung menor de edad pa lamang. Mayroon mang mga salik at dahilang
isinasaalang-alang ay karapat dapat na maintindihan ng kabataan na ang pakikipagrelasyon
ay hindi hinahanap bagkus ay hinihintay na dumating sa takdang panahon na nilaan ng Poong
Maykapal. Kahit nakapagbibigay ng positibong epekto ang pakikipagrelasyon ay maaari pa
rin itong magdulot ng masasamang epekto lalo na kapag nagumpisa sa pagmamadali.
Kailangang matuto ang kabataan na balansihin ang oras para sa mga taong mahahalaga at
mga bagay na dapat bigyan ng prayoridad. Bilang isang kabataan, marapat na may sapat na
pagintindi at kaalaman kung hanggang saan lamang ang limitasyon ng bawat isa.

VII. Talasanggunian

https://www.slideshare.net/AnGeldelMundo/maagang-pakikipagrelasyon

https://wearebeaches.wordpress.com/2015/07/10/maagang-pakikipagrelasyon-ng-kabataa/

https://pdfcoffee.com/maagang-pakikipagrelasyon-ng-mga-kabataandocx-pdf-free.html

https://www.chp.gov.hk/files/pdf/stress_management_in_children_tagalog.pdf

https://www.academia.edu/38304026/Sitwasyong_Kinakaharap_ng_mag_aaral_ng_Senior_
High_School_sa_Dalig_National_High_School_tungkol_sa_pananaliksik_

https://www.academia.edu/23301547/_EPEKTO_NG_SOCIAL_MEDIA_SA_PAMUMUHAY_
NG_MGA_MAG_AARAL

https://brainly.ph/question/10865640
https://retorikarayvenron.wordpress.com/2014/09/11/buhay-estudyante-at-buhay-pag-ibig-
paano-mo-napapag-sabay/ayahyung.blogspot.com/p/marami-sa-kabataan-ngayon-
ang.html?m=1

http://AnGeldelMundo/maagang-pakikipagrelasyon%26ved%3D2ahUKEwjA_vnR-
9XcAhVPXSsKHRs6B88QFjAJegQIAhAB%26usg%3DAOvVaw32FxLXaxd3fXDvdwzsNeYj

https://ellonbatac.wordpress.com/2016/12/11/pakikipagrelasyon-ng-kabataan/

You might also like