You are on page 1of 2

KABANATA 1

Panimula
Relasyon ang tawag sa komunikasyon o interaksyon sa pagitan ng dalawa o higit pang mga tao.
Kasintahan ang kaklase ng taong handa kang samahan sa lahat ng bagay na iyong pinagdadaanan
at siya rin ay isa a mga taong magbibigay kasiyahan at pagmamahal hindi lamang sa salita kundi
pati sa gawa.

Marahil lahat sa atin ay nangangailangan ng kasintahan na syang katuwang natin sa habang


buhay sa hirap at ginhawa nagsisimula ang pakikipagrelasyon sa sekondarya dahil sa primary
nagsisimula ang mga paghanga. Marami sa mga kabataan sa sekondarya ang nakikipag relasyon
habang nag-aaral dahil lahat ay nangangailangan ng matibay na pakikipagrelasyon na may
mapagsasabihan ng mga problema, mababahagian ng mga karansan at nagpapahayag ng sariling
opinyon.

Sa pagkakaroon ng kasintahan habang nag-aaral ay may position at negatibong epekto sa bawat


isa ang positibo ay ginawa nilang inspirasyon ito upang lalong mapaganda ang akademikong
performas nila, lubos na kasiyahan ang nadarama kapagkasama at mas makikilalang maigi ang
sarili ang negatibong epekto nito ay nagkukulang na sa oras sa pag-aaral kung may problema ang
syang dahil kung bakit lumiliban sa klase.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Ang pananaliksik na ito ay para sa mga Grade XI Poseidon ng Laua-an NHS upang malaman ang
mga dahilan sa kinakaharap na problema at mabigyang pansin kung ano ang mabuti at
masamang epekto nito sa mga mag-aaral. Paano nga ba mawawala ang problemang ito kung ang
masamang epekto nito ay kanilang mararanasan ? Ano- Ano ang pweding maapektuhan sa isang
estudyante kung sakling hindi masalusyunan ang problemang ito.

1. Emosyonal na aspeto
2. Physical na aspeto
3. Depression ang kahahantungan
4. Pag-aaral

LAYUNIN NG PAG-AARAL
Ang pamanahong papel na ito ay nagbibigay linaw sa mga dahilan ng pakikipag relasyon ng mga
mag-aaral ng Grade XI Poseidon

Mga Layunin:
* Dahilan ng mga kabataan kung bakit nakikipagrelasyon sila
* Ano kaya ang positibo at negatibong dulot nito sa kanilang pag-aaral; At
* Kung paano nakakaapekto ang pakikipagrelasyon sa kanilang pag-aaral.
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Ang mga mananaliksik ng pamanahong papel na ito ay nainiwala na ang pag-aaral ay
napakahalaga. Ito ay nagsisilbing gabay sa mga mag-aaral ng Baitang II Seksyong Poseidon
nang sa ganoon ay lalong mapabuti nila ang kanilang pag-aaral habang makikipag-relasyon.
Mahalaga ang mga datos at impormasyon dahil malaki ang naitutulong nito sa mga mag-aaral na
makikipagrelasyon at pati na rin sa mga mag-aaral na nagbabalak na pumasok sa isang relasyon.

Sa mga Grade XI Poseidon


- ang pag-aaral na ito ay nagsisilbing gabay sa mga mag-aaral na maaaring kahihinatnan ng
pagkakaroon ng kasintahan habang nag-aaral.

Sa paaralan ng Laua-an National High School


– ang pananaliksik na ito ay nagsisilbing gabay sa paaralan ng Laua-an National High School
para malaman ang negatibong dulot sa paaralan ukol sa pagkakaroon ng kasintahan ng mga
Grade 11 Poseidon habang nag-aaral.

Sa mga magulang
- Para may kamalayan ang mga magulang sa maaaring epekto ng pagkakaroon ng kasintahan
habang nag-aaral.
Sa mga
researcher -Sa
pamamagitan ng pag aaral na ito, makakakalap ng impormasyon ang mga researcher sa maaaring
epekto nito at maaaring gawin ng sa gayo’y mabigyang solusyon ang problema .
.

Sa mga guro
-gabay para maipaalam sa mga guro upang sila’y may kamalayan sa possibleng epekto ng
pagkakaroon ng kasintahan habang nag aaral .

You might also like