You are on page 1of 11

KABANATA I

TALAAN NG NILALAMAN

ABSTRAK……………………………………………………………………………………..

PASASALAMAT…………………………………………………………………………….

KABANATA I

PANIMULA………………………………………………………………………………….

RASYUNAL………………………………………………………………………………….

LAYUNIN NG PAG-AARAL……………………………………………………………

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL…………………………………………………

SAKLAW AT LIMITASYON……………………………………………………………

DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA…………………………………….

METODOLOHIYA………………………………………………………………………..

KABANATA II

KONSEPTUWAL NA BALANGKAS……………………………………………….

TESIS REVIEW…………………………………………………………………………….

KAUGNAY NA LITERATURA…………………………………………………………

METODOLOHIYA………………………………………………………………………...

PROSESO NG PANGANGALAP NG DATOS…………………………………….

KABANATA III

RESULT/RESULTA……………………………………………………………………….

KABANATA IV

NATUKLASAN…………………………………………………………………………….

KONKLUSYON…………………………………………………………………………….

REKOMENDISYON……………………………………………………………………..

APENDIKS…………………………………………………………………………………

SANGGUNIAN…………………………………………………………………………..
PAKSA: EPEKTO NG PAKIKIPAGRELASYON SA AKADEMIKONG
PERFORMANS NG MGA MAG-AARAL

ABSTRAK

Ang pananaliksik na ito na pinamagatang Epekto ng Pakikipagrelasyon ng Mag-aaral sa Calicananan


Junior High School Sekyon Gemini. Ang pananaliksik na ito ay isinasagawa upang mabatid ang Epekto ng
Pakikipagrelasyon sa Pag-aaral. Hinangad din sa pag-aaral na ito na masagot ang mga sumusonod na
mga katanungan: Ano ang profayl ng mga mag-aaral ayon sa kasarian at edad? Anu-ano ang mga
positibong naidudulot nito sa: (a) pag-aaral; (b) sarili. Anu-ano ang mga negatibong naidulot nito sa: (a)
pag-aaral; (b) sarili. Paano nakakaapekto ang pakikipagrelasyon sa kanilang pag-aaral?

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng purposive sampling sa pagpapamodmod ng mga sarbey form
upang makalikom ng mga datos.

ACKNOWLEDGEMENT

Una sa lahat, ako ay nagpapasalamat sa panginoong Diyos na palaging gumagabay sa akin sa kahit anong
gawin ko at nagbigay lakas sa araw-araw na pamumuhay.

Sa aking mga magulang, ako ay nagpapasalamat na andyan palaging sumusuorta sa aking pag-aaral at
nagbigay motibasyon sa akin na mas lalong pagbutihin ang aking pag-aaral.

Sa mga guro, na walang sawang nagtuturo sa lahat ng mga estudyante dito sa Calicanan J/S High School.
Salamat sa inyong pagtuturo sa amin upang mas madagdagan ang aming kaalaman.

Sa aking mga klasmeyt, na andyan palaging tumutulong kapag may kailangan ako at nagbigay kasiyahan
kahit medyo nahihirapan pero laban pa rin.

Sa aking mga respondent, Salamat sa inyong partisipasyon sa aking ginagawang pananaliksik.

PANIMULA

Ang pakikipagrelasyon ay isang interaksyon sa ating kapwa na kung saan ipinadadama ng isang
indibidwal ang kanyang saloobin na gusto nitong ipahayag. Sa pamamagitan nito magkaroon ng
masasabihan ng problema at magbigay satin ng inspirasyon at magbigay ngiti samga labi ng bawat may
karelasyon. Ngunit kailangan may balanse sa oras at hindi pababayaan ang pag-aaral kung pumasok sa
ganitong relasyon.
RASYUNAL

Ayon kay Chad Lester M. Hongco (2001), ang pagkakaroon ng relasyon ng isang estudyante ay may
nakabitin na epekto sap ag-aaral. Minsan kung ang kabataan ay masyadong nalululong sap ag-ibig
nakakalimutan na nilang mag-aral ng mabuti o minsan nakakalimutan na talaga nila ang pag-aaral.
Nawawalan na sila ng oras sa kanilang pag-aaral dahil ginugugol ang sarili sa kanilang karelasyon.

Ang pagkakaroon ng karelasyon habang ikaw ay nag-aaral ay nakakabuti din. Kung minsan, ikaw ay
nagkakaroon ng inspirasyon tungo sa pag-aaral, dahil dito nagagawa mo ng husto ang iyong pag-aaral.

Ayon kay Sizer-Webb et al. (1999), lahat ng tao ay nangangailangan ng matibay na pakikipagrelasyon sa
kanyang kapwa. Mahalaga na may mapagsasabihan tayo ng mga problema, mababahagian ng ating
karanasan at makapagpahayag ng sariling opinyon. Marahil na ang pakikipagkarelasyon ang nakikita ng
mga kabataan para sa lubusan nilang makilala ang kanyang sarili at maipahayag ang sarili nilang
damdamin.

Ayon sa pagsusuring ginawa ng Unibersidad ng Pilipinas(2002), pababa nang pababa ang edad ng mga
kabataang pumapasok sa isang relasyon. Karamihan sa kanila ay mga estudyante. Subalit tama ba na
pagsabayin ang pag-aaral at pakikipagrelasyon? Ang pagsasabay ng pag-aaral at pakikipagrelasyon ay
mahirap. Lalo na kung estudyante ay hindi marunong mamahala sa kanyang emosyon at di kayang
pagsabayin ang pag-aaral sa pag-ibig. Sapagkat minsan ang pagkabigo sa pag-ibig ay nakasisira ng pag-
aaral. Sa kabilang banda mayroon din naman itong maidudulot na kabutihan—ito ay ang inspirasyon at
kaligayahan sa pag-aaral. Hindi naman masama ang pumasok sa isang relasyon subalit dapat na mas
bigyang-halaga pa rin ang pag-aaral dahil dito nakasalalay ang iyong kinabukasan. Dapat ring isaalang-
alang ang pagbabalanse sa dalawa upang magkaroon ng mas mabuting resulta. Huwag mong hayaang
masira ng pakikipagrelasyon mo ang iyong pag-aaral. Huwag mo rin namang pigilan ang sarili mong
magmahal. Dapat ay maging balanse ang dalawang ito.

Ayon kay Ramon Carlos (2008), Tinukoy niya ang mga negatibong epekto ng pagkakaroon ng lovelife sa
buhay ng isang estudyante. Una sa lahat, maapektuhan nang Malaki ang kanyang pag-aaral. Dahil imbes
na ituon ang 100% na atensyon natin sa pag-aaral ay nalilihis tayo at mas napagtuunan ng pansin ang
kasintahan. Imbes na mag-aral ng nang mabuti at mailaan natin ang oras sa pag-aaral ay mahahati ito
kung sakaling may kasintahang nangangailangan din ng atensyon.

Ayon kay Hongko ( 2001), ang pakikipagrelasyon ay hindi isang propesyon at sa halip ay isa lamang itong
pamamaraan kung paano natin masusukat ang ating kakayahan at silbi bilang tao, kung paano mas
magiging malawak at makabuluhan ang pananaw natin sa buhay. May mga alaala ang bawat pangyayari
na nagiging dahilan para higit pang magkaroon ng katuturan sa buhay.

Ayon kay Tuazon ( 2012), Ang pagkakaroon ng karelasyon sa buhay ng estudyante ay madaming kaakibat
na pasan sa likod. Kailangan maglaan ng oras at atensyon ang isang mag-aaral na dapat ay kanyang
ginugugol sa paggawa ng mga kakailanganin sa pag-aaral.

Ang pakikipagrelasyon ay hindi minamadali, hindi hinahanap at hindi biro (Malik 2016). Sa ating
henerasyon ngayon, madami nang kabataan ang may karalasyon at kadalasa’y nakakaapekto ito sa
kanilang pag-aaral, mapa mabuti man o masama. Ang pagkakaroon ng relasyon ng isang estudyante ay
may nakabitin na epekto sa kanilang pag-aaral.

LAYUNIN NG PAG-AARAL

Layunin ng pananaliksik na ito na mabatid ang epekto ng pakikipagrelasyon habang nag-aaral. Nilalayon
ng mananaliksik na maglahad ng datos upang mapatunayan na may epekto ba ang pakikipagrelasyon
sap ag-aaral.

Kaugnay nito, nais ng mga mananaliksik na mabigyan ng kasagutan ang sumusunod na mga tiyak na
katanungan:

1) Ano ang propayl ng mga mag-aaral ayon sa kasarian at edad?

2) Ano-ano ang mga positibong naidudulot nito sa:

2.1 Pag-aaral

2.2 Sarili

3) Ano-ano ang mga negatibong naidudulot nito sa:

3.1 Pag-aaral

3.2 Sarili

4) Paano nakakaapekto ang pakikipagrelasyon sa kanilang pag-aaral?

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Sa pag-aaral na ito ay naniniwala kaming mga mananaliksik na makatulong ang pananaliksik na ito upang
matukoy ang epekto ng pakikipagrelasyon sa akademikong performans ng mag-aaral.

Para sa mga guro, Sa pananaliksik namin ito ay inaasahan naming na makatulong ito upang magkaroon
ng gabay ang mag-aaral na pumasok o pumapasok sa pakikipagrelasyon. Sa pag-aaral na ito nais ng
mananaliksik na ipaalam sa mga guro kung mapabuti o mapasa ang pagpasok ng mag-aaral sa
pakikipagrelasyon.

Para sa mga magulang, Inaasahang na ang pag-aaral na ito ay makatulong sa mga magulang upang
malaman ang mga nagaganap sa mag-aaral sa kasalukuyan. Makatulong din ito upang malaman nila at
magabayan ang kanilang mga anak na maaring isa sa mga pumasok sa pakikipagrelasyon.
Para sa mga mag-aaral, inaasahan na sap ag-aaral na ito ay makatulong sa mag-aaral kung ano ang
posibleng epekto ng pakikipagrelasyon habang sila ay nag-aaral.

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pag-aaral na to ay isinasagawa upang mabatid ang ibat ibang epekto ng pakikipagrelasyon ng mga
kabataan kasabay ng kanilang pag-aaral. Sasaklawin ng pananaliksik na ito ang mag-aaral ng grade 10
student ng Calicanan Junior High School.

DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA

Upang mas maging madali ang pagkaintindi ng mga mambabasa, minarapat ng aking pananaliksik na
bigyan ng depinisyon ang mga sumusunod na mga salita batay sa kung paano ginagamit ang bawat isa sa
pamanahong pananaliksik.

CSS - Computer System Servicing

Kasintahan- nobyo o nobya, iniibig, sinisinta

Pag-aaral- Pagpasok sa eskwelahan upang mas mapatalas at madagdagan ang kaalaman ng estudyante.

Pakikipagrelasyon- Ugnayan upang magkaroon ng isang relasyon na pinagbuklod ng pagmamahalan.

Sarili- mahalagang katangian ng isang tao na nagbubukod sa kanya mula sa ibang tao.

Inspirasyon- Pinaghuhugutan ng lakas

Nakakaudyok- Nakakaimpluwensiya

METODOLOHIYA

Ang pamamaraang kwantitatibo ang gagamitin sa pagsusuri ng mga nakalap ng mga datos. Gagamit ng
purposive sampling ang mananaliksik sa pagpapamodmod ng mga sarbey form upang makalikom ng
datos. Ang mabubuong konklusyon ng mananaliksik ay magmumula lamang sa sagot na
malilikom/makukuha mula sa mga tagatugon.
KABANATA II

KONSEPTUWAL NA BALANGKAS

EPEKTO NG PAKIKIPAGRELASYON  Kailan nagsimulang makikipagrelasyon


NG MGA MAG-AARAL  Positibong epekto ng pakikipagrelasyon
 Nagatibong epekto ng pakikipagrelasyon
 Paano nakaapekto ang pakikipagrelasyon
sa pag-aaral

TESIS REVIEW

Sa aking ginawang pananaliksik nalaman na ang pagkakaroon ng pakikipagrelasyon habang nag-aaral ay


may kaakibat na dalawang epekto negatibo at positibong epekto katulad na lamang ng kakulangan ng
oras sa pag-aaral dahil imbes na mag-aral ay nahahati ang oras nito sa kasintahan. Dahil ayon kay Ramon
carlos (2008) ang negatibong epekto ng pagkakaroon ng lovelife sa buhay ng isang estudyante ay
maaapektuhan nang malaki ang ang kanyang pag-aaral. Dahil imbes na ituon ang 100% na atensyon sa
pag-aaral ay nalilihis at mas napagtuunan ng pansin ang kasintahan. Imbes na mag-aral tayo ng mabuti
at mailaan natin ang ating oras sa pag-aaral at mahahati ito kung sakaling may kasintahan tayong
nangangailangan din ng atensyon. Dahil dito, mahahati ang ating oras at maguguluhan ang ating isipan
kung alin sa dalawa ang uunahin.

May positibong epekto ng pagkakaroon ng karelasyon habang ikaw ay nag-aaral ito ay nagbibigay ng
inspirasyon sa pag-aaral. Dahil ayon kay Chad Lester M. Hongco (2001), ang pagkakaroon ng ng
karelasyon habang nag-aaral ay nakakabuti din. Kung minsan, ikaw ay nagkakaroon ng inspirasyon tungo
sa pag-aaral, dahil dito nagagawa mo ng husto ang iyong pag-aaral. Kung ang karelasyon mo ay masipag
mag-aral, tiyak na ikaw ay sisipag rin sa pag-aaral. Hindi naman sa lahat ng oras ang isang karelasyon ay
nakakasama sa pag-aaral, sila din ang nagbibigay ng inspirasyon at determinasyon sa isang estudyante
na galingan sa kanilang pag-aaral. Nakakatulong din ang isang relasyon sa paran na maibigay natin ang
ating sariling motibo na maipabuti ang pag-aaral.

KAUGNAY NA LITERATURA

Marami nang mga dalubhasa ang nag-aaral hinggil sa pakikipagrelasyon ng mga kabataan. Sa kabilang
banda, marami parin ang hindi nakakaunawa at nakakaintindi sa tunay nitong kahulugan at kung
papaano ito nakakaapekto sa kanilang pag-aaral. Marami din sa atin ang nagkaroon ng miskonsopsyon
sa pakikipagrelasyon.
Ayon kay Avelino et al. (1996), may mga bagay tayong dapat gawin para magkaroon ng magandang
pakikipagrelasyon. (1) kung wala kang magandang sasabihin sa iyong kasintahan, mabuting wag ka
nalang magsalita; (2) tuparin ang mga pangako; (3) igalang ang iyong kasintahan; (4) magkaroon ng
interes sa iyong partner; (5) maging masahin; (6) maging bukas sa mga posibilidad; (7) hayaan ang iyong
sarili na sabihin ang tunay na nararamdaman; (8) huwag saktan kailanman ang iyong kasintahan; (9)
panatilihin ang pagiging malambing at (10) maging palatawa.

PROSESO NG PANGANGALAP NG DATOS

Para sa pag-apruba, ang mga mananaliksik ay nagsumite ng pamagat, matapos maaprubahan ang
pamagat, ang mga mananaliksik ay naghanap ng mga kaugnay na literatura. Gumawa ng kwestyoner ang
mga mananaliksik upang ibigay sa napiling maging respondente.

Nangalap ang mga mananaliksik ng datos sa pamamagitan ng sarbey kwestyoneyr sa 21 na respondente


at ang mga datos na nakalap ay inlisa ng Mabuti at ang resulta ay inilahad sa Kongklusyon at
rekomendasyon.

KABANATA III

RESULTA

Sa kabanatang ito, dito inilahad ang pagsusuri at interpretasyon ng mga nakalap na datos.

Profayl ng mga Respondante

EDAD FREQUENCY(f) Percentage ( %)


15 taong gulang 6 28%
16 taong gulang 9 42%
17 taong gulang 0 0%
18 taong gulang 2 10%
19 taong gulang 2 10%
20 taong gulang 1 5%
21 taong gulang 1 5%
Total 21 100%
Ipinapakita sa talahanayan 1 sa dalawampu’t isang respondente ay anim (28%) ang 15 taong gulang,
siyam (42%) ang nasa 16 taong gulang, dalawa ( 10%) ang nasa 18 taong gulang, at dalawa (10%) ang
nasa 19 taong gulang, isa (5%) naman ang 20 at 21 taong gulang.

Talahanayan 2: Distribusyon ng mga Respondente Batay sa kasarian:

KASARIAN FREQUENCY (f) PERCENTAGE (%)

LALAKI 9 43%

BABAE 12 57%

TOTAL 21 100%

Ipinakita sa talahanayan 2 ang distribusyon ng mga respondente batay sa kanilang kasarian na kung saan
nagkaroon ng hindi pagkapantay-pantay na bilang ng mga respondent. Sa dalawaqmpu’t isa (21) na
respondente, labing dalawa (12) sa kanila ang babae at siyam (9) ang mga lalaki.

Talahanayan tatlo: Panahon na nagsimulang makikipagrelasyon ang mga respondent

Pagsisimula ng FREQUENCY(f) Percentage(%)


pakikipagrelasyon
Grade 8 2 10%
Grade 9 6 29%
Grade 10 13 61%

Sa dalawampu’t isa (21) respondente, labing tatlo (13) sa kanila na nagsabi nga baitang sampu sila
nagsisimulang nakikipagrelasyon, Anim (6) naman sa kanila nagsabi noong baitang siyam sila
nagsisimulang nakikipagrelasyon at dalawa (2) naman sa kanila ang nagsabing sa baitang walo ay
nagsisimula na silang nakikipagrelasyon.

Talahanayan 4: Oras na ginugugol sa isa’t isa

Oras na iginugugol sa isa’t isa F f%


Hindi hihigit sa dalawang oras 18 85%
Tatlo hanggang apat na oras 1 5%
Limang oras o higit pa 2 10%
Ipinakita sa talahanayan apat na Labing walo (85%) sa 21 respondente ang higit sa dalawang oras ang
kanilang iginugugol sa kanilang kasintahan. Dalawa (10%) sa 21 respondente ang limang oras ang
kanilang iginugugol sa kanilang kasintahan. Isa (5%) sa 21 respondente naman ang nagsasabing tatlo
hanggang apat na oras lamang ang kanilang oras na iginugugol nila sa isa’t isa.
Talahanayan 5: Positibong naidudulot ng Pakikipagrelasyon sa pag-aaral

Positibong naidudulot ng F f%
Pakikipagrelasyon sap ag-aaral
Inspirasyon 14 66%
Mas makilala ang sarili 4 19%
Kasiyahan habang magkasama 2 10%
Kasama sa pangangailangan 1 5%
Ipinapakita sa Talahanayan lima ang positibong naidudulot ng Pakikipagrelasyon sa pag-aaral at ayon sa
naging resulta ay 66% o 14 sa 21 respondente ay itinuturing nilang inspirasyon ang pakikipagrelasyon.
Para naman sa 19% o 4 sa 21 respondente ay nagsabing mas makilala ang sarili ang positibong
naidudulot ng pakikipagrelasyon. Sumunod ay 10% o 2 sa 21 respondente ang nagsabing kasiyahan
habang magkasama ang positibong naidudulot ng pakikipagrelasyon sa kanilang pag-aaral. At ang
panghuli ay 5% o 1 sa 21 respondente ang itinuturing na kasama sa pangangailangan ang kanilang
kasintahan na siyang nagiging positibong dulot nito sa kanilang pag-aaral.

Talahanayan 6: Negatibong naidudulot ng Pakikipagrelasyon sa Pag-aaral

Negatibong naidudulot ng F f%
Pakikipagrelasyon sa Pag-aaral
Distraksyon 10 48%
Aksaya ng panahon 6 28%
Walang negatibo 3 14%
Nababago ang sarli 2 10%
Ipinapakita sa Talahanayan 6 ang negatibong naidudulot ng Pakikipagrelasyon sa Pag-aaral at lumabas sa
pag-aaral ng mga mananaliksik na 10 (48%) ang nagsabing nagiging distraksyon sa kanilang pag-aaral ang
pagkakaroon ng kasintahan at 6 (28%) sa 21 respondente ang piniling aksaya lang ng panahon ang
pakikipagrelasyon. Sumunod 3 (14%) sa 21 respondente ang nagsabing walang negatibong epekto ang
pakikipagrelasyon sa kanilang pag-aaral, at panghuli 2 (10%) ang naniniwala na mababago ang sarili sa
pagkakaroon ng kasintahan.

Talahanayan 7: Epekto ng Pakikipagrelasyon sa Pag-aaral

Epekto ng Pakikipagrelasyon sa F f%
Pag-aaral
Nagkukulang ng oras sa Pag- 15 71%
aaral
Walang epekto 4 19%
Hindi nakakagawa ng mga 2 10%
gawaing bahay/proyekto
Ipinapakita sa Talahanayan 8 ang Epekto ng Pakikipagrelasyon sa Pag-aaral at lumabas sap ag-aaral na
nagkakaroon ng kakulangan ng oras kung saan 15 (71%) sa 21 respondente ang pinili ang kakulangan ng
oras sap ag-aaral. Apat (19%) ang nagsabi ng walang epekto ang pakikipagrelasyon sa pag-aaral.
Panghuli 2 (10%) ang nagsabi na hindi nakakagawa ng mga gawaing bahay/proyekto ang naidudulot ng
pakikipagrelasyon.

KABANATA IV

NATUKLASAN SA GINAWANG PANANALIKSIK

Ang mga sumusunod ay ang mga pangunahing natuklasan sa pananaliksik:

1. Sa pagsapit ng baitang walo at siyam pa lamang, sa murang edad ay natututong ng makipagrelasyon


ang mga kabataan.

2. Karamihan sa mga kabataan ay mas gustong nilalaan ang kanilang oras kasama ang kanilang nobya o
nobya sa halip na mag-aral.

3. Inspirasyon ang pangunahing positibong epekyo ng pakikipagrekasyon at nagbigay kasiyahan sa kanila


habang sila ay magkasama.

4. Ang negatibong epekto naman, ng pakikipagrelasyon ay kawalan ng oras sa pag-aaral at naging


distraksiyon ito habang sila ay nag-aaral pa lamang.

5. Natuklasan din ng mananaliksik na ang pangunahing dahilan ng pakikipagrelasyon ng mga kabataan ay


dahil gusto nila ng kasranasan at dahil din sa udyok ng kanilang mga kaibigan.

KONKLUSYON

Batay sa inilahad na mga datos, ang mananaliksik ay humantong sa mga sumusunod na konklusyon:

1. Nakikipagrelasyon ang mga kabataan dahil gusto lang nila ng karanasan sa pakikipagrelasyon at dahil
din sa udyok ng kanilang mga kaibigan.

2. Ang pakikipagrelasyon ay parehong nagdudulot ng positibo at negatibong epekto sa mga mag-aaral sa


ika-sampung baitang sa seksiyon gemini, at may epekto ito sa kanilang pag-aaral.

3. Ang positibong epekto ng pakikipagrelasyon ay ang pagkakaroon ng inspirasyon habang nag-aaral at


mas makilala nila ang kanilang sarili. Ang negatibong epekto naman ng pakikipagrelasyon ay ang ito ay
nagiging distraksyon habang nag-aaral at kakulangan ng oras para sa kanilang pag-aaral.

REKOMENDASYON

Kaugnay ng mga konklusyon na nabanggit, nais ng mga mananaliksik na irerekomenda ang mga
sumusunod:
1. Para sa mga mag-aaral na kasalukuyang nasa isang relasyon, kinakailangan na maging maingat tayo sa
ating bawat desisyon sa buhay. Kung walang mabuting naidudulot ang iyong karelasyon sa sayong
buhay o sa iyong pag-aaral mas mabuting tapusin na lamang ito.

2. Sa pagpasok sa isang relasyon, higit na kinakailangan pagiging mabuti sa pagbabalanse ng oras at


kailangan na hindi mapapabayaan ang pag-aaral.

3. Para naman sa mga wala pang karanasan sa pakikipagrelasyon, hindi ito kawalan at sukatan sa
kaligayahan sa ating buhay.

4. Para sa mga magulang, dapat tandaan na kailangan pa rin ng inyong mga anak ng gabay at magtuturo
sa kanila sa paghubog ng kanilang sarili upang maiwasan ang mga maling desisyon.

LISTAHAN NG MGA SANGGUNIAN

https://www.academia.edu/16314060/
Epekto_ng_Pakikipagrelasyon_sa_Akademikong_Performans_ng_mga_Mag-aaral

https://www.studocu.com/ph/document/international-school-of-asia-and-the-pacific/socialicism/
epekto-ng-pakikipagrelasyon-sa-akademiko/34660956

https://www.scribd.com/presentation/478752692/Epekto-ng-Pakikipagrelasyon-sa-Akademikong-
performansng-mga-estudyante-pptx

You might also like