You are on page 1of 8

BALANGKAS TEORETIKAL

Ang mga sumusunod na teorya ay ilan sa may malaking kaugnayan na impluwensiya at


epekto ng mga magulang sa kanilang pakikilahok sa pag-aaral ng mga mag-aaral tungo sa
akademikong tagumpay.

Ang Ecological Systems Theory na inihayag ni Urie Bronfenbrenner ay nagbibigay ng


kaalaman ukol sa pakikilahok ng mga magulang sa akademikong pagganap ng mga estudyante.
Ang teoryang ito, na nagbibigay-diin sa impluwensya ng iba't ibang sistemang pangkapaligiran
sa pag-unlad ng isang bata. Sa konteksto ng edukasyon base rito, ang pakikilahok ng mga
magulang ay nagiging mahalagang salik sa mikrosistem, ang agaran na kapaligiran na
nakakaapekto sa bata. Kapag aktibo ang mga magulang sa akademikong buhay ng kanilang
anak, nagbibigay sila ng suporta, inspirasyon, at isang maayos na kapaligiran para sa pag-aaral
na nagdudulot ng positibong epekto sa akademikong pagganap ng bata sa pamamagitan ng
pagtataguyod ng harmoniyos na koneksyon sa pagitan ng pamilya at ng setting sa edukasyon.

Ang Social Learning Theory, na itinatag ni Albert Bandura, ay nagsasaad na ang mga tao
ay natututo sa pamamagitan ng pagnonood ng kilos ng iba at ang mga kahihinatnan ng mga kilos
na iyon. Binibigyang-diin nito ang papel ng pagsusunod-sunod, pagmumodelo, at obserbasyonal
na pag-aaral sa paghubog ng kilos, attitudes, at kasanayan. Nagbibigay-diin sa papel ng
pagsusuri at pagsasalaysay sa pag-unlad ng kilos. Kapag usapang epekto ng pakikilahok ng mga
magulang sa tagumpay ng mga mag-aaral, ipinapakita ng teorya ni Bandura na ang mga bata ay
natututunan hindi lamang sa tuwing tinuturuan sila nang direkta ngunit sa pamamagitan din ng
pagsusuri at pagsasalaysay sa kilos ng iba, kabilang na ang kanilang mga magulang.

Ang mga teoryang nakalap ay makakatulong sa pag-alam ng mga karanasan ng mga mag-
aaral sa pagkamit ng akademikong tagumpay. Magsisilbi itong gabay sa mga magulang kung
paano sila makakatulong sa kanilang mga anak pagdating sa larangan ng edukasyon.
Makakakuha ng ideya ang mga magulang patungkol sa epektong dulot ng kanilang pakikilahok
sa akademikong tagumpay ng mga mag-aaral. Kahit gaano gustuhin ng mga magulang ang
makatulong sa kanilang mga anak at makadama ng pakikiramay ang mga mag-aaral para sa
kanilang lakbay sa pag-aaral. Dapat magkaroon ng sapat na kaalaman ang mga magulang
patungkol sa paksang ito upang makamit ng mga mag-aaral ang tulong na kanilang kailangan.
BALANGKAS KONSEPTUWAL
Ang pag-aaral na ito ay nagpopokus sa Epekto ng Pakikilahok ng mga Magulang sa
Akademikong Tagumpay ng mga Mag-aaral ng Junior High School sa DBPMCF. Ang
itinatalagang konsepto nito ay pangangalap ng mga mahahalagang impormasyon patungkol sa
paksa. Mayroon na tatlong bahagi ang Balangkas Konspetuwal. Una ay input, dito pinapakita
ang paglalahad ng suliranin. Sunod ay process na nagsisilbing paraan para makahanap ng mga
posibleng solusyon. Ang huli ay output, dito naman nilalahad ang mga posibleng kalalabasan.

Input. Dito inilalahad ang mga suliranin sa isinasagawang pag-aaral. Nagpapakita ito ng mga
maaaring maging hadlang sa pananaliksik. Importante ang input para makahanap ng mga
kasagutan patungo sa mas malinaw na kalalabasan.

Process. Ang process ang nagiging daan sa paggawa ng mga kalutasan. Dito magbubuo ng mga
solusyon. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagtipon ng mga impormasyon at pagsasagawa ng
mga talatanungan. Maaari rin gumamit ng ibang paraan ang mga mananaliksik sa paghahanap
ng sagot sa mga katanungan. Ito ay para mas maunawaan ang tamang pagsolusyon sa mga
suliranin.

Output. Ito ang magpapakita ng mga posibleng resulta. Sa pamamagitan ng Balangkas


Konseptuwal ay makakabuo na isang maayos na paradigma. Maaaring positibo ang kalalabasan
nito o pwede naman kabaligtaran. Makakatulong ito sa pagtutukoy kung tama ba ang
isinagawang proseso para masolusyonan ang mga inilahad na suliranin.

Ang pag-aaral na ito ay inirerepresenta ang mga suliraning hinaharap ng mga


respondente. Ipinapakita dito ang paraan ng pagsolusyon sa mga nasabing suliranin. Paghahanap
ng mga kasagutan sa pamamagitan ng pagbibigay ng talatanungan. Pangunguha ng mga
impormasyon galing sa mga respondente at mapagkakatiwalaang batayan. Makakatulong ito sa
pag-alam kung paano maaaring makaapekto ang pakikilahok ng mga magulang sa akademikong
tagumpay ng mga mag-aaral. Mahalaga ang pagtutukoy sa itinatalagang suliranin para
magkaroon ng sapat na kaalaman.

You might also like