You are on page 1of 2

Sa pagsisimula ng isang bagong kabanata sa sektor ng edukasyon, ang

Department of Education ay naglabas ng isang order; ang DepEd Order BO. 021,
s,2023 na nagtatakda ng mga patnubay para sa Brigada Eskwela ngayong taon, na
dapat tiyakin na ang lahat ng pasilidad ng paaralan, silid-aralan at lahat ng pader nito ay
malinis at walang mga hindi kailangang likhang sining, dekorasyon, tarpaulin at poster,
sa lahat ng oras. Ito’y nilagdaan ng Pangalawang Pangulo at Sekretarya ng Edukasyon
Sara Duterte.
Ito’y hindi lamang na naglalayon na panatilihing malinis ang paaralan pati Narin
na mapanatilihing malinis ang kapaligiran at makapag-aral ng maayos ang mga mag-
aaral. Batay sa pag-aaral nina Maslow at Mintz, malaking salik ang kalinisan at
kaayusan ng isang lugar at silid upang ganahan ang isang tao na tapusin ang kanilang
mga itinakdang gawain at ayon rin sa pananaliksik nina Earthman at Lemasters na
mayroon epekto ang pisikal na kaanyuan ng isang silid sa abilidad at gawi ng isang
estudyante. Kaya naman masasabi na importante ang pagkakaroon ng isang malinis na
sild-aralan at kapaligiran para sa mga estudyante.
Isa pa ay magiging pokus na lang estudyante sa itinuturo ng kanilang guro,
kanilang ginagawa at sa mismong guro sapagkat wala na silang nakikitang nakasait sa
pader ng silid-aralan na siyang magiging dahilan upang mawala ang atensyon ng isang
estudyante sa guro at sa kanilang ginagawa. Tandan na mga mag-aaral lalo na sa
elementarya ay madaling mawala ang pokus kapag may isang bagay na nakakuha ng
kanilang atensyon.
Ang pagakakroon ng malinis na kapaligiran ay makakpagbigay ng maayos na
kalusugan para sa mga mag-aaral at guro. Ito’y magiging daan upang maging mbuti
ang kanilang kalusugan gayundin ang kanilang kakayahan na maging mahusay at
tagumpay sa pag-aaral. Makakaiwas sila sa sakit at magkakaroon ng sapat na oras na
mas mapagtuuanan ang kanilang pag-aaral.
Isa rin itong paraan upang ang mga estudyante ay maging responsibilidad lalo
na pagdating sa usaping kalinisan ng kapaligiran. Importante na mailunsad ang
ganitong polisiya lalo na sa mga mag-aaral sa elementarya upang maitatag sa kanilang
kaisipan ang importansiya ng kalinisan sa kapaligiran hindi lamang sa kanilang pag-
aaral at pati na rin sa lipunan.
Magiging tagumpay ito kung ang bawat sektor ng lipunan ay magtutulungan at
hindi lamang ang mga kawani ng paaralan. Kung saan ang sektor ng paaralan,
pamahalaan at komunidad ay magkakaisa sa pagkakaroon ng Brigada Iskwela. Ang
partisipitasyon ng komunidad, ng mga magulang at lokal na pamahalaan ay
makakatulong upang masulong natin ang kalinisan.
Sa implementasyong ito ay maaring bigyan ng gabay ang mga guro katulad na
lamang ng mga seminar at pagsasanay tungkol sa mga paraan sa pangangalaga sa
kalinisan at kung paano ito maisama sa kanilang pagturo.
Sa polisiyang ito ay maasahan natin ang pagkakaroon ng isang malinis, maayos,
maganda at masiglang kapaligiran. Ito’y magiging isang daan sa pag-unlad at
paghuhubog sa mga mag-aaral sa akademiko at pagiging responsable sa kanilang kilos
at sa kanilang kapaligiran.

Subject: Introduction of Equality, Equity and Liberation


Topics: Concept in Equality, Equity and Liberation, Difference of Equality, Equity and
Liberation and breaking the barriers.
Strategies: quiz bee, group activity, role playing, in-class debate and reflection paper.
Competencies: student are able to understand and explain the difference of equality,
equity and liberation, recognize the idea behind of each concept and applying it in the
real life situations.
Subject: Masusing Pagsusuri sa Kasarian para sa Maayos na Lipunan
Topics: Konsepto ng Kasarian, Kakayahan ng bawat isa sa Politika, Mga Isyu at
Karapatan at Konsepto ng pamumuno.
Strategies: case study, in-class debate, group activity at role playing.
Competencies: Ang mga estudyante ay may kakayahan na malaman ang bawat
kakayahan ng bawat isa hindi lamang sa sarili pati na rin sa usaping politika.

Subject: Establishing a Gender Inclusive Society


Topics: Gender Awareness and Sensitivity, Stereotypes in Gender, and Leadership
Strategies: case study, group activity and essay
Competencies: students will be able to value the importance of participation of each
individual for the betterment of the society and its development for the better tomorrow.

You might also like