You are on page 1of 20

1

INTRODUKSYON

Maraming pagbabago ang naganap sa pag-uugali ng mga kabataan sa loob ng

silid-aralan. Sa mga nakaraang panahon, ang respeto at disiplina ay mahalaga sa bawat

mag-aaral. Tulad na lang kung paano itinuring ng mga kabataan noon ang kanilang mga

guro bilang pangalawang magulang. Ngunit sa kasalukuyan, tila nag-bago na ang

pananaw ng ilan sa kahalagahan ng edukasyon at paggalang sa mga nakakatanda.

Marami nang kabataan ang nagiging suwail at hindi na alam kung paano ang tamang

pag-respeto sa kanilang mga guro. Sa kabila ng mga pagbabagong ito, mahalaga pa rin

ang papel ng edukasyon sa paghubog ng mga tamang pag-uugali ng bawat kabataan.

Sa loob ng silid-aralan makikita ang malaking pagkakaiba sa pag-uugali ng mga

kabataan noon at ngayon. Dati, mas maingat at masunurin ang mga istudyante ang

pag-respeto sa mga guro at pagdisiplina sa kanilang sarili ay kanilang pinapahalagahan.

Ngunit sa kasalukuyan, tila marami na ang nag-iba karamihan sa mga kabataan mas

nagiging mapagmatigas na at madalas ay hindi na sinusunod ang patakaran sa

paaralan. Mapapansin din na halos karamihan sa mga kabataan ay nahuhumaling na sa

teknolohiya kaysa sa pag-aaral. Ito ay nagdudulot ng hindi magandang epekto katulad

na lamang ng kakulangan sa kanilang kaalaman at kasanayan. Hindi na rin nawawala

ang mga isyu ng ‘cyberbullying’ at iba pang problema dulot nga sosyal medya Sa

ganitong sitwasyon, mahalaga na bigyang pansin ang mga kabataan at nararapat na

tuonan ng tamang gabay at pagsuporta upang matutunan nilang maging responsible at

disiplinado. Dapat rin na ipagpatuloy na itaguyod ang tamang pag-respeto, disiplina, at

pakikisama upang maging responsableng mamamayan sa hinaharap at dapat na

tutukan ang edukasyon ukol sa tamang paggamit ng teknolohiya upang maiwasan ang
2
masamang epekto nito sa kanilang pag-uugali. Sa huli, ang Noon at Ngayon: Pagkilala

sa pag-uugali ng mga kabataan sa loob ng silid-aralan ay nagpapakita lamang na dapat

nating ipagpatuloy ang pagtutulungan at dapat mapanatili ang tamang pag-respeto

upang mapaunlad ang ating lipunan sa susunod at darating na henerasyon.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay magiging kapaki-pakinabang sa mga sumusunod:

Sa mga mag-aaral na tila baga lumalayo na sa tamang landas at lumiliko na sa

tuwid na daan upang mapakita at maipahayag ang malaking pagbabagong ito sa aming

kapwa kabataan at maipaunawa sa sa kanila ang masasayang dulot nito sa kanilang

sarili at kung paano maiiwasan o maiaalis sa kanilang sarili ang mga maling

pamamaraan ng pag-uugali gayon din sa mga sumusunod pang henerasyon ng ating

bansa.

Gayon din sa mga magulang, upang maipakita ang mga bagay na direktang

nakakaapekto sa mga kabataan at sa pagbabago ng kanilang pag-uugali at pakikitungo

na maaaring may kinalaman mismo sa kanilang mga paraan ng pakikitungo at pag-

disiplina sa kanilang anak.

Paglalahad ng Suliranin
3

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy ang pag uugali ng kabataan sa loob

ng silid-aralan.

Sa partikular, naglalayong sagutin ang mga sumusunod na

katanungan.

1.Ano ang epekto ng pamamahala sa silid-aralan sa pag-uugali ng mag-aaral?

2.Ano ang karaniwang pag-uugali ng mga nag-aaral?

3. Ano ang naging epekto ng makabagong teknolohiya sa mga kabataan?

4.May malaking dulot ba ang mga pagbabagong ito sa darating na henerasiyon ng ating

bansa?

Inaasahang Resulta ng Pag-aaral

Ang pag-aaral ng pag-uugali ng mga kabataan sa silid-aralan ay isang

mahalagang paksa na dapat nating pagtuunan ng pansin. Ito ay nagbibigay-daan sa

amin upang mas makilala ang mga pagbabago at pag-unlad sap ag-uugali ng mga

kabataan noon at ngayon. Maraming pagbabago ang naganap sa pamumuhay at

pakikisalamuha ng mga kabataaan ngayon. Mas pinadali ng modernisasyon at

teknolohiya ang pagkuha ng impormasyon at pakikipag-usap sa iba.

Gayunpaman, hindi maikakaila na ang sitwasyong ito ay may negatibong epekto

tulad ng pagkagumon sa sosyal medya at kawalan ng disiplina. Sa pamamagitan ng

pagsasaliksik sa paksang ito makakakuha ng mas malalim na pananaw sa kung paano


4
mababago ang mga saloobin at pag-uugali ng mga kabataan, at kung ano dapat nilang

gawin upangg mapabuti ang kanilang pag-uugali para sa hinaharap

Depinisyon ng mga Terminong Gagamitin sa Pag-aaral

Ang mga sumusunod na salita ay bibigyang kahulugan ayon sa gamit nito sa

kasalukuyang pag-aaral upang magkaroon ng malinaw na interpretasyon at pang-

unawa ng mambabasa.

Silid-aralan anumang lugar kung saan natututo o nakakaranas ng karanasan.

Pagtatakda ng Silid-aralan - tumutukoy sa pangkalahatang at pangkalahatang klima at

kapaligiran ng isang silid-aralan

Mga mag-aaral – taong interesado sa isang particular na paksa.

Batayang Teoretikal

Sa pag-aaral na "Noon vs. Ngayon: Pagkilala sa Pag-uugali ng mga Kabataan sa

loob ng silid-aralan," maaaring gamitin ang mga sumusunod na batayang teoretikal:

Ang ‘’Social Learning Theory’’ ni Albert Bandura (1977) ang mga kabataan ay

natututo ng kanilang mga pag-uugali mula sa mga modelo sa kanilang paligid, tulad ng

mga guro at kapwa estudyante. Ang pag-aaral na ito ay maaaring magtakda ng mga
5
pagbabago sa pag-uugali ng mga kabataan sa loob ng silid-aralan sa pagitan ng noon

at ngayon, at kung paano ito naapektuhan ng mga modelo sa kanilang paligid.

Malaki rin ang maitutulong ng teroryang ‘’Developmental Psychology’’ ni Jean

Piaget (1919) ito ay tumutukoy sa mga pagbabagong pangkaisipan, pang-emosyonal, at

pang-sosyal na nangyayari sa mga kabataan habang sila ay lumalaki at nagbabago. Sa

pag-aaral na ito, maaaring gamitin ang mga prinsipyo ng developmental psychology

upang maunawaan ang mga pagbabago sa pag-uugali ng mga kabataan sa loob ng

silid-aralan sa pagitan ng noon at ngayon.

Ayon naman sa teoryang ‘’Sociocultural Theory’’ ni Lev Vygotsky (1962) ang mga

kabataan ay naapektuhan ng kanilang kultura at lipunan. Ang pag-aaral na ito ay

maaaring gamitin ang mga konsepto ng sociocultural theory upang maunawaan ang

impluwensya ng lipunan at kultura sa mga pagbabago sa pag-uugali ng mga kabataan

sa loob ng silid-aralan sa pagitan ng noon at ngayon.

Kabilang din ang teoryang ‘’Educational Psychology’’ ni Johann Herbart (1776-

1841) na tumutukoy sa mga pag-aaral tungkol sa mga aspeto ng edukasyon, kabilang

ang pag-aaral ng pag-uugali ng mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay maaaring

gamitin ang mga prinsipyo ng educational psychology upang maunawaan ang mga

pagbabago sa pag-uugali ng mga kabataan sa loob ng silid-aralan sa pagitan ng noon

at ngayon.

Ang paggamit ng mga nabanggit na batayang teoretikal ay makatutulong upang

maunawaan ang mga pagbabago sa pag-uugali ng mga kabataan sa loob ng silid-

aralan sa pagitan ng noon at ngayon. Ito ay magbibigay ng konteksto at mga konsepto

na makakatulong sa pag-aaral na ito na maabot ang mga layunin nito


6
Ang teorya ng Konstruktibismo ay sumusuporta sa pananaliksik na ito sapagkat

ipinababatid nito kung paanong ang pamamahala ng klasrum ay nakatutulong sa mga

mag-aaral na malinang ang kanilang kaalaman. Ang teorya

na ito ay humihimok sa mga mag-aaral na gamitin ang dati nilang kaalaman upang

makabuo ng bago at naaayong konsepto ng pagkatuto sa pamamagitan ng wastong

pamamahala ng klasrum (Jonasse, 2007)

Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral

Tinatalakay sa nito ang isinagawang pamamaraan upang makuha ang mga

impormasyong kinakailangan bilang pagtugon sa pananaliksik. Naglalaman ito ng

pormula na siyang naging basehan upang makuha ang wastong bahagdan ng bawat

kasagutan. Makikita sa kabanatang ito ang pagpili sa mga kasangkot gayundi ang teknik

na ginamit ng mga manaliksik.


7

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Sa kabanatang ito, ang mga mananaliksik ay nangalap ng mga impormasyon

batay sa kanilang pinag-aralan. Makikita sa kabanatang ito ang mga nakalap na

kaugnay na literatura at kaugnay na pag-aaral na makakatulong sa mga mananaliksik

upang maging matagumpay ang kanilang isinasagawang pag-aaral.

Kaugnay na Literatura

Ang Kabataan Noon at Ngayon

Ang kabataan noon at ngayon ay may maliit lamang na puwang sa kanilang

pagkakalayo sa kilos, gawi, ugali, pananamit, damdamin at iba pang bagay. Sinasabing

ang mga kabataan noon ay higit na magalang, masunurin at mabait di-tulad ng mga

kabataan ngayon. Lubhang taimtim sa puso't isipan nila ang kanilang ginagawa; sa

kabilang dako, ang kabataan ngayon ay may mapagwalang-bahalang saloobin. Lalong

masinop sa pag-aayos ng katawan at pananamit at lubhang matapat sa pagsunod sa


8
batas ang mga kabataan noon, kaya wika nga, ang kabataan noon ay hubog sa

pangaral at kababaang-loob at ang asal ay ipinagmamalaki ng lahat.

Ang pagiging epektibong guro isang masalimuot na proseso na nagpapatuloy

habang ang guro ay nasa propesyong ito. Ito ay nangangailangan ng patuloy na

pagpapaunlad ng sariling kakayahan at personalidad (Gavino, 2010). Bilang konklusyon

dito, binigyang-diin ni Emmanuel (2010) ang kahalagahan ng guro sa pag-unlad ng

isang bansa at ang pangangailangan ng patuloy na pagpapasulong sa kanilang

kakayahan at propesyonal na katangian. Ayon sa kanya, ang mga programa ng

pagsasanay para sa mga guro ay dapat na ipatupad upang mapasulong ang kanilang

kakayahan sa pagtuturo, pamamahala ng klasrum at wastong paggamit ng modemong

teknolohiya sa pagtuturo. Ang mga programang ito ay makapagpapaunlad sa

kakayahan ng guro na pamahalaan ang mga mag-aaral upang maging produktibo,

displinado, at responsableng indibidwal.

Ang bawat guro ay dapat na magtaglay ng sapat na kakayahan at kaalaman

upang maturuan ang mga mag-aaral sa pinakaepektibong paraan. Ang epektibong

pagtuturo ay nakatuon sa mga mag- aaral bilang indibidwal at kinakailangang isaalang-

alang ng guro ang bawat isa sa kanila.

Kaiba naman ang mga kabataan ngayon. Mulat sila sa makabagong panahon

kaya higit na maunlad sa pangangatwiran na kung magkaminsan ay napagkakamalang

pagwawalang-galang sa kapwa. Lubhang mapangahas sa mga gawin at mahilig sa

maraming uri ng paglilibang. Napakatayog ng mga mithiin nila at higit na maunlad ang

tunguhin. Marami rin ang magkasing bait at magkasing sipag sa mga kabataan noon at

ngayon.
9
Ang edukasyon, motibasyon at ang wikang Filipino ay mga elemento na

kailangan bigyang pansin sa pag-aaral na ito. Lahat ng bagay sa mundo ay hindi

mabubuo kung walang kaalaman sapagkat walang kaalaman kung walang edukasyon.

Ang edukasyon ay ang siyang sanligan ng karunungan. Dito tayo nangangalap ng

impormasyon na gagamitin natin sa pang-araw-araw na pamumuhay. Edukasyon ay

paraan ng pagkatuto at paraan tungo sa magandang kinabukasan. Sa pamamagitan ng

edukasyon napapaunlad ang ating kaalaman at kasanayan dahil ito ang matibay na

pundasyon na kailanama'y di mananakaw Ang edukasyon ay mahalagang bahagi ng

ebanghelyo at ng paghahandang makibahagi sa lipunan at maglaan para sa sarili at sa

pamilya.

Ang walang hanggang hangaring matuto ng isang mag-aaral ay hindi

mapapasubalian sapagkat sa kanya nagsisimula ang layuning tugunan ang kanyang

pagnanais na matuto at makadiskubri ng mga kaalamang kanyang magagamit sa

hinaharap. Ang mga mag-aaral na may mataas na hangaring magtagumpay sa kanyang

pag-aaral ang siyang nagpapakita ng magandang performans (Catalogo, 2019). Dahil

dito, pumapasok sa paaralan ang isang mag aaral at doon Inilinang ang kaalaman at

kakayahan na siyang magiging sandata sa pakk baka sa larangan ng edukasyon at

karunungan.

Ayon kay Асега (2018), за proseso па радкалto, ang nga guro ang may

malaking gampanin sa paghubog, paginang at paghasa sa kakayahan ng mga mag-

aaral. Sa kanya nakasalalay ang kahihinaman ng prosesong pagtuturo pagkatuto. Nasa

balikat ng mga guro ang pagtuturo sa mga kabataan ng mahahalagang karunungan at

paglinang ng mabuting katauhan. Kung kaya't Inaasahang gawin ng mga guro ang lahat
10
ng makakaya tungo sa hangaring matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral

(Mendiola, 2019).

Ayon pa kay Zulueta (2018), ang guro ang siyang itinuturing na

pinakamahalagang baryabol sa edukasyong pangkapaligiran ng mga mag-aaral kung

kayat nararapat lamang na bigyang-buhay ng isang guro ang Sapagkat ang guro ang

lubos na may kabatiran sa kung anong mga mag- aaral mayroon siya sa loob ng silid-

aralan. Mahalagang malaman ang kanya- kanyang katangian ng bawat estudyante

upang hindi magkamali sa pagbibigay at paglalahad ng aralin. Sa pamamagitan ng

pagkilala sa mga mag-aaral. napapanatili ang patuloy na pagbibigay ng makabuluhang

pagganyak sa mga ito. Napapanatili ang mithiing matuto ng matuto ng panibagong

kaalaman at kay Sullo (2017).

Upang lubos na magkaroon ng kawilihan ang bawat mag-aaral, kinakailangang

magtalaga ng araling may kaugnayan sa nais at kagustuhan nilang gawin at naaayon sa

kung anong mga estudyante mayroon ang isang guro. Sa ganoong kaparaanan,

nahuhubog at nahahasa ang bawat mag-aaral na maging kapaki-pakinabang na

nilalang sa larangan ng kaalaman.

Ayon pa kay Mendiola (2018), bilang isang tagapagpalaganap ng karunungan,

kailangang pairalin ng guro na sila ang tagapaghatid ng kaalaman, nakapagbabago ng

pag-uugali at sinisikap na maisakatuparan ang mga gawaing ito. Dagdag pa ni Acero

(2018).

Ayon kay Bokals (2010) Ang kabataan noon at ngayon ay may maliit lamang na

puwang sa kanilang pagkakalayo sa kilos, gawi, ugali, pananamit, damdamin at iba

pang bagay. Sinasabing ang mga kabataan noon ay higit na magalang, masunurin at
11
mabait di-tulad ng mga kabataan ngayon. Lubhang taimtim sa puso't isipan nila ang

kanilang ginagawa; sa kabilang dako, ang kabataan ngayon ay may mapagwalang-

bahalang saloobin. Lalong masinop sa pag-aayos ng katawan at pananamit at lubhang

matapat sa pagsunod sa batas ang mga kabataan noon, kaya wika nga, ang kabataan

noon ay hubog sa pangaral at kababaang- loob at ang asal ay ipinagmamalaki ng lahat.

Kaiba naman ang mga kabataan ngayon. Mulat sila sa makabagong panahon

kaya higit na maunlad sa pangangatwiran na kung magkaminsan ay napagkakamalang

pagwawalang-galang sa kapwa. Lubhang mapangahas sa mga gawin at mahilig sa

maraming uri ng paglilibang. Napakatayog ng mga mithiin nila at higit na maunlad ang

tunguhin. Marami rin ang magkasing bait at magkasing sipag sa mga kabataan noon at

ngayon.

Ang kabataan noon at ngayon ay pag-asa ng bayan natin. Kapwa sila

makabayan, mapagmahal, matulungin sa mga kaangkan at may mga mithiin a buhay.

Ang pagkakaiba ay ayon sa lakad ng panahon. Hindi ba't mayroon tayong "Sampung

Lider na mga kabataan" na pinipili taun-taon? Sila ang saksi sa ating pinakamahuhusay

na kabataan noon at ngayon.

Ayon kay Howard W. Hunter (2009) Dati, kahit na lampara lang ang gamit ay

talagang puspusan ang pagsisikap ng mga bata na mag-aral at matuto. Hindi alintana

kung anong oras na sapagkat hindi pa rin naman gaanong ginagamit ang orasan noon.

Tanging ang sinag ng araw o ang liwanag ng buwan lamang ang laging batayan ng

orasan.

Sa pagyaon ng panahon, unti-unti ng umunlad ang bayan at nagkaroon na ng

malaking pagbabago sa kabihasnan. Siyempre isa na rito ang pagbabago sa pag-uugali


12
ng isang tao. Unti-unti na rin nabubura sa isip ng tao ang wastong kaugalian at

pamantayan sa buhay. Hindi na rin nagiging mabuti ang pagpapalaki ng ilan sa kanilang

mga anak kung kaya't ilan sa mga kabataan ay hindi na taglay ang mga ugaling

natutunan natin sa ating mga magulang.

Edukasyon lamang ang makapagwawasto ng lahat. Lakip na rito ang patnubay

ng mga magulang na dapat ay laging ginagabayan ang kani-kanilang mga anak sa

bawat araw. Hindi naman sa bawat oras dahil alam naman natin na sa ngayon, mahirap

na ang buhay kaya't kailangan na ang mga magulang ay nagtatrabaho na. Masyado ng

mahal ang mga bilihin kaya kailangan na dalawa na ang kumakayod. Mas marami na rin

ang luho ng bawat tao kaya mas kailangang kumita.

Malaking bagay ang nagagawa ng impluwensiyang mayroon sa bawat

henerasyon sa pagkahubog ng mga kaugaliang pinahahalagahan ng mga tao, lalo at

higit na ng mga kabataan. Anumang salik mayroon sa henerasyon na iyon ay

masasalamin sa mga gawi, pananalita at kahit sa takbo ng pananaw ng mga taong

makagigisnan ito. Samakatuwid, ang bawat henerasyon ay may pagkakaiba; may kanya

kanyang kahinaan at kalakasan, may mga tunay na ginto at ang iba naman ay pilak.

Ayon sa mga nakatatanda, mas magalang, masunurin at mas higit na mabait daw

ang mga kabataan noon di tulad ng mga kabataan sa kasalukuyan. Sa aming

paghinuha, ang mga kabataan noon kung ihahambing sa ngayon ay masasabing

nabuhay sa mas simpleng mundo; malaya mula sa impluwensiya ng kasalukuyang

teknolohiya. Sila ay namulat sa mas payak na pinagkalilibangan. Ang paglalaro o

paglilibang ay pinagbubuhusan ng pisikal na pagganap at ang epekto nito ay mas

dalisay na kaligayahan na nagpapalalim ng personal na relasyon sa kapwa. Higit sa


13
lahat ang kanilang pananaw ukol sa pagsusumikap ay naka angkla sa ibayong

pagbabanat ng buto, pagtitiis ng hirap, tagaktak ng pawis at seryosong dedikasyon

patungo sa kanilang ninanais na tagumpay.

Samantala, ang mga kabataan ngayon ay may sariling paraan ng pagpapakita ng

pagpapahalaga sa mga bagay na may kabuluhan. Ibayong pagsisikap pa rin ang

puhunan ng matamis na tagumpay. Ngunit sa kumplikadong mundo na nakabalatkayo

sa teknolohiyang ang alok ay mas magaang pamumuhay, ang balik ay madaling

pakikipag-ugnayan ngunit madalas ay paimbabaw lamang. Sa ganitong aspeto

matatagpuan ang hamon sa mga kabataang nasa henerasyong ito.

Kahit sa maraming bagay sila nagkakaiba, di parin talaga nawawala ang dugo ng

pagiging Pilipino. Ang kabataan, mapa noon man o ngayon ay nagsisilbi paring pag-asa

ng bayan. Sa paglipas ng panahon, ang bawat henerasyon ay tunay ngang may sari-

sariling pagkakaiba ngunit ang kaibahang ito ang maghahatid sa bawat isa ng mas

kaaya-ayang paglago at makatutulong sa kaganapan ng pagiging isang tunay na tao,

isang tunay na Kabataang Pilipino!

Ayon kay Ronald Verzo (2009) humihina ang ating mga kabataan sa tamang

paggamit nglengwahe at wika, partikular na dito ang cellphone na maaaring gamitin sa

pagpapabot ngating mensahe sa pamamagitan ng SMS o Text messaging. Tintukoy rito

ang unit-untingpaghina ng mga kabataan ngayon sa paggamit ng tamang paraan ng

pananalita atpagpapahayag ng isang mensahe. Mas higit na napapaunlad ang mga

salitang balbal gayana lamang ng jejemon. Di tulad ng mga kabataan noon, kung saan

sulat o liham ang isangparaan ng pag-aabot ng mensahe.


14
Ang mga kabataan ngayon ay ibang-iba kaysa sa mga kabataan noong aking

panahon.” Iyan ang laging sambit ng lola sa akin. Nag-iiba-iba raw sa bawat pagbabago

ng henerasyon. Ikanga ay sumasabay sa pag-ikot ng mundo. Ngunit grabe na raw talga

ang ipinagbago ng mgakabataang tulad ko. Nood daw, hindi makapagsalita ng pabalang

ang mga kabataan.Mayroon silang malaking respeto sa mga nakatatanda pati na sa

mga nakababata.Pinahahalagahan din daw nila ang kanilang edukasyon. Gagawin pa

raw nila ang lahat para makapag-aral. Hindi katulad ngayon, nandiyan na sa harap nila

ang pera, ayaw pa ringpagbutihin ang kanilang pag-aaral.” (2002: Kabataan noon at

kabataan ngayon)

Ang pahayag na ito ay sinusuportahan ni Ogbu (2005). Ayon sa kanya, ang mga

paaralan ay dapat na maglaan ng oportunidad sa mga mag-aaral na nabibilang sa mga

pamilyang may mababang uri ng pamumuhay upang matuto at maging mas mahusay

na mga mag-aaral. Natuklasan niya na ang mga mag- aaral ay nakadarama ng kawalan

ng disiplina at iba pang di-kaayaayang pag- uugali kapag ang kanilang kapaligiran ay

hndi positibo. Ayon sa kanya, ang bawat mag-aaral ay dapat tulungang malinang at

maabot ang kanilang pangmadalian at pangmatagalang tunguhin sa pag-aaral upang

maging matagumpay. Karagdagan pa, dapat na mapasulong ang kanilang kaugalian at

kakayahan sa pag-aaral upang mapaglabanan ang impluwensiya ng barkada.

Sa kabilang banda, ang mga edukador ay dapat na gawing positibo at kaayaaya

ang kapaligiran sa pag-aaral. Ito ay upang maiwasan ang mga suliranin sa pag-uugali

na maaaring ipakita ng mga mag-aaral. Bilang mga propesyonal sa larangan ng

pagtuturo, maraming mga bagay ang dapat isaalang alang ng mga guro upang

maiwasan ang di-kaayaayang pag-uugali ng mga mag-aaral. Ang mga bagay tulad ng
15
pisikal na kaayusan ng klasrum, wastong paggamit ng oras, mga pamamaraan ng

pagtuturo, paraan ng pagsasalita at personal na katangian ng mga guro ay nakaaapekto

sa mga pag-uugali ng mga mag-aaral. Ang kaayusan din ng silid-aralan ay maaaring

magkaroon ng positibo o negatibong dulot sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang

impluwensiyang ito ay

Karagdagan pa, ayon kina Stobs at Delmont (2007), ang mga sumusunod ay

mahalagang bahagi ng pisikal na kapaligiran na nililikha ng mga guro: ang kanilang

pisikal na kaanyuan, ang kaayusan ng mga upuan, at ang mga kagamitan sa pagtuturo.

Ang kapaligiran sa pag-aaral ay nagtatampok ng mga katotohanan at totoong mga

pangyayari sa mundo na nagbibigay ng kaalaman sa mga mag-aaral. Ang mga

kaalamang ito ay maaaring magmula sa mga guro, mga kapwa nila mag-aaral o sa mga

kagamitan sa pag-aaral tulad ng aklat at iba pa. Ang tatlong elemento na ito ay

sumusimbolo sa tatlong mahahalagang bahagi ng pagkuha ng kaalaman (Kanselaar

et.al 2010). Ang pagkatuto, kung gayon, ay maituturing na bunga ng pakikipag-ugnayan

sa tatlong elementong ito.

Bilang karagdagan, ayon kay Love at Krueger (2005), ang mga mag- aaral ay

natututo sa pinakamabisang paraan kung ang kanilang kapaligiran ay kaayaaya at

naaayon sa kanilang pagkatao.

Bilang panghuli, ang pinakamahalagang bagay na dapat isaalang-alang sa

pamamahala ng klasrum ay ang pagpapatupad ng mga alituntunin. Ang bawat klasrum

ay may mga alituntunin. Sa ilang mga pagkakataon, ang mga guro ay umaasang

kusang magpapamalas ang mga mag-aaral ng mabubuting mga pag- uugali sa lahat ng

pagkakataon. Subalit ang mga mahuhusay na mga edukador ay nakauunawang ang


16
mga mabubuting ugali na ito ay dapat na ituro at patuloy na linangin. Mas makabubuti

rin na bigyan ng gantimpala ang mga mag-aaral para sa mabuting gawa kaysa

parusahan sila dahil sa di-kaayaayang pag-uugali.

Bilang konklusyon, ang mga guro na nakapag-iiwan ng mabuting impresyon at

impluwensya sa mga mag-aaral ay ang mga gurong nagpakita ng personal na

pagmamalasakit sa kanila. Sa katunayan, sinabi ni Pussey (2009)," Ang responsibilidad

ng isang guro ay hindi ang magpasok ng impormasyon sa isip ng mga mag-aaral. Sa

halip, tungkulin nilang iharap ang mga aralin sa kanila at sa positibong paraan ay

tulungan silang malaman at madiskubre ang mga dapat nilang matutunan at masagot

ang sarili nilang mga katanungan upang higit silang matuto." Totoong nangangailangan

ng panahon ang paglikha ng kapaligirang kaayaaya sa pag-aaral, subalit sulit ang

anumang pagsisikap na gagawin ng mga guro.

METODOLOHIYA

Ang nilalaman ng kabanatang ito ay pamamaraang gagamitin

sa isasagawang pananaliksik. Ito ay naglalaman ng disenyo ng pag-aaral, Tungkulin ng

Mananaliksik, at mga datos.

Disenyo ng Pag-aaral
17
Ang Pangunahing layunin ng Pananaliksik na ito, ay ang makapagbigay ng

kumpletong ideyakung ano ang malaking pinagkaiba ng mga kabataan sa panahon

noon at ngayon. Angdisenyong gamit ay ang sarbey kung saan ang mga talatanungan

ay ipinamahagi sa mgataong saklaw ng pag-aaral upang makalap ang mga

impormasiyon at opinyon na magigingdatos para sa pag-aaral.

Tungkulin ng mga Mananaliksik

Ang Mananaliksik sa Larangan ng Pananaliksik Malaki ang papel ng isang

mananaliksik sa paggawa ng pananaliksik.Nakasalalay sa iyo ang kredibilidad ng iyong

gagawin/ginagawa.Dahil sa malaki ang papel mo bilang mananaliksik, may

mgainaasahang katangian na dapat mong angkinin.Sa pag-aaral mo sa unibersidad,

ang pagiging matiyaga, masipag, atmaparaan ay nakakatulong sa lalong ikahuhusay ng

iyong pag-aaral.Angmga katangiang ito ay lalo mo pang kakailanganin sa

gawaingpananaliksik.Gayundin, kailangan ang ingat, katapatan, pagiging

sistematiko,mapanuri, kritikal at responsible.

Panggagalingan ng mga Datos


18
Ang pag-aaral na ito ay nangangailangan ng tiyak o kwalitatibong pananaliksik.

Ang mga maaring saklaw nito ay ang internet, cellphone o laptop. Maaari rin silang mag

interview ukol pinagkaiba ng pag-uugali ng mga kabataan noon at ngayon.

Paraan ng Pangangalap ng mga Datos

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng mga talatanungan kung saan ang

pangunahingnakabilang rito ang mga katanungang kinakailangan ng personal na

impormasiyon mula sarespondente. Ang iba pang mga tanong ay ukol sa reaksiyon ng

mga respondente ukol samga pagbabagong nagaganap sa mga kabataan ngayon. Ang

iba pang karagdagang mahahalagang datos ay nagmula rin sa mga sagot ng

mgarespondente na lubos na nakatulong sa isinagawang pananaliksik.

Paraan ng Pagsusuri ng mga Datos

Sa pagkilala sa pag-uugali ng mga kabataan sa loob ng silid-aralan sa pagitan ng

"noon" at "ngayon," maaaring gamitan ng iba't ibang paraan ng pagsusuri ng mga datos.

Una, maaaring obserbahan ang kanilang pakikitungo sa kanilang kapwa estudyante at


19
guro. Ang kanilang pagiging maingat, mapagkumbaba, at maayos sa pakikisalamuha ay

ilan lamang sa mga bagay na maaaring maging batayan.

Pangalawa, maaaring magbigay ng mga aktibidad o survey upang malaman ang

kanilang pananaw at saloobin sa iba't ibang sitwasyon. Sa pamamagitan nito, mas

madaling matukoy kung ano ang mga ugali na dapat paalisin o palakasin.

Sa huli, mahalaga rin ang regular na pakikipag-usap at feedback sa mga kabataan

upang mas maintindihan nila kung ano ang tamang ugali at kilos na dapat ipakita sa

loob ng silid-aralan. Sa ganitong paraan, mas mapapabuti natin ang kanilang pag-unlad

hindi lamang bilang mag-aaral kundi pati na rin bilang indibidwal.

Baliditi ng mga Datos

Sa pag-aaral ng pag-uugali ng mga kabataan sa loob ng silid-aralan, mahalaga

ang pagkakaiba ng "noon" at "ngayon." Ang pananaliksik sa pag-uugali ng mga

kabataan sa nakaraan (noon) ay maaaring magbigay ng batayan para sa pag-unawa sa

kasalukuyang kalagayan (ngayon). Sa pamamagitan ng pagtutok sa pagbabago at pag-

unlad sa pag-uugali ng kabataan, maaaring makabuo ng mga estratehiya at

interbensyon upang mapabuti ang kalidad ng edukasyon at pag-uugali sa mga paaralan.

Konsiderasyong Etikal
20
Ang tungkulin ng mananaliksik ay isang mahalagang bahagi ng pag-unlad at

kaalaman sa lipunan. Ang mga mananaliksik ay may responsibilidad na magbigay linaw

at katotohanan sa mga isyung panlipunan, pang-ekonomiya, politika, at kultura. Sa

pamamagitan ng kanilang pagsasaliksik, sila ay nagbibigay liwanag sa mga suliranin at

hamon na kinakaharap ng lipunan. Sila rin ang nagtutulak ng pagbabago at pag-unlad

sa iba't ibang sektor ng lipunan. Bilang tagapagtataguyod ng kaalaman at katotohanan,

dapat maging mapanuri, obhetibo, at malikhain ang bawat mananaliksik sa kanilang

trabaho. Dapat nilang igalang ang bawat impormasyon na kanilang natuklasan at ito'y

maiparating nang wasto sa publiko.

You might also like