You are on page 1of 4

MGA SANHI NG MAAGANG PAKIKIPAGRELASYON NG MGA MAG-

AARAL SA JCJMNHS

TAONG PANURUAN 2019 – 2020

PANANALIKSIK NA IPINASA KAY MAAM HANNAH JAMAICA


COMPLETO SA ASIGNATURANG PAGBABASA AT PAGSUSURI

SHAINA MARIE NARA


GISELLE RICAÑA
MARIEL MIGALLEN MALINGIN
IRENE REMEDIO
MGA MANANALIKSIK

JOSE CHONA JO MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL


PAARALAN
Konseptong Papel

I. Rasyonal

Ang pakikipagrelasyon ay isang interaksyon sa ating kapwa na kung saan ipinapadama


ng isang indibidwal ang kanyang saloobin na gusto nitong ipahayag. Sa pamamagitan
nito, maipalabas natin minasyon sa isang estudyante na galingan ang kanilang pag-
aaral. Nakakatulong din ang pakikipagrelasyon sa paraan na maibigay natin ang ating
sarili motibo na maipabuti ang ating pag-aaral.

Base sa pananaliksik ni Hongco 2001, ang pakikipagrelasyon ay hindi isang propesyon


at sa halip ay isa lamang itong pamamaraan kung paano natin masusukat ang ating
kakayahan at silbi blang tao, kung paano mas magiging malawak at makabuluhan ang
pananaw natin sa buhay. May mga alaala ang bawat pangyayari na nagging dahilan
para higit pang magkaroon ng katuturan sa buhay.

Ayon kay Chad Lester M. Hongco (2001), ang pagkakaroon ng relasyon ng isang
estudyante ay may nakabitin na epekto sa pag-aaral. Minsan kung ang kabataan ay
masyadong nalululong sa pag-ibig nakakalimutan na nilang mag-aral ng mabuti o
minsan nakalimutan na talaga nila ang pag-aaral. Nawawalan na sila ng oras sa
kanilang pag-aaral dahil ginugugol ang sarili sa kanilang karelasyon. Dahil sa
pagkakaroon ng karelasyon, madami tayong makukuhang epekto lalung lalo na sa pag-
aaral.

Ang pagkakaroon ng karelasyon habang ikaw ay nag-aaral ay nakaakbuti din. Kung


minsan, ikaw ay nagkakaroon ng inspirasyon tungo sa pag-aaral, dahil ditto nagagawa
mo ng husto ang iyong pag-aaral. Kung ang karelasyon mo ay masipag mag-aral, tiyak
na ikaw ay sisipag din sa pag-aaral. Hindi naman sa lahat ng oras ang pagkakaroon ng
relasyon ay nakakasama sa pag-aral, sila din ay nagbibigay ng inspirasyon at
determinasyon sa isang estudyante na galingan ang kanilang pag-aaral. Nakakatulong
din ang isang relasyon sa paraan na maibigay natin an gating sariling motibo na
maipabuti an gating pag-aaral.

Ayon sa pananaliksik ni Sizer-Webb et al. (1999), lahat ng tao ay nangngailangan ng


matibay na pakikipagrelasyon sa kaniyang kapwa. Mahalaga na may mapagsabihan
tayo ng mga problema, mabahagian n gating karanasan at makapagpahayag ng sariling
opinion. Marahil na ang pakikipagrelasyon ang nakikita ng mga kabataan para sa
lubusan nilang makilala ang kanyang sarili at maipahayag ang sariling damdamin.

Ang pagkakaroon ng isang relasyon ay hindi naman gaano nakakaapekto sa pag-aaral,


depende na ito sa estdyante kung paano niya pahalagahan ang kaniyang pag-aaral, may
karelasyon man o wala. Ang importante ay mabalanse ang oras ng pag-aaral sa iba pang
gawain.

II. Layunin

Ang pananaliksik na ito ay nagbibigay llinaw sa mga dahilan ng maagang


pakikipagrelasyon ng mga mag-aaral sa hayskul. Ang unang layunin ng pananaliksik
na ito ay ang preservasyon at pagpapabuti ng kalidad ng pamumuhay ng tao. Ang pag-
aaral na ito ay naglalayong makatulong sa mga mag-aaral kung paano nila harapin at
malagpasan ang maaaring mangyari ng pakikipagrelasyon ng maaga. Ito rin ay
nakakatulong sa mga kabataan upang magkaroon ng karagdagang kaalaman o
impormasyon ukol sa maagang pakikipagrelasyon. Isa sa mga layunin ay upang
makakita ng mga sagot sa mga probleman hinidi pa nalulutas ng mga umiiral na metodo
at impormasyon. Sa pamamagitan nito makakalikha ng mga batayan o mga panuntunan
na maaring gamitin sa ibat-ibang larangan. Matutugunan din nito ang iyong kuryositi,
interes, at pagtatangka ng isang mananaliksik.

Ang pokus sa papel na ito ay makalikum ng mga paraan kung paano balansehin at
pagsabayin ang pakikipagrelasyon at pag-aaral sa katamtaman. Nais nitong
mapahayag ng sulating pananaliksik na may aral na matutunan na siyang magiging
gabay sa mga mag-aaral. Naglalayon itong tumulong kung papaano harapin ang mga
maaring maging bunga ng maagang pakikipagrelasyon.

Nais nitong palawakin ang impormasyon na may konkretong detalye at eksaktong


slousyon. Makadiskubere ng ibang mga dahilan ng pagkakaroon ng maagang
pakikipagrelasyon hindi lamang sa akademikong aspekto kundi pati narin sa
pagkakakilanlan ng mga mag-aaral. Mabilang ang mga mag-aaral na nakaranas , hindi
pa ankaranas at kasalukuyang nasa isnag relasyon at malaman ang kanilang pananaw,
dahilan at karanasan.

III. Metodolohiya
Ang pananaliksik na ito ay ginawa sa parang surbey at isang panayam. Tinangkang
ilarawan at suriin ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ang mga pananaw ng mga
estudyante sa hayskul sa pakikipagrelasyon nila ng maaga at ano ang mga posibleng
mangyari o epekto nito sa kanilang pag-aaral at akademikong performance. Isinagawa
ang pananaliksik na ito sa loob nga Jose Chona Jo Memorial National High School
(JCJCMNHS). Ang mga mag-aaral na kasama sa pagsagot ng panayam ay
kasalukuyang may karelasyon man o wala at nag-aaral sa Jose Chona Jo Memorial
National High School. Ang mananaliksik ay nagdisenyo ng surbey-kwestyoner na
pinasagutan mga mag-aaral.

Ang pagbibigay ng talanungan ay magsisilbing datos sa pananaliksik na ito uoang


mabigyan ng katibayan ang mga impormasyong nakalap hingil sa suliranin ng paksang
isinaliksk. Para sa lalong pagpapabuti ng pag-aaral ay minabuti ng mananaliksik na
mangalap ng mga impormasyon samga mag-aaral na nagkaroon nan g karanasan sa
pakikipagrelasyon. Kumuha rin ng karagdagang impormasyon sa internet ang
mananaliksik.

IV. Inaasahang Output o Resulta

Sa pananaliksik na ito inaasahang makapagpahayag ng sulating pananaliksik na pawing


orihinal at makapagkakatiwalaan. Sulating makapagbubuo ng lahat ng ideya upang
maging basehan ito ng mga mambabasa. Mapupulutan ng aral ng mga kabataang mag-
aaral na nangangailangan ng payo ukol sa pakikipagrelasyon. Magbibigay ng opinion
ayon sa mga pangyayaring observasyon. Makakatulong sa mga mag-aaral na
kasalukuyang nakikipagrelasyon.

Inaasahan ring makapahlathala ng sulatin na mayroong dalawampung pahina na


mapagkukunan ng impormasyon o datos ng mga kabataan. Naayon sa layunin nito na
may detalyadong datos . Sulating mailalahad ang mga dahilan at posibleng bunga ng
maagang pakikipagrelasyon. Makakapagkagabay sa mga kilos ng kabataan ngayon.

You might also like