You are on page 1of 1

“Maagang Pakikipagrelasyon ng mga Kabataan”

Mapansin natin sa ating henerasyon ngayon na tahamak na ang mga


estudyante sa hayskul ang mayroon nang kasintahan sa murang edad
pa lamang. Sa panahon ngayon marami na ang mga kabataan ang
mahilig sa pagkakaroon ng relasyon. Di nila alam kung ano ang
kanilang ginagawa. Ang iba naman ay pumasok lamang sa ganitong
uri ng relasyon upang mayroon silang karamay o di kaya upang
magrebelde sa kanilang mga magulang. Ang pakikipagrelasyon ay
hindi minamadali, hindi hinahanap, at hindi biro. Mga
pangunahing dahilan ng maagang pakikipagrelasyon ay dahil sa
media, panahon, kaibigan, at magulang. Una, dahil ito ang nauuso
ngayon sa mga kabataan kaya nakikiuso na rin sila sa social
media, salita, at sa mga bagay bagay, ay ginagaya na nila. At
isang malaking halimbawa nga nito ay ang pakikipagrelasyon ng
maaga. Pangalawa, marahil ay nakikita nila ito sa mga kaklase o
mga kaibigan nila kaya nakikiuso rin silang makipagrelasyon.
Pangatlo, ay ang problema. Marahil siguro may dinadala sila,
kaya minsan akala nila ang pakikipagrelasyon ang solusyon nito.
At ang huli ay, naiinggit sila. Gusto nilang maranasan kung ano
ang nauuso ngayon. Gusto nilang maranasan kung paano magmahal
ngunit ang hindi nila alam maraming epekto ang pakikipagrelasyon
ng maaga. Ang pakikipagrelasyon ay mayroong magandang dulot at
makakasama, isa sa magandang dulot ay nagkaroon ka nang
inspirasyon sa iyong pag-aaral at ang makakasama rin ay mas
napagtutuunan mo ng pansin ang iyong kasintahan kaysa sa iyong
pag–aaral. Kahit hindi pa sila nakapagtapos ng pag-aaral inuuna
pa nila ang pakikipagrelasyon at ang matindi pa nito ay hindi
alam ng kanilang mga magulang na pumasok sila sa ganyang
sitwasyon.

Ang pagkakaroon ng maagang relasyon ng isang estudyante ay may


nakabitin na epekto sa pag-aaral. Minsan kung ang kabataan ay
masyadong nalululong sa pag-ibig nakakalimutan na nilang mag-
aral ng mabuti o minsan nakakalimutan na talaga nila ang pag-
aaral. Nawawalan na sila ng oras sa kanilang pag-aaral dahil
ginugugol ang sarili sa kanilang karelasyon. Ang pagkakaroon ng
karelasyon habang ikaw ay nag-aaral ay nakakabuti din. Kung
minsan, ikaw ay nagkakaroon ng inspirasyon tungo sa pag-aaral,
dahil dito nagagawa mo ng husto ang pag-aaral. Kung ang
karelasyon mo ay masipag mag-aral, tiyak na ikaw ay sisipag rin
sa pag-aaral. Hindi naman sa lahat ng oras ang isang karelasyon
ay nakakasama sa pag-aaral, sila din ang nagbibigay ng
inspirasyon at determinasyon sa isang estudyante na galingan sa
kanilang pag-aaral. Nakakatulong din ang isang relasyon sa
paraan na maibigay natin ang ating sarili ng motibo na maipabuti
ang pag-aaral. Ang pagkakaroon ng isang relasyon o wala habang
ikaw ay nag-aaral ay hindi naman gaano nakakaapekto sa pag-
aaral, depende na ito sa estudyante kung paano niya pahalagahan
ang kaniyang pag-aaral, may karelasyon man o wala. Ang
importante ay mabalanse ang oras ng pag-aaral sa iba pang
gawain. Basta kaakibat lang ang pagiging determinado at
masunurin sa pag-aaral ang isang estudyante, tiyak na wala
siyang problema sa pag-aaral kahit na may karelasyon.

GLAIZA ROSE J. PINTOR ABM-LILAC

You might also like