Professional Documents
Culture Documents
Introduksyon
Ayon kay Pierangelo Alejo (2004), ang pamilya ang pangunahing institusyon sa lipunan
na nabuo sa pamamagitan ng pagpapakasal ng isang lalaki at babae dahil sa kanilang walang
pag-iimbot, puro, at romantikong pagmamahal. Kapwa nangakong magsasama hanggang saw
akas ng kanilang buhay.
Binubuo ng pamilya ang mga unang hakbang sa pagkatao. Ang pamilya ang siyang
gumagabay, nagtuturo ng mga mabubuting asal, nagbibigay ng pangangailangan at nagmamahal
ng walang kapalit. Pag may pamilya ka, may inspirasyon ka para umangat ang iyong sarili. At
sila din ang nagiging dahilan ng lahat ng pagpupursige mo sa buhay dahil pati sila, ang pamilya
mo, gusto mo ding iangat.
Sa paglipas ng panahon marami ngang pagbabago ang nagaganap sa bawat pamilya. Ito
marahil ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng broken family o sirang tahanan sa kabila ng
matibay na pagkakabuklod-buklod ng pamilyang Pilipino, hindi maiiwasang magkawatak-watak.
Ang broken family ay mailalarawan sa isang sirang pamilya na kung saan hindi nagiging matatag
ang pagsasama ng bawat miyembro nito kung kaya't nagiging mapurok ang pundasyon.
Ayon kay Rafra Juvida, isang mag-aaral, inilarawan niya ang pagkawatak-watak ng
pamilya bilang isang masalimuot at lubhang nakakalungkot na pangyayari na nangyayari sa
totoong buhay. Ito ay kadalasang nangyayari sa paghihiwalay ng mag-asawa, o kaya paglisan ng
walang paalam, o kaya pambababae o panlalalaki. Ito ay may malaking epekto sa mga anak,
kaya sa paglaki nila ay galit at poot ang nasa loob nila.
Sa isang pag-aaral na ginawa sa United Kingdom noong 2008, lumalabas na ang mga
kabataan mula sa broken families ay ang pinakanakakaranas ng depresyon, nagtatagalay ng mga
katangiang agresibo at anti-social na nadadala nila sa paaralan at pang-araw-araw na buhay.
Maraming salik ang maaring maging bunga dahilan sa pagkakaroon ng hindi perpektong
pamilya. Isa na rito ang epekto sa pag-aaral ng mga anak, Marahil, dahil isa itong hadlang upang
hindi makapagfocus sa mga aralin. Maaaring ito rin ay pakadaragdag pa sa mga iniisip o
iniintindi ng mga bata.
Ayon sa isang blog ni G. Seven, nakakaapekto ang mga ito sa emosyonal na aspekto ng
bawat kasapi ng pamilya. Maaring magbago-bago ang emosyon ng bawat tao dahil sa isang
broken family, mahirap dalhin at ipasok sa isip na bahagi ka ng pamilyang ito. Nagiging moody
ang tao dahil nadadala sila sa mga nangyayari sa kanilang pamilya. Nahihiyang makisalamuha,
isang salik na makikita sa isang taong bahagi ng broken family. Maari nating sabihin na nasa
antas sila ng pagkakaroon ng hiya dahil sa kung anong pamilya mayroon sila at maaring
pumasok dito ang pagkainggit nila sa mga kapwa nila bata na mayroong kumpleto at masayang
pamilya kaya ang ilan ay mas piniling wag na lamang makisalamuha sa mga ito.
Sa ngayon, maraming hamon na kinakaharap ang Pamilyang Pilipino. Ang mga hamong
ito ay nagpapahina sa katatagan ng pamilya at nagiging dahilan ng unti-unting pagkawasak nito.
Nararapat na suriin kung paano sinisira ng mga problemang ito ang kaayusan ng pamilyang
Pilipino, lalo na ang pagbubuklod at pagmamahalan ng bawat miyembro nito. Sa gayon,
magkakaroon tayong mga kabataan ng kahandaan sa pagharap at paglutas sa mga problema at
isyung ito.