You are on page 1of 10

BAHAGI NG IMRAD NA PANANALIKSIK

Pamagat Epekto ng "Broken Family" sa Pag-aaral ng mga Mag-aaral sa

Senior High ng Tagkawayan National High School

An, Reyjelyn M.

An, Rina Mae S.

Austria, John Kenneth D.

Caballera, Kristine Jane A.

Cueto, Kyla Joy D.

Decena, Gracellen Joyce G.

Lopez, Rafael A.

Lunar,James Seymark C.

Maliwanag, Criszel

Abstrak Naglalaman ng lagom ng pag-aaral na binubuo ng 250 na salita. Binubuo ng paglalahad

ng suliranin, layunin, kalahok, metodong ginamit, konklusyon/resulta ng pag-aaral at

rekomendasyon at kahalagahan o ambag ng inyong pag-aaral.

Mga Binubuo ito ng 5-7 na baryabol na may mahalagang gampanin sa inyong pananaliksik.

Susing

Salita

Introduk Ang pamilya ay isang bahagi ng buhay ng tao na hindi kailanman babago sa mundo.

syon Ang ama,ina at mga kapatid ng isang tao ay hindi mapapalitan ng sinuman. Tunay ngang

napakalaki ng impluwensiya ng pamilya sa buhay ng isang tao. Pamilya man ang

itinuturing na pinakamaliit na yunit ng isang pamayanan, ito ang humuhubog sa pagkatao

ng bawat miyembro nito. Ito rin ang unang nagpaparamdam ng pagmamahal,kasiyahan

at inspirasyon sa mga taong nangangailangan nito. Ang karaniwang depinisyon ng

pamilya ay isang grupo ng mga tao na binubuo ng ama, ina at mga anak kung saan ang

bawat isa ay pinagbubuklod ng pagmamahal. Ito rin at tinatawag na nuclear family.


Ang pamilya ang gumagabay, nagtuturo ng mabuting asal, nagbibigay ng

pangangailangan, at pagmamahal ng walang kapalit. Ang pamilya ang pinakamaliit na

yunit ng lipunan na binubuo ng Ama, Ina at ang mga anak nito. Malaki ang impluwensya

ng pamilya lalo na sa mga bata dahil ito ang dahilan ng pagka angat at pagpupursigi sa

buhay. Ayon kay Beth Morrisey (2017) ang nanay ang nagsisilbing ilaw ng tahanan at

may iba't ibang uri ng koneksyon sa pagitan ng ina at anak, isa na lamang dito ang

cuddle connection at ang breastfeeding na nagrerelease ng isang hormone na tinatawag

na oxytocin,sa koneksyong ito nagkakaroon ng benepisyo sa pagitan ng ina at anak. Ang

Tatay ang nagsisilbing gantimpala sa lahat ng mga ginagawa ng mga magulang at

inspirasyon.

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang mga epektong pagkakawatak -

watak ng pamilya sa pag aaral ng estudyante. Malaki ang papel ng kabataan sa usaping

ito at mas nararapat lamang na sila ang magbigayat magpahayag ng kanilang mga

saloobin patungkol sa usaping ito. Sapananaliksik na ito malalaman, mauunawaan,

masasagutan at matutugunan ang katanungan ng nakararami ukol sa problemang

kinahaharap ng mga apektadong kabataan. Dito malalaman ang mga dahilan ng

pagkakawatak -watak ngising pamilya. Nais ng mga mananaliksik na maisiwalat ang

mga datos nakanilang nakalap at kinalabasan sa pag -aaral na ito. Ito ay para man lamang

kahit sa mumunting paraang ay makatulog sila na maipahayag ang mga pinagdaanan ng

isang kabataang hindi nakararanas ng benepisyo ng isang kumpletong pamilya. Isa pa'y

nais din nilang maghatid ang pag-aaral na ito ng kaalaman sa mga susunod na

henerasyon ng kabataan at nang sa gayon ay maging inspirasyon sa kanila ang mga

paghihirap na pinagdadaan ng isang estudyanteng nag mula sa isang sirang tahanan.

Paglalah Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang Epekto ng "Broken Family" sa

ad ng Pag-aaral ng mga Mag-aaral ng Senior High sa Tagkawayan National High School.


Sulirani Upang maisakatuparan ito, pinagsikapang sagutin ng mga mananaliksik ang mga

n sumusunod na tanong:

1.) Anu-ano ang karaniwang dahilan ng pagkakawatak-watak ng pamilya ng mag-aaral?

2.) Ano ang nagiging epekto ng "Broken Family" sa pag-aaral ng mga mag-aaral?

3.) Paano kaya malalagpasan ang epektong dulot ng "Broken Family" para sa mag-aaral

na apektado nito?

Kaugna Ang kalikasan ng pamilya na nagbabago sa paglipas ng panahon. Ang pamilya ay

y na itinututing na pundasyon ng buhay panlipunan at labis na pinapahalagahan ng karamihan

Pag- sa mga Pilipino. Tinutukoy ng mga sosyolo ang pamilya bilang binubuo ng dalawang

aaral at tagapag-alaga sa isang nakatuong relasyon nakatira kasama ng kanilang mga anak

Literatur (Thompson 2016).

Ayon naman sa isang artikulo ang isa pang dahilan ng pagkakaroon ng broken

family ay dahil sa magkakaibang paniniwala karahasan sa tahanan matigas ang ulo na

sama ng loob kawalang -galang , diborsyon, problema sa pananalapi o sakit (Zitzman

2019).

Kadalasan ang pagtatalo ay isa sa pinakaraniwang reklamo ng mag asawa

nawawalan sila ng respeto sa isat isa at umaabot sa punto na sinasaktan ng isa ang

kanilang partner . Isa rin ang kawalan ng trabaho sa maraming reklamo sa pagitan ng

mag-asawa dahil walang pagkukunan ng kanilang panggagailangan ng kanilang pamilya

dumagdag sa listahan ang hindi pagkakaunawaan ng mag asawa. Magastos ang

annulment kumpara sa diborsyon na umaabot sa dalawang daang libong piso kaya naman

ipanukala ang divorce bill para maging posible ang paghihiwalay ng mga mag asawang

naghihirap (Cupin 2018).

Ang simpleng pagtatalo ay humahantong sa matinding away ng mag-asawa at dito


naiisipan nilang maghiwalay o maghiwalay lang . Gayundin ang kahirapan bilang isang

kondisyon o pangyayari kung saan ang isang tao o isang komunidad ay kulang sa mga

mapagkukunang pinansyal at isang minimum na antas ng pamumuhay (Tus 2020).

Ayon kay Green (2015), isang Demand Media mula sa Magazine Desk,Maaaring

makaapekto ang negatibong pamilya sa lahat ng mga domain ng pag-unlad ng isang bata

ay depende sa maraming mga kadahilanan, kabilang ang edad ng bata sa panahon ng

paghihiwalay ng mga magulang, at sa mga personalidad at mga relasyon sa pamilya.

Kahit na ang mga sanggol at mga bata ay maaaring makaranas ng ilang mga negatibong

epekto sa pag-unlad, ang mga matatandang bata at mga tinedyer ay maaaring makaranas

ilang mga problema sa kanilang sosyal, emosyonal at pang-edukasyon na paggana.

Gayumpaman, ang pagkasira ng pamilya ay isang karaniwang tampok sa

kontemporaryong lipunan (Aktar 2013). Bahagi ng buhay ng mag-asawa ang hindi

pagkakaunawaan at alitan na kadalasang nauuwi sa matinding pagtatalo na sa bandang

huli ay magiging sanhi ng pagkasira ng pamilya.

Batay sa European Journal of Educational and Development Physchology ni

Igbinosa (2014). Ang kapaligiran ng tahanan ay naglalagay ng malaking epekto ng

nasirang pamilya ay naiimpluwensyahan sa personalidad,emosyon,pag-uugali at sa

akademikong tagumpay. Ang mga bata ay nakakaranas ng mga problema sa mga

paaralan kasama ang mga guro,kaibigan at kadalasan ay ayaw nalang makipagtulungan

sa mga takdang aralin,mga tagubilin ng mga guro at magkakaroon ng mga paghihirap sa

konsentrasyon. Karamihan sa mga bata ay sumasama sa mga negatibong kasamahan at

ang mga bata ay umaalia na sa pakikipaglaban sa mga nakakatanda,pinsan,magulang at

guro. Ang edukasyon ng isang bata ay higit na apektado ng hindi gaanohg atensyon ng

isang magulng. Karamihan sa mga guro ay karaniwang nagrereklamo na ang mga bata

mula sa sirang sistema ng pamilya ay kadalasang galit,agresibo,balisa,natatakot,


hyperactive at nagpapakita ng mahinang pagganap sa akademikong pag aaral.

Ayon kay Igbinosa (2014). Ang isang bata na lumaki sa isang broken Family ay

may mas malaking pagkatao. Ang isang bata ba kasarian sa isang pamilya ay maaring

makisama sa masamang impluwensya ng mga kapantay. Maaring magkaroon ng

nomotivation sa lahat sa paggawa ng mga takdang -aralin at paggawa ng mga aktibidad .

Ang mga batang ito ay may mga posibilidad din sa maging bastos at walang galang sa

paligad nya.

Ayon kina Demo at Acock (binanggit sa Essays,Uk,2018),ang pamilyang

pinamumunuan lamang ng ina ang mga anak ay maaaring magdulot ng sikolohikal na

problema, madalas na pagliban sa klase , mababang grado, at tuluyang hindi pagpasok sa

eskwelahan na karaniwang nangyayari sa mga kalalakihan. Ito rin maaaring maging

dahilan upang malulong sa mga masasamang bisyo tulad na lamang ng pag -inom ng

alak, paninigarilyo , at higit sa lahat ay ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Ang pagbagal sa pag-unlad ng kaalaman ng mga bata ay isa pang mabigat na epekto

ng paghihiwalay ng mga magulang. Ang emosyonal na istress ng isang diborsyon ay

sapat na upang maging dahilan ng pagkawala ng gana ng isang bata upang matuto. Ilan

pa sa dahilan nito ay walang katatagan ang pagsasama ng pamilya hindi sapat na

pagkukunan ng pinansyal at mga hindi nakasanayan na gawin (Green 2015).

Ang mga magulang ay may malaking impluwesya pagdating sa tagumpay ng kanilang

anak lalong lalo na sa larangan ng edukasyon. Ayon sa mga eksperto ang pagkawala o

kakulangan ng isa o dalawang magulang sa paggabay sa kanilang mga anak sa pag- aaral

nito ay isang ay siyang nagpapahirap sa kanila , na nakakaapekto sa kanilang pag -aaral

at pagkatao . Nakakalungkot ang katotohanan na sa ngayon tumataas na ang bilang ng

mga batang lumalaki na wala ang kanilang mga magulang na kanilang tabi dahil na rin sa
kanilang trabaho. ( The New Times, 2017).

Saklaw Ang pokus ng pag-aaral na ito ay ang epekto ng "broken family" sa pag-aaral ng

at mga mag-aaral ng Senior High sa Tagkawayan National High School. Kung kaya't ang

Delimita mga impormasyong ginamit ay nagmula lamang sa resulta ng mga sagot na nanggaling

syon ng sa mga respondente at sa mga kaugnay na maunawaan, mapalawak pa ang kaalaman at

Pag- upang mapagtuunan ng pansin ang mga kabataang nakakaranas ng epekto ng "broken

aaral family" lalo na sa kanilang pag-aaral. Sa pag-aaral na ito mas maiintindihan ng mga

mananaliksik at mas mauunawaan nila ang mga epekto ng "broken family" sa pag-aaral

ng mga mag-aaral.

Depinis Para sa maliwanag na paglalarawan sa pag-aaral na ito, ang mga sumusunod na

yon ng salita ay binibigyang kahulugan.

mga

Termino Broken Family - ang kahulugan ng Broken Family sa pag-aaral na ito ay wasak o

sirang pamilya.

Pamilya - ito ay isang grupo ng tao na mahalaga at nagpapakita ng pagmamahal sa

isa't isa at nagtutulong-tulong sa lahat ng bagay.

Diborsyon - Paghihiwalay o ang pagpapawalang bisa ng kasal ng mag-asawa.

Datos - ang koleksyon ng mga elemento o mga kaalaman na ginagamit sa mga

eksperimento, pagsusuri, pag-aaral ng isang bagay.

Metodol Sa kabanata ng metodolohiya makikita ang maikling paliwanag ukol sa paraan o

ohiya ng "strategy" ng pagsulat . Ang susunod na bahagi sa pagsasagawa ng pananaliksik bago

Pag- dumako sa pangangalap ng mga datos sa pamamagitan ng surbey ay pagbubuo ng

aaral disenyo ng pananaliksik. Tinatalakay sa bahaging ito ang mga konsepto at mga yunit ng

matalinong pagpili ng angkop na matodong gagamitin, populasyon, respondente at


pamamaraan sa pangangalap ng mga datos, kaakibat rin nito ang pagsukat sa usapin ng

kalidad at reyalidad at ang mga pamamaraang ginamit upang makita ang kahusayan ng

pananaliksik.

Disenyo Ang naisagawang disenyo ng mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong

ng metodolihiya ng pananaliksik. Maraming uri ng deskriptibong uri ng pananaliksik,

Pananali ngunit napili ng mga pananaliksik na gamitin ang "descriptive survey research design",

ksik na gumamit ng talatanungan o surbey-kwestyuner para makalikom ng mga datos.

Naniniwala ang mga mananaliksik na angkop ang disenyong ito sapagkat mas

mapapadali ang pangangalap ng mga datos mula sa mga respondente. Ang disenyong

paglalarawan o deskriptibo ay ang nakitang paraan ng mga mananaliksik bilang mabisa

sa pag-aaral na ito upang makakalakap ng impormasyon.

Lokal Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa Tagkawayan National High School isa itong

ng Pag- pampublikong paaralan na matatagpuan sa Brgy. Munting Parang Tagkawayan Quezon

aaral na kung saan magmumula ang mga kalahok na mag-aaral ng senior high.

Respond Sa pagpili ng mga respondente gagamit ang mananaliksik ng purposive sampling para

ente sa pagpili ng kalahok sa pag-aaral na ito. Ang pangunahing dahilan sa napiling

respondante ng mga mananaliksik ay dapat sila myembro ng isang broken family na

kasalukuyang nag-aaral ng senior high sa Tagkawayan National High School.

Tatlumpung respondente ang kakailanganin ng mananaliksik upang mabuo ang pag-aaral

na ito.

Instrum Ang pananaliksik ay gumamit ng talatanungan o surbey kwestyuner bilang

ento ng pangunahing instrumento sa pagkalap ng mga datos na magagamit sa pag-aaral . Gamit

Pag- ang surbey kwestyuner ay mga katanungang may kaugnayan sa sampung tanong ang

aaral kwestyuner na may pagpipilian.


Pangang Ang mananaliksik ang mismong kumalap ng mga impormasyon upang lubos na

alap ng mauwaan ang mga saklaw at mga posibilidad sa pag-aaral upang matiyak ang kalidad ng

Datos iprepresentang datos. Ginamit nito ang talatangunan sa pagkolekta ng mga datos upang

mas mapadali sa mga mananaliksik maging sa mga tagasagot. Ang mananaliksik ay

magsasagawa ng maikling oryentasyon sa mga mag-aaral at sinisiguro ang pagiging

kompidensyal ng mga nakalap na datos bago ang pamamahagi ng talatanungan upang

mas makapagpahayag ang mga sasagot ng tanong.

Pag-

aanalisa

ng

Datos

Resulta

ng Pag-

aaral

Presenta • Presentasyon ng Datos- Iwasan ang pagbabasa ng teybol o talahanayan sa

syon, presentasyon ng mga datos. Itatanyag lamang dito ang tatlong mahahalagang

Analisis, salik sa talahanayan : pinakamataas, pinakamababa at kabubuuang resulta.

at • Analisis ng Datos- Isinasagawa ang analisisng mga datos na ginagamitan ng

Interpret istadistika. Ang mga datos mula sa kwantitatibong pag-aaral ay inaanalisa sa

asyon pamamagitan ng mathematical na termino haban an kwalitatibo naman (mga

ng mga tugon sa open-ended na tanong mula sa interbyu o pakikipanayam) ay sa

Datos pamamagitan ng (a) pagkakapare-pareho ng sagot ng mga kalahok (b)

pagkakategorya ( c) pagbuo ng tema/paksa. Tinatalakay rin ang implikasyon ng

nakalap na datos sa kasalukuyang pag-aaral.

• Interpretasyon ng Datos- Ang mga datos na nakalahad sa makabuluhang

pagpapaliwanag ng mga mananaliksik ay pinahahayag ang nagging resulta ng


pag-aaral.

Konklus • Konklusyon – inilalahad ang mga inferences, implikasyon, interpretasyon sa

yon at pangkalahatang pahayag, at/o paglalahad batay sa mga datos at impormasyong

Rekome nakalap ng mananaliksik. Inilalahad ang resulta ng pag-aaral.

ndasyon • Rekomendasyon- Ito ang mga mungkahing solusyon para sa mga suliraning

natukoy natuklasan sa pananaliksik. Gayundin ang mga suhestyon kung may

kailangan pa sa pananaliksik.

• Ito ay isang solusyon upang malutas ang problema na kinakailangang ng

pagpapatunay o pagbibigay ng malalalim na pag-aaral.

Sanggun https://www.researchgate.net/publication/301780075_Thompson_et_al-2016-

ian Journal_of_Applied_Ecology

https://www.semanticscholar.org/paper/Effects-of-Family-Breakup-on-Children

%3A-A-Study-in-Aktar/82a9f95672c517383913327ed690a3199c929e45

https://www.linkedin.com/pulse/statscraft-2019-isback-sharone-revah-zitzman

https://www.semanticscholar.org/paper/Family-Structure%2C-Family-Process

%2C-and-Adolescent-Demo-Acock/6449b43fe921b49f4f2c4c85022813e195b629e6

https://pdfcoffee.com/epekto-ng-broken-family-sa-mga-estudyante-ng-grade-11-

2017-18-pdf-free.html

https://m.imdb.com/name/nm3558522/

https://www.scribd.com/document/445002034/EPEKTO-NG-BROKEN-FAMILY-
SA-MGA-ESTUDYANTE-NG-GRADE-11-2017-18

https://www.researchgate.net/publication/

344659816_The_Influnce_of_Study_Attitudes_and_Study_Habits_on_the_Academi

c_Performance_of_the_Students

https://www.researchgate.net/publication/

326008894_Should_divorce_be_legalized_in_the_Philippines

Apendik • Inilalagay sa bahaging ito ang mga liham na ginamit, talatanungan, larawan, at

s iba pang mahalagang dokumento.

You might also like