You are on page 1of 1

Dahilan nga Pagliban sa klase ng mga Estudyante sa Baitang-11 ng Senior High

School ng Dalandanan National High School

I.RATIONALE
Sang-ayon sa ating pag-iisip at pagsusuring ito. Ang pagpasok sa
paaralan ng regular ay mahalaga sa pananatili ng matibay na pundasyon
ng pagkatuto. Kadalasang napaloob sa panahong pang-elementarya ang
simula ng ating pagkalap ng impormasyong pang sosyal at pang
akademikong kasanayan na nagbubunga ng pagbuo ng ating pagkatao
maliban na lamang kung tayo mismo ang nagiging hadlang sa ating sariling
kapakanan. Sa panahon ngayon, marami-rami na ring estudyante ang
binabalewala na lamang ang pagpasok sa klase. Minsan ang dahilan nito’y
ang masamang impluwensya ng barkada o kung minsan naman ay may
sapat at katanggap tanggap na dahilan ang mga mag aaral. Sinabi ng ating
pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal na “Ang Kabataan ang pag-asa
ng bayan”. Ngunit, paano magiging pag-asa ng bayan ang mga kabataan
kung sila mismo at tumutungo sa maling landas at mas pinipili pa ang
kanilang kagustuhan kaysa sa kanilang kinabukasan. Alam natin na ang
madalas na pagliban sa klase ay nakaapekto sa ating kinabukasan.
Dagdag pa sa mga dahilan ng pagliban ng mga estudyante sa klase
ay biglaang traffic, may sakit, walang allowance, hindi magandang
panahon, may mahalagang okasyon na pupuntahan at iba pa. ngunit ilan
lang sa mga dahilang ito ang may katotohanan. Minsan ay ginagawa lang
nila itong rason dahil sa katamaran. Lingid sa kanilang kaalaman na sa
bawat pagliban nila sa klase ay sila ang nawawalan ng matututunan.

You might also like