You are on page 1of 1

Epekto ng maraming akademikong Gawain sa mga mag aaral

Ibinanggit sa pag-aaral ni Alcala etal. (2017) "Sila ay humaharap sa nakukuha sa paaralan na


tinatawag na academic Stress ay isang mental stress kung saan may kinalaman ito sa mga
gawaing pang paaralan na lubhang nakakapagdulot ng kahirapan o kapaguran sa mga
mag-aaral." Nagsisimula stress dahil sa mga matataas na ekspektasyon ng mga magulang at
mga guro. Bilang isang mag-aaral kailangan mong gawin lahat upang ika'y pumasa at
magkaroon ng maayos na grado. Ngunit hindi ganun kadali ito para sa isang mag-aaral daihil
hindi sa lahat ng pagkakataon ay naiintindihan nila ang mga itinuturo at napagsasabay ang mga
binibigay na gawain.

Hinggil kay Caber, J (2017), ang mga batang nasa ganitong edad ay napakaraming gawain,
gaya ng mga aktibidad sa paaralan at ma takdang aralin, dahilan upang gabihin sila sa
pagtulog. Ayon sa pag-aaral, ang pagpupuyat ay nakapagpapahina ng isip at memorya at
kabilang ang mga kabataang mag-aaral ang pinakananganganib dito. Ang nagiging resulta nito
ay ang pagiging mayayamutin at pagiging sobrang likot. Maaaring ilan sa kanila ang hindi pa
natutuklasang karamdaman.Paano ang wastong pamamahala ng oras upang magkaroon ng
sapat na oras ng pagtulog ng mga mag-aaral, dapat ay mayroon silang walo hanggang
sampung oras na pagtulog. ngunit hirap ang kabataan na matutunan ito. Ang paglilinang sa
pagkakaroon ng mabuting kasanayan ay dapat magsimula bago pa man sila ipanganak. Ngunit
sa dami ng pinagkakaabalahan ng mga kabataan sa kasalukuyan, lumalabas na marami sa
kanilang oras ay nakukuha sa paggamit ng mga ito, at nagreresulta ng mababang perpormans
sa pag-aaral.

Batay kay Gatchalian, W (2018) "Kapag masyadong marami ang inuuwing gawain ang mga
mag-aaral ay mataas ang posibilidad na mabagot o mahirapan sila sa kanilang pag-aaral.
Imbes na ma kapag pahinga o makapaglaro sila, nagiging obligasyon at napipilitan na lang
silang tapusin ito." Ito ang nagiging sitwasyon ng mga mag-aaral sa kasalukuyan ngayon.
Karamihan sa mga mag-aaral sa ibat ibang lugar ay nakakaranas ng hirap sa pagkatapos nga
mga pang akademikong gawain dahil hindi naman lahat ay pantay pantay ang kakayahan
upang makasabay sa ibang mag-aaral. Dahil sa tambak na gawain ay nababagot o nawawalan
ng gana ang ibang mag-aaral at imbes na tapusin ay
hinahayaan na lamang nila na wala silang mapasa at gawin.

Alcala etal. (2017Mga dahilan at implikasyon ng "academic stress" sa mga magaaral ng Far
Eastern University Senior High School sa strand from
www.academia.edu/31660063/Konseptong papel revised

You might also like