You are on page 1of 2

Posisyong Papel Ukol sa mga Takdang Aralin ng mga Estudyante

ITIGIL ANG PAGBIBIGAY NG MGA TAKDANG ARALIN SA MGA ESTUDYANTE:


TOTOO NAMANG MAY MAGANDANG NAIDUDULOT AT NATUTURO ANG
PAGBIBIGAY NG TAKDANG ARALIN SA MGA MAG-AARAL, SUBALIT KAPAG
IPINAGSABAY MO ANG MGA ITO SA IBA PANG MGA GAWAING
PAMPAARALAN NA NAKUKUHA NILA ARAW-ARAW, UNTI-UNTING MABABAON
ANG MGA ESTUDYANTE RITO, NA MAAARING HUMANTONG SA MGA
NEGATIBONG EPEKTO SA KANILANG MENTAL AT PISIKAL NA KALUSUGAN.

Sa katotohanan, ang mga takdang aralin ng mga estudyante ay isa sa mga rason kung
bakit maraming natutunan ang mga estudyante sa paaralan. Nagtuturo ito ng time
management at pagsasarili. Subalit, kapag ang mga takdang aralin at mga gawaing
pampaaralan, o workloads, ay nagiging sobra at mabigat na, maaaring magresulta ito sa
pagbaba ng motibasyon, o magresulta sa mas malubhang epekto katulad nalang ng
depresyon, anxiety, stress, atbp.

Marami naman ang naidudulot na maganda ang pagbibigay ng gawaing-bahay sa mga


estudyante. Subalit, marami rin itong naidudulot na masama kapag ito ay sumusobra na. Ang
isang mag-aaral ay mayroong 8 na subjects sa karaniwan, ang ibang mga paaralan ay may higit
pa, at ang mga subjects na ito ay kinukuhanila araw-araw. At dahil araw-araw nilang pinag-
aaralan ang mga paksang ito, mas madalas kaysa sa hindi, nakakakuha sila ng mga gawain sa
paaralan araw-araw, tulad nalang ng mga pagsusulit, pangkatang gawain, takdang-aralin, atbp.
Kung isasaalang-alang ang mga gawaing ito ng mga mag-aaral, pati na rin ang kanilang mga
personal na buhay sa labas ng paaralan, hindi kataka-taka kung bakit nabibigatan ang mga mag-
aaral sa kanilang mga gawain sa paaralan. Gayunpaman, marami parin ang mga sumasang-ayon
sa pagbibigay ng mga gawaing-bahay sa mga estudyante. Ito ay nakapagtataas ng mga
katanungan, tulad nalang ng, “Kinakailangan ba ng mga estudyante ang takdang aralin?” “Ano
ba ang epekto ng takdang aralin sa mga estudyante?” at, “Ano ba ang magiging epekto sa mga
esyudyante kapag tinigil ang pagbibigay ng gawaing-bahay?”.

Maraming mga magulang ang sumasang-ayon sa pagbibigay ng takdang aralin sa


kanilang mga anak, ngunit, ang hindi nila alam ay ang mga masasamang epekto na naidudulot ng
mga takdang aralin sa mental at pisikal na kalusugan ng mga mag-aaral. Ayon kay Rep. Sam
Verzosa ng Tutok to Win party list, ang mga estudyanteng Pilipino sa panahong ito ay may
maraming trabaho o overworked. Sinasabi na ang isang bata ay gumugugol ng hanggang 10 oras
sa paaralan at sa mga gawaing pampaaralan araw araw ng linggo. Ang isang pandaigdigang
pagsusuri ay nagpapakita na ang oras na ginugugol sa mga takdang aralin ay hindi nagpapabuti
sa mga marka ng mga mag-aaral, o nagbibigay sa kanila ng mas mahusay na mga resulta sa
kanilang edukasyon.
Ayon kay Alfie Kohn (2007), isang lider sa progressive education, at isang may-akda
at lector ng edukasyon, ang mga negatibong epekto ng takdang aralin sa mga mag-aaral ay ang
pagkabigo at pagkahapo, kawalan ng oras para sa iba pang mga aktibidad, at posibleng
pagkawala ng interes sa pag-aaral. Ayon naman kay Alfie Kohn (2007), ang mga positibong
epekto ng mga takdang aralin ay higit gawa-gawa lang. Ayoon sa kanya, ganap na walang
katibayan ng anumang akademikong benepisyo mula sa pagtatalaga ng takdang aralin sa
elementarya o middle school. Sabi rin niya na “More homework is being piled on children
despite the absence of its value. Over the last quarter century, the burden has increased most for
younger children, for whom the evidence of positive effects isn’t just dubious; it’s nonexistent.”

Ayon naman sa iba pang mga pananaliksik, posibleng maging stressed, pressured, sleep
deprived, pagbaba ng timbang, pagsakit ng tiyan at ulo, at iba pang mga negatibong sanhi ng
takdang aralin sa kalusugan ng mga mag-aaral. Maaari din silang makaranas ng burnout,
depresyon, at anxiety. No time, no energy, no sense of learning, stress

Nagtanong-tanong din ako sa mga kakilala ko tungkol sa pagbibigay ng takdang aralin,


kung alin ang mas matimbang sa pagbigay ng takdang aralin; positibo ba o negatibo, at halos
lahat naman ay sumagot na mas matimbang ang negatibong epekto ng takdang aralin. Ang mga
rason nila ay wala ng oras sa iba pang aktibidad, nawawalan sila ng enerhiya, wala ng sense of
learning, at nakakapagdulot ito ng stress sa kanila.

Sa konklusyon, hindi talaga mahalaga ang pagbibigay ng takdang aralin sa mga


estudyante, sa kabaligtaran, mas nakabubuti sa mga mag-aaral ang hindi na makakuha ng
takdang aralin mula sa mga subjects sa kanilang paaralan. Nababawasan na ang workload nila,
nababawasan din ang mga pinoproblema at sanhi ng stress at iba pang mga negatibong epekto sa
kanilang mental na kalusugan. Ngunit, kapag hindi talaga ito maiiwasan, mas mabuti kung
babawasan ang pag bibigay ng mga takdang aralin sa mga mag-aaral upang hindi sila masyadong
mahihirapan at mabaon sa mga schoolworks nila. Mabuti naman na iniisip natin ang edukasyon
at kinabukasan ng mga estudyante, ngunit, kinakailangan din nating isipin ang kanilang
kalusugan at ang malaking epekto nito na maaaring idulot nito sa hinaharap.

Mga sanggunian:

 Alfie Kohn - https://www.philstar.com/lifestyle/sunday-life/2010/08/22/604511/stolen-


childhood-case-against-too-much-homework
 Rep. Sam Verzosa - https://opinion.inquirer.net/163687/too-much-homework?
fbclid=IwAR0SoGrRmTBKtO7lQ5D5Q-95JoGAgQXGZnTxZSCZ4Wq9taR-uMe1no5-
lzM
 Iba pang mga sanggunian – Google, mga artikulo, personal na mga karanasan ng mga
kakilala.

You might also like