You are on page 1of 2

IMPAK NG PROKRASTINASYON SA MGA PILING MAG-AARAL NG DULAG

INTEGRATED SENIOR HIGH SCHOOL

RASYUNAL

Mahalagang isagawa ang pag aaral na ito upang aming malaman ang impak ng
prokrastinasyon sa mga piling mag aaral ng Dulag Integrated Senior Highschool. Gusto
ng mga mananaliksik na bigyang linaw o pokus ang mga naging kaugalian ng mga
estudyante ng Dulag Integrated Senior Highschool pagdating sa pagpapaliban sa mga
aktibidad o ng isang bagay na dapat ay gagawin, madalas dahil ito ay hindi kasiya-siya
o napapagod gawin.

Ang aming paksang pinili ay naglalayong suriin ang mga dahilan ng pagpapaliban
ng mga akademikong gawain ng mga piling mag aaral ng Dulag Integrated Senior High
School, sapagkat ito ay may negatibong epekto sa akademikong performace ng mga
mag aaral. Kaya minsan, sila ay naghahabol ng oras kapag ito ay isusumite na sa
nakatandang panahon. Kaya naisipan ng mga mananaliksik na gawin ang pag aaral na
ito upang malaman ang impak ng prokrastinasyon sa mga mag aaral ng Dulag
Integrated Senior Highschool.

Hindi natin maiiwasan na may mga estudyante talagang hirap na gawin ang mga
akademikong gawain, buwan bago ang itinakdang oras ng pagpasa. Kaya may iba na
sa sobrang pagmamadali dahil ito ay ipapasa na, di na ito nagagagwa ng maayos, o
nagagawa ang gawain sa inaasahang resulta nito. Kaya naisipan ng mga mananaliksik
na humanap o mag obserba ng mga dahlia o impak ng prokrastinasyon sa mga mag
aaral ng Dulag Integrated Senior High School.

Isa sa pinakahangarin ng mga mananaliksik ay ang maunawaan ng mga


magbabasa, lalo na ang mga estudyante nga Dulag Integrated Senior Highschool ang
positibo at negatibong impak ng prokrastinasyon sa kanila.

Pinatutunayan lamang ng pag aaral na ito na may mga epekto talaga ang
pagpapaliban sa mga gawain sa performance ng isang estudyante sa paaralan. Dahil
ito ay karaniwang nauunawaan bilang isang maladaptibong pag-uugali na
humahadlang sa matagumpay na akademikong karanasan. Bilang isang maginoong
nagmumungkahi, ang pagpapaliban ay nakaugnay sa iba't-ibang mga salungat ng
akademikong pag-uugali.

Ayon kina Solomon et.,al (1984) Ang Akademikong pagpapaliban ay tinukoy sa


pamamagitan ng pagpapaliban ng mga pangunahing akademikong gawain tulad ng
paghahanda para sa pagsusulit, paghahanda ng isang term paper, administratibong
gawain na may kaugnayan sa paaralan, kontribusyon sa gawain para sa mga tiyak na
dahilan.

Sang ayon sina Akbay et.,al (2010) sa pahayag nina Solomon (1984) na tinukoy
ang akademikong pagpapaliban ng mga akademikong gawain para sa ilang mga
kadahilanan.

Ganito rin ang paniniwala ni Revelle (1997) kung saan sa isang akademikong
konteksto, ang ilang mga mag-aaral sadyang iwanan ang gawain sa eskwelahan sa
huling minuto. Na nagreresulta ng presyon at nagbibigay sa kanila ng “buzz” na
kailangan nila upang makabuo ng tuloy-tuloy na mabuting gawa.

Gayunman, ito ay nananatiling sa kung ang pagpapaliban ba ay sa katunayan.


isang “self handicapped strategy”. Habang ang isang positibong relasyon sa pagitan ng
pagpapaliban at takot sa pagkabigo ay dapat na sinusunod sa pagsasaalang-alang sa
pagpapaliban bilang isang “self handicapped strategy” ibig sabihin, may mga taong
madaling makaranas ng takot sa pagkabigo o ang pagkabalisa na maaaring isa sa mga
dahilan ng kanilang pagpapaliban sa anumang mga gawain o aktibidad, upang maaari
nilang maiwasan ang isang sitwasyon na kung saan isang inaasahang pagkabigo ay
maaaring maiugnay sa kanilang mga personal na kakayahan. (Eerde et., al, 2003).

Sa katunayan, maaaring ang pagpapaliban ay maglingkod bilang isang “self-


regulatory processing” sa mga estudyante. Dahil minsan ng nakita na ang mga tao
mismo amg pumili upang ipagpaliban ang mga gawain dahil naniniwala sila na ang
pagpapaliban ay nakakapag ambag sa kanilang mga pinakamahusay na performance.
(Chu et., al 2001)

Nananalig din sina Burns et., al (2000) na karamihan sa mga tao ay nakikita ang
pagpapaliban bilang isang negatibong katangian ng pagkatao. Ang mga taong lumiliban
sa lahat ng gawain ay naiisip na sila ay may mababang kognitibong abilidad kaysa sa
kanilang mga ka trabaho. Sa mga nakaraang pag aaral, inilalahad nila na ang
pagpapaliban ay nag reresulta sa, kawalan ng oras, mahinang kalusugan, nabawasan
ang pang-matagalang pag-aaral, at mas mababang pagpapahalaga sa sarili.

Kung kaya ang pagpapaliban sa lahat ng gawain sa paaraalan ay


nangangailangan ng kasanayan sa kung paanno sila magiging maingat sa oras sa lahat
ng mga aktibidad sa paaralan at sa kung ano pa man hindi akademikong mga gawain.
Dahil ang pagiging maingat sa oras ay nagreresulta sa magandang gawa at sa
magandang pagpapahalaga ng oras at sa iyong kinabukasan.

You might also like