You are on page 1of 12

Kabanata I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PAG-AARAL

Introduksyon

Ang kawalan ng kakayahan sa pananalapi ay isa sa mga pinakamahirap na

problema na maaaring harapin ng sinumang magaaral. Lalo na kung nakatagpo ito ng

isang ordinaryong mag-aaral. Hindi madali para sa isang mag-aaral na mag-aral, gawin

nang sabay-sabay at mga gastusin paaralan. Iyon ay kung paano ang pag-alam ng mga

magulang ay maaaring tumagal ng ilang taon ng edukasyon ng kanilang mga anak.

Kasabay nito ang pagtaas ng matrikula sa mga unibersidad ay patuloy na tumataas.

Maging gastos sa paaralan at iba pang mga aspeto ng edukasyon. Ang mga mag-aaral ay

nagbibigay ng maraming pag-aalaga at gastos. Kasama dito ang mga maliliit na gastos

tulad ng mga aralin sa photocopying pati na rin ang maliit na kontribusyon sa

pagpopondo ng organisasyon. Kung maayos ang lahat, malaki ang gastos. Bukod doon ay

ang pang-araw-araw na gastos ng transportasyon, pagkain, proyekto sa paaralan at mga

gamit sa paaralan tulad ng mga pen, pad paper at marami pa.

Marami ang nagsasabi na ang pera ay ginagawang ikot ng mundo. Ang pera ay isang

kinakailangan para sa isang mahusay na edukasyon sa unibersidad. Bago pumasok sa

paaralan, kailangan mong kumuha ng masahe. Pagdating sa tanghalian at meryenda,

kailangan mong kumuha ng pera upang bumili. Kapag ang guro ay may kamangha-

manghang proyekto, wala kang magagawa kundi gumastos at mapagbuti ang iyong mga

marka. Iyon ay, ang pera ay isang pangangailangan para sa mga mag-aaral. Katumbas din

nito ang halaga ng pera na kinakailangan upang pag-aralan upang makapagtapos.


Kadalasan hindi ito isang problema, mas may problemang para sa paggawa ng aralin. At

ito ang pokus ng pananaliksik na ito. Talakayin ang mga epekto ng kakulangang

pampinansyal sa pagganap ng mga mag-aaral ng AMA Computer Learning Center mula

sa Lungsod ng Antipolo.

Sanligan ng Pag-aaral

Ano nga ba ang epekto ng problemang pinansyal sa mga magaaral? Ang pinansyal

na pangangailangan ay masasabing nakadikit na sa pagaaral dahil kahit na sa

pampublikong paaralan ay nangangailangan pa rin ng magaaral na maglaan ng pinansyal

sa kanyang mga kagamitan sa pagaaral gaya ng lapis,pen,notebooks,papel at iba pang

school supplies.

Sa kasalukuyan, ang suliraning ito ay isa sa mga isyung kinakaharap sa lipunan

lalo’t ang nakapaloob dito ay mga magaaral at isa din sa mga isyu na patuloy

hinahanapan ng solusyon ng ating gobyerno, patunay na dito ang pagiimplemento ng mga

scholarship programs upang makatulong sa mga kabataang nais ng suportang pinansyal

sa kanilang pagaaral..

Ayon kay Huw Richards, sa isang pag-aaral ay higit sa pitumpung estudyante ang

nagsabing ang kanilang pinansyal na katayuan ay may malaking epekto sa kanilang

performans. Ang mga estudyanteng may part time na trabaho ay nagsabing ang pinansyal

ng suliranin ay higit na nakakaapekto sa kanilang akademikong gawain sa paaralan.

Ayon kay Valentina Lee, isang professor, “Ang financial stress ay tulad lang sa

ibang stressor na hindi lang sa mga mag-aaral kundi narin sa mga nagtatrabaho. Dito ay

inaasahan nating may kahalintulad sa sikolohikal, pisikal at pag-uugaling suliranin.”


Ang pananaliksik na ito ay nagpapaliwanag ng suliranin ng mga magaaral sa

kanilang pagaaral gaya ng suliranin sa pinansyal at kung ano ang maaring maging resulta

sa kanilang magiging performans sa pagaaral. Ang paksang ito ay makakatulong upang

masuri ang sanhi at epekto ng kakulangang pinansyal ng mga magaaral at kung ano ang

maaring maging solusyon sa isyung ito.

Balangkas Pang-teoretikal

Napagpasyahan naming gamitin ng mga mananaliksik ang “Grounded Theory”,

ito ay dahil isinagawa ang pananaliksik na walang mga teorya upang ipaliwanag kung

paano tinalakay ang pag-aaral sa panlipunan at komunidad na nagaganap. Ang pagbuo ng

teorya gamit ang Ground Theory ay nakasalalay sa isang sistematikong pagsusuri ng

empirical data, upang magaan ang nagaganap sa sitwasyong iyon. Ang resulta ay isang

teorya na batay sa ebidensya sa halip na binuo mula sa umiiral na konseho ng

konseptuwal. "Ito ay isang induktibong pamamaraan ng pag-unlad ng teorya. Upang

maisagawa ang teoretikal na kahulugan ng malawak na pagkakaiba-iba ng kanyang data,

ang analyst ay bumubuo ng mga ideya sa isang antas ng pagkamalikhain na mas mataas

sa konseptong abstract kaysa sa materyal na nasuri. Ang mga mananaliksik ay nagdala

ng mga pinagbabatayan na pagkakapareho at pagkakaiba, at gumamit ng higit pang mga

abstract na konsepto upang maanalisa para sa mga pagkakaiba ng data" (Glaser and

Strauss, 1967, p. 114)

Ang teoryang “Grounded Theory” ay nakatukoy sa isang paksa ng pananaliksik

na naisagawa na ng mga unang nanaliksik nito, ang aming paksang ginamit tungkol sa

epekto ng kakulangang pampinansyal sa mga mag-aaral ay napag-aralan na ng ibang


mananaliksik. Sa pamamagitan ng teoryang ito, nagkakaroon muli ng panibagong pag-

aaral kasabay ng pagkalap ng mga bagong datos at baryabol na nagpapatunay ng

panibagong resulta sa paksang sinasaliksik.

Balangkas Pangkaisipan

Ang isinasaad sa balangkas ng pag-aaral na isinagawa ay nakabase sa epekto ng

kakulangang pampinansyal sa mga mag-aaral na kung saan ito ay naglalahad ng mga

lagak, proseso at bunga na naghahayag ng lagom ng pag-aaral.

Sa Lagak ay makikta ang propayl ng mga tagatugong mag-aaral na nakabatay sa

kanilang pangalan, edad, kasarian, at kanilang mga track/strand mula sa mga mag-aaral

ng AMA Computer Learning Center – Antipolo Campus.

Sa Proseso nakasaad ang mga paraang isinagawa ng mga mananalisik sa pagkalap

ng mga impromasyon sa pananaliksik sa pamamagitan ng pagbibigay ng talatanungang

tseklis sa mga respondenteng mag-aaral sa ika-12 baitang ng AMA Computer Learning

Center – Antipolo Campus bilang batayan ng pag-aaral na gagawin ng mga mananaliksik

tungkol sa epekto ng kakulangang pampinansyal sa mga mag-aaral, dito rin nakapaloob

ang pagaanalisa ng mga nakalap na datos.

Sa Bunga makikita at maipapahayag ang magiging resulta ng isinagawang pag-

aaral na kung saan matutukoy ang mga epekto ng kakulangang pampinansyal sa mga

mag-aaral sa ika-12 baitang ng AMA Computer Learning Center – Antipolo Campus.

Ang Pidbak ang nagpapakita ng mga bunga sa isinagawang pag-aaral tungkol sa

epekto ng kakulangang pampinansyal sa mga mag-aaral.


Modelong Pangkaisipan

Tagatugon - Mga mag-aaral ng AMA Computer Learning


Center Antipolo Campus
Kasarian
Edad
Lagak Strand

Pagsagawa ng interbyu
Talatanungang papel
Pagsuri ng mga datos
Proseso

"Epekto ng kakulangang pinansyal sa mga magaaral"


Pananaw ng mga magaaral sa isyu
Mga rekomendasyon
Bunga

Pidbak
“Epekto ng kakulangang pinansyal sa mga mag-aaral ng ika12-baitang ng AMA
Computer Learning Center – Antipolo Campus”
Pigura 1
Paglalahad ng Suliranin

Pag-aaralan ng mga mananaliksik ang pinagbabatayan ng isyu, pananaw at

maaaring maging dulot sa mga magaaral ng SHS ng AMA Computer Learning Center

Antipolo Campus tungkol sa epekto ng kakulangang pinansyal sa mga magaaral.

Nilalayon ng mga mananaliksik na matukoy kung ano ang matututunan at matutuklasan

sa pagkilala sa kabuuan at pagsusuri ng mga sanhi at epekto ng paksa. Ang mga

katanungan ay naglalayong hilingin ang mga sumusunod na sagot mula sa mga

respondente sa pagtatapos ng Pananaliksik:

1. Ano ang propayl ng mga mag-aaral na tagatugon?

1.1 Pangalan

1.2 Edad

1.3 Kasarian

1.4 Strand

2. Anu-ano ang pananaw ng mga mag-aaral sa kakulangang pinansyal sa pagaaral?

3. Ano ang epekto ng isyu sa performans ng mga mag-aaral sa SHS?

4. Ano ang mga suhestyon ng mga magaaral at kinauukulan sa nasabing isyu?


Haka ng Pagaaral

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang makapagbigay kaalaman sa mga

epekto ng kakulangang pampinansyal sa pag-aaral ng mga esduyante na SHS ng AMA

Computer Learning Center - Antipolo Campus kung kaya’t isa sa mga hakang nabuo ay

walang kinalaman ang pampinansyal sa pagaaral ng mga estudyante batay sa mga

ginamit na baryabol sa pananaliksik.

Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na isinagawa ay upang malaman ang mga impormasyon at

kaalaman ukol sa epekto ng kakulangang pinansyal sa mga mag-aaral at malaman ang

mga pananaw ng bawat isang estudyante na nakapaloob sa pag-aaral.

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa pananaw ng mga mag-aaral sa Senior

High School sa AMA Computer Learning Center - Antipolo Campus tungkol sa epekto

ng kakulangang pinansyal sa mga mag-aaral. Ito ay gagawin sa loob ng isang semester

lamang taong 2019-2020.

Sa loob ng 13sections sa Senior High School, walumpong (80) mga mag-aaral

lamang mula sa ika12-baitang ang mabibigyan ng instrumento ng pananaliksik na

inihanda ng mga mananaliksik sa pamamagitan ng paglalapat ng mga sagot sa

talatanungang tseklis, ito ay random na pamamaraan ng sampling. Nasa tagatugong mag-

aaral kung nais niyang manatiling hindi makilala hangga't ang mga kinakailangang sagot

mula sa talatanungan ay malapatan. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng talatanungang

tseklis bilang instrument sa pagkuha ng saloobin at pananaw ng mga mga-aaral sa

napiling paksa sa pag-aaral


Kahalagahan ng Pagaaral

Ang pananaliksik na ito ay naglalahad ng kahalagahan ng pag-aaral at magiging

kapaki-pakinabang sa mga sumusunod:

Sa Pamahalaan: Ang magiging resulta ng pananaliksik ay maaaring maging

instrumento upang maipaalam ang mga hinaing ng mga estudyante, magbigay

rekomendasyon at mas pagbutihan pa nila ang paglikha ng mga proyekto na

makakatulong sa pagsuporta sa pag-aaral ng mga kabataan sa aspetong pinansyal. Sa

tulong na pag-aaral na ito ay maaaksyunan nila ang isyung kailangan lutasin.

Sa mga Guro: Ang pag-aaral na ito ay makakatulong upang malaman kung ano

ba ang pananaw at saloobin ng kanilang mga estudyante tungkol sa suliraning

pampinansyal s aka nilang pag-aaral. Sa pamamagitan nito ay mas lalo nilang

matutulungan at mapag-tutuunan ng pansin ang nagiging performans ng mga estudyante.

Sa mga Magulang: Ang magiging resulta ng pag-aaral nito ay makakatulong

upanmg malaman nila ang mga maidudulot ng suliranin sa kanilang mga anak na nag-

aaral. Sa pamamagitan din ng pag-aaral na ito ay mas lalo nilang itutuon ang kanilang

atensyon at suporta sa pag-aaral ng kanilang mga anak nang patuloy itong magsumikap at

makapagtapos.

Sa mga Magaaral: Ang pag-aaral na ito ay makakatulong upang magkaroon ng

karagdagang impormasyon at kaalaman ang mga mag-aaral, at pamulatin ang pag-iisip ng

mga estudyanteng humaharap sa suliraning pampinansyal sa kanilang pag-aaral. Sa

pamamagitan din nito ay mamumulat ang bawat isa sa kahalagahan ng edukasyon sa


kanilang mga kinabukasan at mabuksan ang bawat kamalayan sa mga suliranin at isyung

kinakaharap sa lipunan.

Sa mga susunod na mananaliksik: Ang pag-aaral na ito magsisilbing batayan ng

mga susunod na mananaliksik na may kaparehang paksa sa pag-aaral na makakatulong

sa kanilang pananaliksik.

Katuturan ng Katawagan

Akademikong Performans - mga gawain na binibigay ng iyong guro tulad ng group

activities or projects.

Edukasyon - kinabibilangan ng pagtuturo at pag-aaral ng isang kasanayan, at ang

pagbahagi ng kaalaman, mabuting paghusga at karunungan.

Mag-aaral - taong nag-aaral at maaring bihasa sa talino. Ang estudyante ay tinuturuan ng

guro na mag-aaral at makadiskubre ng mga bagay.

Paaralan - isang lugar kung saan tinuturan ang mga estudyante o mag-aaral upang

magkaroon sila ng mga kaalaman.

Scholarship - pinansyal na tulong sa mga mag-aaral para sa kanilang akademikong

gawain sa pag-aaral.

Unidersidad - Paaralan ng mga estudyante na papuntang kolehiyo.


Epekto ng Kakulangan Pampinansyal sa mga Ika-12 Baitang ng AMA Computer

Learning Center ng Antipolo Center Taong 2019-2020

Member:
Loriezo,Luigi
Marquez,Joven
Mercado,Dave
Roberto,Michael
Merino,Joward
METODOLOHIYA NG PAG-AARAL

Sa kabanata ng metodolohiya makikita ang amikling paliwanag ukol sa paraan o

“stategy” ng pagsulat. Ang susunod na bahagi sa pagsagawa ng pananaliksik bago

dumako sa pangangalap ng mga datos sa pamamagitan ng sarbey ay pagbubuo ng disenyo ng

pananaliksik. Tinatalakay sa bahaging ito ang mga konsepto at mga yunit ng matalinong pagpili

ng angkop na metodong gagamitin. Populasyon. Respondent at pamamaraan sa pangangalap ng

mga datos. Kaakibat rin nito ang pagsukat sa usapin ng abilidad at relayadibilidad at ang mga

pamamaraang ginamit upang makita ang kahusayan ng pananaliksik

Disenyo ng Pananaliksik

Ang naisagawang pananliksik ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya ng

pananaliksik

https://www.scribd.com/document/326323980/Kabanata-3-Metodolohiya-Ng-Pananaliksik

You might also like