You are on page 1of 5

KABANATA I

A.INTRODUKSYON/PANIMULA
Ang cursong Hotel and Restaurant Management ay hindi lamang
nangangailangan ng pagalingan sa larangan ng akademiko, bagkus ito ay
nangangailangan ng pagsasanay sa kakayahang magluto, at ibat iba pang aspeto tulad
ng Housekeeping, Culinary Arts, Baking and Pastry at Asian cuisine.
Sa mga larangan na ito, madalas ginagamit ang laboratory upang maslalo pang
mahasa ang kakayanan ng mga estudyante sa kanilang ibat ibang mga aktibidades.
Ang laboratoryo ay isang lugar kung saan puspusang pinag-aaralan ng mga
estudyante ang ibat ibang pamamaraan ng pagluluto,baking,fruit carving, at iba pa.
Ang laboratoryo ay lubos na nakakatulong sa mga estudyante upang maipakita
ang kanilang ibat ibang kakayahan at mga talento. Ito ay nagsisilbing work place ng
mga estudyante. Matatagpuan sa loob ng laboratoryo ang mga aparato na siyang
tutulong sa pagtuklas, pag-alam, at pag-aaral ng mga komplikado at maliliit na detalye
na sakop ng Hotel and Restaurant Management.
Ang mga mananaliksik, mula sa Kolehiyo ng Agham na may kursong BSHRM ay
nagsagawa ng pananaliksik patungkol sa Mga Suliraning Kinakaharap ng mga
Estudyante ng HRM sa Laboratoryo. Nais ng mga mananaliksik na masagot ang
katanungan ng kanilang mga kapwa-estudyante tungkol sa usaping ito.
B.SALIGANG PANGKASAYSAYAN
May naging malaking aktibidad sa mga istatistika sa Cambridge bago 1947,
natukoy na sa simula sa pamamagitan ng ilang mga kapansin-pansin na mga
indibidwal na mga numero at pagkatapos ay sa pamamagitan ng isang pagpapabilis na
pagkilala ng mga paksa bilang isang sangay sa sarili nitong karapatan.
Sinabi ni Edwards na ang istatistika ay nagsimula sa Cambridge sa Augustus de
Morgan (1923) na sinundan sa na siglo sa pamamagitan ng RL Ellis (1836), J. Venn
(1853), JWL Glaisher (1867), ang lahat ng mga de-kalidad na mga pangalan sa
anumang kasaysayan ng istatistika o bagay na maaaring mangyari. F.J.M. Stratton
(1901) sa Kumbinasyon ng obserbasyon; Ang laboratoryo ni Edwards ay dinaluhan ng

kanyang mga mag-aaral noong 1911 na nagbibigay ng isang daan sa buhay na


memorya.
(http://www.statslab.cam.ac.uk/History/2history.html)
C.PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Ang mga sumusunod na suliranin ang nais masolusyonan ng buong pananaliksik
1. Malaya ka bang pumasok at gumamit ng laboratoryo?
2. Sumusunod ka ba sa mga alituntinin na ipinapatudpad sa laboratoryo?
3. Pinahihintulutan ka bang magdala ng pagkain sa loob ng laboratoryo?
4. Pinapayagan bang magluto ang mga estudyante kung hindi naka-chef lab
uniform?
5. Kumportable ka ba sa loob ng laboratoryo?
6. Hadlang ba ang hirap sa pag-akyat sa laboratoryo sa iyong pagdalo sa klase?
7. Nahihirapan ka ba sa gastusin sa laboratoryo?
8. Nasisikipan ka ba sa loob ng laboratoryo?
9. Hadlang ba ang kakulangan ng mga pasilidad sa laboratoryo sa inyong
pagluluto?
10. Pinahihintulutan ka ba ng inyong guro na pumasok sa loob ng laboratoryo
kung hindi naka-chef lab uniform?
D.LAYUNIN AT KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang mga sumusunod:
1.

Malaman ang mga ibat ibang suliranin sa laboratoryo.

2.

Masolusyonan ang mga problema sa laboratoryo.

3.

Masabi ng mga estudyante ang opinyon ukol sa laboratoryo.

4.

Malaman ng mga guro ang kakulangan sa laboratoryo.

5.

Maipabatid sa mga tagapamahala ng eskwelahan ang mga dapat gawin ukol


sa usaping ito.

Ang pananaliksik na ito ay lubos na makakatulong:

Sa mga magulang

Ang pananaliksik na ito ay makakatulong upang sila ay magkaroon ng kamalayan sa


mga problemang kinakaharap ng kanilang mga anak sa loob ng laboratoryo.

Sa mga guro

Ang pag-aaral na ito ay makakatulong upang lubos pang mapabuti ang kanilang
pamamalakad sa mga estudyante sa loob ng laboratoryo.

Sa mga estudyante

Makakatulong ito upang ang mga estudyante ay magsabi ng kanilang saloobin


tungkol sa usapin na ito.

E.BALANGKAS KONSEPTWAL

INPUT
PROSESO
AWTPUT
Ibat-ibang patakaran sa loob ng housekeeping
Mga Suliraning Kinakaharap ng mga Estudyante ng HRM sa Laboratoryo

F.SAKLAW AT LIMITASYON
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong maipakita ang kahalagahan ng
laboratoryo at ang mga suliraning kinakaharap dito ng mga estudyante ng BSHRM
ng Colegio de Dagupan (CDD). Ang mga mananaliksik ay magtutuon lamang sa
100 mag-aaral ng nasabing pamantasan at kurso. Sila rin ay kukuha ng imbentaryo
sa tanggapan ng SIHM para alamin ang mga kagamitang mayroon ang paaralan.

Sarbey kw

Ang mga respondente ay bibigyan ng isang pagsusuri (survey) na nag lalaman ng


sampung katanungan na nagpapatungkol sa magiging kasagutan ng mga suliraning
nakapaloob sa nasabing pag-aaral.
G.KAHULUGAN NG MGA KATAWAGAN
Ang mga sumusunod na salita ay masuri at operasyonal na isinalin ng mga
mananaliksik upang mabigyan ng mas malinaw ibig-sabihin ang mga salitang ginamit
sa pag-aaral na ito.
Laboratoryo- ito ay isang lugar kung saan nahahasa ang mga kakayanan ng mga
estudyante hindi lamang sa ibat ibang uri ng kemikal bagkus pati ang mga pag-aaral
patungkol sa pagluluto.
Suliranin- ibang katawagan sa problema o pagsubok.

KABANATA III
A.DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ayon sa disenyo ng pamamaraang
kwantiteytib-diskriptib na pananaliksik. Inilarawan at sinuri sa pag-aaral na ito ang
mga pananaw at dahilan ng mga respondente, sa pamamagitan ng isang sarbey.

B.MGA RESPONDENTE
Ang mga napiling respondent sa pananaliksik na ito ay ang 100 na estudyante
ng BSHRM sa loob ng Colegio de Dagupan ngayong taong 2015. Sila ang napiling
mga respondente dahil sila ang karaniwang nakikita sa loob ng paaralan ng CDD.
C.INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey. Ang mga
mananaliksik ay naghanda ng isang sarbey-kwestyoneyr na naglalayong
makapangalap ng mga datos upang masuri ang mga suliraning kinakaharap ng
estudyante ng hrm sa laboratoryo.
Nagsagawa rin ng pangangalap ng impormasyon ang mga mananaliksik sa
ibat ibang mga mapagkukuhanan tulad ng mga libro,magasin at ang internet.
D.TRITMENT NG DATOS
Ang pag-aaral na ito ay unang pagpuna lamang sa asignaturang Filipino 2 at
hindi na nangangailangan ng mataas na digri pagsisiyasat dahil ito ay naaayon lamang
sa mga estudyante ng Colegio de Dagupan. Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng
Frequency Distribution na metodo sa pangangalap ng datos na nakuha mula sa mga
respondente. Ang formula ay: P = F/n x100
P- bahagdan
F- bilang ng sumagot
n- kabuuang bilang ng respondente
100- kabuuang bahagdan

You might also like