You are on page 1of 8

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Introduksyon

Karamihan sa pagkaing Pilipino ay napakasarap sapagkat ito ay nahaluan

na ng ibang tradisyon na lumaganap na sa bansa. Karamihan pa sa mga

bansang sumakop sa atin ay ipinamana ang kani-kanilang recipe at teknik sa

pagluluto.

Ang pagluluto ay ang gawa ng paghahanda ng pagkain para kainin.

Pinapaligiran ito ng malawak na sakop ng mga paraan, kagamitan at

pagkakasama-sama ng mga sangkap upang mapabuti ang lasa nito ang pagpili

ng ninanais ng resulta. Kabilang ang pagpipigil ng pagkatagumpay ang

pagkakaiba-iba ng sangkap, kalagayan ng kapaligiran , kagamitan at ang

kasanayan ng taong nagluluto. Sinasangkot ng madalas ng pagluluto, bagaman

hindi palaging may mga katibayan sa arkeolohiya ng mga nilutong pagkain ng

mga tao mula pa noong sa pinakaunang kilala ng paggamit ng apoy.()

Ang pagluluto sa hurno ay isang proseso kuung saan ito ay ginagamitan

ng dry heat. Ito ay kalimitang ginagawa sa hurno, maiinit na abo o uling o kahit

sa mga nagiinit na bato. Ang madalas na niluluto sa hurno any tinapay na sa

paglipas ng panahon ay ginawang libangan na din ng mga nanay sa Pilipinas. ()


Mga Layunin ng Pag-aaral

Ang pamanahong papel na ito ay nagbibigay ng ilang mahahalagang

impormasyon tungkol sa Kahalagahan ng Pag-aaral ng Cooking at Baking.

Layunin nitong alamin ang antas ng “kaalaman patungkol ditto” ng mga mag-

aaral ng Hotel and Restaurant Management sa Batangas State University at

bigyang kasagutan ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano ang antas ng kaalaman ng mga estudyante sa Departamento ng

Hotel and Restaurant Management sa Batangas State University tungkol

sa Pag-aaral ng Cooking at Baking na sumasakop sa:


1.1. Depenisyon ng Cooking at Baking
1.2. Uri at Anyo ng Cooking at Baking
1.3. Kahalagahan ng Cooking at Baking
1.4. Benepisyo ng Cooking at Baking
1.5. Tradisyon ng Pilipino sa Cooking at Baking

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay pinamagatang Isang Pagtuklas sa

“Kahalagahan ng Pag-aaral ng Cooking at Baking” ng mga Estudyante sa

Departamento ng Hotel and Restaurant Management sa Batangas State

University ay nagnanais na amtulungan ang iba pang tao na malaman nila o di

kaya ay mapataas pa nila ang kanilang kabatiran ukol sa kahalagahan ng

Cooking at Baking.

Mag-aaral. Ang ibat-ibang datos na makukuha sa pag-aaral na ito ay

magbibigay ng mahahalagang impormasyon tungkol sa usapin ng Cooking at

Baking at mapalawak ang kabatiran nila patungkol sa kasong ito kasama na dito
ang mga hakbangin upang lalong matutunan ang mga ibat-iabng barayti ng

pagluluto.

Mananaliksik. Makakapagbigay ito ng ilang mahahalagang impormasyon

para sa mananaliksik na magamit upang bumuo ng panibagong pananaliksik na

may kinalaman sa nagging resulta ng unang pagtuklas. Ang mga datos na

makukuha sa pananaliksik na ito ay maaaring magamit ng mga estudyante o

mananaliksik na magsasagawa ng pag-aaral sa katulad na paksa.

Batangas State University. Magiging mahalaga ang mga nakalap ng

pananaliksik na ito upang mapataas ang antas ng kaalaman ng bumubuo sa

pamantasang ito kappa pinagusapan ang kahalagahan nf Cooking at Baking.

Propesor. Ang pag-aaral na ito ay maaaring magamit ng sino mang

propesor na magsasagawa ng pananaliksik sa katulas na paksa. Magagamit nya

din ito upang maipabatid sa mga mag-aaral ang usapin sa kahalagahan ng

Cooking at Baking sa Departamentong Hotel and Restaurant Management.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pag-alam sa “kahalagahan ng

Cooking at Baking” ng mga estudyante ng Departamento ng Hotel and

Restaurant Management sa Batangas State University; idagdag pa ditto ang iba’t

ibang pamamaraan sa pagluluto na maaari nilang magamit sa kanilang

propesyon sa darating na panahon.

Depenisyon at Terminolihiya
Upang mas mabigyang-linaw at ganap na maunawaan ng mga mambabasa ang

pamanahong papel na ito, minarapat ng mga mananaliksik na bigyang

depenisyon ang mga sumusunod na terminolohiya na maaaring hindi kaagad

maintindihan ng bumabasa batay sa konstekstwal at operasyonal na

pamamaraan. Ang mga terminolohiya na ginamit sa pag-aaral na ito ay ang mga

sumusunod:

Baking- pagluluto sa hurno

Cooking- paghahanda ng pagkain para kainin

Blanching- paglulublob sandal sa kumukulong tubig upang mapalambot lang ng

bahagya karaniwang ginagawa sa mga gulay.

Braise- pinapupula ang karne at iniluluto sa kauting tubig sa kakaserola na na

naklatakip ng ilang oras upang lumambot.

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Mga Kaugnay na Literatura


Ang Cooking at Baking ay isa sa mga pinakamahahalagang aspeto sa

pagkuha ng kursong Hotel and Restaurant Management sapagkat bukod sa

pagbibibgay ng kalidad at mahuhay na serbisyo para mabigay ang gusto at

kailanagan ng mga customer para mabigyan ang mga ito ng satispaksyon at

kaligayahan ay pinagtutuunan din ng malawak na pag-aaral ang pagluluto,

paghahanda at pagpipresenta ng mga lutuin at puatahe na ibibigay natin sa ating

customer. Ang pagkain aya ang isa sa mga pangunahing kailangan ng tao,

sapagkat tayo’ng mga Pilipino ay mahihilig kumain ito rin ay nagbibigay ng iba’t-

ibang benepisyo sa ating katawan katulad ng protina, bitamina, iron at iba pa

para magbigay ng lakas sa ating mga katawan para maisagawa ang pang araw-

araw na gawain.

May mga bisa ang pagluluto kung ginagamit ang pagiinit, maaaring

mamatay ang mga mikrobyo (depende sa temperature, oras ng pagluluto, at

paraan na ginamit) at palambutin ang pagkain. Mapanganib ang temperatutang 4

hanggang 60o C na napapanis ang karamihan sa pagkain dahil sa nabubuhay na

bakterya at kailangang maiwasan para sa kaligtasan ng mga produktong karne,

manukan, at gatasan. Di namamatay ang bakterya sa paglalamig o paglapat ng

yelo ngunit bumabagal ang kanilang pagdami. (Wikipedia.org)

Sa pamamagitan ng pagluluto ng pagkain nagiging mas mabilis itong

matunaw sa tiyan. Mas maraming nutrisyon ang nakukuha sa mga lutong

pagkain at mas maraming enerhiya ang nakukuha sa protina. Ang pagluluto ay

maraming proseso. ( Todd Gardiner)


Ang ilan sa mga pangunahing pamamaraan sa mainit na pagluluto ay

blanching, braise, broil, caramelize, poach, pan-fry sear, shock, simmer at iba pa.

Sa baking o pagluluto naman sa hurno ay pagdadarang at flash bake.

( Wikipedia.org)

Kaugnay na Pag-aaral

Sintesis

Hugpong

KABANATA III

DISENYO AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK


Sa ginawang pag-aaral ng mga mananaliksik, isinaalang-alang nila ang

panikaangkop na disenyo ng pananaliksik, ang deskriptib-analitik. Ang

metodolohiyang ito ay nagpapaliwanag at nagpapakita ng lagay o gawi ng isang

paksa. Naglalaman din ito ng siyentipiko at akademikong paglalarawan ng mga

instrumento na ginamit sa pangangalap ng iba’t ibang datos at impormasyon.

Pinag-aralan ng mga mananaliksik ang antas ng kaalaman ng mga estudyante

ng kursong Hotel and Restaurant Management, Akademikong taon 2016-2107

hinggil sa kahalagahan ng Cooking at Baking.

Mga Respondente

Ang mga respondente sa pag-aaral na ito ay bumubuo ng mga mag-aaral

ng kursong Hotel and Restaurant Management. Dahil sa kalakihan ng bilang ng

mag-aaral sa kursong ito, minabuti ng mga mananaliksik na pumili lamang ng

limampung (50) respondente. Hinati sa dalawa ang bilang ng mga respondente;’

dalawampu’t lima (25) sa Unang Antas at dalawampu’t lima (25) rin naman ang

kinuhang respondent sa Ikalawang Antas. Sila ay nabibilang sa iba’t-iabng

pangkat/seksyon upang magkaroon ng representasyon ang mga seksyon at

upang maiwasan din ang pagkiling. Pinili ng mga mananaliksik ang mga mag-

aaral ng kursong dahil ang mga mananaliksik ay kumukuha rin ng kursong ito.

Samakatuwid, mapapadali ang pagsasagawa ng pagseserbey.

Talahanayan 1

Respondente Bilang
Unang Antas 25
Ikalawang Antas 25
Kabuuan 50

Instrumentong Pananaliksik

Ang pagaaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagseserbey. Ang

mga mananaliksik ay naghanda ng kwestyoner upang maibatid ang kaalaman ng

mga mag-aaral sa kursong Hotel and Restaurant Management hinggil sa

kahalagahan ng Cooking at Baking. Kumunsulta din ang mga mananaliksik sa

ilang tao na mas nakaalam sa paksa ng pag-aral upang mabigyan sila ng gabay

sa pagbuo ng instrumentong gagamitin sa pangangalap ng imprmasyon.

Ang kwestyoner ay binubuo ng multiple choice at rating types o pagiiskeyl na

sumusukat kung gaano kataas o kababa ang pagsang-ayon o di pagsang-ayon

ng mga respondent ukol sa paksa ng pag-aaral. Sinukat din ang antas ng

kaalaman ng mga mag-aaral hinggil sa kahalagahan ng Cooking at Baking.

Tritment ng mga Datos

Ang mga mananaliksik ay gumagamit ng mga di komplikadong metodo ng

istatistiks. Ang nakalap na mga sagot sa surbey ay isinaayos ng mga

mananaliksik at tinumbasan ng bahagdan. Bilang lamang ng mga pumili sa

bawat aytem sa kwestyoner ang inalam ng mananaliksik. Kinuha rin ng mga

mananaliksik ang katumbas ba weighted mean ng mga bilang sa pamamagitan

ng pormulang ito:

You might also like