You are on page 1of 16

EPEKTO NG PAGSALI NG MGA GAWAING EKSTRA-KURIKULAR SA

AKADEMIKONG PERFORMANS NG MGA MAG-AARAL NG NARSING BSN-1A&B


SA EASTERM SAMAR STATE UNIVERSITY

Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan ng Asignaturang


Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t ibang Disiplina
Kabanata I

PANIMULA

Sa tahanan simulang nahuhubog ang katauhan ng isang tao. Ang paaralan,


bilang pangalawang tahanan ng mga ito ay kadalasang ginagawa sa loob ng paaralan.
Ang oras na inilalaan dito ay labas sa oras ng aktwal na ‘pag-aaral’ ng mga mag-aaral.
Sa kadahilanang ito, maaaring magkaroon ng epekto ang mga ekstrakurikular na
gawain sa buhay akademiko ng mag-aaral, nakasasama man o benepisyal.estudyante
ay ginagampanan rin ang tungkuling ito. Kapag sinabing paaralan, kadalasang naiisip
ay ang lugar kung saan nag-aaral at natututo ng mga bagay-bagay ang tao. Ngunit
hindi lamang puro impormasyon tungkol sa matematika, siyensa, o wika ang
natututunan ng mga estudyante sa paaralan. Mayroong mga organisasyong maaaring
salihan ang mga mag-aaral depende sa kanilang hilig. Ang mga organisasyong ito ay
may mga gawaing maaaring humubog sa iba pang aspeto ng katauhan, at ito ang
tinatawag na ekstrakurikular na mga gawain. Ito ang dahil kung kaya’t hindi lamang
pang-intelektwal ang nalalaman o nakukuha ng mga mag-aaral sa pagpasok sa
paaralan, nahahasa rin ang kanilang talento at kakayahan.

Ang ekstrakurikular na gawain ay kahit anong gawain na hindi saklaw ng


kurikulum ng paaralan, ngunit ang mga gawaing ito ay kadalasang ginagawa sa loob
ng paaralan. Ang oras na inilalaan dito ay labas sa oras ng aktwal na ‘pag-aaral’ ng
mga mag-aaral. Sa kadahilanang ito, maaaring magkaroon ng epekto ang mga
ekstrakurikular na gawain sa buhay akademiko ng mag-aaral, nakasasama man o
benepisyal.

Sa Eastern Samar State University ay mayroon ding mga


organisasyong pang ektra-kurikular. Ito ay tulad ng SSG, ESSU marching Band, Glee
club, Pageants, EVRAA meet, SCUAA meet, Dance sport, at theatro
Backgrawnd ng Pag-aaral

Lahat ng tao ay may iba’t-ibang ideya tungkol sa mga ekstra-kurikular na


gawain. Pinag-dedebatehan kung talaga bang nakakabigay ito ng benepisyo o
nakakagulo lamang sa pag aaral ng mga bata. Pinalaganap ang mga ekstra-kurikular
na mga Gawain para sa mga estudyante upang mahubog ang kanilang mga talento sa
larangan ng musika, pagsasayaw, pananaliksik, pagsusulat, isports at marami pang iba.
Maraming mga magulang, kamag-anak, at mga estudyante ang hindi nakakaunawa sa
kahalagahan ng gawaing ekstra=kurikular. Karamihan nga ng mga guro ang
kinakailangan pang magpumilit sa mga kamag-anak ng mga estudyanteng may
sinasalihan sa kanilang paaralan dahil pakiramdam nila na nakakagulo lamang ito sa
pag-aaral ng kanilang mga anak at hindi nila masaklaw kung gaano iyon kahalaga hindi
lamang sa pag-aaral ng mga estudyante kundi pati na rin sa kanilang social skills.

Paghahanap ng isang balanse sa pagitan ng akademya at mga


ekstrakurikular na gawain ay maaaring maging mahirap. Karamihan sa mga paaralan
ilagay ang prioridad sa akademikong tagumpay bago ekstrakurikular tagumpay. Mga
mag-aaral ay nagkakaroon ng suliranin sa isa o higit akademikong klase ay maaaring
kailangan ng karagdagang tulong mula sa guro o mga guro bago magpatuloy ang
anumang mga ekstrakurikular na gawain. Bukod pa nito, ang mga mag-aaral ay dapat
magkaroon ng balanse sa kanilang pag-aaral at sa kanilang tahanan. Dahilan lamang
sa kontenkstong ito ay nagkakaroon ng kahirapan ang mga estudyante sa pagsali sa
mga gawaing ekstra-kurikular, o kung ninanais man nila, hindi sila pinagpapayagan ng
kanilang mga magulang o nakakatanda.

Makikita natin sa bawat paaralan ang mga suliranin na dapat bigyang


pansin sa pagpapalaganap ng mga gawaing ekstra-kurikular lalong lalo na kung mga
estudyante ang pinag uusapan. Una, hindi lahat ng estudyante may kakayahang sumali
kahit na ninanais nila, maaari dahil hindi sila pinayagan ng kanilang magulang o dahil
maraming nagaganap sa kaniyang larangang pang-akademiko. Pangalawa, pinansiyal,
hindi naman lahat ng gawaing ekstra-kurikular ay nangangailangan ng bayad o
malaking halaga ng pera, pero hindi paring maiiwasan ang mga gastusin na maaaring
dumarating. Mga costume, gamit, equipment, at baon na kinakailangan ng mga
estudyante ay hindi magaan sa bulsa para sa mga magulang ng mga ito. Dahilan sa
mga suliraning ito ay nagkakaroon ng mahalagang pagkakahiwalay sa pang-
akademikong larangan ng pag-aaral at ang mga gawaing ekstra-kurikular.

Theoretical Framework

“Educators who believe in the developmental perspective see activities as an extension of the
educational program.”

Dagdag nina Holland at Andre (1987) na ang mga guro at propesor na nagsasagawa
ng iba’t ibang gawaing ito ay may kani-kanilang estratehiya sa pagtuturo sa mga mag-aaral,
at ito rin ay kanilang paraan para makita kung ang kanilang mag-aaral ay aktibo sa mga
bagay-bagay na kanilang mararanasan habang isinasagawa ang mga gawaing pang ekstra-
kurikular.

Naniniwala si Marsh (1992) na ang pagsali sa mga palakasan ay may positibong


maidudulot sa mga katangian ng mga mag-aaral. Ayon naman kay Steven Dowshen, MD sa
kanyang sinulat na artikulo sa Kidshealth.org, ang mga organisasyong ito ay hindi lang
tungkol sa palakasan kundi pati narin sa iba't ibang hilig ng mga mag-aaral. Halimbawa na
dito ang choir, dance club at drama club na naglalayon mailabas ng mga mag-aaral ang
kanilang mga talento. May mga organisasyon din na itinatag upang maihayag ng mga mag-
aaral ang kanilang nararamdaman gamit ang pagsulat gaya ng mga pahayagan sa paaralan.
Ang iba namang organisasyon ay binuo upang tipunin ang mga taong may
magkakaparehong hilig.
Ang mga gradong pang – akademiko ay sadyang mahalaga sa isang profayl na pang-
aplikasyon ngunit pakatandaaan na tinitingnan din ng mga employer ang ating kakayahan
at talento sa iba’t – ibang mga larangan maging sa ekstra – kurikular. Kabilang na rin sa
mga larangan na ito ay ang mga gawain pagkatapos ng pasok gaya ng Red Cross, mga
pampulitikal na kampanya, pagboluntir, at marami pang iba (Velasco et al. 2008).

Ayon kay Reynolds (2011), makatutulong ang pagsali ng mga mag-aaral sa mga
nasabing gawain sa paghuhubog ng leadership skills at magbibigay seguridad sa mga
magulang na nasa magandang kamay ang kanilang anak. Napapaunlad din nito ang mga
pagkamalikhain, pagiging sport at pagkakaroon ng makabuluhang gawain kapag walang
ginagawa.

Ipinahayag naman ni Castle (1986) sa kanyang pananaliksik na napapalakas ang


kompiyansa ng mag-aaral o napapatibay nito ang tiwala nila sa kanilang sarili kung sila ay
patuloy na sumasali sa mga gawaing ekstra-kurikular.

Sang-ayon naman si Newman (1991), dahil ipinahayag niya na sa pamamagitan ng


pagsali sa mga gawaing pampalakasan ay hindi mag-iisip ang mga mag-aaral na gumawa o
makisali sa masasamang gawain tulad ng pagka-adik sa droga at iba pa.

Mahihikayat rin ang mga mag-aaral na pumasok palagi dahil may maituturing silang
ibang pagtutuunan ng pansin bukod sa mga mahihirap na mga asignatura.

“Participating in an extracurricular activity connects students more deeply to the school, its
faculty, a peer group, and school values”

Ang pahayag na ito ay ayon kay Mahoney (2000) na nagsasaad ng pagpapatibay ng


samahan ng mga mag-aaral at kasama na rin ang mga guro. Nakapagbubuo rin ito ng
bagong samahan sa paaralan. Nagiging disiplinado at natuturuan rin ng mga magagandang
asal ang mag-aaral dahit dito. Samakatuwid, ang mga ekstra-kurikular na gawain ay
makikita bilang isang oportunidad para masanay ang kakayahan ng pakikisalamuha sa
iba’t-ibang uri ng tao. Nabibigyan din ng pag-kakataon ang isang mag aaral na lalong hasain
ang kanilang talento at iba pang kakayahan. Subalit may mga mananaliksik rin na kontra sa
mga ekstra-kurikular na gawain sa kadahilanang, naiistorbo ang pag-aaral ng mag-aaral.
“Educators who believe in the academic perspective argue that time spent away from the
classroom decreases the student's chances for success.”

Ang pahayag na ito ni O’dea (1994) ay nagpapahiwatig na kung ang mag-aaral ay


palaging nagsasagawa ng mga ekstra-kurikular na gawain ay may posibilidad na hindi na
ito makapag-aral ng mabuti. Dagdag pa niya ang ekstra-kurikular na gawain ay isang
halimbawa lamang ng purely leisure and not part of the purpose of schools na gawain. Ito
lamang ay libangan ng mga mag-aaral, isinasantabi lamang nito ang stress na kanilang
nararanasan sa kanilang mga asignatura. Isa rin na dahilan ng mga mananaliksik ay ang
kawalan ng oras ng mga mag-aaral na pagtuunan ng pansin ang mas importanteng bagay
dahil naka-pokus lamang sila sa pagsasanay o paghahanda para sa mga gawaing
pampalakasan.

Konektado rin ito sa pananiliksik ni Roland (2011), ipinahayag niya na isa sa mga
hindi kayang pagtuunan ng pansin ng mga kabataan ay ang time management. Sa pagsali ng
mga mag-aaral sa mga ekstra-kurikular na gawain ay makapagbibigay ito ng stress sa mga
mag-aaral at lalo silang mahihirapan sa kanilang pag-aaral na siyang magdudulot ng
pagbaba ng kanilang pang-akademikong grado.

Konseptural Framework

Epekto ng mga
Akademikong Pag- Gawaing Ekstra-
Gawaing Ekstra-
aaral ng Estudyante Kurikular
kurikular

Mga salik sa pagsali sa mga


Gawaing Ekstra-kurikular

 Desisyon ng mga
magulang
 Pinansyal na kalagayan
 Sariling kakayahan

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na matugunan ang ilan sa mga


problema na may kaugnayan sa epekto ng mga gawaing ekstra-kurikular sa mga
student athlete ng Eastern Samar State University. Ang mga problema na
nangangailangan ng kaukulang pansin ay ang sumusunod:

 Anu-ano ang mga salik sa pagsasali ng mga estudyante sa mga gawaing ekstra-
kurikular?
 May malaking kaibahan ba sa epekto ng pag-aaral ng bata ang pagsabak at
hindi pagsabak ng mga estudyante sa mga gawaing ekstra-kurikular?

Ipoteses:

 Desisyon ng mga magulang, kakayahang pinansiyal, at sariling kakayahan ng


mag-aaral
 May malaking kaibahan ang pagsabak ng mag-aaral sa mga gawaing ekstra-
kurikular at sa mga mag-aaral na hindi sumasabak nito.

Iskop at Delimitasyon ng Pag aaral

Ito ay patungkol sa pisikal at “psychological” o “emotional” na epekto sa


mag-aaral kung papaano maipapahayag ng maayos ang epektong nadala sa kanila ng
mga gawaing ekstra-kurikular. Ang mga student athlete ng Eastern Samar State
University ay ang magsisilbing pangunahing “source” ng mga impormasyon sa
pananaliksik na ito.

Hindi sakop sap ag-aaral na ito ang paglalahad ng mga kwentong


napagdaanan ng mga respondent. Subalit ang iba pang aspeto ng kanilang buhay,
tulad ng relasyon sa pamilya, kaibigan, pananampalataya, kakayahang pinansyal at iba
pa, ay tinalakay sap ag-aaral na ito.
Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay ang pag tukoy sa mga maaaring maging
epekto ng mga ekstra kurikular na aktibidad sa mga student athlete ng Eastern Samar
State University. Makakatulong din ang pag-aaral na ito sa mga sumusunod:

Mga guro- upang magkaroon ng pag uugnayan at pag intindihan sa pagitan ng mga
estudyanteng may gawaing ekstra kurikular at mga guro.

Awtoridad o mga opisyal ng organisasyon- upang matutukan ang mga estudyanteng


nagpapakita ng pag unlad sa mga aktibidad na isinasagawa sa labas ng silid aralan at
makapag bigay ng karangalan sa pangalan ng unibersidad

Mga mag aaral- para matukoy ang mga epekto ng mga gawaing ekstra kurikular sa
kanilang perpromans sa paaralan. at; Sa mga susunod pang mananaliksik- upang
makatulong ang mga impormasyong matutukoy sa pag-aaral na ito sa patuloy na
pananaliksik at pag uunlad nito.

Depenisyon ng mga Salitang Ginagamit

Gawaing ekstra-kurikular – mga aktibidad na nasa labas ng kurikulum ng isang


unibersidad, kolehiyo o paaralan

Organisasyon – isang grupo na may iisang hilig or interes

Kurikulum – Ito ay disiplina sa paaralan, mga aklat ak kagamitang ginagamit, paggawa


ng banghay-aralin, mga pagpapahalaga, mga pagsusulit at kung ano-ano ang mga
itinuturo ng guro

Akademikong pag-aaral – mga aktibidad at proseso ng pagturo na nakapaloob sa


kurikulum ng isang paaralan
Time Management – ang pagsasa-ayos at paguugnay-ugnay ng sariling oras upang
magawa ng maayos ang mga Gawain nito
Kabanata II

RIBYU NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Mga literatura at pag-aaral sa labas ng bansa

Dowshen, MD sa kanyang sinulat na artikulo sa Kidshealth.org, ang mga


organisasyong ito ay hindi lang tungkol sa palakasan kundi pati narin sa iba't ibang hilig
ng mga mag-aaral. Ayon sa isang sarbey noong 2001 sa isyu ng " Journal of School
Health " na nilathala noong Marso 2003, humigit sa 50,000 mag – aaral ng hayskul sa
Minnesota na aktibo sa mga ekstra – kurikular na gawain ang nagpakita ng
masmalusog na pagkilos sa larangan ng sosyal at emosyonal na lebel kaysa sa mga
estudyanteng hindi aktibo. Ayon sa psychologist na si Lev Vygotsky, ang mga bata raw
ay natututo kapag isinasapuso nila ang mga aktibidad, ugali, bokabularya, atideya ng
mga taong nasa paligid niya. Ang pagsali sa mga paligsahan ay nakakapagpataas ng
karangalan sa mga bata. Kapag sila ay sumasali sa mga patimpalak, mas napapahusay
nila ang kanilang mga gawain lalo na alam nila na ito ay maipapakita at maihahambing
sa ibang estudyante

Ayon kina Stephen at Scheban (2002) sa ginawa nilang pag-aaral ang mga mag-
aaral na sumali sa ekstrakurikular na mga gawain ay tatlong beses na mas mataas ang
grado. Ang resultang ito ay minumungkahi na ang mga mag-aaral ay kailangan na
sumali o makilahok sa mga aktibidad na inaalok ng paaralan. At lumabas din sa
resultang ito na ang mga Mag-aaral na sumali sa mga ekstrakurikular na gawain ay
nagkaroon ng magandang grado pagdating sa akademikong perpormans.

Ayon kay Hollrah (2001) Ang paglahok sa mga organisasyon ay nagkakaroon ng


malaking epekto sa mga Mag-aaral pagdatin sa mga gusto nilang abutin. Gumawa sya
ng pag-aaral kalahok ang mga kolehiyo na sumali sa mga ekstrakurikular na gawain
para malaman kung may ugnayan ba ang pagsali sa mga aktibidad sa paaralan at ang
kanilang grado sa mga asignatura. Pagkatapos nya matanong ang mga kalahok sa mga
ekstrakurikular na gawain nalaman nya na ang paglahok dito ay pinapahusay ang
kanilang pag-iisip at pakikisalamuha sa kapwa mag-aaral.

Kung sina Hollrah,Stephen at Scheban ay pareho ng nakuhang resulta sa pag-


aaral tungkol sa benepisyong makukuha sa pagsali ng organisasyon. Pareho nilang
nalaman ang pakikilahok sa ekstrakurikular na gawain ay nakakatulong sa mga mag-
aaral para makakuha ng mataas na grado sa mga asignatura iba naman si Dr.Din.

Ayon kay Dr.Din (2006) ayon sa kanyang pananaliksik walang ugnayan ang
pagsali sa isports o ano pa mang mga organisasyon sa grado ng mga mag-aaral sa
asignatura. Ang pananaliksik na ito ay nagpapakita na may benepisyong makukuha ang
atleta o kasapi ng organisayon pero ang benepisyong ito ay hindi kasali sa pagtaas ng
kanilang grado sa asignatura. Ang kaniyang mga respondente ay 225 na Mag-aaral na
atleta at kasapi ng organisasyon sa Kentucky pinagkumpara nya ang mga grado ng
mga ito sa English,Math,at Science pagkatapos nya pagkumaparahin wala siyang
nakikitang pagkakaiba ang mga atleta ay hindi nagpapakita ng mataas at mababang
grado kumpara sa ibang hindi kasali o kasapi ng organisasyon o anu pamng isports.

Inamin naman ni Dr.Din na limitado ang kanyang pananaliksik dahil ang grupo
ng tao sinuri nya ay kakaunti lamang at pinili nya lamang yung mga nasa paligid ng
bundok ng rural ng Kentucky.

Mga literature at pag-aaral na lokal

Kaugnay ng pag-aaral na ito ang tesis na “ Isang Pagsusuri Tungkolsa Epekto ng


mga School Activities sa Akademiko ng mga Mag-aaral sa San BedaCollege Alabang
ng Ikaapat na Taong Panunuran 2012-2013. Ayon sa pag-aaral na ito,maganda raw
ang epekto ng pagsali sa mga aktibidad ng eskwelahan dahil ito ay isangparaan para
matuto ang mga estudyante. Ito ay humahasa sa kaalaman nila. Lalong napapabuti ng
mga estudyante ang kanilang mga gawain dahil alam nila na ito ayipapakita at
ihahambing sa gawa ng kapwa estudyante.

Ayon kay Castardo , Zenaida D. sa kanyang pag-aaral na “Co-Curricular


Programs And Student Development Of Seventh Day Adventist Tertiary Schools,”
bahagi na ng ating mayamang kultura ang ekstra-kurikular na gawain kaya’t hindi dapat
pabayaan. At ito ay dapat makakapaglinang sa ating ispiritwal,sosyal, emosyunal,
intelektwal at pisikal. Para matindi ang impact nito sa ating pag-aaral,dapat maayos ang
pamumuno,pagpaplano at pag-oorganize ng aktibidad na ito para mas lalong mahasa
ang ating kakayahan.
Kabanata III

METODOLOHIYA

Disenyo ng pananaliksik

Ang disenyong pananaliksik ay ang nagbibigay linaw kung anu-ano ang mga
pamamaraan na ginamit upang maipaliwanag at maidetalye kung paano isinagawa ang
pag aaral na ito tulad ng paglalarawan, pag-papakahulugan, pagsusuri at
paghahambing. Ito ay isinasagawa upang masiguradong tiyak na masagot ang mga
suliranin o problema at matupad ang nasabing layunin na itinakda ng pag-aaral. Ang
pananaliksik na ito ay gumagamit ng Deskriptibong pananaliksik na nag lalarawan at
nagbibiay ng detalye at kahulugan na tumatalakay sa paksa na nasabi. Ang layunin sa
pag gamit ng deskriptib na pananaliksik ay ang maayos na maipaliwanag ang mga
sitwasyon at malalim na terminolohiya na nabangit sa pag-aaral. Ang metolohiya na ito
ay sumasagot sa mga tanong na paano, kailan, ano at bakit. Upang maidetalye sa
maayos at malinaw na paraan at lubos na maunawan ang nilalaman ng pananaliksik.
Ang mga mananaliksik ay gumamit rin ng Qualitative research.

Populasyon

Ang paksang …. Ay sumasakop sa populasyon ng BSN-1

Respondante

Ang napiling mga respondente ng grupo ay ang mga mag – aaral ng BSN-1

Eastern Samar State University College of Nursing and Allied Sciences taong akademiko

2018-2019
PAMAMARAANG GINAMIT

Ang mga mananaliksik ay nag sagawa ng sarbey questionnaire patungkol sa mga epekto

ng aktibong pakikilahok sa mga organisasyong pang paaralan sa kani-kanilang akademikong

perpormans. Sa pamamagitan ng pangngalap ng datos kung ano-ano ang mga negatibo man o

positibong epekto ng pakikilahok sa organisasyong pang-paaralan

Ang nilalaman ng mga tanong ay tumatalakay sa kung ano ang mga pwedeng harapin ng

mga repondante sa pagkakaroon ng sapat na kaalaman at pagiging handa sa mga maaring mangyari

sa kanilang pakikilahok.

PROSIDYUR SA PANGANGALAP NG DATOS

Sa aming pangangalap ng datos marami kaming napagdaan sa pangangalap ng

impormasyon para sa aming ginagawang pananaliksik. Katulad na lamang ng pagpunta namin sa

Internet Shop at silid-aklatan ng unibersidad upang mangalap ng mga impormasyon patungkol sa

aming paksa. Nagpunta din kami sa departamento ng Nursing upang malaman kung ilan ang

kabuuang bilang ng mga mag-aaral sa kanilang unang antas ng nursing. Ang lahat ng ito ay

nagbunga sapagkat nakuha naming ang lahat ng impormasyong aming kailangan sa aming

isinasagawang pananaliksik.

Tritment ng mga datos

Ang pamanahong papel na ito ay naglalahad ng epekto ng ekstra-kurikular na

gawain sa grado ng mga mag-aaral ng BSN-1.


Percentage method ang ginamit ng mga mananaliksik upang matugunan angtabulasyon ng mga

makokolektang datos mula sa survey forms na ipamimigay ng mgamananaliksik. ang mga ito ay

itutuos gamit ang mga sumusunod:

%=f/n x 100

kung saan:

%- kainaman(percentage)

F-dami ng sumagot

N-kabuang bilang ng respondente


KABANATAN V

You might also like