You are on page 1of 49

ISANG KUWALITATIBONG PAG-AARAL TUNGKOL SA MGA PAGSUBOK NA

KINAKAHARAP NG MGA MAG-AARAL NG BACHELOR OF SCIENCE

IN NURSING SA BICOL UNIVERSITY

Isang Pamanahonang Papel na Iniharap

sa Faculty ng Senior High School

sa

Akademya ng Sta. Ines

Bilang Bahagi ng Pangangailangan

para sa Asignaturang Filipino 11

Pagbasa at Pagsuri ng Iba’t Ibang Teksto

Tungosa Pananaliksik

at

Asignaturang Research 1

Bernales, Elaine Q.

Javier, Ralph LorenzS.

Labajo, Jillian A.

Rabelas, Celine Genevieve M.

Marso 2018
2

Ang Faculty ng Senior High School Unit ng Akademya ng Sta. Ines ay tinatanggap ang

pananaliksik na may pamagat:

ISANG KUWALITATIBONG PAG-AARAL TUNGKOL SA MGA PAGSUBOK NA

KINAKAHARAP NG MGA MAG-AARAL NG BACHELOR OF SCIENCE IN NURSING SA

BICOL UNIVERSITY

ipinasa nina Elaine Q. Bernales, Ralph Lorenz S. Javier, Jillian A. Labajo at CelineGenevieveM.

Rabelasbilang bahagyang pangangailangan sa asignaturang Filipino II at Practical Research I.

G. Albert M. Alvarado G. Vernie B. Longasa


Miyembro ng Panel Miyembro ng Panel

Gng. Erlie Joy S. Prianes


Miyembro ng Panel

G. CHRISTIAN A. SEMENIANO Bb. ANNIE MAY C. TEJANO


Tagapayo sa Pananaliksik Tagapayo sa Pananaliksik

Gng. MA. VERONICA S. ALMIÑE


Pangalawang Punongguro, SHS

Gng. JENNIFFER B. BORJA


Punongguro
3

ISANG KUWALITATIBONG PAG-AARAL TUNGKOL SA MGA PAGSUBOK NA

KINAKAHARAP NG MGA MAG-AARAL NG BACHELOR OF SCIENCE IN NURSING SA

BICOL UNIVERSITY

Bernales, Elaine Q.

Javier, Ralph Lorenz S.

Labajo, Jillian A.

Rabelas, CelineGenevieve M.

Marso 2018

ABSTRAK

Sa pamamagitan ng isang kuwalitatibong pag-aaral, partikular ang deskriptibong pag-aaral ng


kaso, ang mga mananaliksik ay sinuri ang mga pinagbabatayang tema tungkol sa mga karanasan
ng mga mag-aaral ng narsing. Apat na mga mag-aaral ng narsing ng Bicol University ang
kinapanayam tungkol sa mga pagsubok na kanilang kinakaharap, epekto ng mga pagsuboksa
kanilang edukasyon at paraan kung paano nila nalalagpasan ang mga pagsubok na kanilang
kinakaharap. Lumabas sa resulta na angpagkakaroon ng maraming aralin, pagdaranas ng
kakulangan ng sapat na tulog at pagkakaroon ng limitadong orasay ang mga pagsubok na
kinakaharap ng mga mag-aaral ng narsing. Dagdag pa rito, ang pagkakaroon ng mababang marka
at pagkakaranas ng paghihirap sa mga asignatura ay ang mga epekto ng mga pagsuboksa
kanilang edukasyon.Ang mga paraan kung paano nila nalalagpasan ang mga pagsubokna
kanilang kinakaharap ay ang pananatiling positibo sa buhay at pagtanggap ng gabay mula sa
pamilya. Samakatuwid,napatunayan at naipakita na maari itong maging daan sa pagpapalit ng
kurso, hindi pagtatapos ng pag-aaral at pagkakaroon ng kakulangan sa mga rehistradong nars sa
bansa.
4

PASASALAMAT

Ang pag-aaral na ito na ang pamagat ay “Isang Kuwalitatibong Pag-aaral Tungkol sa

mga Pagsubok na Kinakaharap ng mga Mag-aaral ng Bachelor of Science in Nursing sa Bicol

University” ay naging posible hindi lamang sa pagsisikap ng mga mananaliksik kundi pati na rin

sa tulong at suporta ng mga taong buong-puso na nagbibigay ng kanilang patnubay at suporta sa

buong pag-aaral.

Sa aming guro sa pananaliksik, na sina G. Christian A. SemenianoatBb. Annie May

C. Tejano, malugod kaming nagpapasalamat sa pagbibigay ninyo ng motibasyon, pasensya at

paniniwala sa amin mula sa simula ng aming pag-aaral..Salamat sa pagbabahagi ng inyong

kaalaman at karanasan upang ang pananaliksik na ito ay maging matagumpay.

Sa aming mga magulang na walang sawang nagbibigay suporta sa lahat ng bagay

lalong lalo na pagdating sa mga pagsubok na aming kinakaharap bilang mag-aaral. Ang mga

salita ay hindi sapat upang sabihin sa inyo kung gaano kami nagpapasalamat sa mga oras na

nandyan kayo para saamin.Kayo ang nagbibigay lakas at determinsayon upang pagbutihin namin

ang aming pag-aaral.

Sa aming mga kaibigan, kayo ay naging parte hindi lamang sa pag-aaral na ito kundi sa

mga tungkulin na inyong ginampanan sa aming buhay. Sa gayon, nais naming magpasalamat sa

TEAM BAMI, “Dianne, Honey, Joana, at Manzy”. Hindi kayo nag-alinlangan na tulungan at

gabayan kami sa paggawa ng aming pananaliksik. Ginawa ninyo ang aming mga pasanin mas

magaan at komportable.
5

Sa mga kalahok, sa kanilang buong kooperasyon na naging malaking parte sa pag-aaral

na ito. Salamat sa pagbibigay ng inyong oras bagama’t marami kayong ginagawa ay hindi ito

naging hadlang upang ibahagi ninyo saamin ang inyong mga karanasan. Kayo ay nagsilbing

aming inspirasyon upang magpursige sa aming mga pangarap.

Higit sa lahat, kami ay nagpapasalamat sa Panginoon, sa pagbibigay lakas at

gabaysaamin sa tuwing kami ay nahihirapan at sa kanyang walang pasubali na pagmamahal na

nagtulak saamin na maging matatag sa lahat ng mga pagsubok ng buhay.


6

TALAAN NG NILALAMAN

Pahina

PAMAGAT ……………………………………………………….. 1

DAHON NG PAGPAPATIBAY ……………………………………………………….. 2

ABSTRAK ……………………………………………………….. 3

PASASALAMAT ……………………………………………………….. 4

TALAAN NG MGA NILALAMAN ……………………………………………………….. 6

KABANATA

I. PANIMULA ……………………………………………………… 8

Ang Suliranin at Kaligiran nito …..…………………………………8

Layunin ng Pag-aaral ……………………………………..9

Kaugnay na Literatura ..…………………………………… 10

Kaugnay na Pag-aaral …………………………………….. 11

Kahalagahan ng Pag-aaral …………………………………….. 12

II. METODOLOHIYA AT PAMAMARAAN …………………………………….. 14

Disenyo ng Pananaliksik ……………………………………..14

Respondente ……………………………………..14

Instrumento ng Pananaliksik ……………………………………..15

Pamamaraan ng Pananaliksik ….…………………………………. 15

Etikal na Pagsasaalang-alang .……………………………………. 17

Pagsusuri ng Datos …………………………………….. 17

III. RESULTA …………………………………….. 18

IV. DISKUSYON ……………………………………... 21


7

Limitasyon ng Pag-aaral .……………………………………23

Rekomendasyon …………………………………….. 24

Reflexivity ……………………………………. 26

V. BUOD AT KONKLUSYON ……………………………………. 27

Sanggunian …………………………………….29

APENDIKS

A Interbyu Iskedyul na Katanungan ……………………………………. 32

B Liham ng Pahintulot ……………………………………. 33

C Pormularyo ng Pahintulot …………………………………...... 34

D Transkrip …………………………………...... 35
8

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula

Ang edukasyon ng mga mag-aaral ng narsing ay mahalaga sa pagkakaroon ng sapat at

mahuhusay na mga nars sa bansa. Ito ay makatutulong sa pagkakaroon ng matagumpay na

lipunan at masaganang ekonomiya patungo sa kaunlaran. Ito rin ang magsisilbing pundasyon ng

hinaharap at ang daan upang mahubog ang mga kaalaman at kasanayan ng mga mag-aaral.

Gayunpaman, ang pag-aaral ng narsing ay may mga kaakibat na responsibilidad na maaring

sumubok sa kanilang kakayanan bilang isang mag-aaral ng narsing. Hindi ito padalos- dalos na

pinag-aaralan sapagkat kinakailangan nito ng matinding pag-unawa, tiyaga at kasanayan.

Ayon kay Baraz, Memarian at Vanaki (2015), ang klinikal na kapaligiran sa pag-aaral ay

isang kumplikadong panlipunang entidad. Ang kapaligiran na ito ay mabisa sa pag-aaral ng

kursong medisina ngunit maaari ito maging mahirap, nakababahala, at patuloy na magbago.

Dalawang tema ang lumitaw mula sa pagtatasa ng datos na kumakatawan sa mga hamon ng mga

mag-aaral ng narsing sa Iran. Kasama sa dalawang tema na ito ang hindi sapat na pamantayan ng

mga instruktor at ang hindi suportadong kapaligiran sa pag-aaral.

Batay din kay Hui, Hsiu atWei (2012), ang pag-aaral ng mga karanasan ng mga mag-

aaral ng narsing sa Taiwan ay makatutulong sa mga nagtuturo ng narsing at sa mga

tagapangasiwa ng mga medikal na organisasyon sa pamamagitan ng matinding pag-uunawa sa

klinikal na praktiko. Ang mga datos na nakalap ay sinuri ng mabuti at hinati sa tatlong

pangunahing tema. Ito ay ang malalim na pagkilala sa kursong narsing, ang pagkilala sa

kahulugan at halaga ng buhay at ang magkasalungat na desisyon sa pagiging isang nars


9

Gayundin, inihayag sa istatistiko ng Elsevier (2013), na halos dalawampu’t limang

bahagdan (25%) ng mga mag-aaral ng narsing sa United Kingdom at pitong bahagdan (7%) sa

Taiwan ang umaalis sa programa ng narsing. Samantalang tatlumpu’t dalawang bahagdan (32%)

naman ng mga bagong mga nars ang umaalis din sa kanilang mga trabaho pagkatapos ng tatlong

(3) buwan. Sa United States, ang unang taon ng turnover rates ay humigit kumulang tatlumpung

bahagdan (30%) hanggang apatnapu’t pitong bahagdan (47%). Sa pagkakataong ito, maaari itong

maging daan sa mga problema tulad na lang ng pagpapalit ng kurso, hindi pagtatapos ng pag-

aaral at ang kakulangan sa pagkakaroon ng mga rehistradong nars sa bansa.

Layunin ng Pag-aaral

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay ang mabigyang pansin at solusyon ang mga pagsubok

na kinakaharap ng mga mag-aaral ng narsing gayundin malimitihan ang paglala ng mga ito.

Dagdag pa rito, layunin din ng mga mananaliksik na makakalap ng mga datos at impormasyon

na makatutulong na sagutin ang mga susunod na katanungan:

1. Ano-ano ang mga pagsubok na kinakaharap ng mga mag-aaral ng narsing sa Bicol

University?

2. Paano nakaaapekto ang mga pagsubok na kinakaharap ng mga mag-aaral ng narsing

sa kanilang edukasyon?

3. Paano nalalagpasan ng mga mag-aaral ng narsing ang mga mga pagsubok na kanilang

kinakaharap?
10

KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Kaugnay na Literatura

Ayon kay Erstrad (2014), maraming mga pagsubok ang kinakaharap ng mga mag-aaral

ng medisina sa Rasmussen College. Isa sa mga ito ay ang pamamahala ng oras na mahalaga sa

kursong medisina. Kinakailangan ng mga mag-aaral na matapos ang kanilang mga gawain sa

limitadong oras at ibalanse ang kanilang oras sa personal at panlipunang mga responsibilidad.

Gayundin, ang mga inirekomenda na estratehiya ni Erstrad (2014)upang ito ay masolusyonan

aygumawa ng listahan ng mga gagawin at maglaan ng oras para sa paaralan.

Alinsunod din dito ang pag-aaral ng Wyzant (2017), na sa pagiging isang matagumpay na

nars ay hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng mga hadlang sa pag-aaral. Mayroong anim na

pangunahing hadlang ang nadiskubre na lubos na nakaaapekto sa halos dalawang libo’t limang

daan (2,500) na mga mag-aaral ng narsing. Ito ay ang mga pangangailangan, pagsusulit,

programa sa narsing, pagpasa sa National Counsil Licensure Examination (NCLEX), pagkuha ng

trabaho bilang isang nars at ang nangungunang antas ng narsing.

Dagdag pa rito, inihayag ni Ngema (2016) sa Independent Online news (IOL), na ang

mga mag-aaral ng narsing sa South Africa ay nahaharap sa maraming hamon upang maging

isang ganap na nars. Ilan sa mga ito ay ang kakulangan sa mga silid-aralan at sa pera na nagiging

daan sa hindi sapat na pagkakatuto ng mga mag-aaral. Nagkaroon din ng mga reklamo ang mga

ibang mag-aaral ng narsing tungkol sa mga kuwalipikadong nars na pinapatrabaho ang mga ilan

sa kanila sa hindi pinagkasunduang oras at inaabuso ang kanilang awtoridad. Dahil dito,

nagkaroon ng pagmamartsa at protesta ang mga mag-aaral ng narsing gayundin ang mga walang

trabahong nars na hindi tinatanggap ng departamento sa dahilang sila ay nag-aral sa pribadong


11

kolehiyo. Ito ay ginanap sa mga kalye ng Durban na kung saan ay pinapababa ang Minimum

Essential Coverage of Health (MEC) sa kanilang posisyon dahil sa hindi makatarungan ang

kanilang ginagawa.

Kaugnay na Pag-aaral

Batay kina Jamshidi, Molazem, Sharif, Torabizadeh at Kalyani (2016), ang mga mag-

aaral ng narsing sa Iran ay nahaharap sa maraming mga hamon sa kapaligiran ng klinikal na pag-

aaral. Ang klinikal na pag-aaral ay isa sa mga pangunahing bahagi ng edukasyon sa mga mag-

aaral ng nursing (Elcigil atSari, 2007). Tatlong tema ang lumitaw pagkatapos suriin ng mga

mananaliksik ang mga datos, kabilang dito ang hindi epektibong komunikasyon, hindi sapat na

kahandaan, at emosyonal na mga reaksyon. Iminumungkahirin ng mga mananaliksik na ihanda

ng mgaguroang mga mag-aaral na may partikular na pokus sa kanilang mga komunikasyon at

sikolohikal na pangangailangan.

Ipinahiwatig din nina Wawire, Rogers,Claudio, Mwiti, Ndung’u, Katindiat Njeri (2014)

sa kanilang pag-aaral na mayroong mga pamantayan na dapat matugunan ang mga mag-aaral ng

narsing sa Moi University tulad ng kasanayan sa laboratoryo at ang kakayahan na sumuri ng mga

kagamitan nito. Kasabay rin dito ang mga pagsubok na kinakaharap ng mga mag-aaral ng

narsing sa kanilang clinical rotation. Ito ay ang kakulangan sa binibigay na oras, kasanayan,

epektibong paggamit ng mga instrumento sa pag-aaral at ang mga binibigay na manuals at

pamamaraan.

Gayundin, maaring magkaroon ng karahasan sa loob ng pinagtatrabahuhan na

nakaaapekto sa kanilang trabaho. Ginalugad ang pag-aaral sa mga mag-aaral na hindi

nakapagtapos ng kolehiyo dahil sa mga karanasan sa negatibong pag-uugali sa loob ng


12

kilinikong pinagtratrabahuhan (Jackson, Hutchinson, Everett, Mannix, Peters, Weaver at

Salamonson, 2011).

Sumasang-ayon naman dito sina Elcigil at Sari (2007) na ang mga mag aaral ng narsing

ay nakararanas ng ilang mga problema sa panahon ng kanilang klinikal na kasanayan sa ilalim ng

pangangasiwa ng kanilang guro. Ang mga karaniwang pagsubok na kanilang kinakaharap ay ang

hindi sapat na pagtasa ng kanilang guro, problema sa pakikipagbatidat hindi sapat na gabay sa

pag aaral.

Bukod pa dito, ang mga pagsusulit na tatahakin ng isang mag-aaral sa nursing ay ang

tunay na hamon pagkatapos ng bawat serye ng mga tinatalakay na aralin. Ito ay tumugma sa isa

sa mga tema ng Wyzant (2017).Dagdag pa rito, isa rin sa kanilang mga pagsubok ay ang

pagsasanay at paghahanda sa post- graduation dahil kinakailangan ito upang maturing na isang

nars. Dumarating din sa oras na nabibigyan ng mga takdang-aralin at proyekto katulad ng case

study, isang hanay ng mga plano ng nursing care plans at mga pag uulat (Sanchez, 2016).

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang mga makikinabang sa pananaliksik na ito natungkol sa mga pagsubok na

kinakaharap ng mga mag-aaral ng narsing ay ang mga sumusunod:

Punong Kagawaran ng College of Nursing. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa

pagsasaayos ng pamamahala ng punong kagawaran sa College of Nursing. Gayundin, magsisilbi

itong instrumento upang mabigyang solusyon ang mga pagsubok na kinakaharap ng mag-aaral

ng narsing.
13

Mga propesors ng mga mag-aaral ng Narsing. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong upang

bigyan ng kaalaman ang mga tagapagturo tungkol sa mga pagsubok na kinakaharap ng kanilang

mga mag-aaralat nang sa gayon ay magabayan at matulungan nila ang mga ito.

Guidance Counselors ng College of Nursing.Ang pag-aaral na ito ay magbibigay daan sa mga

guidance counselors upang magabayan nila ng mabuti ang mga mag-aaral ng narsing sa kanilang

mga pinagdadaanan. Gayundin, makatulong sila sa pagresolba ng mga pagsubok na kanilang

kinakaharap.

Mga mag-aaral ng Narsing. Ang pag-aaral na ito ay magbibigay gabay at tulong sa mga mag-

aaral ng narsing sapagka’t ito ay tutukoy sa mga pagsubok na kanilang kinakaharap at ang mga

dahilan nito. Ito rin ay magbibigay impormasyon kung paano nila malalampasan ang mga

pagsubok na kanilang kinakaharap.

Mga mag-aaral ng Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM) Strand. Ang

pag-aaral na ito ay magsisilbing gabay sa mga mag-aaral ng Science, Technology, Engineering

and Mathematics (STEM) Strandna nagbabalak kumuha ng kursong narsingupang sila ay

maging handa pagdatingnila sa kolehiyo.

Mga magulang ng mga mag-aaral ng Narsing. Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing isang

instrumento upang magkaroon ng kaalaman ang mga magulang sa mga pagsubok na kinakaharap

ng kanilang mga anak. Ito rin ay makatutulong upang mas gabayan at suportahan ng mga

magulang ang kanilang mga anak sa pag-aaral.

Mga susunod na mga mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing gabay at sanggunian

ng mga susunod pang mananaliksik upang pagtibayin ang kanilang mga isasagawang pag-aaral.
14

Bicol UniversityCollege of Nursing. Ang pag-aaral na ito ay magbibigay- daan sa Bicol

University College of Nursing na pagtibayin ang kanilang sistema. Ito rin ay makatutulong sa

pagtuklas ng mga dapat isaayos at pagtuonan ng pansin sa unibersidad.

Lipunan. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa pagkakaroon ng mga magagaling na nars sa

bansa. Ito ay magsisilbing instrumento upang magkaroon ng mabuting pagsasanay ang mga mag-

aaral ng narsing na may sapat na kakayahan at kaalaman.


15

KABANATA II

METODOLOHIYA AT PAMAMARAAN

Ang seksyon na ito ay naglalaman ng mga pamamaraan na ginamit ng mga mananaliksik

sa pag-aaral. Ito ang disenyo ng pananaliksik, respondente, instrumento ng pananaliksik at ang

mga pamamaraan ng datos.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay isang Kuwalitatibong pag-aaral at ang ginamit na disenyo

ng mga mananaliksik ay ang deskriptibong pag-aaral ng kaso. Ang deskriptibong pag-aaral ng

kaso ay tumutukoy sa malalim na pag-aaral na kung saan inilalarawan nito ang likas na

nagaganap sa loob ng datos na pinag-uusapan (Zainal, 2007). Ang disenyong ito ay nakatulongsa

mga mananaliksik sa pagkaroon ng isang malawak at matibay na kaalaman tungkol sa mga

pagsubok na kinakaharap ng mga mag-aaral ng narsing.

Respondente

Ang mga naging kalahok ng pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral ng Bicol University

partikular ang mga mag-aaral ng narsing sa Ikatlong Taon. Gumamit ang mga mananaliksik ng

convenient samplingtechniquesa pagkuha ng mga kalahok na hanggang apat (4) lamang. Ang

convenient samplingtechniqueay isang paraan ng paglikom ng mga datos ayon sa kagustuhan at

kakayahan ng mga kalahok.


16

Instrumento ng Pananaliksik

Ang instrumentong ginamit sa pagkalap ng mga datos at impormasyon ay isang

pakikipanayam partikular ay isang semi- structured interview. Ang semi -structured interview ay

tumutukoy sa paraan ng pagtatanong na kung saan maaring magkaroon ng mga follow- up na

katanungan ang mga mananaliksik. Gumamit din ang mga mananaliksik ng voice recorder upang

ang makuha nilang mga impormasyon ay malinaw at ang uri ng pakikipanayam na ginawa ay

personal na pakikipanayam.

Paraan ng Pagsasagawa

Pananaliksik sa mga Silid- Aklatan

Ang mga mananaliksik ay naghanap ng mga aklat at literatura na makatutulong sa

kanilang pag-aaral. Isa-isang binasa ng mga mananaliksik ang mga nakuhang aklat at itinala ang

mga mahalagang impormasyon na kanilang nabasa. Dahil dito, nagkaroon at nadagdagan ang

kaalaman ng mga mananaliksik tungkol sakanilang pag-aaral.

Paghahanda ng Talatanungan

Naghanda ang mga mananaliksik ng mga katanungan na mayroong koneksyon at

masasagutan ang suliranin ng kanilang pag-aaral. Ito ay mga open-ended questions na idinisenyo

upang mahikayat ang isang buo at makabuluhang sagot ng mga kalahok. Ang mga mananaliksik

ay naghanda lamang ng sampung (10) mga katanungan.


17

Paghingi ng Pahintulot

Nagpadala ng consent letter ang mga mananaliksik sa mga kalahok upang humingi ng

pahintulot sa gagawin nilang pakikipanayam.Sa pamamagitan din ng convenient sampling, ang

mga mananaliksik ay naghanap ng mga mag-aaral ng narsing sa Bicol University. Sinigurado ng

mga mananaliksik na hindi sapilitan at may pahintulot sa kanilang mga kalahok ang ginawang

pakikipanayam.

Pagsasagawa ng Personal na Pakikipanayam

Ang personal na pakikipanayamay pormal at maayos na isinagawa sa napagkasunduang

lugar at oras ng mga mananaliksik at mga kalahok. Bago sinimulan ang pakikipanayam,

sinigurado ng mga mananaliksik na malinaw ang layunin ng kanilang pananaliksik sa mga

kalahok at gayundin ang halaga ng kanilang partisipasyon sa pakikipanayam na gaganapin.

Nagtanong ang mga mananaliksik sa mga kalahok sa pamamagitanng mga inihandang

katanungan. Ang ginawang pakikipanayam ay tumagallamang ng

tatlumpung (30) minuto. Siniguradodin ng mga mananaliksik na ang nakuha nilang mga datos ay

mananatiling kompidensyal sa buong pag-aaral.

Pagsasaayos ng mga Datos

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng thematic analysissa pagsuri ng mga nakalap na

datos. Ang mga sagot ng mga kalahok ay isinaayos at binasa ng mabuti upang siguraduhin na

malinaw at tama angmga naisulatng mga mananaliksik.


18

Etikal na Pagsasaalang-alang

Sa naganap na pakikipanayam, isinaalang- alang ng mga mananaliksik ang mga etikal na mga

prinsipyo tulad ng pagiging kompidensiyal at pagkubli sa pagkikilanlan ng mga kalahok.

Sinigurado ng mga mananaliksik sa mga kalahok na ang anumang impormasyon na nagmula sa

kanila ay gagamitin lamang sa kapakinabangan ng pananaliksik. Gayundin, ipinaliwanag ng mga

mananaliksik sa mga kalahok ang kabuuang layunin ng kanilang pananaliksik. Humingi rin ng

pahintulot ang mga mananaliksik sa mga kalahok kung maaring ang pakikipanayam ay maitala

sa pamamagitan ng voice recorder.

Pagsusuri ng Datos

Bago ang pagtatasa ng mga datos, ang mga mananaliksik ay nagpadala ng mga kopya

ng transkript sa mga kalahok tungkol sa naganap na pakikipanayam. Ito ay ginawa upang suriin

ang katumpakan ng mga naitala at patunayan ang kanilang mga nakuhang datos at impormasyon.

Ang mga mananaliksik ay inayos ang mga nakalap na datos at impormasyon sa

pamamagitan ng thematic analysis. Ang thematic analysis ay nagbigay diin sa pagtukoy, pagsuri,

at pag-tala ng mga tema sa loob ng datos.

KABANATA III
19

RESULTA

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga resulta na nakuha mula sa pagtitipon ng datos. Ang

mga resulta ay iniharap ayon sa mga sumusunod: mga pagsubok na kinakaharap ng mga mag-

aaral ng narsing sa Bicol University, epekto ng mga pagsubok na kinakaharap ng mga mag-aaral

ng narsing sa kanilang edukasyon, at mga paraan kung paano nalalagpasan ng mga mag-aaral ng

narsing ang mga mga pagsubok na kanilang kinakaharap.

Ang talahanayan 1 ay nagpapakita ng mga pagsubok na kinakaharap ng mga mag-aaral ng

narsing sa Bicol University.

Mga Tema Halimbawa ng mga Pahayag


“Sobrang nakakapagod siya kasi andaming
oras na parang kailangan mo talagang
ifocus(ipokus) para sa studies(pag-aaral)…..
kasi parang mahirap siya talaga na andami
Pagkakaroon ng maraming aralin kailangang aralin” (kalahok 2)

“Uhmm marami rin ang kailangan


imemorize(ikabisado), at hindi ako masyado
magaling doon”(kalahok 4)
“and(at) ano pa ba….. sobrang nakakapagod
lalo pag nasa clinical ward (klinikal na
kapaligiran)ka na……. wala na rin tulog
Pagdaranas ng kakulangan ng sapat na tulog kakaduty(kakatrabaho)”(kalahok 1)

“and uhmm to the point(at nasa puntong) lagi


na akong kulang sa tulog…..” (kalahok 3)

“atsaka kailangan mong ibalance(ibalanse)


yung oras mo kasi minsan…. limited(limitado)
lang talaga ang binibigay na oras para ano
Pagkakaroon ng limitadong oras uhmm tapusin mo ang mga
requirements(kinakailangan) yun lang”
(kalahok 3)

“na kailangang ipasa sa loob ng maikling


panahon…” (kalahok 4)
20

Ang talahanayan 1 ay nagpapakita ng mga tema tungkol sa mga pagsubok na kinakaharap

ng mga mag-aaral ng narsingsa Bicol University tulad ng pagkakaroon ng maraming aralin,

pagdaranasng kakulangan ng sapat na tulog at pagkakaroon ng limitadong oras.

Ang talahanayan 2 ay nagpapakita ng epekto ng mga pagsubok na kinakaharap ng mga mag-

aaral ng narsing sa kanilang edukasyon.

Mga Tema Halimbawa ng mga Pahayag


“and(at) kahit anong aral ko bumabagsak ka
pa din….” (kalahok 2 )

Pagkakaroon ng mababang marka “Uhmm ano may times(mga oras) na nalalate


(nahuhuli) akong magpasa ng
requirements(mga kinakailangan) kaya medyo
mababa ang grade (marka) na nakukuha
haha” (kalahok 4)
“May times(mga oras) na depressing
(mapagpahirap) siya lalo na pag sobrang
inaral ko yung isang subject (asignatura)”
Pagkakaranas ng paghihirap sa mga asignatura (kalahok 2)

“at minsan nakakadepress(mapagpahirap) na


nakakafrustrate (nakakabigo) din siya pag
iniisip ko” (kalahok 4)

Ang talahanayan 2 ay nagpapakita ng mga tema tungkol sa epekto ng mga pagsubok na

kinakaharap ng mga mag-aaral ng narsing sa kanilang edukasyon tulad ng pagkakaroon ng

mababang marka at pagkakaranas ng paghihirap sa mga asignatura.


21

Ang talahanayan 3 ay nagpapakita ng mga paraan kung paano nalalagpasan ng mga mag-aaral

ng narsing ang mga pagsubok na kanilang kinakaharap.

Mga Tema Halimbawa ng mga Pahayag

“Iniisip ko nalang na parang matatapos ko na


ang lahat ng paghihirap ko pagnakagraduate
(pagnakatapos) ……. parang nagalook
(tumitingin) ako sa brighter side ng life
Pananatiling Positibo sa buhay (positibong bahagi ng buhay) ng pagiging
isang nursing student (mag-aaral ng narsing)
hehe” (kalahok 1)

“Uhmm hinarap ko ng walang takot…. parang


tigasabi ko sa sarili ko na kaya ko to”(kalahok
3)
“Siguro ano first (una)nagasabi ako kay mama
na nahihirapan na ako….. tas syempre
sasabihin lang naman ng nanay mo na
Pagtanggap ng gabay mula sa pamilya magpray (magdasal) ka edi
magprapray(magdadasal) ka na” (kalahok 2)

“Siguro nasosolusyonan ko ang mga pagsubok


na nararanasan ko sa nursing(narsing) sa
pamamagitan ng ano…. pagkausap ko sa aking
mga magulang or family (pamilya)”(kalahok
4)

Ang talahanayan 3 ay nagpapakita ng mga tema tungkol sa mga paraan kung paano

nalalagpasan ng mga mag-aaral ng narsing ang mga pagsubok na kanilang kinakaharap tulad ng

pananatiling positibo sa buhay atpagtanggap ng gabay mula sa pamilya.


22

KABANATA IV

DISKUSYON

Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng talakayan ng mga resulta sa pag aaral na ito. Ito ay

naglalaman ng mga tema tungkol sa mga pagsubok na kinakaharap ng mga mag aaral ng narsing

sa Bicol University, epekto ng mga pagsubok na kinakaharap ng mga mag-aaral ng narsing sa

kanilang edukasyon, at kung paano nalalagpasan ng mga mag-aaral ng narsing ang mga mga

pagsubok na kanilang kinakaharap. Ang layunin ng pag-aaral na ito ay malaman ang mga

pinagbabatayang tema sa mga pagsubok na kinakaharap ng mga mag aaral ng Bachelor of

Science in Nursing sa Bicol University.

Ang mga resulta ay nagpapakita na ang karaniwang pagsubok na kinakaharap ng mga

mag-aaral ng Bachelor of Science in Nursing sa Bicol University ay ang (a) Pagkakaroon ng

limitadong oras. Ito ay ipinagtitibay ni Erstrad (2014) na nagsasabi na kinakailangan ng mga

mag-aaral na matapos ang kanilang mga gawain sa limitadong oras at ibalanse ang kanilang oras

sa personal at panlipunang mga responsibilidad. Sumasang-ayon din dito ang pag-aaral ni

Wawire et al (2014) na ang pagkakaroon ng kakulangan sa binibigay na oras ay isa sa mga

pagsubok na kinakaharap ng mga mag-aaral ng narsing sa kanilang klinikong

rotasyon.Gayundin, ipinahayag ni Dimain (2016) na angkaraniwang pagsubokngmga mag-aaral

ng narsing ay ang pamamahala sa oras dulot ng mga gawain at responsibilidad na dapat

matugunan. Tumugma din sa pag- aaral ni De Guzman et al (2008) na ang pamamahala ng

orasay isang malaking pagsubok sapagka’t kinakailangan ang wastong pagbabalanse ng mga

gawain upang makamit ang mga kinakailangan.


23

Ang mga bagong temang lumitaw na tumutugon sa mga pagsubok na kinakaharap ng

mga mag-aaral ng narsing ay ang (b) Pagkakaroon ng maraming aralin at (c) Ang pagdaranas

ng kakulangan ng sapat na tulog. Ito’y bagong tema sapagka’t walang mga nakaraang pag-aaral

ang sumusuporta sa mga temang ito.Bagama’t hindi sumasang-ayonang pag-aaral nina Elcigil at

Sari (2007) na ang karaniwang mga pagsubok na kinakaharap ng mga mag-aaralay anghindi

sapat na pagtasa ng kanilang guro, problema sa pakikipagbatidat hindi sapat na gabay sa pag

aaral. Maging ang pag-aaral ni Jackson et al (2011) na ang temang lumitaw ay ang negatibong

pag-uugali sa loob ng kilinikong pinagtratrabahuhan at Ngema (2016) naang kakulangan sa mga

silid-aralan at pera ang nagiging daan sa hindi sapat na pagkakatuto ng mga mag-aaral.

Gayundin, mayroong epekto ang mga pagsubok na kanilang kinakaharap sa kanilang

edukasyon. Kabilang rito ang (a) Pagkakaroon ng mababang grado at (b) Pagkakaranas ng

paghihirap sa mga asignatura. Ayon sa isang kalahok, ang pagkakaroon ng mababang grado ay

dulot ng hindi niya pagpasa ng mga kinakailangan sa tinakdang oras. Ito ay sinuportahan ni

Dimain (2016) na nakararanas ang mga mag-aaral ng narsing ng kabiguan tulad ng pagkakaroon

ng mababang grado sa mga pagsusulit.Sumang-ayon naman ang pag-aral niSanchez (2016) na

ang mga pagsusulit na tatahakin ng isang mag-aaral sa narsing ay ang tunay na hamon

pagkatapos ng bawat serye ng mga tinatalakay na aralin. Dagdag pa rito, ang bagong temang

lumitaw ay ang pagkakaranas ng paghihirap sa mga asignatura.Ayon sa isang kalahok, ang

pagkakaranas ng paghihirap sa mga asignatura aysanhi ng mgamaraming aralin at hindi sapat na

kaalaman at kahandaan sa asignatura. Hindi naman tumugmaang isa sa mga temang lumitaw sa

pag-aaral ni Jamshidi (2016) na emosyonal na mga reaksyon. Sumasalungat din ang pag-aaral ni

Labrague (2018) na ang pagkakaranas ng stress ay maaring makahadlang sa pag-aaral at

pagganap ng mga mag-aaral ng narsing sa kanilang mga tungkulin.


24

Alinsunod din dito ang mga tema kung paano nalalagpasan ng mga mag-aaral ng narsing

ang mga pagsubok na kanilang kinakaharap. Ang mga temang nangibabaw ay ang (a)

Pananatiling positibo sa buhay at (b) Ang pagtanggap ng gabay mula sa pamilya. Batay sa mga

kalahok,ang pananatiling positibo sa buhay ay nakatutulong sa kanila upang mabawasan ang

kanilang mga paghihirap. Ito ay sinuportahan naman ni Jamshidi et al (2016) na iminumungkahi

ng mga mananaliksik na ihanda ng mga guro ang mga mag-aaral na may partikular na pokus sa

kanilang mga komunikasyon at sikolohikal na pangangailangan.Gayundin ang pagtanggap ng

gabay mula sa pamilya ay malaking bagay sa mga mag-aaral ng narsing upang sila ay

magkaroon ng malinaw na landas sakanilang pag-aaral. Ito ang bagong temang lumitaw tungkol

sa paraan kung paano nalalagpasan ng mga mag-aaral ng narsing ang mga pagsubok na kanilang

kinakaharap. Sumasalungat naman dito ang mga inirekomenda na estratehiya ni Erstrad

(2014)upang ang mga pagsubok ay masolusyonan ay ang paggawa ng listahan ng mga gagawin

at ang paglaan ng oras para sa paaralan. Gayundin, ang mga iminungkahi ni De Guzman et al

(2008) na paggamit ng mga metodo sa pamamahala ng oras.


25

Limitasyon ng Pag-aaral

Angpag-aaralnaito ay tututoklamangsamgapagsuboknakinakaharapngmga mag-aaral ng

Bachelor of Science in Nursing sa Bicol University, epekto ng mga pagsubok na kinakaharap ng

mga mag-aaral ng narsing sakanilang edukasyon at mga paraan kung paano nalalagpasan ngmga

mag-aaral ng narsing angmgapagsuboknakanilangkinakaharap.

Angibangmababanggitbukodsamgaito ay hindinasaklawngpag-aaral at hindinapagtutuonan pa

ngpansin. Mayroong apat (4) na kalahok ang pag-aaral na ito

namanggagalinglamangsapaaralanng Bicol University sailalimngkursong Bachelor of Science in

Nursingsa Ikatlong Taon.


26

Rekomendasyon

Ang seksyon na ito ay nagpapakita ng mga rekomendasyon ng mga mananaliksik sa mga

sumusunod:Punong Kagawaran ng College of Nursing, Mag-aaral ng Narsing,Guidance

counselor ng College of Nursing, Propesors ng mga mag-aaral ng narsing, Magulang ng mga

mag-aaral ng Narsing, Susunod na mga mananaliksik at Bicol University College of Nursing.

Punong Kagawaran ng College of Nursing

Inirerekomenda ng mga mananaliksik sa punong kagawaran ng College of Nursingna maging

aktibo sa paghahanap ng mga alternatibong solusyon sa mga pagsubok na kinakaharap ng mga

mag-aaral ng narsing. Gayundin, bigyan ng pansin ang kalagayan at sitwasyon ng kanilang mga

mag-aaral.

Mag-aaral ng Narsing

Inirerekomenda ng mga mananaliksik sa mga mag-aaral ng narsing na pahalagahan nila ang

ibinibigay sa kanilang oras at huwag ito sayangin sa mga hindi makabuluhang gawain.

Gayundin, ang pagsasaprayoridad ng kanilang mga gawain nang sa gayon ay hindi sila

naghahabol sa oras at nababalanse nila ito.

Guidance counselorsng College of Nursing

Inirerekomenda ng mga mananaliksik sa mga guidance counselors na patuloy namagbigay

gabaysa mga mag-aaral ng narsing pagdating sa paghawak ng kanilang sitwasyon. Maari silang

magsagawa ng mga konsultasyon na makatutulong sa pagsasaayos ng kalagayan ng mga mag-

aaral ng narsing.
27

Propesors ng mga mag-aaral ng narsing

Inirerekomenda ng mga mananaliksik sa mga propesorsng mga mag-aaral ng narsing na maging

maunawain at siguraduhing ang pagbibigay ng mga gawain at pagsusulit ay ipinaalam sa mas

maagang panahon nang sa gayon ang mga mag-aaral ay makapaghanda.

Magulang ng mga mag-aaral ng Narsing

Inirerekomenda ng mga mananaliksik sa mga magulang ng mga mag-aaral ng narsing na bigyan

nilang patnubay at suporta ang kanilang mga anak sa kanilang pag-aaral sa pamamagitan ng

pagtugon sa mga pangangailangan nito sa kolehiyo, pagbibigay payo, at paghihikayat na

malalampasan ng kanilang mga anak ang mga balakid na kanilang kinakaharap.

Susunod na mga mananaliksik

Inirerekomenda sa mga susunod na mananaliksik na sila ay makalikha ng makabago at

makabuluhang pag-aaral na mayroong koneksiyon sa mga pinagdadaanan ng mga mag-aaral ng

narsing. Bukod pa dito, makapagbigay sila ng impormasyon na maging daan sa pagtuklas ng

mga suliraning napapanahon sa lipunan

Bicol University College of Nursing

Inirerekomenda ng mga mananaliksik sa Bicol University College of Nursing na maging

mapagmasid sa kalagayan ng kanilang mga mag-aaral at huwag ibalewala ang mga

pinagdadaanan ng mga ito. Maging aktibo sa pagpapatibay at pagsasaayos ng kanilang mga

programa tungo sa ikakabuti ng unibersidad at mga mag-aaral nito.


28

Reflexivity

Sa Pilipinas, maraming mag-aaral ang mayroong kinakaharap na mga pagsubok sa

kanilang pag-aaral at isa na dito ang mga mag-aaral ng narsing. Napagdesisyonan namin na pag-

aralan ang mga pagsubok na kinakaharap ng mga mag-aaral ng narsing dahil dalawa sa grupo

namin ang kukuha ng kursong Bachelor of Science in Nursing sa Bicol University at ang isa

naman ay may kamag-anak na mag-aaral ng narsing. Base sa kanyang karanasan ay mayroong

pagkakataon na gusto na niyang lumipat ng ibang kurso at hindi na ipagpatuloy ang kanyang

pag-aaral.

Ang pag-aaral na ito ay nais malaman ang mga pagsubok na kinakaharap ng mga mag-

aaral ng narsing. Isa sa mga dahilan ay ang pagiging sikat ng kursongBachelor of Science in

Nursing sa mga mag-aaral ngayon. Gayundin, upang maging mulat ang mga tao sa mga

pinagdadaanan ng mga mag-aaral ng narsing at magkaroon sila ng kaalaman sa mga kalagayan

nito.

Bukod pa dito, nais ng grupo namin na magsilbing instrumento upang mas maging handa

ang mga mag-aaral na nagbabalak na kunin ang kursong narsing. Gayundin, magsilbi kaming

boses ng mga mag-aaral ng narsing upang maipahayag angmgasuliranin at problema na kanilang

kinakaharap sa kanilang pag-aaral.


29

KABANATA V

LAGOM

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang galugarin ang mga pinagbabatayang tema

tungkol sa mga pagsubok na kinakaharap ng mga mag-aaral ng narsing, epekto ng mga pagsubok

na kinakaharap ng mga mag-aaral ng narsing sa kanilang edukasyon, at mga paraan kung paano

nalalagpasan ng mga mag-aaral ng narsing ang mga mga pagsubok na kanilang kinakaharap.

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa apat na mga mag-aaral ng narsing ng Bicol University. Sa

pamamagitan ng kuwalitatibong disenyo partikular ang descriptive case study, ang mga

mananaliksik ay nakatuklas ng mga dahilan sa mga pagsubok na kinakaharap ng mga mag-aaral

ng narsing. Personal na pakipapanayam sa iskedyulong semi- structured ang ginamit na

pamamaraan sa paglikom ng mga datos. Gayundin, ang pag-aaral na ito ay gumamit ng thematic

analysis sa pagsusuri ng mga nalikom na datos.

Base sa mga resulta ng pag-aaral na ito, mayroong tatlong tema ang lumitaw tungkol sa

mga pagsubok na kinakaharap ng mga mag-aaral ng narsing: Pagkakaroon ng limitadong oras,

Pagkakaroon ng maraming aralin, at angPagdaranas ng kakulangan ng sapat na tulog.

Dalawang tema naman ang lumitaw tungkol sa mga epekto ng mga pagsubok na kinakaharap

ng mga mag-aaral ng narsing sa kanilang edukasyon: Pagkakaroon ng mababang grado at

Pagkakaranas ng paghihirap sa mga asignatura

Mayroong dalawang tema ang nangibabaw tungkol sa mga paraan kung paano nalalagpasan ng

mga mag-aaral ng narsing ang mga pagsubok na kanilang kinakaharap: Pananatiling positibo sa

buhay at Pagtanggaap ng gabay mula sa pamilya.


30

Bilang pagtatapos, angBicol University College of Nursing ay kailangan manindigan sa isyu

tungkol sa mga pagsubok na kinakaharap ng mga mag-aaral ng narsing. Ito ang pagkakataon ng

Bicol University College of Nursing na bigyang pansin at aksyon ang mga pagsubok na

kinakaharap ng mga mag-aaral ng narsing ng sa gayon ito ay malimitahan at maiwasan. Kung

hindi ito maagapan tila ito ay magdudulot ng hindi magandang epekto sa kanilang edukasyon at

maaring humantong sa puntong kinakailangan isaayos hindi lamang ang pamamalakad ng

administrasyon kundi pati na rin ang kasalukuyang kurikulum ng mga mag-aaral ng narsing. Sa

kabila ng lahat na ito, ang Bicol University College of Nursingay sinisigurado na mayroong silid

para sa ikabubuti ng kanilang institusyon at para sa pag-aalay ng kalidad na edukasyon sa

kanilang mga mag-aaral.


31

MGA SANGGUNIAN

Abushaikha, L., Mahadeen, A., AbdelKader, R. and Nabolsi, M.(2014). Academic challenges

and positive aspects: perceptions of male nursing students. International Nursing Review,

61, 263-269.

Baraz, S., Memarian, R. and Vanaki, Z. (2015). Learning Challenges of Nursing Students in

Clinical Environments: A Qualitative Study in Iran. Retrieved 2015 August 6 from

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4579762/

Elcigil, A. and Sari Y. H. (2007). Determining problems experienced by student nurses in their

work with clinical educators in Turkey. Retrieved July 2007 from

https://www.sciencedirect.com/science/article/pii/S0260691706001407

Erstad, W. (2014). How Hard is Nursing School? Students Tell All. Retrieved April 23, 2014

from http://www.rasmussen.edu/degrees/nursing/blog/students-reveal-how-hard-is-

nursing-school/

Hui, C. T., Hsiu, H. W. and Wei, C. H. (2012). The Kaohsiung Journal of Medical Sciences.

Nursing Students’ Pereptions’ toward the Nursing Profession from Clinical Practicum in

a Baccalaureate Nursing Program: A Qualitative Study. Retrieved March 2013 from

https://www.sciencedirect.com/science/article/pii/S1607551X12002288

Jackson, D., Hutchinson, M., Everett, B., Mannix, J., Peter, K., Weaver, R., and Salamonson Y.

(2011). Struggling for legitimacy: nursing students’ stories of organisational aggression,

resilience and resistance. Retrieved 12 May 2011 from

http://onlinelibrary.wiley.com/doi/10.1111/j.1440-1800.2011.00536.x/abstract
32

Jamshidi, N., Molazem, Z., Sharif, F., Torabizadeh, C. and Kalyani, N. M. (2016). The

Challenges of Nursing Students in the Clinical Learning Environment: A Qualitative

Study. Retrieved February 11, 2016 to May 17, 2016 from

https://www.hindawi.com/journals/tswj/2016/1846178/

Killam, L.A., & Heerschap, C. (2013). Challenges to student learning in the clinical setting: A

qualitative descriptive study. Nurse Education Today, 33, 684-691.

Ngema, T. (2016). Student nurses face huge challenges. Retrieved February 7, 2018, from

https://www.iol.co.za/news/opinion/student-nurses-face-huge-challenges-1985414

Rajeswaran, L., (2016). Clinical experiences of Nursing students at a selected institute of health

sciences in Botswana. Health Science Journal, 10, n.pag.

Sanchez, R. (2016). Challenges of Nursing School that Student Nurses will Face! Retrieved

September 6, 2016 fromhttps://nurseslabs.com/7-challenges-nursing-school-student-

nurses-will-face/

Usher, K., Lindsay, D., Miller, M. and Miller, A. (2005). Challenges faced by Indigenous

nursing students and strategies that aided their progress in the course: A descriptive

study. Contemporary Nurse, 19, 17-31.

Wawire, K. L.., Rogers, S. S., Claudio, O. O., Mwiti, K. D., Ndung’u, N. M., Katindi, M. J.,

Njeri, M. E.(2014). Challenges Experienced By Undergraduate Nursing Students during

Their Clinical Rotations. International Journal of Novel Research in Interdisciplinary

Studies Vol. 1, Issue 1, pp: (26-37)

Wyzant (2017). The 6 Obstacles That All Students Face. The Nursing School Struggle
33

Zanial, Z. (2007). Case study as a research method. Jurnal Kemanusiaan, bil.9.

https://mitzidimain.wordpress.com/2016/05/25/nursing-school-experience/
34

APENDIKS A

Interbyu Iskedyul na Katanungan

1. Kumusta po ba ang pagiging isang mag-aaral ng narsing?

2. Ano ang nag-udyok sayo na piliin ang kursong Bachelor of Science in Nursing?

a. Sino o ano ang naghikayat at nagimpluwensiya sayo?

3. Ano-ano ang mga pagsubok na iyong kinakaharap sa pagiging isang mag-aaral ng

narsing?

4. Gaano katagal mo ng hinaharap ang mga pagsubok na iyong nabanggit?

5. Ano ang kadalasang dahilan ng mga pagsubok na iyong hinaharap?

6. Mayroongbang pagkakataon na gusto mong lumipat ng ibang kurso?

7. Sino o ano ang inspirasyon mo upang ipagpatuloy ang kursong Bachelor of Science in

Nursing?

8. Paano mo nasolusyonan ang bawat pagsubok na iyong kinaharap sa kursong narsing?

9. Paano nakaapektoang mga pagsubok na iyong kinaharap sa iyong edukasyon?

10. Ano ang maimumungkahi mo sa mga mga mag-aaral na kukuha ng kursong narsing?
35

APENDIKS B
Liham ng Pahintulot

Pebrero 22, 2018


Iginagalang na mga kalahok:
Malugod na Pagbati!
Ang Akademya ng Sta. Ines ay patuloy na naniniwala na ang pananaliksik ay ang susi sa
maunlad at matagumpay na hinaharap. Ito ay nagsisilbing instrumento upang palawakin pa ang
kaalaman ng kanilang mga mag-aaral kung kaya’t isa ito sa mga kurikulum ng paaralan.
Kami po ay isang grupo ng mga mag-aaral na nasaika-11na baitang na kumukuha ng STEM
(Science, Technology, Engineering and Mathematics) strand sa Akademiya ng Sta. Ines.
Kaugnay dito, kasalukuyan po kaming nagsasagawa ng pananaliksik bilang bahagi ng aming
pangangailangan sa mga asignaturang Filipino 11 (Pagbasa at Pagsusuring Teksto Tungo sa
Pananaliksik) at Research 1. Ang pamagat po ng aming pananaliksik ay “Mga Pagsubok na
Kinakaharap ng mga Mag-aaral ng Bachelor of Science in Nursing”. Magalang po naming
hinihiling ang inyong pahintulot na kayo ay makapanayam tungkol sa aming pananaliksik.
Makakasigurado po kayo na ang makakalap namin na impormasyon sa pakikipanayam ay
mananatiling kumpidensyal at pribado. Inaasahan po namin ang inyong positibong tugon at
suporta sa aming pag-aaral.
Maraming salamat po at Pagpalain kayo ng Diyos!

Matapat na sumasainyo,
Bernales, Elaine Q.
Javier, Ralph Lorenz S.
Labajo, Jillian A.
Rabelas, Celine Genevieve M.
Mga Mananaliksik

Nabatid nina:
G. Christian A. Semeniano
Bb. Annie May C. Tejano
Mga Guro sa Research 1 at Filipino 11
36

APENDIKS C

Pormularyo ng Pahintulot
------------------------------------------------------------------------------------------------------------

CONSENT FORM
Pangalan:_____________________
Ako, na nakalagda sa ibaba ay kinukumpirma na (itsek ang kahon sa baba):
 Nabasa at naunawaan ko ang impormasyon tungkol sa pag-aaral.
 Ang aking pakikilahok sa pag-aaral ay kusang boluntaryo at hindi sapilitan.
Malinaw na ipinaliwanag ang pagiging kumpidensyal ng mga impormasyon, datos at mga
 pangalan sa pag-aaral.
 Ako, bilang isang respondente, ay sumasang-ayon na lagdaan ang informed consent na
ito.

__________________________ __________________
Pangalan at Lagda Petsa

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

CONSENT FORM
Pangalan:_____________________
Ako, na nakalagda sa ibaba ay kinukumpirma na (itsek ang kahon sa baba):
 Nabasa at naunawaan ko ang impormasyon tungkol sa pag-aaral.
 Ang aking pakikilahok sa pag-aaral ay kusang boluntaryo at hindi sapilitan.
Malinaw na ipinaliwanag ang pagiging kumpidensyal ng mga impormasyon, datos at
 mga pangalan sa pag-aaral.
 Ako, bilang isang respondente, ay sumasang-ayon na lagdaan ang informed consent na
ito.

__________________________ __________________
Pangalan at Lagda Petsa
37

APENDIKS D
Transkrip
KALAHOK 1
BLG. TAUHAN MGA SALAYSAY INITIAL CODE MGA TEMA
1. M Kumusta po ba ang pagiging Kalagayan ---------
isang mag-aaral ng narsing?
2. K Mahirap siya na
nakakachallenge uhmm kasi…..
life ng tao yung tigausapan dito
parang …… if you fail na
gamutin yung isa tao parang Presyur Pagkakaranas ng
uhmm walang use yung presyur sa piniling
pagiging isang nursing student kurso
mo and ano….. habang
tumatagal parang masasanay ka
na din and makakampante ka na
sa ginagawa mo.
3. M So ano po ang nag-udyok sayo
na piliin ang kursong Bachelor Dahilan ---------
of Science in Nursing?
4. K Sa pagpasok ko sa BU hindi
talaga nursing ang gusto kong
kunin uhmm parang napilitan Kagustuhan ng Pagsunod sa
nalang ako hahaha kasi yun ang magulang kagustuhan ng
gusto ni mama and sinunod ko magulang
na lang yun.
5. M Ah sige po, so ano-ano ang mga
pagsubok na iyong kinakaharap
sa pagiging isang mag-aaral ng Pagsubok ---------
narsing?
6. K Uhmm pressure na rin siguro sa
pagiging isang nursing Pagkakaranas ng
student….. na dapat magawa Presyur presyur sa pag-
mo yan na uhmm na dapat aaral.
mameet mo standards
and ano pa ba….. sobrang Kakulangan sa Pagdaranas ng
nakakapagod lalo pag nasa tulog kakulangan ng sapat
clinical ward ka na……. wala na tulog
na rin tulog kakaduty
and raming pinag-aaralan. Marami ang Pagkakaroon ng
aralin maraming aralin
7. M Gaano katagal mo na pong
hinaharap ang mga pagsubok na Panahon ---------
iyong nabanggit?
38

8. K Since first year ako hanggang Kahirapan ng Pagkakaranas ng


ngayon…… so mga three years kurso kahirapan sa
na din and mahirap talaga siya. napiling kurso
9. M Ah okay po uhmm ano po ang
kadalasang dahilan ng mga Dahilan ---------
pagsubok na iyong hinaharap?
10. K Yun na nga pressure dahil ……
sa mga exams na kailangan Presyur Pagkakaranas ng
mong ipasa hehe kaya aral ka presyur sa pag-
lang ng aral aaral.

atsaka….. parang kulang sa oras


na limited lang yung time na Limitadong oras Pagkakaroon ng
meron ako para matapos yung limitadong oras
pinapagawa saamin hehe
11. M So, mayroon po bang
pagkakataon na gusto mong Pagkakataon ---------
lumipat ng ibang kurso?
12. K Meron…… kasi nung una
nagdadalawang isip talaga ako
kasi hindi naman talaga nursing
dapat kukunin ko haha sinunod Kagustuhan ng Pagsunod sa
ko lang si mama…… gusto ko magulang kagustuhan ng
kasi nun uhmm business magulang
management pero ngayon
parang sabi ko ididiretso ko na
lang haha kasi sayang din
naman and atleast matupad ko
pangarap ni ma.
13.. M Ah so sino o ano po ang
inspirasyon mo upang
ipagpatuloy ang kursong Inspirasyon ---------
Bachelor of Science in
Nursing?
14. K Uhhmm family and friends kasi
sila lang talaga ang
nageencourage saakin na Paghihikayat ng Pagkakaranas ng
tapusin itong course hahaha and pamilya at suporta mula sa
way ko na rin yun para maging kaibigan mga kaibigan at
proud sila saakin….. atsaka pamilya
uhmm kahit yung iba kong
friends may kalokohan, alam pa
din nila kung ano yung
ipriprioritze at kung kailan
dapat magiging seryoso hehe.
39

15. M Sige po haha paano mo po


nasolusyonan ang bawat Solusyon ---------
pagsubok na iyong kinaharap sa
kursong narsing?

16. K Iniisip ko nalang na parang


matatapos ko na ang lahat ng Positibong pag- Pananatiling
paghihirap ko iisip positibo sa buhay
pagnakagraduate……. parang
nagalook ako sa brighter side ng
life ng pagiging isang nursing
student hehe
atsaka natuto akong iprioritize Pagorganisa ng Pagkatuto na
yung things na dapat tuonan ng mga gawain iorganisa ang mga
pansin …. gawain
and uhmm nagaseek ako advice Gabay Pagtanggap ng
sa family ko . gabay mula sa
pamilya

17. M Paano po nakaapekto ang mga


pagsubok na iyong kinaharap sa Epekto ---------
iyong edukasyon?
18. K Parang minsan nakakawalang Paglaho ng Pagkakaranas ng
gana mag-aral kasi ang rami ng interest sa pag- paglaho ng interest
pinag-aaralan hahaha….. aaral at gana sa pag-aaral

kaya yan nakakakuha ng Mababang Pagkakaroon ng


mababang grade hahaha marka mababang marka

at ano na din….. hindi Pagkawala ng Pagkakaranas ng


makaconcentrate kasi yung utak konsentrasyon paglaho ng
mo sabog na sabog na ganun. sa pag-aaral konsentrasyon sa
pag-aaral

19. M So last question po ano po ang


maimumungkahi mo sa mga
mga mag-aaral na kukuha ng Rekomendasyon ---------
kursong narsing?
20. K Siguro kung kukuha kayo ng Kaalaman sa Pagkakaroon ng
kursong nursing dapat alamin kurso kaalaman tungkol sa
niyo yung pagsubok na piniling kurso
tatahakin niyo…… hindi lang
yung parang basta basta lang
kayo uhmm papasok kasi hindi
niyo alam kung ano ang
sasalubong sainyo sa nursing.
40

KALAHOK 2
BLG. TAUHAN MGA SALAYSAY INITIAL CODE MGA TEMA
1. M Kumusta po ba ang pagiging Kalagayan ---------
isang mag-aaral ng narsing?

2. K Actually mahirap siya nung una


pero habang tumatagal pag
nakaka adjust na siya, pag alam
mo na kung ano yung mga dapat
gawin kasi syempre nakakatakot Presyur Pagkakaranas ng
kasi parang life ng tao yung tiga presyur sa piniling
hawakan ko pero afterwards kurso
parang nakaka adjust na and okay
na din siya hindi na siya
masyadong mahirap hahaha.
3. M So, ano po yung nag-udyok sayo
na piliin ang kursong Bachelor of Dahilan ---------
Science in Nursing?
4. K Hindi ko din siya alam pero….
kasi nung bata ako parang
mommy ko nurse tas parang dun Impluwensiya ng Naimpluwensyahan
ako lumaki sa ward na tiga pamilya ng miyembro ng
trabahuhan niya na parang nafeel pamilya
ko na ah parang gusto ko siyang
gawin din.
5. M Okay so uhm ano-ano po ang mga
pagsubok na iyong kinakaharap sa Pagsubok ---------
pagiging isang mag-aaral ng
narsing?
6. K Sobrang nakakapagod siya kasi
andaming oras na parang
kailangan mo talagang ifocus para Marami ang Pagkakaroon ng
sa studies….. kasi parang mahirap aralin maraming aralin
siya talaga na andami kailangang
aralin.
7. M Gaano katagal mo na pong
hinaharap ang mga pagsubok na Panahon ---------
iyong nabanggit?
8. K Start ng first year…. second
semester kasi dun lang pumasok Mahirap na Pagkakaroon ng
lahat ng majors namin and dun na asignatura mahirap na mga
nagstart lahat ng pagsubok and asignatura
challenges hanggang ngayon.
41

9. M Sa tingin niyo po, ano ang


kadalasang dahilan ng mga Dahilan ---------
pagsubok na iyong hinaharap?

10. K Pressure na rin siguro sa pag-aaral


kasi…. kailangan mo talaga Presyur Pagkakaranas ng
makapasa and mameet mga presyur sa pag-
deadlines and duties aaral
and then…. kulang sa tulog dahil
laging kang antok syempre hindi Kakulangan sa Pagdaranas ng
ka makafocus sa pag-aaral mo tulog kakulangan ng
sapat na tulog
11. M Mayroon po bang pagkakataon na
gusto mong lumipat ng ibang Pagkakataon ---------
kurso?
12. K Meron siya one time first year
kami….. uhmmm may anatomy
and physiology kami first year Mahirap na Pagkakaroon ng
and ….. parang ang hirap niya na asignatura mahirap na
ilang nights na akong walang asignatura
tulog tas parang sabi ko lilipat na
ako ng tourism pero pinagisipan
ko siya ng mabuti…. pwede din
naman ako maging….. parang
pwede ko din ma achieve yung
goal ko as tourism pag nagnursing
ako.
13. M Oh so sino po o ano ang nagging
inspirasyon niyo upang
ipagpatuloy ang kursong Bachelor Inspirasyon ---------
of Science in Nursing?
14. K First ata parang family na din kasi
syempre nag-aaral ka para Pamilya at mga Inaalay ang pag-
sakanila and para na din sa mga pasyente aaral sa pamilya at
future patients na maalagaan. mga pasyente
15. M Ah okay so paano niyo po
nasolusyonan ang bawat
pagsubok na iyong kinaharap sa Solusyon ---------
kursong narsing?
16. K Siguro ano first nagasabi ako kay
mama na nahihirapan na ako….. Gabay Pagtanggap ng
tas syempre sasabihin lang naman gabay mula sa
ng nanay mo na magpray ka edi pamilya
magprapray ka na
42

and second…. syempre sa friends


kasi lahat naman kami na nursing
edi syempre pareparehas kami ng Positibong pag- Pananatiling
pinagdadaanan…. tas iisipin mo iisip positibo sa buhay
kung kaya nila kaya ko din.

17. M Uhm paano po nakaapekto ang


mga pagsubok na iyong kinaharap Epekto ---------
sa iyong edukasyon?

18. K May times na depressing siya lalo


na pag sobrang inaral ko yung Mahirap na Pagkakaranas ng
isang subject asignatura paghihirap sa mga
asignatura
and kahit anong aral ko Mababang marka Pagkakaroon ng
bumabagsak ka pa din……. mababang marka
na parang mawawalan ka ng pag-
asa na…..tas parang mawawala
lahat ng sinimulan mo na parang Pag-aalinlangan Pagkakaranas ng
ano yan…. sinimulan ko na to sa sarili mababang
bakit hindi ko kayang tapusin pagpapahalaga sa
parang magadoubt ka sa sarili mo
na bakit kaya ko ba to or sarili
malalampasan ko ba to.
19. M Last question po ano po ang
maimumungkahi mo sa mga mga Rekomendasyon ---------
mag-aaral na kukuha ng kursong
nursing?
20. K Siguro first kailangan mo talaga Pagkakaroon ng
ng lakas ng loob Lakas ng loob lakas ng loob na
ituloy ang kurso
and isipin mo kung para kanino
mo yun ginagawa and kung kaya Inspirasyon Pagkakaroon ng
mo talaga inspirasyon

and second kailangan ano….


mapractice nila yung yung
pagiging responsible mo kasi Pagiging Pagsasanay sa sarili
uhmmm pag nasa clinical ward ka responsable na maging
na clinical area parang ikaw responsable
nalang yung gagawa and yung
clinical instructor magainstruct
lang siya kung anong gagawin
mo….. pero after pag wara na sila
parang ikaw na lang sarili mo na
lang.
43

KALAHOK 3
BLG. TAUHAN MGA SALAYSAY INITIAL CODE MGA TEMA
1. M Kumusta po ba ang pagiging isang
mag-aaral ng narsing? Kalagayan ---------

2. K Uhmm sa tatlong taon na pagiging


nursing student ko…. siguro
masaya siya at the same time
mahirap…… Masaya kasi nakilala Paghihikayat ng Pagkakaranas ng
ko mga kaibigan ko, palagi silang pamilya at suporta mula sa
nandyan pag kailangan ko ng kaibigan mga kaibigan at
tulong nila and uhmm buong pamilya
suporta ng pamilya ko sa mga
bagay na ginagawa ko hehe…..

Mahirap din kasi ano….may mga


panahon na natatambakan ako ng Maraming Pagkakaroon ng
mga school works tapos sabay gawain maraming gawain
sabay na exam.

3. M Ano po ang nag-udyok sayo na


piliin ang kursong Bachelor of Dahilan ---------
Science in Nursing?

4. K Siguro uhmm nung bata ako


pangarap ko na talaga…. maging Pansariling Pagkakaroon ng
isang nurse kaya gusto ko yun kagustuhan pansariling
matupad, kaya nursing yung kagustuhan
kinuha ko.
5. M Ah haha sige po, so ano-ano po
ang mga pagsubok na iyong
kinakaharap sa pagiging isang Pagsubok ---------
mag-aaral ng narsing

6. K Until now ano…… marami ang


pinag-aaralan as in sobrang dami Marami ang Pagkakaroon ng
aralin maraming aralin

and uhmm to the point lagi na


akong kulang sa tulog….. Kakulangan sa Pagdaranas ng
tulog kakulangan ng
sapat na tulog
atsaka kailangan mong ibalance
yung oras mo kasi minsan…. Limitadong oras Pagkakaaroon ng
limited lang talaga ang binibigay limitadong oras
44

na oras para ano uhmm tapusin


mo ang mga requirements yun
lang.

7. M So, gaano katagal mo na pong


hinaharap ang mga pagsubok na Panahon ---------
iyong nabanggit?

8. K Actually nung freshmen ako


hahaha pero minsan lang naman
like may mga times na wala
kaming masyadong ginagawa pero
ano kasi hahaha may mga times Maraming Pagkakaroon ng
din na tambak kami sa gagawin gawain maraming gawain
and dun nagastart yung wala ng
tulog and yung mga pagsubok .

9. M Hahaha sige po, so sa tingin niyo


po ano po ang kadalasang dahilan Dahilan ---------
ng mga pagsubok na iyong
hinaharap?

10. K Siguro….. yun nga ano nag- Hindi sapat na Pagkakaroon ng


aadjust palang kaya ganun….. kahandaan hindi sapat na
hindi ka pa kumbaga ready kahandaan

kasi grabe ang pressure lalo na sa


clinical area hehe kasi dun Presyur Pagkakaranas ng
matetest talaga kung ano yung presyur sa pag
natutunan mo. sasanay

11. M Mayroon po bang pagkakataon na


gusto mong lumipat ng ibang Pagkakataon ---------
kurso?

12. K So far, wala naman kasi parang


gusto ko na talaga ipursue yung Pansariling Pagkakaroon ng
nursing na course…. parang wala kagustuhan pansariling
ng bawian wala ng urungan kagustuhan
ganun.

13. M Ah sige po, so sino o ano po ang


inspirasyon niyo upang Inspirasyon
ipagpatuloy ang kursong Bachelor ---------
of Science in Nursing?
45

14. K Hehe uhmm mga magulang ko


kasi para sakanila lang naman Paghihikayat ng Pagkakaranas ng
lahat ng ginagawa ko char hahaha pamilya at suporta mula sa
and sila na rin yung kinukuhanan kaibigan mga kaibigan at
ko ng lakas pag gusto ko na pamilya
sumuko…. atsaka yung mga
kaibigan ko na rin kasi uhmm
kahit nasa similar situation kami
hindi sila nagdadalwang isip na
tulungan ako hahaha.

15. M Hahaha so paano mo po


nasolusyonan ang bawat pagsubok
na iyong kinaharap sa kursong Solusyon ---------
narsing?

16. K Uhmm hinarap ko ng walang


takot…. parang tigasabi ko sa Positibong pag- Pananatiling
sarili ko na kaya ko to iisip postibo sa buhay

and siguro dahil na rin sa suporta


ng family and friends ko…. Paghihikayat ng Pagkakaranas ng
parang nakayanan ko na din. pamilya at suporta mula sa
kaibigan mga kaibigan at
pamilya
17. M Second to the last question uhmm
paano po nakaapekto ang mga
pagsubok na iyong kinaharap sa Epekto ---------
iyong edukasyon?

18. K Sige sige uhhmm hindi ako


nakapagconcentrate sa pag-aaral Pagkawala ng Pagkakaranas ng
konsentrasyon sa paglaho ng
pag-aaral konsentrasyon sa
pag-aaral

atsaka minsan nakakakuha ng mga


mababang marka sa mga exams Mababang Pagkakaroon ng
hehe. marka mababang marka

19. M So last na po ano po ang


maimumungkahi mo sa mga mga Rekomendasyon ---------
mag-aaral na kukuha ng kursong
nursing?
46

20. K Sa mga kukuha ng kursong


nursing uhmm dapat ready sila Sapat na Pagkakaroon ng
kasi hindi biro ang pag-aaral nito kahandaan sapat na kahandaan

and….. sana wag sila agad agad


susuko atsaka uhmm dapat bago Determinasyon Pagkakaroon ng
nila kunin ang kursong ito dapat at Pasensya Determinasyon at
meron silang determination and Pasensya
patience.

Also…. makakatulong din kung Pagtanggap ng


magcoconsult muna sila sa Gabay gabay mula sa
kanilang mga parents para pamilya
magabayan sila hehe yun lang.
47

KALAHOK 4
BLG. TAUHAN MGA SALAYSAY INITIAL CODE MGA TEMA
1. M Kumusta po ba ang pagiging isang
mag-aaral ng narsing? Kalagayan ---------

2. K Kung academics ang


pagbabasehan uhmm mahirap Mahirap na Pagkakaranas ng
kapag pumasok ka sa nursing… asignatura paghihirap sa mga
Mahirap ang subjects, pero asignatura
mababait ang mga tao hahaha
maaasahan ang mga higher years
.
3. M Ano po ang nag-udyok sayo na
piliin ang kursong Bachelor of Dahilan ---------
Science in Nursing?

4. K Uhmm pinili ko ang BS Nursing


dahil gusto kong pumasok sa Pansariling Pagkakaroon ng
College of Medicine….. kagustuhan pansariling
kagustuhan
Alam ko rin na kapag hindi man
ako matuloy sa pag aaral ng Oportunidad Pagkakaroon ng
medisina, maraming oportunidad maraming
na naghihintay saakin sa nursing opurtunidad
field hehe.

5. M Ah okay po, so ano-ano po ang


mga pagsubok na iyong Pagsubok ---------
kinakaharap sa pagiging isang
mag-aaral ng nursing?
6. K Isa sa mga pinakanagpapahirap Maraming Pagkakaroon ng
saakin bilang estudyante ay ang gawain maraming gawain
sandamakmak na requirements
haha
na kailangang ipasa sa loob ng
maikling panahon……. Limitadong oras Pagkakaroon ng
limitadong oras
Uhmm marami rin ang kailangan
imemorize, at hindi ako masyado Marami ang Pagkakaroon ng
magaling doon. aralin maraming aralin
7. M Gaano katagal mo na pong
hinaharap ang mga pagsubok na Panahon ---------
iyong nabanggit?
48

8. K Actually, nagtatagal lamang ito


kapag mayroong mga exams o Mga praktikal na Pagkakaroon ng
practical tests kami, pero pagsusulit mga praktikal na
pagkatapos nun ay pwede na ulit pagsusulit
akong mag relax hahaha.

9. M Ah okay po so sa tingin niyo po


ano ang kadalasang dahilan ng Dahilan ---------
mga pagsubok na iyong
hinaharap?

10. K Uhmm mga exams at


requirements kasi madaming Pagsusulit at Pagkakaroon ng
inaaral hehe…. mga mga pagsusulit at
pangangailangan pangangailangan

kasama na rin ang limitadong oras


ko bilang estudyante. Limitadong oras Pagkakaroon ng
limitadong oras
11. M Sige po uhmm, mayroon po bang
pagkakataon na gusto mong Pagkakataon ---------
lumipat ng ibang kurso?

12. K Oo… uhmm paminsan minsan


naramdaman ko na rin na parang Oportunidad Pagkakaroon ng
gusto kong lumipat ng kurso maraming
hahaha pero kapag iniisip ko ang oportunidad
mga oportunidad sa hinaharap,
pinipili ko paring manatili sa
nursing.

13. M Ah, sino o ano po ang inspirasyon


niyo upang ipagpatuloy ang
kursong Bachelor of Science in Inspirasyon ---------
Nursing?

14. K Ang inspirasyon ko ay uhmm ang


aking pamilya….. kasama na rin Paghihikayat ng Pagkakaranas ng
ang aking mga kaibigan na pamilya at suporta mula sa
nagpupursige para maabot ang kaibigan mga kaibigan at
kanilang mga pangarap sa buhay pamilya
hehe.
49

15. M Uhmm, paano mo po


nasolusyonan ang bawat pagsubok Solusyon ---------
na iyong kinaharap sa kursong
nursing?
16. K Siguro nasosolusyonan ko ang
mga pagsubok na nararanasan ko Gabay Pagtanggap ng
sa nursing sa pamamagitan ng gabay mula sa
ano…. pagkausap ko sa aking pamilya
mga magulang or family
at uhmm paghahanap ng oras
upang humingi ng gabay mula sa Gabay Paghingi ng gabay
itaas. mula sa Panginoon

17. M Paano po nakaapekto ang mga


pagsubok na iyong kinaharap sa Epekto ---------
iyong edukasyon?

18. K Uhmm ano may times na nalalate


akong magpasa ng requirements Mababang marka Pagkakaroon ng
kaya medyo mababa ang grade na mababang marka
nakukuha haha

at minsan nakakadepress na
nakakafrustrate din siya pag Mahirap na Pagkakaranas ng
iniisip ko. asignatura paghihirap sa mga
asignatura
19. M Last question po uhmm, ano po
ang maimumungkahi mo sa mga
mga mag-aaral na kukuha ng Rekomendasyon ---------
kursong narsing?

20. K Ang kursong nursing ay mahirap


hahaha pero kapag determinado Determinasyon Pagkakaroon ng
tayong mag-aral at uhmm kapag at suporta sa determinasyon at
meron tayong mga taong pag-aaral suporta sa pag-
sumusuporta satin parang …… aaral
mapapadali ang ating buhay sa
loob ng kolehiyo. Atsaka ano
uhmm kailangan lamang ng
matinding pag-aaral, pagbabasa,
at pakikinig sa mga propesor,
upang maging maganda ang
bunga ng ating paghihirap yuy
hahaha.

You might also like