You are on page 1of 18

Kalusugang Pangkaisipian at Akademikong Pagganap ng mga Mag-aaral na nasa

unang antas ng Programang Inhinyerong Sibil sa Cebu Technological University –

Main Campus

Cebu Technological University

Isang Pamanahong Papel na Iniharap sa Kaguruan ng Departamento ng Inhinyerong Sibil,

Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan sa Pagbasa at Pagsulat Tungo sa

Pananaliksik

Nina:

Bejona, Carlo P.

Dagohoy, Radnie Vincent O.

Lazarte, Jerryflor B.

Salvador, Trisha G.

Hunyo 2021

i
PASASALAMAT

Ang mga mananaliksik sa pag-aaral ng “Kalusugang Pangkaisipian at Akademikong

Pagganap ng mga Mag-aaral na nasa unang antas ng Programang Inhinyerong Sibil” ay taos-

pusong nagpapasalamat sa mga kinauukulan para sa pagbigay ng kanilang tulong, oras, at

kontribusyon upang matagumpay na makaagawa ang pananaliksik na ito.

Sila ay ang mga sumusunod:

 Sa aming mga magulang, na walang sawang sumuporta at nagbigay ng aming

pangangailangan;

 Kay Dr. Norly Plasencia, ang mahal naming guro, sa mahabang pasensya sa pagtuturo at

konsiderasyon sa paggabay namin upang malinaw na maintindihan ang aming gagawin sa

papel na ito;

 Sa aming mga respondente na nagbigay ng kailnilang oras at ng impormasyon na aming

kinakailangan;

 Sa aming kapwa mag-aaral na nagbahagi ng kaalaman at mga ideya sa aming pag-aaral

 At higit sa lahat sa Poong Maykapal, sa paggabay at pagbibigay ng lakas ng loob at

pangngatawan sa gitna ng pandemya hanggang sa matapos ang pananaliksik na ito.

Sa muli, maraming salamat po.

- Mga Mananaliksik

ii
DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Pagbasa at Pagsulat Tungo

sa Pananaliksik, ang pamanahong-papel na ito na pinamagatang Kalusugang Pangkaisipian

at Akademikong Pagganap ng mga Mag-aaral na nasa unang antas ng Programang

Inhinyerong Sibil ay inihanda at iniharap ng pangkat ng mga mananaliksik mula sa BSCE 2-

D na binubuo nina:

Bejona, Carlo P.

Dagohoy, Radnie Vincent O.

Lazarte, Jerryflor B.

Salvador, Trisha G

Tinanggap sa ngalan ng Departamento ng Inhinyerong Sibil ng Cebu Technological

University, bilang isa sa mga pangangailangan sa Pagsulat at Pagbasa Tungo sa

Pananaliksik.

Dr. Norly Plasencia

Instruktor at Tagapayo

iii
DAHON NG PAGHAHANDOG

Buong puso na inihahandog ng mga mananaliksik ang pag-aaral na ito sa mga

tumulong, gumabay, nagbigay ng inspirasyon, at nagganyak upang mabuo at maging

matagumpay na maisagawa ang pananaliksik na ito.

Sa Poong Maykapal, na Siyang nagpakaloob ng sapat na kaalaman para mabuo at

matapos ang pag-aaral na ito;

Sa aming pamilya, sa walang sawang suporta at pagbigay ng pangangailan;

Kay Dr. Norly Plasencia para sa pagturo at paggabay sa proseso ng pananaliksik na

ito;

Sa aming mga kaklase, na sumusuporta sa pag-aaral ng paksang ito;

At lalong-lalo na ang ating mga sarili sa pagtutulong-tulungan, pagbahagi ng mga

ideya, at pagtiyaga hanggang sa matapos nang matagumpay ang pananaliksik na ito.

iv
TALAAN NG NILALAMAN

PAMAGAT NA PAHINA -------------------------------------------------------------------------- i

DAHON NG PASASALAMAT ------------------------------------------------------------------- ii

DAHON NG PAGPAPATIBAY ------------------------------------------------------------------- iii

DAHON NG PAGHAHANDOG ------------------------------------------------------------------ iv

KABANATA I – ANG SULIRANIN AT ANG KALIGIRAN NITO

RASYONAL --------------------------------------------------------------------------------- 1

BATAYANG TEORETIKAL ------------------------------------------------------------- 2

BATAYANG KONSEPTWAL ----------------------------------------------------------- 3

PAGLALAHAD NG SULIRANIN ------------------------------------------------------- 5

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL --------------------------------------------------- 6

KABANATA II – REBYU NG KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

REBYU NG KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL ------------------- 7

KABANATA III – PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

DESINYO NG PAG-AARAL ---------------------------------------------------------- 9

PARAAN NG PANANALIKSIK ------------------------------------------------------ 9

v
LUGAR NG PANANALIKSIK -------------------------------------------------------- 10

MGA RESPONDANTE ----------------------------------------------------------------- 10

PANGANGALAP NG DATOS -------------------------------------------------------- 10

DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYANG GINAMIT -------------------------- 11

BIBLIOGRAPIYA ------------------------------------------------------------------------------- 12

TALAAN NG PIGURA

1) ESKEMATIKONG DIAGRAM NG BATAYANG TEORETIKAL AT

KONSEPTWAL NG PANANALIKSIK ---------------------------------------- 3

vi
RASYONAL NG PAG-AARAL

Ang kaisipan ng tao ay tumutukoy sa kakayahang umunawa at magbahagi ng mga

impormasyon at pananaw. Ito rin ang naging dahilan sa kabuuang pag-unlad ng sibilisasyon

at teknolihiya ng mga tao dulot ng pag-iisip. Ngunit, gayundin ng katawan ng tao,

naapektohan rin ang kalusugan ng kaisipan pati narin ang mga bagay na inaatupag ng isang

indibidwal. Sa konteksto ng pagiging estudyante, ang pag-iisip ay nagsisilbing

pinakamahalagang iskul suplay ng isang mag-aaral at ang pagpapanatili ng kalusugan nito ay

nagiging hamon narin sapagkat dapat pagsabayin ang katipunuan ng pag-iisip at ang

pagganap ng kanilang akademiks. At sakaling magkaroon man ng pagbaba ng kalusugang

pagkaisipan ay maaring magkaroon ito ng masamang epekto sa mga mag-aaral lalong-lalo na

sa mga estudyante na sasabak pa lamang sa kolehiyo. Ang Kalusugang Pangkaisipian at

Akademikong Pagganap ng mga Mag-aaral na nasa Unang Antas ng Programang

Inhenyerong Sibil (Mental Health and Academic Performance of First-Year Civil

Engineering Students) ay tumutukoy sa iba't-ibang pangkalusugang pangkaisipan na

nararanasan ng mga mag-aaral na nasa unang antas ng programang inhenyerong sibil sa pag-

angkop nila sa bagong kapaligiran at mga bagay na hindi nila nakasanayan, at ang

kauganayan nito sa kanilang akademikong pagganap. Mahalaga ang paksang ito sapagkat

maraming mag-aaral ang nasa unang antas ng kolehiyo ang nahihirapan sa paghalaw sa

bagong kapaligiran kaya naaapektohan ang kanilang kalusugang pangkaisipan at

akademikong pagganap. Matutugunan rin ng paksang ito ang mga sulosyon sa mga epekto sa

kalusugang pangkaisipian ng mga mag-aaral.

1
BATAYANG TEORETIKAL

Ang pananaliksik na ito ay nakakonekta ayon sa teorya ni Rotter sa taong 1966 na

pinamagatang "Locus of Control". Ipinaliwanag ni Rotter (1966) na ang teoryang ito ay

tumutukoy sa mga sanhi na nagpapalagay sa mga tagumpay at pagkabigo ng indibidwal.

Karagdagang kinilala ito sa dalawang uri, "Internal" kung saan mataas ang napapaloob na

"locus" at naniniwala na ang kanilang kagustuhan at pag-uugali ang nakakaimpluwensiya sa

kanilang nakakamit. Habang "External" naman kung ang kapaligiran ang mas nagbibigay

impluwensiya sa pag-uugali pati narin sa mga resulta ng kanilang mga desisyon. Binanggit

din na ang "locus of control" ay direktang may relasyon sa kalusugan ng tao, mapa katawan o

pag-iisip.

2
BATAYANG KONSEPTWAL

Ang "Figure 1" ay nagpapakita na ang lebel ng kalusugang pagganap ng indibidwal

ay kalabasan sa kung saan nababahagi ang kanilang "locus of control" na nakakaapekto sa

akademikong pagganap ng mag-aaral. Bukod dito, kapag ang indibidwal ay may "internal

locus of control", mas maigi nitong maproseso ang mga impormasyon habang ang mga

estudyante na may "external locus of control" ay nagkakaroon ng problema sa pag-aaral

3
(Rotter, 1966). Base sa mga nabanggit na mga kaalaman na ang "locus of control” ay

direktang nakakaapekto sa kaisipan ng tao, mahalaga na malaman kung mayroon ba talagang

kaugnayan ito sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral upang maibsan ang mga

masamang epekto nito.

4
PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Pangkalahatang Suliranin

• Sa anong lebel ng kalusugan nababahagi ang kaisipan ng mga mag-aaral?

- Malala?

- Katamtaman?

- Matipuno?

Mga Tiyak na Suliranin

• Ano ang mga dahilan ng pagkasira o paglala ng kalusugang pangkaisipan ng mga mag-

aaral?

-Maraming Responsibilidad?

-Bagong kapaligiran?

-Problema sa pamilya?

• May kaibahan ba sa kalusugang pangkaisipan ng mga babae sa lalaki?

• Nakakaapekto ba sa pag-aaral ang kalusugang pangkaisipan?

5
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay makakatulong upang mapunan ang kakulangan sa literatura sa

pamamagitan ng pagsusuri sa kaibahan ng klasipikasyon na nakatuon ang pansin sa mga

estudyanteng nasa unang antas ng kolehiyo sa aspeto ng kaisipang pangkalusugan at

akademikong pagganap. Isa ito sa makakatulong upang magkaroon ng kamalayan ang mga

tao tungkol sa mga problemang kalusugang pangkaisipan, at upang magkaroon sila ng

kaalaman tungkol dito dahil hindi ito isang birong karamdaman.

Ang pag-aaral din na ito ay mapapakinabangan ng mga mag aaral na nabibilang sa

saknong ng mga estudyanteng may matinding pagkalungkot, pagkabalisa, at pagkastress na

nagkaroon ng negatibong epekto sa akademikong pagganap. Ito ay mapapakinabangan din ng

mga nasa Kagawaran ng Pangkalusugan at Kagawaran ng Pangedukasyon sa paggawa ng

mga mas epektibong solusyon.

6
REBYU NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang bahagi na ito ay naglalaman ng nga panitikan at pag-aaral tungkol sa iba't-ibang

pananaw at kaalaman pagkatapos ng isang masusi at malalim na pagpili at pagbubuod ng

mga pananaliksik na nauugnay sa kalusugang pangkaisipan at akademikong pagganap.

Ayon kay Wyatt, et. al. (2017), ang pagkalat at kalubhaan ng mga isyu sa kalusugan

ng isip ay lubos na dumarami sa kolehiyo, at ang mga isyu na ito ay nagpapahiwatig ng banta

sa kalusugan at akademikong pagganap ng mag-aaral. Sa pag-aaral na ito, ang mga

estudyante na nasa unang antas ay nagpapakita ng maliit na porsyento sa sintomas ng

pagkabalisa, pangkalungkot at pananakit sa sarili. Sa kabilang dako naman, ang mga datos sa

pag-aaral ni Brandy et. al. (2015) ay kabaliktaran sa unang nabanggit na kung saan ang mga

estudyante na presman pa lamang ay nagpapakita ng mataas na peligro sa pagkakaroon ng

isyu sa pag-iisip.

Pagsasalamin sa tinalakay na paksa sa itaas, ang pananaliksik ni Walt (2019) ay

nagsasabi na dapat isaalang-alang ng mga magsasanay ang pagpapalakas at pagbuo ng mga

interbensyon sa mga emosyon na kritikal ang kalusugan ng kaisipan kagaya ng

pagkalungkot, pagkabalisa at stress. Inihayag rin dito na ang mga nakilahok ay hindi alam

ang kanilang tiyak na layunin sa buhay dulot sa mga sintomas na iniulat batay sa kalusugan

ng isip. Alinsunod dito, ang mga kabataan na naninirahan sa pabagu-bago, hindi sigurado at

kumplikadong kapaligiran ay nagreresulta ng tiyak na hamon sa pagbuo ng indibidwalidad

ng tao, kakayahan na itaguyod ang ugnayan sa kapwa, at paghanap ng layunin sa kanilang

buhay na kung saan mayroong malaking papel na ginampanan ang kalusugan ng pag-iisip ng

mga estudyante (Cote, 2018).

7
Gustong ipahiwatig ng kabuuang deliberasyon na ang mga datos sa iba't-ibang

pananaw at pag-aaral ay nag-iiba kasabay sa natatanging konteksto ng lugar at panahon.

Kung isaalang-alang natin ang walang katulad na pag-uugali ng bawat tao, sigurado na

magkaiba rin ang pananaw na makukuha tungkol sa paksa. Ang direksyon ng papel na ito ay

natutukoy gamit ang mga tinalakay na mga literatura at pag-aaral na kung saan nakakatulong

ito sa pagtuklas sa kaugnayan ng kalusugang pangkaisipan at akademikong pagganap.

8
PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

DESINYO NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay isang "non-experimental" na disenyo ( or - hindi pang-

eksperimento) na gumagamit ng mapaglarawang pagsusuri upang alamin ang relasyon ng

kalusugang pangkaisipan at akademikong pagganap. Ayon kay Cristobal at De la Cerna -

Cristobal (2017), ang mapaglarawang pagsusuri ay disenyo ng pananaliksik na may layon na

mailarawan ng maayos ang katangian ng populasyon. Ginagamit din ito upang matukoy ang

lawak o direksyon ng mga saloobin at pag-uugali ng mga nakikilahok upang makabuo ng

larawan sa mga maaring mangyari. Ang pamaraang ito ay higit na magpapaliwanag sa

kaugnayan ng akademikong pagganap at kalusugang pangkaisipan ng mga mag-aara

PARAAN NG PANANALIKSIK

Sa pag-aaral na ito, ginamit ang palarawang pamamaraan. Naniniwala ang mga

mananaliksik na ang palarawang pamamaraan ang tukmang gamitin para sa pananaliksik na

ito upang malaman ang kasalukuyang kalagayan ng mga mag-aaral na nasa unang antas ng

inhinyerong sibil sa pamamagitan ng talatanungan at masuri ang kabuuang kalusugang

pangkaisipan ng mga mag-aaral.

9
LUGAR NG PANANALIKSIK

Ang pananaliksik na ito ay gaganapin sa Engineering Building ng Cebu

Technological University Main-Campus. Ang paaralang ito ay nasa gilid lamang ng M.J.

Cuenco Avenue, Cebu City.

MGA RESPONDANTE

Ang talatanungan na gagamitin ng mga mananaliksik ay ibabahagi sa mga mag-aaral

sa unang antas nga kolehiyo sa programang inhenyerong sibil sa Cebu Technological

University Main-Campus. Bubuohin ng tatlompu (30) ang respondente. Limang (5) pangkat

ng mga mag-aaral ang nasa unang antas, anim na (6) mag-aaral bawat pangkat ang

pasasagutin sa talatanungan upang makakuha ng sapat na impormasyon na kakailanganin sa

pananaliksik.

PANGANGALAP NG DATOS

Bago nagsimula ang mga mananaliksik, sinigurado munang na mayroong pahintulot

sa mga guro at estudyante kung ayos lang sa kanila na maging parte ng sarbey. Pagkatapos,

pumili ang mga mananaliksik ng limang (5) pangkat ng mga mag-aaral na nasa unang antas

na binubuo ng anim na (6) mag-aaral bawat pangkat. Ipinaliwanag din ng mga mananaliksik

ang layunin ng sinasaliksik at tiniyak ang pagiging kompidensyal ng mga impormasyon na

kanilang isasagot sa sarbey. Pagkatapos ay ipinamahagi ng mga mananaliksik ang mga

talatanungan at habang ang mga respondante ay sumasagot, sinisiyasat sila ng mabuti ng mga

mananaliksik upang siguraduhin ang katotohanan ng kanilang pagsagot.

10
DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYANG GINAMIT

Akademikong Pagganap - tumutukoy sa mga pagganap ng mga mag-aaral sa kanilang

napiling mga programa. Ito ang pagsukat ng mga nagawa ng mga mag-aaral sa iba't ibang

mga asignaturang pang-akademiko at kanilang pag-unlad bilang mag-aaral.

Kalusugang Pangkaisipian - tumutukoy sa kapayapaang nagbibigay-malay, asal, at

kabutohan ng emosyon. Ito ay tungkol sa kung paano nag-iisip, nakikiramdam, at kumikilos

ang mga tao. Minsan ginagamit ng mga tao ang salitang "kalusugan pangkaisipan" bilang

kawalan ng isang sakit sa pag-iisip.

Locus of control - tumutukoy sa lawak ng pakiramdam ng mga tao na mayroon silang kontrol

sa mga pangyayaring nakakaimpluwensya sa kanilang buhay.

11
BIBLIOGRAPIYA

Brandy, J.M., Penckofer, S., Solari-Twadell, P. A., & Velsor-Friedrich, B. (2015). Factors

predictive of depression in first-year college students. Journal of Psychosocial

Nursing and Mental Health Services, 53(2), 38-44. Retrieved from

https://doi.org/10.3928/02793695-20150126-03

Cote, J.E. (2018). The enduring usefulness of Erikson's concept of the identity crisis in the

21st century: An analysis of student's mental health concerns. Identity, 18(4), 251-263.

Retrieved from https://doi.org/10.1080/15283488.2018.1524328

Rotter, J.B. (1966). Generalized expectancies for internal versus external control of

reinforcement. Psychological Monographs, 80: 1-28. Retrieved from

https://sites.google.com/site/motivationataglanceischool/I-theories/locus-of-

control?authuser=0

Van der Walt, C. (2019). The relationship between first-year student's sense of purpose and

meaning in life, mental health and academic performance. Journal of Student Affairs

in Africa, 7(2), 109-121. DOI: 10.24085/jsaa.v7i2.3828

Wyatt, T.J., Oswalt, S.B., & Ochoa, Y. (2017). Mental health and academic performance of

first-year college students. International Journal of Higher Education, 6(3). DOI:

10.5430/ijhe.v6n3p178

Cristobal, A.P., and De ka Cruz-Cristobal, M.C. (2017). Practical Research 2: For senior high

school. Quezon City: C&E Publishing, Inc.

12

You might also like