You are on page 1of 4

ANG RELASYON NG NUTRISYUNAL NA ESTADO SA PANG-AKADEMIKONG

GAWAIN NG MGA MAG-AARAL SA BAITANG 11-CREATIVE


NG HOLY ROSARY ACADEMY OF LAS PIÑAS CITY

Isang sulating pananaliksik na


Inihaharap sa
Holy Rosary Academy of Las Piñas City

Bilang Bahagi ng Pagtugon sa pangangailangan sa


Pag-suri ng iba’t ibang teksto
(pagbasa at pagsusuri ng iba’t ibang teksto
Tungo sa pananaliksik)

HARLENE N. CARDEÑO
CHRISTIAN C. IMAN
JOHN KURT VIÑAS

Ipinasa kay:
Bb. Judith D. Ditan
KABANATA 1
Kaligiran ng Pag-aaral

Introduksyon

Ang kabanatang ito “ANG PAG AAARAL NG ANG RELASYON NG


NUTRISYUNAL NA ESTADO SA PANG-AKADEMIKONG GAWAIN NG MGA MAG-
AARAL SA BAITANG 11-CREATIVE NG HOLY ROSARY ACADEMY OF LAS PIÑAS
CITY” ay binubuo ng mga bahagi : (1) panimula, (2) Paglalahad ng Suliranin, (3) Batayang
Teoritikal, (4) Konseptwal na Balangkas, (5) Paradima ng Pag-aaral, (6) Kahalagahan ng Pag-
aaral, (7) Lawak at Limitasyon, (8) Katuturan ng mga Termino.

Panimula

Ang pagkakaroon ng maganda at angkop ma nutrisyon ay mahalaga sa bawat indibidwal.

Mas mataas ang pag-unlad ng mga mag-aaral sa pang-akademikong mga gawin kapag sapat ang

Naibibigay na pangangailang nutrisyunal, at mas matatag ang kanilang emosyunal na kalusugan


ayon sa artikulo ng Child Development Institute (2010).

Malaki ang posibilidad na makaiwas sa sakit ang taong may angkop na nutrisyon ayon kay
Dr.Robert Avery (2009). Ayon sa kanya, ang katawan ay talagang nakakamangha, magkasakit
man daw ang isang tao, kaya nitong pagalingin ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagbibigay
sa katawan ng tamang nutrisyon. Ang mga bagay na nagdudulot ng sakit tulad ng mababang
immune system, pagkakaroon ng “bad genes”, inflammation at iba pa ay maaring baguhin ng
masusustansyang pagkain at magbigay ng positibong epekto sa pangangatawan, kaya naman
talagang mahalaga ang pagkain ng gulay.
Paglalahad ng Suliranin

Ang bawat pag-aaral ay nagkakaroon ng paglalahad ng suliranin. Ito ay ginagawa upang


bigyang kasagutan ang pananaliksik ng gagagwin. Ito rin ang masisilbing gabay upang makamit
natin ang mga dapat nating malaman sa ating pag-aaral.

Ang pinakasuliranin ng pananaliksik ba ito ay nakapokus sa pag-alam ng relasyon ng


nutrisyonal na estado at pang-akademikong Gawain ng mga magaaral sa Baitang 11-Creative ng
Holy Rosary Academy of Las Piñas City. Nais ng pananaliksik na ito ay mabigyang kasagutan
ang mga sumusunod na mga katanungan:

1. Ano ang nutrisyunal na estado ng mga mag-aaral sa baiting 11-Creative, senyor hayskul
ng paaralang Holy Rosary Academy of Las Piñas City sa aspeto ng:
1.1 timbang
1.2 taas
2. Ano ang mga akademikong kalagayan ng mga mag-aaral sa Baitang 11-Creative, senyor
hayskul ng paaralang Holy Rosary Academy of Las Piñas City?
3. Ano ang relasyon ng nutrisyunal na estado sa pang-akademikong Gawain ng mga mag-
aaral sa Baitang 11-Creative ng Paaralang Holy Rosary Academy of Las Piñas City?
4. Ano ang kahalagahan ng tamang pagkain sa nutrisyunal na estado ng mga mag-aaral?

Pagpapalagay

1. Ang mga estudyanteng walang sapat na nutrisyon ay maaring magkaroon ng mababang


akademikonng lebel.
2. Hindi nabibigyang pansin ang mga estudyanteng sobra sa timbang na maaring makaapekto
sa kanilang kalusugan.
3. Mataas ang tiyansang magkaroon ng sakit ang mga estudyanteng walang sapat na
nutrisyon.
4. Mahirap para sa mga estudyanteng na maipasa ang kanyang asignatura kung may
pangkalusugang problema.
Batayang Teoritikal

Ang mga mananaliksik ay napagsikapang alamin ang relasyon ng nutrisyunal na estado sa


pang-akademikong Gawain. Nakalap ang sapat na impormasyon at datos ukol sa pag-aaral sa
pamamarang deskribtib. Ayon kay Tiwari na may akda ng Methods of Research ang Statistical
Techniques, ang pamamaraang deskribtib ay metodolohiya na ginagamit upang malaman ang
relasyon ng dalawang variable tulad na lamang sa relasyon ng nutrisyunal na estado at pang-
akademikong Gawain.

Gumagamit naman ang mga mananaliksik ng Pearson Product Moment Coefficient


Correlation upang makipakita kung may relasyon ang dalawang aspeto na ipinagkukumpara, ang
nutrisyunal na estado at pang-akademikong Gawain base sa Parametric Statistics with Computer
Aided Solution (Broto, 2008)

You might also like