You are on page 1of 1

Bionote ni Agustin Dela Flore

Isang simple nurse ngunit nakatuon sa kanyang trabaho, si Agustin Dela Flore ay ipinanganak
noong ika-10 ng Mayo, 1989 sa Daan Bantayan, Cebu. Nakapagtapos sa kursong Bachelor of Sciece in
Nursing noong 2005. Nagsimua siyang magtrabaho bilang isang ganap na nurse sa Hi-Precission
Diagnostics sa Cebu City sa loob ng limang taon.

Dahil sa kahirapan at mababang katayuan sa buhay ng kanyang mga magulang, pinagsikapan ni


Agustin na maging iskolar sa Unibersidad na kanayang pinasukan habang may part-time job sa gabi
upang makadagdag sa pantustos sa kanyang pag-aaral. Sa ganitong paraan, nabawasan ang gastusin ng
kanyang mga magulang sa pang-matrikula. Ito rin ang nagbigay sa kanya ng pagnanais na makapagtapos
sa kolehiyo, upang makatulong sa pamilya at lipunan.

Pangarap na rin ni Agustin ang makapaglingkod at maka-ambag sa larangan ng medisina dahil sa


nais na mapahusay at mapabuti ang pang-agham na pangangailan ng mga mamamayan ng Pilipinas,
lalong-lalo na sa mga bata. Malapit sa mga bata si Agustin kaya napagpasyahan niyang ipagpatuloy ang
kanyang natutunan upang maging pedyatrisyan sa hinaharap at makapaghandog ng mas murang
serbisyo para sa mga kapos sa buhay.

Pinagpatuloy rin ni Agustin ang pag-aaral para sa kanyang medical degree upang maging
pedyatrisyan habang kasalukuyang nagtatrabaho sa Perpetual Succour Hospital sa Cebu, patuloy na
ginagampanan nang maagi ang kanyang trabaho bilang isang nurse at kinakamit ang tagumpay para sa
lahat.

You might also like