You are on page 1of 3

Schools Division Office

City of Mandaluyong
MANDALUYONG HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL

KONSEPTONG PAPEL
Ang Epekto ng Edukasyon sa Panahon Ngayon

Ipinasa ni:
Ranzeil T. Noa
11 HE-A

Ipinasa kay:
Ms. Karen Ignacio

Agosto 13, 2021

I. Panimula
Itong taon nang 2019 ay ang panahon na napaka dami ng masamang nangyari.
Sinalubong natin ang taon na ito ng kaliwa at kanang trahedya mga halimbawa nito
pagputok ng mga bulkan gaya na lamang ng bulkang mayon at bulkang taal, higit pa
diyan nakaranas tayo ng malakas at matinding bagyo na halos ilubog ang ating bayan
at ang pinakamahirap ay nagkaroon na ng pandemya na kumalat sa buong mundo na
halos kumitil ng milyon milyong katao, lubos na nahihirapan maraming tao,
maraming tao ang nawalan ng trabaho, at maraming mag aaral ang mito sa pag-aaral,
bumagsak din ang ekonomiya ng ating bansa. Kaya’t nag-iisip ang gobyerno upang
ipagpatuloy pa rin ng mga mag-aaral ang kanilang pag-aaral at ito ay tinatawag na
"online distance learning” sa paraang ito maisasagawa ng mga guro ang mga lesson
na dapat ginagawa sa paaralan ngunit nahihirapan din ang mga guro at mga
estudyante makisabay sa ganitong proseso. Dahil karamihan sa mga estudyante ay
walang gadget at internet na isa sa mga kailangan upang makapag online learning
kain na lamang ng "google meet" at google classroom ginagamit nila ito upang
makasabay ngayon at matapos ang kanilang pag-aaral.

II. Kaligirang Kasaysayan

Isang malaking isyu sa gitna ng coronavirus pandemic ang mga problemang


umusbong tungkol sa kinakaharap ng mga mag-aaral sa gitna ng pandemyang ito.

Iba't iba ang paraan ng mga eskwelahan at ahensya ng gobyerno sa pagsagot sa


sitwasyon. May mga eskwelahang nagsuspende ng klase, lumipat online, at may iba
namang tinapos ang school year.

Sa paparating na pasukan ngayong Agosto, ang mga estudyante at magulang ay


naghahanda sa mga posibleng maging problemang papasanin nila habang hindi pa
natatapos ang coronavirus pandemic.

Sa podcast na ito, pag-uusapan nina Rappler education reporter Bonz


Magsambol at researcher-writer Jodesz Gavilan ang mga lumabas na problema nitong
mga nakaraang buwan pagdating sa edukasyon at kung ano ang mga hakbang na
gagawin ng Department of Education at Commission on Higher Education.
Ang desisyon ng DepEd ukol sa guidelines sa paparating na pasukan ay base sa
isang survey. Ngunit ayon kay Magsambol: "Ang concern ko sa survey na ito, sino ba
ang makaka-access ng surveys na ito na ginawa nila online? Iyong mga may internet
access din. Paano natin mabibigyan ng boses iyong mga walang access sa internet?
Paano sila makakapag-participate doon di ba?".

Isang tinitingnang paraan ay ang paghalo ng online classes at pisikal na


diskusyon sa loob ng isang silid-aralan. Ngunit habang ang banta ng coronavirus ay
malaki pa, makatitiyak na malaki ang papel ng internet sa unang buwan ng
panibagong school year.
III. Konklusyon

Sa kabila ng hamon ngayon ang mga magaaral ay maaring umangkop sa mga


bagong pamamaraan sa pagaaral sa buong kolehiyo at ang bawat mambabasa at
mananaliksik ay may mahalagang makukuhang aral na anoman ang pagsubok na
dumating hinding hindi tayo susuko para saating pangarap.

You might also like