You are on page 1of 4

PAGBATI

- Magandang Umaga sainyo, ang pangkat tatlo ay naghanda sa araw na ito upang mapakinggan at
maunawaan ninyo ng mabuti ang aming pag-aaral. Inaasahan naming ang inyong oras, atensyon,
pakikinig at mata habang kami ay naglalahad ng mga impormasyon ukol sa aming paksa. Ako
nga pala ang lider ng pangkat tatlo kasama ang aking kapwa mananaliksik na sina:

Tatel
Almario Torres
Barrosa Arellano
Belarde Galleso
Brito Martin
Dizon Mondragon
Mores Valdes
Quiñopa Valeriano
Villaluna
Yasol
PAGSISIMULA (INTRODUCTION)

Ang aming paksa ay pinamagatang Relihiyon at Ateismo: Paano nakakaapekto ang mga paniniwala sa
relihiyon sa panlipunang pag-uugali ng mga mag-aaral sa ika labing isa ng HUMSS sa Unibersidad ng
Arellano, Juan Sumulong Campus. Ang tatalakayin namin para sa araw na ito ay Kabanata 1, Ang
suliranin at kaligiran nito, dito ay mabibigyang linaw kung bakit naming napili ang paksang ito,
matatalakay rin ang layunin sa napiling paksa. Pangalawa ay ang Kabanata 2, dito naman aming
tatalakayin ang Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura, sa bahaging ito ditto nakapaloob ang ibang pag-
aaral na susuporta sa aming paksa. Ang mga literaturang aming nakalap ay hindi lamang tumutukoy sa
naisagawang pag-aaral, ngunit ito rin ay nagdaragdag ng isang impormasyon. Panghuli ay ang
metodolohiya, sa bahaging ito ay tumutukoy sa pamamaraan na gagamitin o ginamit ng mananaliksik
upang maisagawang mabuti at maayos ang pag-aaral. (ABAD)

KABANATA 1 – RASYONAL, PANIMULA O KALIGIRAN NG PAG-AARAL

1st paragraph QUIÑOPA

Ayon sa pag-aaral ni Baranzy noong 2012 sa bawat relihiyon mayroong pag-ibig, ngunit ang pag-ibig ay
walang relihiyon. Sa pananaliksik na ito ay ating binibigyang kahulugan ang relihiyon, ang relihiyon sa
kaalaman ng lahat ay isang banal na paniniwala na mayroon ang iba, at wala ang iba. Ito ay isang uri ng
pagsamba ng mga tao na may kinikilalang Diyos na makapangyarihan sa lahat. Base sa pag-aaral, ang
Kristiyanismo ang may pinakamalaking relihiyon sa ating bansa. Sa kabilang banda, ang ateismo ay ang
hindi paniniwala na mayroong Diyos o kahit anong banal na makapangyarihan. Ang mga tao na kabilang
sa ateismo ay naninindigang hindi totoo ang kung ano mang pinaniniwalaan ng mayroong mga relihiyon.
Kanilang itinatangging may mas nakatataas sa ating lahat at pinipiling hindi sumamba sa kahit na ano
mang Diyos.
2nd paragraph BRITO

Ang relihiyon ay isang hanay ng mga ideyang masigasig na pinanghahawakan ng isang grupo ng mga tao
na maaaring maobserbahan sa kanilang pananaw sa mundo, inaasahang mga paniniwala, at mga aksyon.
Ayon sa iba’t ibang sekta ng relihiyon, ang mga paniniwalang ito ay madalas na nauugnay sa mga likas na
nilalang tulad ng Diyos, ilang mga diyos o espiritu. Ang ateismo ay pinaniniwalaang hindi nakatutulong
pagdating sa kahirapan ng buhay ng isang tao, ang kanila ring pamumuhay ay nagkakaroon ng kalituhan
para sa mga indibidwal.

3rd paragraph ALMARIO

Ang relihiyon ay mayroong malawak na kaalaman na maaaring makaapekto sa bawat tao, ngunit hindi
nangangahulugan nito na dapat tayong magbuklod buklod nang dahil sa iba ang paniniwala ng isa sa isa.
Nakakaapekto ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng iba’t ibang pananaw hinggil sa isang bagay, at sa
kabila nito ay maaari pa ring magkaisa ang bawat tao. Nagkakaiba lang sila sa kanilang tradisyon o
paniniwala ngunit parehas namang may sariling paninindigan.

4th paragraph VILLALUNA

Sa pag-aaral na ito, isinagawa ng mananaliksik ang pag-aaral na ito upang matukoy ang mga pagsubok
at epekto ng pagkakaiba ng pananampalataya sa panlipunang pag-uugali ng isang indibidwal. Ang
pananaliksik na ito ay naglalayong suriin ang mga diskarte, interbensyon, o solusyon ng lipunan na
humaharap sa paghatol at pagpuna patungkol sa kanilang pananampalataya.

PAGPAPAHAYAG NG SULIRANIN

1. Ano ang papel na ginagampanan ng relihiyon sa buhay ng mga tao? YASOL


- Iba iba ang papel na ginagampanan ng relihiyon sa buhay ng mga tao isa na dito ang paggawa
ng mga sariling desisyon at pamantayan sa buhay.

2. Paano nakakaka apekto sa iba ang mga paniniwala sa relihiyon? TORRES


- Nakaka apekto ang paniniwala sa relihiyon sa iba sa pamamagitan ng dahil sa mga utos ng Dios
na mayroon sa relihiyon naiimpluwensyahan na din ang pag-uugali ng mga ateismo isa na dito ang
huwag kang papatay ito ay utos na mayroon sa relihiyon nakasanayan na din ng mga ateismo ang utos
na ito na naka impluwensya sa kanilang sariling pag-uugali.

3. Ano ang ugali ng mga tao sa theist at non-theist? GALLESO


- Hindi nagkakaiba ang ugali ng mga tao sa theist sa mga may relihiyon ang pinagkakaiba lamang
ay ang paniniwala dahil sa iba iba ang paniniwala ng mga tao nagiging iba na din ang ating pag-iisip sa
lipunan.
LAYUNIN AT KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

- Sa mga mag-aaral, isinagawang pag-aaral ay mag bebenefit sa mga mag-aaral dahil mas lalawak
ang kanilang pang-unawa sa mga ganitong usapin. Maaaring sa susunod na henerasyon ito na ay
malinaw para sa kanila. Hindi na mag iiba ang tingin nila sa ganitong paksa. MARTIN

- Sa mga tagapagturo, mas mararamdaman ng ating guro na ang paksang ito ay malawak at puno
ng impormasyon na kaysayang tuklasin at pag-aralan. MONDRAGON

- Sa mga susunod na mananaliksik, ang pag-aaral na ito ay maaaring magbigay ng posible at


kaugnay na impormasyon para sa ilang konektadong pag-aaral na isasagawa ng mga susunod na
mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing sanggunian at gabay upang higit na
mapaunlad ang pananaliksik na may kaugnayan sa mga baryabol na ginamit. VALERIANO

TEORETIKAL NA GABAY DIZON

- Ang aming teorya ay ang teorya ni John B Watson na behavioral theory o teorya ng pag-uugali.
Base dito ang pag-uugali ay natututunan sa pamamagitan ng kung ano ang nagaganap sa
interaksyon o pakikipag-ugnayan natin sa kapaligiran. Sa pamamagitan ng teorya na ito
mauunawaan natin ang ating pag-uugali ay naka base sa kung ano ang nakapaligid sa atin.

KABANATA 3

DISENYO NG PANANALIKSIK TATEL

Para sa aming disenyo aming ginamit ang phenomenological research design. Sa pamamagitan nito
malalaman at matutuklasan ng aming pangkat ang mga karanasan at pinagdaanan sa buhay ng mga
aming respondante. Gaya ng sinabi ni Bliss (2009), ang phenomenological research ay isang malalim na
pagsisiyasat kung ano ang kahulugan ng mga karanasan sa mga tao. Ito ay may kaugnayan sa
pagtutuklas ng pang-araw araw na karanasan ng isang tao. Ang phenomenological research ay
nangangailangan ng isang researcher na tumuon sa mga karanasan ng mga tao sa isang phenomenon
upang makakuha ng mga kumpletong detalye na nagbibigay ng batayan para sa reflective structural
analysis na sa huli ay nagpapakita ng kakanyahan ng karanasan.

Populasyon VALDES

Ang mga respondante ng aming paksa ay ang mga mag-aaral sa HUMSS grade 11, ang kabuuang bilang
ng aming respondante ay 10. Ang mga napili naming ay maaaring may relihiyon at maaaring ateista. ‘
INSTRUMENTO BELARDE

- Ang gamit ng mga mananaliksik ay interbiyu, kami ay magsasagawa ng online interbiyu dahil
kami ay hindi pa rin pinapahintulutan sa limited face 2 face classes. Isinagawa naming ang
pagiinterbiyu sa pamamagitan ng messenger via chat, sila ay binigyan naming ng katanungan na
makakaya nilang mabigyan ng kasagutan at linaw.

You might also like