You are on page 1of 2

Quiz 1 Jacinto, Michael Jude O.

1. Magbigay ng tatlong salita na magbibigay kahulugan sa salitang DISKURSO. (3pts)


 Komunikasyon
 Paglalahad
 Pagsalita at Pagsulat

2. Sa teoryang Pragmatik hindi lamang kaalaman sa gramatika ang dapat pagtuunan kundi ang tinatawag na
social setting. Magbigay ng isang halimabawa sa paraang diyalogo. (4pts)
 Alberto: Kamusta Marta, kumusta ka?
Marta: Napakahusay! Kumusta ka?
Alberto: Lahat mabuti. Matagal na kitang hindi nakita.
Marta: Totoo, naglalakbay ako, nakilala ko ang maraming mga bansa sa Asya nitong nakaraang
taon.
Alberto: Parang nakakainteres iyon! Nagbalik ka ba ng mga alaala?
Marta: Oo, nagdala ako ng isang pangunahing singsing mula sa bawat bansa na aking binisita.

3. Sa teoryang ito pinaniniwalaang “in saying something, we do something”, anong teorya ang tinutukoy?
(3pts)
 Teorya ng Akto ng Pahayag (Speech Act Theory) kung saan ang mga akto ng pagsasalita ay
tumutukoy sa kung ano aksyon or reaksyon ng tagapakinig sa mga sinasabi sa kanya. Sa teorya ring
ito pananiniwalaang ang yunit ng komunikasyong linggwistik ay hindi ang simbolo, salita o ang
pangungusap mismo kundi ang produksyon o paglikha ng mga simbolo, salita o pangungusap.

4. Ano ang mga elemento ng kultura? (5pts)


 Paniniwala
 Tumutukoy ito sa mga kahulugan at paliwanag tungkol sa pinaniniwalaan at tinatanggap
na totoo.
 Maituturing itong batayan ng pagpapahalaga ng isang grupo o lipunan sa kabuuan.
 Pagpapahalaga
 Ito ay hindi maaring maihiwalay sa paniniwala ng isang lipunan.
 Ito rin ay tinuturing na batayan ng isang grupo o ng lipunan sa kabuuan kung ano ang
katanggap-tanggap at kung ano ang mali. Batayan ito kung ano ang tama at mali,
maganda at kung ano ang nararapat at hindi nararapat.
 Norms
 Tumutukoy ito sa mga asal, kilos o gawi na binubuo at nagsisilbing pamantayan sa isang
lipunan.
 Ito ay nagsisilbing batayan ng mga ugali, aksyon, at pakikitungo ng isang indibidwal sa
lipunang kanyang kinabibiligan.
 Simbolo
 Ang Paglalapat ng kahulugan sa isang bagay ng mga taong gumagamit ditto.
 Kung walang simbolo walang magaganap na komunikasyon at hindi rin maging possible
ang interaksyon ng mga tao sa lipunan.

5. Mula sa iyong sagot na elemento, pumili ng isa at ipaliwanag ang papel sa isang kultura.(5pts)
 Paniniwala, ang Pilipinas ay sagana sa napakaraming paniniwala at tradisyon. Kadalasang ang mga
paniniwala at tradisyon ay makikita sa ilang mahahalagang yugto ng buhay ng isang tao gaya ng
sa: kapanganakan, kasal, at kamatayan. Ang paniniwala ay ang mga katuruan na itinuturing na
katotohanan na siyang nagiging giya para sa buhay. Maaaring tumukoy din ito sa prinsipyo o
kaalaman sa buhay. Ang tradisyon naman ay tumutukoy sa mga ritwal at mga gawa may kinalaman
sa isang pitak ng buhay.
Quiz 1 Jacinto, Michael Jude O.

Mga halimbawa:

Paniniwala
1. Kapag may patay ang mga Pilipino ay hindi pinapalinis ng bahay hanggang hindi pa naiihatid sa
libingan ang namatay
2. Kapag kumakain at puno ang bibig bawal magsalita dahil sa matatanda itoay pagpapakita ng
walang respeto sa hapag kainan at pagka walang modo
3. Isa sa pinakakalat ay ang paniniwala sa mga nilalang na tanging kakaunti lamang ang nakakakita
nito at ito ay hindi nakikita ng ordinaryong tao
4. Ang pagbibigay-galang sa mga taong namatay sapagkat ang paniniwalang ito ay may malaking
iniambag sa sinaunang panahon kaya ito ay hindi pa rin kinakalimutan
5. Ang pagbibigay-galang sa mga nakakatanda

Tradisyon
1. Ang pagbibigay alay sa mga sinasambang dyos-dyosan
2. Ang laganap na pyesta bilang pagbibigay pasalmat
3. Ang pag aayuno sa mga namatayan
4. Ang pagsamba sa dyos dyosan
5. Kapag titipon tipon bilang pasasalamat sa mga biyayang nakamit

You might also like