You are on page 1of 7

Kabanata 1:

Ang Suliranin

Kaligiran ng Pagaaral

Ang pamahiin ay likas na sa pamumuhay ng isang tao. Ito ay


siyang naging basehan kung paano kikilos o iikot ang kaniyang
buhay. Ang mga taong naniniwala ay parati itong sinusunod at
pinapahalagahan. Ito ay sapagkat naging parte na ng kanilang
kultura at pamumuhay.

Ito ay sinasabing nagsimula noong panahon ng Wala pang


masyadong alam Ang mga tao sa mga bagay bagay. Dulot nito,
maraming kuwento Ang ginawa ng mga sinaunang tao upang maibsan
Ang kanilang pagkukulang na maunawaan Ang ibang bagay.

Ang pamahiin ay isang paniniwala na nakasanayan na nang


bawat tao sa Mundo. Ito ay sinasabing nakapagdadala ng suwerte o
kasawian sa ating buhay. Ito rin ay isang kaugalian na namana
natin sa ating mga ninunu.

Ayon Kay Lorenzo (2005), pinaniniwalaang Ang mga pamahiin


ang kalasag ng mga ninunu upang labanan Ang puwersa ng kalikasan
sa anumang hindi mabuting pangyayari sa kanilang pang-araw-araw
na pamumuhay.

Batay Naman sa sinabi ni Eros Atalia, ang wika ay isang


dahilan ng pagkakabuo ng mga pamahiin. Ani niya “ isang tungkulin
ng wika ang maipaliwanag Ang realidad”. Sa madaling
sabi ,hinuhubog ng wika ang kamalayan at kaugnayan sa daigdig.

Hinggil sa diksyunaryong Merriam Webster 1828, ito ay Isang


paniniwala o kasanayan na nagreresulta Mula sa kamangmangan ,
takot sa hindi alam, tiwala sa sa mahika o pagkakataon o isang
maling kuro-kuro ng pagsasagawa.
Ani Naman ni Norman Fairclough, Isang social practice Ang
wika. Ito ay sapagkat kaugnay ng pagsasabuhay ng pamahiin Ang
pagsasabuhay din ng wika. May nakataling konsepto sa wika tulad
ng usapin sa pamahiin, gaya nalamang ng pamahiing Oro, Plata,
Mata na nangangahulugang ginto, pilak, at kamalayan.

Bawat bansa ay mayroong iba’t ibang pamahiin sa bawat


okasyon na dumadaan sa kanilang buhay . Halimbawa na lamang nito
ay Ang bansang India kung saan pinaniniwalaang susuwertehin ka
kapag nalaglag Ang butiki sa iyong ulo. Isa pa rito ay Ang
bansang Thailand, kung saan hindi nila pinagtatapat Ang front
door at back door sapagkat hindi raw yayaman Ang mga nakatira
rito dahil pagpasok palang ng Pera ay tuloy – tuloy na lalabas
Ito sa back door . Maraming bansa pa katulad ng China, Ukraine,at
iba pa Ang may kanikanilang pamahiin sapagkat ito Ang sumisimbolo
sa kanilang kultura at tradisyon.

Sa bawat lugar may iba’t ibang pamahiin na pinaniniwalaan.


Ang paniniwala sa pamahiin ay lumikha ng malaking epekto sa
pisikal, mental, sosyal, emosyonal, at higit sa lahat sa
ispirituwal na aspeto ng pagkatao ng bawat tao. Ito Ang
nagsisilbing pundasyon ng istraktura ng mga tradisyon at
paniniwala ng mga Pilipino. Sa pisikal Naman na aspeto, ito ay
Ang pagsunod sa pamahiin at paglilimita sa mga aksyon o gawain
ng mga tao.

Ang mga Pilipino ay relihiyoso at Ang ilan ay paniwalain sa


mga pamahiin. Ang mga tinatawag na pamahiin ay walang lohikal na
dahilan, ngunit sa likod nito naniniwala parin Ang mga tao sa mga
bagay bagay at nagmamasid ng iba’t ibang tradisyonal na
nakasanayan. Mayroong iba’t ibang mga aspeto ng paniniwala batay
sa pamahiin ng isang lugar na kung saan binibigyan ito ng halaga.
Karamihan sa mga Pilipino ay naniniwala sa mga pamahiin.
Pagdating sa aspetong ito, palaging nating sinusunod at
pinahahalagahan Ang mga ito. SangAyon sa mga nakatatanda, Ang
hindi raw sumunod sa mga pamahiin ay maaaring makaranas ng
kamalasan sa kanilang pamumuhay. Ang pamahiin ay namana sa mga
kanunununuan nating mga pilipino. Sinasabing Bago pa man tayo
sakupin ng mga kastila , ay mayroon nang mga pinaniniwalaang
pamahiin at sinusunod.

Ang pamahiin ay isang haka-haka na pinaniniwalaan ng


nakararami. Isang halimbawa nito ay Ang pamahiin sa itim na pusa.
Kung saan , pinaniniwalaang kapag nakakita ka ng itim na pusa ay
mamalasin Ang buong Araw mo. Sinasabing mayroon itong kaakibat na
sumpa na maaaring makadisgrasiya sa iyong buhay.

Naging parte na ng kultura ng bawat mamamayan Ang pamahiin.


Sa kabila ng pag-usad ng panahon Ngayon, Hindi makakaila na ang
pamahiin ay nananatili parin sa ating mga Pilipino.

Ayon Kay Altez(2008), propesor ng pilosopiya sa faculty of


arts and letters, na Ang ilan sa mga pamahiin ay naging bahagi na
nang mga kristyanong gawi.” May mga bagay sa labas ng ating
paniniwala na Hindi natinmatatanggal. Marahil nauna pa ito sa
pagdating ng relihiyong kristiyanismo”,paliwanag niya.

Hinggil Naman Kay Dr. Lily R. Torres, Ang paniniwala ng mga


Pilipino sa mga pamahiin ay maaaring maghanap sa mga kaugalian ng
mga katutubo na pagiging animistik, Ang paniniwala sa mga Hindi
nakikitang nilalang at pagsamba sa mga ito. Sapamamagitan ng
pagsamba sa mga hindi nakikitang nilalang tulad ng mga enkanto at
duwende ay nagkakaroon ng mga paniniwala.

Ang patuloy na paggamit ng mga pamahiin ay nagdudulot ng mga


maling paniniwala patungkol sa mga bagay bagay. Ito rin ay
naglalarawan sa Isang tradisyon na naging dahilan sa pagpapatuloy
nito. Bukod dito, Ang paggamit at pag-aaral sa mga pamahiin ay
nakakubli na sa diwa at pagkatao ng Isang tao.

Maraming pamahiin Ang iniwan ng mga ninunu na hanggang


Ngayon ay patuloy paring ginagamit at pinapahalagahan ng mga
Pilipino. Ito ay isang opinyon na dumaraos sa maling konsepto o
depinisyon na nagiging batayan ng mga tao sa pagkilala sa mga
nangyayari sa mundo at sa pagtugon sa buhay.

Sa henerasyon Ngayon, masasabing malaki na ang impluwensiya


ng pamahiin sa pang-araw-araw na pamumuhay at sa lipunan. Ika nga
ng iba, walang masama kung susundin mo ito o di kaya’y pagyamanin
nati ito o babalewalaen. Ang mahalaga ay maipakita natin Ang
respeto sa gagawing desisyon ng ibang tao upang hindi tayo
makasakit ng iba.

Malaki na Ang naging epekto ng kultura ng mga dayuhan sa


pamumuhay at paniniwala ng mga mamamayang Pilipino, may iilan
paring mga pamahiin Ang sinusunod at ginagawa ng nakararami.
Walang kasiguraduhan Ang bawat Isa na naniniwala sa mga pamahiin
na ito ay makatutulong ba sa isang tao o hindi.

Batay sa naging obserbasyon ng mga mananaliksik, mayroong


mga pamahiin na sinusunod ang mga mamamayan ng Barangay Bogña.
Ito ay maaaring patungkol sa kasal,bagong panganak /buntis,
binyag ,at iba pa. Sa pagsunod sa mga pamahiin ay maaaring
maapektuhan Ang kanilang pamumuhay, paguugali at iba pa. Masasabi
na may malaking epekto Ang mga pamahiin kapag nalililimitahan
nito ang mga kilos na gagawin. Subalit kailangan tandaan na Ang
buhay ng mga tao ay hindi dapat nakasalalay sa anumang pamahiin.

Layunin ng pananaliksik na ito ay tumatalakay sa mga


pamahiin na pinaniniwalaan ng mga tao sa Barangay Bogña na
kailangang sunduin. Nais ng napapanahong papel na ito kung
makatutulong ba sa mga kabataan Ang mga pamahiin na ito. Nais ng
mga mananaliksik na ilahad Ang lahat ng kaalaman sa napiling
paksa. Layunin din ng pananaliksik na ito na mabigyang linaw Ang
mga katanungan kung ano ang epekto nito sa kanilang pang-araw-
araw na pamumuhay.

Paglalahad ng Suliranin

Titiyakin ng pagaaral na ito na masasagot Ang mga sumusunod


na katanungan upang Malaman Ang mga pamahiin ng mamamayan ng
barangay Bogña:

1. Ano ano ang pamahiin ng mamamayan ng barangay Bogña?


a. Kasal
b. Bagong panganak / buntis
c. Binyag
d. Semana Santa
e. Patay
2. Ano ano ang implikasyon ng mga pamahiin mamamayan ng
barangay Bogña ayon sa :
a. Kultura at tradisyon
b. Paniniwala
c. Paguugali
d. Pamumuhay
3. Papano maapapahalagahan Ang mga pamahiing kinagisnan ng
mga mamamayan ng barangay Bogña?

Kahalagahan ng Pagaaral

Malaki Ang maiaambag ng resulta ng pagaaral na ito sa mga


sumusunod:
Mamamayan ng barangay Bogña: Ang pagaaral na ito ay
makatulong sa mga mamamayan na Malaman Ang maaaring maging epekto
nito sa kanilang kultura at pang-araw-araw na pamumuhay.

Mga kabataan: Maaaring Malaki Ang magiging tulong ng


pananaliksik na ito upang Malaman ng mga kabataan Ang iba’t ibang
pamahiin sa kanilang barangay. Ito rin ay makatutulong upang
magkaroon sila ng kamalayan at kaalaman tungkol sa mga pamahiin.

Mananaliksik: Ito ay may malaking maiaambag sa kanila upang


magkaroon ng batayan sa mga susunod na mga gagawin na
pananaliksik.

Saklaw at Delimitasyon

Matitiyak sa pagaaral na ito ang mga pamahiin ng mamamayan


ng Barangay Bogña:Isang Sosyo – Kultural na Analisis. Ang kalahok
sa pagaaral na ito ay binubuo ng mga mamamayan ng Barangay Bogña
na sumusunod sa pamahiin na kanilang pinaniniwalaan na
nagsisimula sa gulang na samapu(10)at pitompu(70). Hindi saklaw
sa pagaaral na ito ang mga mamamayan ng Barangay Bogña na hindi
naniniwala at sumusunod sa mga pamahiin.

Katuturan ng pag-aaral

Analisis – mapanuring proseso o hakbang upang makabuo ng


mahalagang impormasyon sa paksang punag-uusapan upang makabuo ng
mahalagang aa

You might also like