You are on page 1of 48

Mapagpalang

Araw!

Bb. Carmina G. Mamucud, LPT


Masinsin at Mapanuring
Pagbasa ng mga Pangunahing
Sanggunian sa Pagdadalumat /
Pagteteorya sa Konteksto
A. Hambingan ng Pagdadalumat at
Pagteteorya
“Teorya Kontra Dalumat: Usapin ng
Pamantayan, Katunayan at
Pakinabang”
I. Apat na lapiang pamantayan na maaaring
gamitin upang tayain ang gamit ng teorya at
dalumat.

a. Ang sukatan ay tumutukoy sa halaga ng gamit ng


bawat isa.
b. Ang laman ay tumutukoy sa pinagbabatayang
usapin samantalang
c. Ang sipat ay tumutukoy sa antas ng
pagkasangkapan sa kaisipan.
d. Ang agwat ay tumutukoy sa relasyon ng katauhan
sa proseso ng pagbubuo ng teorya/dalumat.
TANDAAN!!!

1. Hindi maikakaila na ang pagdadalumat at


pagteteorya sa sosyolohiya ay kapwa may
pagnanais na usisain ang kahulugan ng
panlipunang pagkilos.
2. Katulad ng naunang nabanggit ang bawat isa ay
may karampatang pamantayan na tiyak,
lamang magkaiba sila ng lapit at metodo ng
pagsasakatuparan.
DALAWANG MAGKAUGNAY NA
PUNTOS NA DAPAT BIGYAN NG
PANSIN:
1. Ang usapin hinggil sa
pangangailangan ng katunayan at;
2. Ang usapin hinggil sa dahilan ng
pagteteorya/ pagdadalumat.
Ano ang Pagdadalumat?
Halaw sa salitang-ugat na dalumat ang
gawaing ito ay maihahalintulad sa isang
makasariling / pansariling paglalakbay sa
mundo ng karanasan. Ang dalumat(o dalomat)
ay halaw sa salitang Tagalog.
TATLONG ORIHINAL NA KAHULUGAN:
1. magdusa (Sp. sufrir) at magbuo (Sp. componer
cosa destruida) (Noceda at Sanlucar 102).
2. Si Nigg (18) ay nagdagdag ng isa pang
kahulugan—dalumatin—na ang katumbas na salita
ay aliwin—(aid in comfort).
3. Ang kasalukuyang kahulugan nito ay tumutukoy sa
isang “malalim na pag-iisip”(deep thought) at
“muling pagbubuo ng isang alaala” (to reconstruct
one's own memory).
“Ang pagdadalumat ay ang
pagdudugtong-dugtong ng mga marubdob
na karanasan gamit ang alaala upang humabi
ng hinahanap na kahulugan ng buhay.”
Ano ang Pagteteorya?
 
Para sa mga Griyego:
1. Ang pagdadalumat ay isang praktis na tinatawag nilang
theoria.
2. Ang theoros ay isang maglalakbay.
a. Naglilibot siya sa iba’t-ibang lugar, manonood ng mga
kaganapan, at maghahabi ng sariling ulat tungkol sa mga
bagay na kaniyang nasaksihan (wondering) at naranasan sa
kaniyang paggagala at paglilibot (wandering) (Nightingale
32).
b. Hindi bahagi ng nakaluklok na kapangyarihan, bagkus siya
ay isang malayang mamamayan ng Polis (Nightingale
41-44). Dahil dito ang sariling ulat ay walang gamit o silbi
kundi ang pansariling kasiyahan at kalinangan ng may-akda.
BIGYANG PANSIN!!!
Ayon kay Nuncio: …
1. “ibig sabihin dahil sa imahinasyon, tagakatha't
tagasuri siya sa pagdadalumat. Hindi lamang
textual ito bagkus, visual din ang saklaw ng
pagdadalumat. Visual din naman ang
ipinapahiwatig ng teorya ngunit palabas ito,
nakatanaw ito. Sa dalumat, sasabihin kong,
internal ito't nasasakop na ang pagtanaw sa labas,
dahil hiniharaya na ito sa kognitibong pagtakbo ng
isip, sa loob, sa ating kamalayan.” (n.p.)
2. “Kung susuriin natin ang teorya batay sa
etymology nito nakatutok lamang ito tulad ng
dalumat sa paglilirip o abstraktong
konseptwalisasyon. Ikalawa, ipinipahiwatig nito
ang distansiya ng teorista bilang tagamasid,
tagatanghod, tagasipat. Subalit, wala rito ang
kapangyarihan ng haraya at paghihiraya na
nakasahog sa konotasyon ng salitang
dalumat.” (n.p.)
B. Ang Wika Bilang Mahalagang
Salik sa Pagbabagong Lipunan
Ano ba ang Wika???
- Ayon kay Edward Sapir, ang wika ay isang
likas at makataong pamamaraan ng
paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at
mithiin.
Ayon kay Carroll (1964) ay nagpapahayag na
ang wika ay isang sistema ng mga sagisag
na binubuo at tinatanggap ng lipunan. Ito ay
resulta ng unti-unting paglilinang sa loob ng
maraming dantaon at nagbabago sa bawat
henerasyon, ngunit, sa ibang panahon ng
kasaysayan, ito ay tinutukoy na isang set ng
mga hulwaran ng gawi na pinag-aaralan o
natutuhan at ginagamit sa iba’t ibang antas
ng bawat kasapi ng pangkat o komunidad.
Ayon kay Dr. Aurora Batnag (Kabayan, 2001)
sapagkat ang Pilipinas ay multilinggwal at
multicultural, nabubuklod ang ating mga
watak-watak na isla ng iisang mithiin na
ipinapahayag hindi lamang sa maraming tinig
ng iba’t-ibang rehiyon kundi gayon din sa
isahang midyum na Wikang Filipino.
Samakatuwid hindi matutumbasan ang papel
ng wika sa pagtatangkang baguhin ang
kalagayan ng lipunan ng isang bansa.
Halimbawa ng mga pagbabago sa Wika:
1. Pagkakaroon ng mas maraming Barayti ng
Wika.
(Pag-usbong ng Beki language o ang
lengguwahe na ginagamit ng mga bakla o beki.)

2. Ang Pag-usbong ng Teknolohiya na naging


sanhi ng pagkalimumot sa pangunahing
kaalaman kagaya ng wastong paggamit ng salia
at ang kahalagahan ng importansya at
pagtangkilik sa ating sariling wika; ang wikang
Filipino.
✔ Patuloy pang paunlarin ang Wikang
Filipino sa pamamagitan ng patuloy
na pagbahagi ng importansya at
kahalagahan ng ating wika lalo na
sa mga kabataan sa kasalukuyan.
Maraming Salamat! ☺
Paalam Hanggang sa
Muli!
Mapagpalang
Araw!

Bb. Carmina G. Mamucud, LPT


C. Pagbalikwas sa Kamalayang Dayo:
Kritikal na Sanaysay sa Pagsilang at
pag-unlad ng Sikolohiyang Pilipino,
Pilipinolohiya at Pantayong Pananaw
Sikolohiyang Pilipino
Virgilio Enriquez Ama ng
Sikolohiyang Pilipino.
Ph.D in Social Psychology,
Northwestern University US
Ano ang Sikolohiyang Pilipino?
●“sikolohiyang bunga ng KARANASAN, KAISIPAN
at inuunawa mula sa ORYENTASYONG
PILIPINO”
●Pagbibigay ng sistema sa mga kinagisnang
kaugalian at paraan ng pag-iisip ng mga Pilipino
upang magamit sa siyentipikong paraan ng
pananaliksik sa Sikolohiya
• Lahat ng mga pag-aaral, pananaliksik at mga
konsepto sa sikolohiya na may kinalaman sa
mga Pilipino.
Halimbawa:
Ang Pilipinas ay binubuo ng iba’t ibang
pangkat etniko kung saan may kanya-kanyang
nakaugaliang mga kultura kung kaya’t itong
nagkakaiba’t ibang pangkat etniko ng
Pilipinas ay ang bumubuo sa tinutukoy na
Sikolohiya ng mga Pilipino
ALAMIN ANG PAGKAKAIBA !!!
1. Sikolohiyang Pilipino - ay ang sikolohiyang
bunga ng karanasan, kaisipan at oryentasyong
Pilipino.
2. Sikolohiya sa Pilipinas - ay bunga ng
pagkakasunud-sunod ng mga pangyayaring may
kinalaman sa sikolohiya sa ating bayan; at
3. Sikolohiya ng mga Pilipino - ay ang bawat
teorya ng sinumang nais mag-aral tungkol sa
kalikasang sikolohikal ng mga Pilipinong
naninirahan sa Pilipinas at maging sa ibang
bansa.
Ang anim na batayan ng Sikolohiyang Pilipino ayon kay Virgillo
Enriquez:
1) ang kinagisnang sikolohiya, tulad ng mga aral at ritwal ng mga babaylan
at katalonan, mga dalangin, bulong, kuwentong-bayan, alamat at epiko;
2) ang tao at ang kanyang diwa;
3) ang panahon ng pagbabagong-isip;
4) ang panahon ng pagpapahalaga sa kilos at kakayahan ng tao;
5) ang panahon ng pagpapahalaga sa suliranin ng lipunan
6) ang wika, kultura at pananaw ng Pilipino na siyang pinakapundamental
na saligan ng iba pang batayang nabanggit.
Ano ang Pilipinolohiya?
Ang Pilipinolohiya ay binubuo ng dalawang
salita:
a. Pilipino at ;
b. lohiya (logos) - na ang ibig sabihin ay
pag-aaral.
Samakatuwid, Ito ay isang masistematikong
pag-aaral.
Mga patunay na ito ay masistematikong
Pag-aaral:
a. Una, ito ay Pilipinong kasipian at,
b. ikalawa, Pilipinong kultura at Pilipinong
lipunan.
Ano ang layunin ng Pilipinolohiya?
Ang layunin nito ay palabasin ang
pagka-Pilipino ng bawat larangan na meron
ang kultura ng Pilipinas.
TANDAAN!!!
✔ Ang kaisipan, kultura, at lipunan ay nag-ugat sa mga karanasan ng mga
katutubong Filipino – ito ang mga basihan ng homonisasyon o pagkatao.
✔ Ang relihiyon, wika, at sambahayan ay ilan lamang sa halimbawa ng bawat
larangan na meron ang mga Pilipino.
✔ Ang mga Kastila at Amerikano ay may ambag sa akademikong disiplina sa
Pilipinas. Ito ang dahilan kung bakit mayroong maayos at magandang edukasyon
sa bansa.
✔ Pinalaganap ng mga kastila at Amerikano ang unibersalismo kung saan ang
ethnic, parochial, at provincial ng bansa ay unti-unti ng nawawala o napapalitan.
✔ Kailangan ng Pilipinolohiya ang akademikong disiplina upang mapalaya ang
Pilipinong kaisipan, kultura, at lipunan at hindi ang kabaliktaran nito.
PAGLILINAW!!!
Ang teorya ng Pilipinolohiya ay nagbabalangkas ng mga datos upang
magbigay liwanag sa pag-unawa ng tatlong larangan. Samakatuwid,
pawang datos ang nagdidikta ng metodo sa pag-aaral nito
Ang dating Philippine Studies ay walang pantayong pananaw dahil ito
ay nakatuon sa mga banyaga o sa mga naturingang Pilipino na
nanaliksik ayon din sa pananaw ng mga banyaga.
Nag-ugat ang mga pananaw ng mga Pilipino sa mga katutubong
kamulatan at kamalayan upang mabuo ang makabansang kabihasnan
at hindi laman upang pag-aralan ang mga nangyari sa mga Pilipino at
Pilipinas.
Ang Pantayong Pananaw Bilang
Diskursong Pangkabihasnan
Ang pantayong pananaw ay nasa panloob
na pagkakaugnay-ugnay at pag-uugnay ng
mga katangian, halagahin, kaalaman,
karunungan, hangarin, kaugalian,
pag-aasal at karanasan ng isang kabuuang
pangkalinangan.
Pantayong Pananaw sa
Kasaysayan
1. Wala pang iisang pantayong pananaw ang mga
grupong etnolingguwistiko sa buong arkipelago, sa
kabila ng kanilang pagiging magkakamag-anak at
lubusang pagkakahawig sa lahi at kalinangan.
2. Wala pa nga noon ang nasyong Pilipino na
sumasaklaw ngayon sa mga kultura’t lipunang
nabanggit; lalo’t higit, tulad ngayon, wala pa ring isang
bansang magbibigay ng kabuuan sa Kapilipinuhan.
3. Ang nasyong Pilipino ay nabuo lamang noong
ikalawang bahagi ng nagdaang dantaon. Nabuo ito sa
pagsusumikap ng mga elite ng bahaging Kristiyano ng
kolonyang Kastila.
ELITE ang tawag sa “mga akulturadong grupo ng tao.”
Nagsimula sila sa isang grupong panlipunan noong panahon ng
unang pagkatagpo ng mga taga-arkipelago at Kastila.
Tinawag ang mga grupong ito na ladino sapagkat sila ang
natuto ng Kastila.
Ginawa silang tagasalin at tagatulong ng mga prayle sa
ebanghelisasyon ng mga Pilipino.
Isinalin nila sa kanilang katutubong wika ang mga konsepto at
kaisipang ibig ipaliwanag ng mga prayle, at isinalin din nila ang
mga katutubong konsepto, ideya, at kaisipan sa wikang Kastila
para sa mga prayle.
Dahil sa paggawa nila ng mga pagsasalin, nagkahalo-halo ang
konsepto ng mga kastila at mga katutubo kaya’t umusbong ang
tulang bilinggwal.
Pantayong Pananaw
• Isang metodo ng pagkilala sa
kasaysayan at kalinangang Pilipino
na nakabatay sa panloob na
pagkakaugnay-ugnay.
• Isang reyalidad ito sa loob ng alin
mang etnolinggwistikong grupo na
may kabuuan at kakanyahan sa atin,
at sa iba pang dako ng mundo.
Pangkaming Pananaw
• Ang nagawa ng hanay ng mga Propagandista tulad nina
Rizal, Luna atbp. bilang pamamaraan sa paglilinang ng
kabihasnan natin.
• Ang kausap nila sa kanilang mga nilalathala ay ang mga
banyaga—partikular ang mga kolonyalistang Kastila.
• Ang mga Kastilang ito na pinapaniwala ang mga indio na sila
ang nagdala ng ‘kaliwanagan’ sa atin (bunga ng relihiyon) at
utang natin ito sa kanila dahil tayo daw ay mga barbaro at
walang sariling sibilisasyon, kung hindi pa sila dumating dito
sa atin.
• Mga edukado sa kaalaman ng liberalismo mula Europa ang
mga Propagandista at mahusay mag-Kastila, kaya’t
karaniwang sa Kastila nila sinusulat ang kanilang mga likha.
• Ang pangkaming pananaw ang isa sa iniiwasan na
mangyari sa suhestyon na metodo ni Salazar, sapagkat para
makabuo ng isang metodong nagsasarili, mainam na
umpisahan ang paglilinang sa mismong taga-loob.
D. Ang Kahalagahan ng
Pilosopiya sa Sikolohiyang
Pilipino
Mga Palagay:
1. Sa pagkakaroon ng pilosopiya at sikolohiyang Pilipino,
makikilala ang kaibahan ng “musika sa pilipinas” at
“musikang Pilipino.”
2. Maaaring ipahayag sa iba’t-ibang paraan ang problema.
3. Ginagamit din ang sikolohiya sa pilipinas bilang isang
modelo. Ayon kay Stauffer, ang paggamit ng di-wastong
modelo ay nagbubunga ng maling resulta.
4. Sa pagkakaroon din ng pilosopiya at sikolohiyang
Pilipino, ito ay magkahiwalay subalit magkaugnay na
agham. Ayon kay Peters, ang pilosopiya at sikolohiya ay
katulad ng pag-ibig at pagkapoot, pag-aasawa at
paghihiwalay. Ayon din kay Mercado, ang ideya ng
pilosopiya at sikolohiyang Pilipino ay kapwa dinamiko at
istatiko.
Dalawa ang ginagampanang papel ng
pilosopiyang Pilipino sa sikolohiyang
Pilipino:
1. negatibo.
- Ito ay negatibo sapagkat kinakailangang
tukuyin ang hakang pilosopikal ng mga dayuhan.

2. positibo.
- Ito naman ay positibo sapagkat itinuturo dito
ang daan para makapanaliksik ang mga
sikolohista.
Gabay sa Pagdadalumat
1. Kilalanin ang pinagkuhaan ng
dalumat/teorya
2. Malinaw ang datos na kakalapin batay sa
paksa
3. Ipaliwanag ang dalumat kung paano ito
gagamitin
Maraming Salamat! ☺
Paalam Hanggang sa
Muli!
Mga Sanggunian:

► https://vjntwika16.wordpress.com/2016/11/08/ang-wikang-filipino-sa-mak
abagong-panahon-isang-pananaliksik/
►  https://rexjlt.wordpress.com/2011/07/25/pilipinolohiya/
► https://journals.upd.edu.ph/index.php/djwf/article/view/4949
► https://akosibebelz.weebly.com/kahalagahan-ng-pilosopiya-sa-sikolohiyang-p
ilipino.html

You might also like