You are on page 1of 20

Glenda E.

Obrado
BSED-Social Studies (2A)

Yunit 3: Batayang Kaalaman sa mga Teorya sa pananaliksik na


akma o mula sa Lipunang Pilipino
Mga Katanungan :
1. Bakit mahalaga ang batayang teoretikal sa pagpapatibay ng pananaliksik?
2. Paano sinusuri sa pamamagitan ng dulog na Marxista ang isang teksto o pelikula?
3. Sang – ayon kaba sa pagpapatibay – pokus ng Teoryang Dependensiya sa
neokolonyalismo sa ekonomiya, kultura, at politika? Bakit o bakit hindi? Pangatwiran.
4. Bakit sinasabing magkaugnay ang nasyonalismo at Teoryang Depedensiya?
5. Sa iyong opinion, ano ang pinakamahalagang ambag ng perspektibang gaya ng
pantayong pananaw at sikolohiyang Pilipino?
6. Paano nagkakaiba ang konseptong “bakod” at bukod ayon kay Morales- Nuncio?
Sagot :
1. Mahalaga ito upang magkaroon ng lalim ang pananaliksikat makapag-ambag ito sa
pagpapalawak, pagpapaliwanag at paglikha ng mga konsepto o kaisipan .
 Ayon kay Abend (2013) , ang mga teorya ay binuo upang “magpaliwanag magbigay
prediksyon hinggil sa , makatulong sa pag-unawa ng mga phenomenon , at sa
maraming sitwasyon , ay naglalayon ding suriin ang kabuluhan at naglalayon at
palawakin din ang umiiral na kaalaman.
 Ang batayang teoretikal ang esktrukturang nagtatahi o sumusuporta sa teorya ng
pananaliksik. Ipinapakilala at inilalarawan nito ang teorya ng pananaliksik at
ipinapaliwanag kung bakit umiiral ang suliranin ng pananaliksik.
2. Sinusuri ang dulog na marxista sa isang teksto o pelikula sa pamamagitang ng mga:
1. Ano- ano uring panlipunan (social class) ang nasa teksto , pelikula at iba pa?
2. Paano nagtunggalian ang mga uring panlipunan sa teksto, pelikula at iba pa?
3. Sino ang nang-api at inapi, nagsamantala o pinasamantalahan sa teksto, pelikula
at iba pa?
4. Paano inilarawan ang mga karakter: bida o kontrabida and nang-api o inapi, ang
nagsamantala o pinagsamantalahan sa teksto, pelikula at iba pa?
5. Paano bumangon sa kaapihan o sitwasyong mapagsamantala ang mga
karakter?
6. Paano nagsamantala sa iba ang ibang karakter?
7. Aling uri ng panlipunan ang nagtatagumpay sa huli?
3. Oo. Dahil ang neokolonyalismo ay isang modernong pananakop ng isang
makapangyarihang bansa sa mga papaunlad pa lamang na bansa sa
pamamagitan ng globalisasyon.
 Wala itong pinagkaiba sa pang-aalipin noon ng mga dayuhan. Ang isang
bansa ay nakadepende pa din sa bansang dayuhan. Kaya ang pakinabang
ay laging naroroon sa dayuhan at ang pagbagsak ng bansa ang nagiging
takot at hamon kapag bumitaw ang isa.
 Kaya maraming mga sektor sa lipunan ang sumisigaw ng paglaya o
dependesiya. Hindi naman ito isang teorya para sa iba dahil aktuwal na
kailangan gawin ito ng isang lipunan kung nais niyang tuluyang alisin ang
panlabas ng dayuhan.
4. Ang teoryang dependensiya at nasyonalismo ay magkaugnay dahil ito ay tumutukoy
sa usapin at pangangalap ng solusiyon ukol sa isang bagay na nais naiting makamit
para sa ating pang-sariling pag-unlad at para sa ating bansa.
5. Ito ay naglalahad ng kaisipan hinggil sa paraan ng pagiisip at/o kamalayan ng mga
Pilipino. Tungo sa pagpapalawak ng pambansang kamalayan at kamulatan ng
sambayanang Pilipino.
6. Bakod- ang lugar ay pisikal na nakahiwalay (may bakod) sa iba pang lugar, at may
figurative din na bakod- ang paghihiwalay sa may kakayahang mag mall at sa
walang pambili.
Bukod – nagbubukod-bukod sa iba’t ibang uring panlipunan depende sa mall at sa
mga tindahan sa loob ng mall mismo.

Mga Gawain A:

PAGBOTO/PAGPILI
MAPANURING PAG-UNLAD NG
NG MAAYOS NA
MAMAMAYAN BANSA
MAMUMUNO

Dayagram na ipinapakita kung ano ang mga maaaring maging dahilan para sa pag-
unlad ng bansa

KOLONYALISMO AT
IMPERYALISMO

PAG – USBONG NG
MGA PAGBABAGO NASYONALISMO

HAKBANG TUNGO SA
PAGLAYA

Dayagram na nagpapakita ng transpormasyon ng Silangan at Timog Silangang Asya


mula ika-16 na siglo hanggang sa kasalukuyan
Dayagram na nagpapakita ng epekto ng paggamit ng social media sites sa mga kabataan.

Dayagram na nagpapakita sa larawan sa kaliwa na upang makamit ang sustainable


development ay kailangang balance ang pag-unlad sat along dimension , lalo na ang
pagtugon sa mga pangangailang social, environmental at economic

Dayagram na nagpapakita ng dahilan ng nagtataguyod ng Kahirapan ng tao.

C. Pagtukoy sa mga katangian ng Nagsasariling Komunidad na Pangkomunikasyon sa


Disiplinang Araling Pilipino. Pagkatapos basahin ang artikulo ni Dr. Ramon Guillermo, ibat
ibang katangian ng nagsasariling komunidad na tinalakay niya. Sa simpleng salita, ang
nagsasariling komunidad na ito ay tumutukoy sa pamayanan o kumunidad ng mga tao na
gumagamit ng Filipino sa pananaliksik sa ibat ibang antas ng diskurso.

1. Lumilikha ito ng sariling mga teorya, konseptp, at metodo ng pananaliksik.


2. Lumilikha ito ng ng sariling mga problema at adyenda ng pananaliksik
3. Kritikal itong humahalaw ng mga konsepto, metodo at problema mula sa tradisyon ng
agham panlipunan ng kaunlaran.
E. Pagkumpleto sa Akrostik. Subuking kompletuhin ang akrostik ng salitang BALANGKAS.
Bigyang diin sa akrostik ang mahahalagang bagay na dapat tandaan kaugnay ng
batayang kaalaman sa mga teorya sa pananaliksik na akma o mula sa lipunang Pilipino

B-inabasa upang matulungan na masuring mabuti ang sinasaliksik.


A-ngkop na isinasaayos upang ito’y
L-ubos na maunawaan
A-ng Teorya ay isang konsepto
N-agpapaliwanag at nagiinterpreta kung paano ang pangyayari ay lumilitaw na
nangangailangan pa ng marami pang pag-aaral

G-inagamit ito bilang


K -onsepto pa lamang na hindi pa napapatunayan
A- ng pananaliksik ay ang pagtuklas at pagsubok ng isang teorya upang lutasin ang
problema o hadlang sa buhay ng isang suliranin na nangangailangan na bigyan ng ;

S-uwisyon o solusyon
Yunit 4. Batayang kaalaman sa Metodolohiya sa Pananaliksik- Panlipunan
Mga Tanong:
1. Maari bang magsama-sama sa isang pananaliksik ang ibat ibang pamamaraan?
Ipaliwanag.
2. Paano nagkakaiba ang nakikiugaling pagmamasid at participant observation, batay
sa mga tagapagtaguyod ng nakikiugaling pagmamasid?
3. Bakit mahalaga sa pananaliksik ang pagkakaroon ng akmang pamamaraan?
4. Paano ginagamit ang video sa bilang uri ng pananaliksik?
5. May mga proseso ka pa bang maidaragdag sa mga prosesong konektado sa
pananaliksik na inisa isa ni Walliman? Ipaliwanag.
6. Sa iyong opinion, ano ang mas mainam ,mamili ng isang pamamaraan lamang o ang
magsabalikat ng kombinasyon ng mga pamamaraan? Pangatwiranan?
Sagot :
1. Oo, ito ay maaring magsama-sama sa isang pananaliksik iba't iba man ang pamamaraan
kung ito man ay kinakailangan gumamit ng maraming paraan sa pananaliksik at kung
magiging maganda/mabisa at magiging angkop ang paggamit nito sa pananaliksik . Maari
itong pagsama-samahin batay sa suliranin/tanong/layunin ng pananaliksik. Upang maging
kapakipakinabang ang pananaliksik.
2. Isang bersyon ng participant observation ang nakikiugaling pagmamasid na unag
ginagamit sa “Nakikiugaling pagmamasid : Pananaliksik
 Sa pangkalahatan, ang pagoobserba, pakikipamuhay, participant observation at
nakikiugaling tagapagmasid ay pawing mahahalagang pamamaraan sa
panlipunang pananaliksik na tumutugon sa pangangailanagan ng lipunan.
3. Upang mas maging mabisa ito at kung ang lahat ng pamamaraan base sa kanyang
pagsusuri ay angkop sa pananaliksik ito ay makatutulong sa kanyang pananaliksik maging
matagumpay ang pananaliksik.
4. Ang dokomentasyon sa pamamagitan ng video ay isinasagawa sa pagrerekord ng mga
imahe at tunog gamit ang video recorder. Maari itong lapatan ng pagsasalaysay o narration,
at ng musika. Pinakakaraniwang porma nito ang bidyong dokumentaryo o dokyu.
5. Oo meron sa aking palagay mas magandang idagdag ang “Pagbibigay konklusyon”
upang malaman at maunawaan ang posibleng resulta.
6. Magsabalikat ng kombinasyon ng mga pamamaraan na aangkop sa iyong
pananaliksik upang mas maging mabisa pa ito ng maisasagawa ng maayos ang
sinasaliksik.
Paksa: Epekto ng Social Media Sites sa mga Kabataan
RASYUNAL

Ang paggamit ng social media o social networking sites ay maaaring magdulot ng


postibo at negatibong epekto sa ating sarili, pamilya at lipunan. Sa panahon ngayon padami
na nang padami ang mga taong umiikot ang mundo sa Social Media lalo na ang mga kabataan
na ginagawa itong libangan sa bawat oras at mas binbigyang prayoridad. Kabalikat nito ang iba’t
ibang epekto na may kinalaman sa pag-iisip at kaugalian ng isang indibidwal. Halimbawa na
lamang ang adiksyon o pagkalulong na halos nilamon na ng sistema ng Social Media ang isang
isipan ng inosenteng kabataan. Maaring magbunga ito ng malawak na imahinasyon sa isipan ng
isang taong apektado at dumating sa punto na ang kanyang kinikilos ay dahil sa kanyang
natutunan at nakikita. Isama na rin ang cyber bullying na halos epekto ng kawalang respeto at
kakulangan sa moral. Sa kabilang dako ay may mabuting taglay ang paggamit ng Social Media
katulad ng pagkakaroon ng kaibigan o social interaction at mas napapalalim nito ang pananaw,
kaalaman, at pakikipag-uganayan sa ibang tao. Nagbibigay nang mabubuting kaugalian kagaya
ng pagiging palakaibigan, malayang pagpili at pagdedesisyon, pagiging independent at
magandang pananaw para sa kinabukasan. Nilalaro nito ang isipan nang tao upang gawing mas
kapakipakinabang.

Sa patuloy na paggamit ng mga kabataan ng social networking sites, naaapektuhan


nito ang kanilang sarili sapagkat nababasa at napag-uusapan nila dito ang mga isyung
pangmadla o forum para ipakita ang kontra-sosyal at palabang ugali.

Ayon kay Wallace (2000), ang paggamit ng internet o social media ay nag-uugnay sa
madalas na paggamit ng mga kabataan ng mura, insulto at mga agresibong salita. Sa
kadahilanang pwedeng iwan ng kung sinuman ang isinulat na masamang komento sa
pamamagitan ng paglo-logoff. Sa karagdagan, ang social network ay nagdudulot ng
adiksyon sa mga kabataan.

Sa kasalukuyan, mas dumami ang bilang ng mga kabataan na gumagamit ng social


networking sites. At dahil dito mas dumami din ang mga naaapektuhan nito, positibo man o
negatibo. Ang ibang kabataan ay nauubos ang kanilang oras sa paggamit ng social
networking sites at hindi na nila napagtutuunan ng pansin ang kanilang pag-aaral at iba
pang mga gawain. Sa kabilang banda, meron ding positibong epekto ang paggamit ng
social networking sites. Napagkukunan ito ng mga kabataan ng impormasyon na
magagamit nila sa kanilang pag-aaral at magkakaroon sila ng kamalayan at dagdag na
kaalaman sa mga pangyayari sa kasalukuyan. Ginawa ang social network para gamitin ito
sa mabuti, hindi para abusuhin at gamitin sa kasamaan.
PANGUNAHING LAYUNIN

Sa isasagawang pag – aaral ang mga mananaliksik ay hinahangadang mga


sumusunod:

1) Matukoy ang epekto ng paggamit ng social media sites sa mga kabataan.


2) Malaman ang dami o bilang ng mga kabataan na gumagamit ng ibat ibang social
media platforms
3). Magkaroon ng malawak na kaalaman higgil sa positibo at negatibong epekto ng
social media sa kabataan.
4). Mabigyan ng sapat na kaalaman kung paano maiiwasan ang masamang dulot
ng social media sa pag-uugali ng mga kabataan.

Tiyak na layunin :

1) Mabigyan ng maaaring solusyon ang problema sa mga masamang epekto dulot


ng Social media sites sa mga kabataan.
2) Magkaroon ng sapat na kaalaman batay sa epekto ng Social Media sa kabataan.
3) Magkaroon ng batayan sa epekto ng social media sa kabataan.
4) Maipaalam sa mga kabataan o sa mga gumagamit ng social media ang mabuti
at masamang epekto nito sa atin.

METODOLOHIYA

Sa gagawing pag-aaral ng mga mananaliksik sila ay gagamit ng iba’t ibang uri ng


paraan upang makapangalap at mangolekta ng datos batay sa epekto ng social
media sa kabataan.

MGA KAUGNAY NA PAG – AARAL AT LITERATURA

1. Mga Batayang Kaalaman sa Social Networking


A. Kahulugan ng Social Networking
Ayon sa Wikipedia, ang social networking ay isang istrakturang sosyal na gawa sa
mga nodes o sa mas madaling salita, mga indibidwal na konektado ng isa o maraming
tema tulad ng kaugalian, ideya, pagkakaibigan, hilig, at sexual na relasyon.
Ayon kina Boyd at Ellison (2007), ang social networking sites ay mga serbisyong
pangpublikong nagrerehistro (ayon sa www.gartner .com) na nakapaloob sa isang system,
pinahihintulutan na makita ang mga profile ng isang idibidwal na kasama niya sa system.
Idinagdag pa ng mga manunulat na ang social networking ay nagiging patok sa publiko
dahil pinapayagan nito ang isang indibiwal na makilala ang ibang tao.
B. Maikling Kasaysayan ng Social Networking

Ayon sa Wikipedia.org, nagsimula ang social networking noong 1995 sa pagtayo ng


isang social network o SN na nagngangalang Classmates.com, isang websayt kung saan
ang mga miyembro nito ay makahahanap ng kanilang mga lumang kaklase maging sa
kindergarden o sa kolehiyo at mapanatili ang komunikasyon sa pagitan nila. Ayon sa isang
media release ng Oregon State University (2007), si Randy Conrads ang gumawa ng
websayt na ito. Sa karagdagan, sinabi ng Classmates.com na ng kumpanyang ito ay
pinagkikita muli ang mga residente ng Estados Unidos at Canada na siyang naging kamag-
aral o kasama nila noong sila’y nagaaral, nagtratrabaho o maging ang mga kasama nila sa
militar. Noong taong 1995, nagkaroon ng mahigit kumulang sa 40 milyong tao ang kasali sa
SN na ito.
Ayon kina Boyd at Nicole, ang pag-unlad ng SN ay nagsimula sa websayt na
SixDegrees.com. Sa websayt na ito, nabibigyan ng pagkakataon ang mga tao na
makagawa ng profile, mailista ang mga kaibigan, at ma-surf ang listahan ng mga kaibigan.
Nakatulong ang SixDegrees sa mga tao para makonekta at makapg padala ng mga
mensahe sa mga kaibigan nito. Kahit marami ang naengganyo sa SixDegrees, hindi nila
masayadong natatag ang nang mabuti ang komersyong ito kaya hindi rin ito nagtagal.
Pagkatapos naman ng Classmates.com, maraming sumunod na SN tulad ng
SixDegrees.com noong 1997, LiveJournal.com noong 1999, Friendster.com noong 2002,
Multiply.com at MySpace.com sa taong 2003 at ang Facebook.com naman noong 2004.

Ayon sa isang University (2007), si Randy Conrads ang gumawa ng websayt na ito. Sa
karagdagan, sinabi ng Classmates.com na ng kumpanyang ito ay pinagkikita muli ang mga
residente ng Estados Unidos at Canada na siyang naging kamag-aral o kasama nila noong
sila’y nagaaral, nagtratrabaho o maging ang mga kasama nila sa militar. Ayon kina Boyd at
Nicole, ang pag-unlad ng SN ay nagsimula sa websayt na SixDegrees.com. Sa websayt na
ito, nabibigyan ng pagkakataon ang mga tao na makagawa ng kaibigan. Pagkatapos
naman ng Classmates.com, maraming sumunod na SN tulad ng SixDegrees.com noong
1997, LiveJournal.com noong 1999, Friendster.com noong 2002, Multiply.com at
MySpace.com sa taong 2003 at ang Facebook.com naman noong 2004.
Mga Uri ng Social Networking Sites

1. Facebook

Ang Facebook ay isang social networking website na libre ang pagsali at


pinapatakbo at pag-aari ng Facebook, Inc. Maaaring sumali ang mga tagagamit dito ayon
sa lungsod, pinagtratrabahuan, paaralan at rehiyon upang makakonekta at makihalubilo sa
ibang mga tao. Itinatag ni Mark Zuckerberg ang Facebook kasama ang kaklase niya sa
agham pangkompyuter at kasama sa kuwartong sina Dustin Moskovitz at Chris Hughes
habang mag-aaral pa siya ng Pamantasan ng Harvard. Nang kalaunan, lumawak pa ito at
napabilang ang kahit sinong mag-aaral ng isang pamantasan, pagkatapos mataas na
paaralan at, nang tumagal pa, kahit sinong nasa gulang na 13 pataas. Sa kasalukuyan,
mayroon na ang Facebook ng higit sa 200 milyong aktibong tagagamit sa buong mundo.

2. Twitter

Ang Twitter ay isang social networking at microblogging na serbisyo na nagbibigay


kakayahan sa gumagamit nito na magpadala at basahin ang mga mensahe na kilala
bilang mga tweets. Ang mga tweets ay ang mga text-based na mga post ng hanggang 140
mga karakter na ipinapapakita sa pahina ng profile ng may-kda at inihahatid sa mga
tagatangkilik sa may-akda nakilala bilang mga followers (tagasunod). Maaaring rendahan
ng tagagamit ang pagpapadala sa kanilang mga kaibigin, o sa pamamagitan ng default,
kung saan maaaring makita ng lahat.

Mga kagamitan para magkaroon ng Social Networking

1. Kompyuter

Ayon sa Wikipedia, ang kompyuter ay isang uri ng mekanismong ang ginagawa ay


mangasiwa ng mga datos ayon sa mga panuto. Sa karagdagan, ang programa na isang
termino sa pag-iimbak at pangangasiwa ng mga panuto ay isang katangian ng
kompyuter.Isang magandang katangian nito ay ang pagsasa-ayos ng mga impormasyon
sa iba’t ibang lugar. Ang kompyuter network na nabuo ay tinawag na internet. Sa
pamamagitan ng koneksyon sa internet, maaaring makapasok o makapagbigay daan sa
mga website na may kinalaman sa social networking.

2. Internet
Ang Internet ay malawakang pangmadlang daan na pinagsama-samang kompyuter
networks na naghahatid ng datos sa pamamagitan ng pocket switching na gumagamit ng
pamantayang Internet Protocol(IP). Ito ay isang “network of networks” na binubuo ng milyon
na maliliit na networks sa larangan ng pantahanan, pampaaralan, pangangalakal,
pampamahalaan at sosyal na nagdadala ng iba’t ibang impormasyon at paglilingkod
katulad ng e-mail, online chat, file transfer o paglipat ng salansanan at
pinagdugtongdugtong na web pages at iba pang mapagkukunan ng impormasyon ng
World Wide Web. Maraming tao o kumpanya ang gumagamit ng web logs o blogs na
pangkaraniwang ginagamit bilang online diaries o talaarawan. Mahalaga ang
ginagampanang papel ng Internet sa pagpapalawak ng social networking.

Mga Ibinunga ng Social Networking Sites

1. Epekto sa Sarili (Acting Out)

Dahil ang internet ay isang sosyal na midyum, ito ay nahihiligan ng mga teenagers
bilang isang bagay o maaaring pangyayari upang mapag-usapan ang isang isyung
pangmadla. Kadalasan, ang komunikasyon sa internet ay nauugnay sa madalas na
paggamit ng mga insulto, mga mura, at agresibong pananalita. (Wallace,2000). Sa
karagdagan, ang SN ay nagdudulot ng adiksyon sa sarili at ito ay ipinapakita sa dalawang
klase ng gumagamit ng Internet, ang dependent at independent.

Ayon kay Young(1996), ang dependent ay gumugugol ng 39 oras sa Internet para sa


sosyal na pakikipag-usap at pakikihalubilo. Samantala, ang independent naman ay
kumokonsumo ng 5 oras para sa netsurfing o e-mail lamang. Kadalasan ay ang mga
malungkot, binubukod, o walang kakahayan sa larangang sosyal ang apektado ng
adiksyong ito. Sa mga nasabi ni Young, makikita pa rin na mas mahina itong adiksyon na ito
kung ikukumpara sa mga lasenggo o durugista.

2. Epekto sa Pamilya (Pagbukod at Depresyon)

Dahil sa pagiging tapat ng relasyon sa internet, ang mga potensyal na pakinabang at


disadbentahe ng internet ay kaduda-duda.
Ayon kay Kraut at kanyang mga kasamahan (1998), sa isang longitudinal na pag-
aaral sa 73 pamilya, nalaman nila na ang paggamit ng internet ay may kinalaman sa
pagtaas ng depresyon at pagdalang sa ugnayan sa mga kaibigan at pamilya.

3. Epekto sa Lipunan

Maraming epekto ang social networkingsa lipunan. Una, mas malalaman ng mga
teenager ang mga pangyayari sa kasalukuyan at sa mundo sa ibang mga komunidad. Sa
karagdagan, nagkakaroon ng pagtaas ng kamalayan at oportunidad sa mga teenagers na
parte ng mga binubukod na grupo at sumasali sa SN. Mayroon rin itong mga masasamang
epekto, isa na dito ay ang pagtaas ng aktibismo na tutungo sa aksyong sosyal. Isama pa
natin ang cybercrime na ayon sa isang report ng BBC, ay laganap sa buong mundo at
mahirap tugisin.

Ayon sa ulat ng CSI/FBI Computer Crime and Security(2000), sinasabi na 79% ng mga
empleyado ang umaabuso ng Internet sa Estados Unidos at isa sa mga abusong ito ay ang
pagdownload ng pornograpiya. Sa karagdagan, sa isang sarbey na ginawa ng NOL poll ng
ICM, sinasabing halos lahat ng respondente ay humihiling ng karagdagang control upang
maiwasan at panloloko, pornograpiya at pedopilya.

References:

https://www.academia.edu/23061910/POSITIBO_AT_NEGATIBONG_EPEKTO_NG_SOCIAL_NETW
ORKING_SA_MGA_KABATAAN
Pananaliksik-tungkol-sa-epekto-ng-social-networking-sites-sa-tao.pdf
Yugto 5: Filipino sa Humanidades, Agham Panlipunan, at Iba
pang Kaugnay na Larangan
1. Ano- anong kurso ang nagamit ng Filipino bilang midyum ng pagtuturo at talakayan
sa klase? Ginagamit din ba ang Filipino sa mga kurso mo rito sa kolehiyo? Sa anong
pagkakataon ninyo ito nagagamit?
Ang karaniwang kurso na gumagamit ng wikang Filipino sa talakayan bilang
midyum ng pagtuturo ay ang mga kumukuha ng kursong Edukasyon sa larangan ng
Filipino. Ngunit hindi lang naman ang kursong ito ang gumagamit nito marami ang
mga guro ang ginagamit nila bilang wikang panturo ay Filipino dahil sa ganitong
pamamaraan mas naipapamahagi nila ang kaalaman at imporamasyon ng mas
madali sa mga mag-aaral. Nagagamit ang wikang Filipino lalo na sa mga
pagkakataon na mahirap ang mga tinatalakay na asignatura.
2. Sa mga klase mong Ingles ang pangunahing gamit bilang midyum ng instruksiyon,
posible bang gamitin ang Filipino sa mga ito? Ano ang konsiderasyon kaya ang dapat
mong isaalang-alang o ng guro bago simulan ang paggamit nito?

Sa aking palagay ito ay posibleng nangyayari sa loob ng silid aralan kahit na


ang asignatura na tinatalakay ay Ingles ginagamit nila ang wikang Filipino bilang wikang
panturo. Dahil nagbibigay sila ng konsiderasyon sa mga mag-aaral. At hangad nila ang
mabilis na pagkaunawa at pagkatuto ng mga ito .

At ang mga konsiderasyon nilang isinasalang- alang ay ang mga sumusunod:

 Tinitiyak ng mga guro na mas madaling nauunawaan ng mga mag-aaral


ang itinuturo kahit pa dalawang linggwahe ang ginagamit nila sa
pagtuturo.
 Nakabatay sa kung ano ang kakayahan at estado ng mag-aaral para sa
mainam na pagkatuto.
 Binibigyan ng sapat na kaalaman ang mga mag-aaral sa paggamit ng
wika upang mapalawak ang kanilang kaalaman.
3. Magbigay ng isang kursong kinukuha mo sa larangan ng agham panlipunan, sining o
humanidades. Sa kursong ito, anong paksa ang maari mong saliksikin na maisusulat
mo sa Filipino? Talakayin nang bahagya. Ibahagi din ang naiisip na pamagat ng
pananaliksik.
Filipino sa iba’t ibang Disiplina. Sa kursong ito nais kong talakayin sa isang
pananaliksik “Ang Gamit at Kahalagahan ng Wikang Filipino sa pagtuturo”.
Dahil kung alam natin ang kahalagahan at gamit nito mas madali nating
mauunawaan at mapapalawak ang ating mga kaalaman na maari nating
maipamahagi sa ibang tao at napakalaki ang maiaambag nito sa atin upang
di mamatay ang ating wika.
4. Magpakita ng ilustrasyon kung paanong nagtatagpo ang paggamit ng Filipino sa
pagtuturo, paglilimbag ng mga pananaliksik, at materyales sa Filipino, at pagsasalin sa
Filipino para maisulong ang Filipino bilang pangunahing wika sa agham panlipunan,
humanidades at mga kaugnay pang larangan. Talakayin

Isa sa palasak at di-siyentipikong argumento sa paggamit sa Filipino sa mga


intektuwal na diskurso ay ang pagrarasong hanggang sa pasalitang talakayan lamang
magagamit ito at hindi sa mga pagsulat na sitwasyon, particular sa mga pananaliksik at
iba pang kaugnay na publikasyon. Subalit dapat tandaan na ang totoong kulang sa
ganitong sitwasyon ay hindi ang kakayahan ng wika kundi ang kakayahan ng taong
gumagamit nito, Hanggat may mataas na antas na karunungan ang gumagamit nito ,
kakayanin ng wika ang anomang pagdidiskursong gagawin , pasulat man o pasalita.

5. Saan nagkukulang ang maraming iskolar para makapag-ambag sa pagtatampok sa


Filipino bilang wika ng mga intelektwal? Bakit sa palagay mo nagyayari ito?

Nagkukulang ang maraming iskolar dahil hindi nila tuwirang nagagamit ang Filipino sa
kanilang pag-aaral o pananaliksik. Dahil dito hindi ito napapagtuunan ng pansin na pag-
aralan.

6. Paano ka makapag-aambag sa popularisasyon ng paggamit ng wikang Filipino sa


mga diskursong akademiko? Magmungkahi ng praktikal na hakbang.
Kung marami ang gumagamit ng wikang Filipino hindi ito mamatay bagkus ito
ay maisasalin pa ng maisasalin at batay naman sa diskursong akademiko mas
madaling maipapayag ang sarili kung ito ang gamit na wika. Kung minsan ay mas
pinagtutuunan ng pansin ang ibang pag-aaral.
7. Sa iyong palagay kung magamit ang Filipino sa mga diskursong intelektwal, may
pakinabang ba ang mga gumagamit nito o ang komunidad na kanilang
kinabibilangan sa aspektong kultural, ekonomiko, political, o sosyolohikal?
Ipaliwanag.
Sa aking palagay malaki ang magiging pakinabang nito kung ang wika na
gagamitin ay Filipino .
 Sa kultural ito ay magiging kapaki- pakinabang sapagkat ang wika ay
makakatulong sa pagkakakilanlan nito.
 Sa ekonomiko mas mabilis ang pag-unlad .
 Huli sa political, o sosyolohikal kung kaya nating maipahayag ang sarili o
kung ano ang nais nating maipalaganap na kaalaman para sa
karamihan ay mas madali nila ito mauunawaan kung gamit ang sariling
wika.
Page 160

Mga Tanong

1. Tukuyin ang dalawa o higit pang artikilo na binanggit ni Sicat na sa palagay mo ay


magkaugnay. Gumawa ng Venn diagram na magpapakita sa pagkakatulad at
pagkakaiba nito.

MULA TSISMIS ANG PAGGAMIT NG


HANGANG PANATA: INKLUSIBONG WIKA SA
FILPINO BILANG FILIPINO TUNGO SA
MULTISIPLINAL AT
INKLUSIBONG
INTERDISIPLINARYONG
EDUKASYON
LARANGAN
Makapaghat
Nakabatay sa : id ng bagong Nakabatay sa:
kaalaman at
-Sosyolingwistikang mas -Kasarian
progresibong
lapit sa pag-aaral ng -Lahi
pagsusuri sa
varayti ng wika. iba’t ibang -Etnikong
paksa sa pagkakakilanlan
-Sosyo-kultural na larangan ng -Wika
pagsusuri sa iba’t Filipino at
-Relihiyon, Politika
ibang lokalidad at mga
kaugnay na at opinion
pagdalumat sa iba’t
disiplina. -
ibang disiplina.
Nasyonalidad,ekono
-Multidisplinal mikong kondisyon
- Istatus
-Interdisiplinaryo

Crizel Sicat- De Laza Nina Jane L. , Sheila D. , et al


2. Base sa nabasa mong maikling introduksiyon ng bawat artikulo , ano- ano ang
maaring mong magamit sa ginagawa mong pananaliksik / planong gawing
pananaliksik. Magbigay ng maikling paliwanag kung paano mo ito maiiugnay sa
iyong pananaliksik.

Mula sa artikulo na “ Ang paggamit ng Inklusibong Wika sa Filipino tungo


sa Inklusibong Edukasyon” . Ito ay maari kong magamit sa aking gagawing
pananaliksik . Dahil ito ay nakabatay ng mas pundamental na usapin sa
repormang pang-edukasyon sa bansa.

Yunit 6 : Filipino sa Agham, Teknolohiya, Inhinyeriya,


Matematika, at iba pang Kaugnay na Larangan
1. Sa anong mga pagkakataon, nagagamit ang Filipino sa intelektuwal na pamamaraan
? Maliban sa nabanggit , mayroon pa bang maaring paggamitan nito sa larangan ng
Agham at teknolohiya?
Sa pagsasalin ng mga akda mula sa iba’t ibang wika patungong Filipino
naiintelektuwala ang wika. Ayon sa pag-aaral ni Ravina detalyado niyang tinalakay
ang sitwasyong pangwikang Filipino sa araling computer. Ayon sa kanya may mga
instructor at propesor na gumagamit sa Filipino sa pagtuturo ng computer science at
information technology. Sa mga kursong tulad ng programming ,system analysis and
design, software engineering , data communication, automata and computability
theory at iba ay malayang nagagamit ng mga propesor ang Filipino sa kanilang
lektura.

Sa kaniyang paglalahad , inisa-isa niya ang akademikong sitwasyon kung saan


ginagamit ang Filipino sa araling kompyuter. Sa ganitong gawain, napatutunayan na
ang paggamit ng Filipino sa mga teknikal na kursong ito ay nakapagpapahusay sa
mga estudyante hindi lamang sa pakikipagtalakayang intelektuwal kundi sa
pagkaunawa sa mga konsepto at sa pagtatamo ng mga kakayahang kaugnay ng
disiplina.

2. Nakita mula sa mga halimbawa at pag-aaral na nagagamit nang mahusay, bagamat


limitado pa, ang Filipino sa Agham at teknolohiya . Paano kung gayon dapat na lapit
sa intelekwalisasyon nito? Mula sa mga ahensiya ng gobyerno, halimbawa ay CHED o
kongreso , patungo sa mga gumagamit ( estudyante, propesor, propesyonal) o mula
sa mga gumagamit nito pataas sa may mga katungkulan?

Mahalaga ang pag-aaral ng agham at teknolohiya sa lahat ng panahon dahil


ito ang susi sa pag-unlad ng bansa. Ngunit kadalasan ang wikang Ingles ang
ginagamit sa pagtuturo nito, mula sa antas ng hayskul hanggang sa kolehiyo, bihira
ang guro or propesor na gumagamit ng sariling wika sa pagtuturo nito. Gayunpaman
gumagamit si Dr. Fortunato Sevilla III, ang direktor ng UST Office for Research and
Development (ORD) ng wikang Filipino sa pagtalakay ng mga liksyon sa mga klaseng
kemistri sa Kolehiyo ng Agham.
Ayon sa kanya, mas malaya ang pagtatanong and mas buhay ang talakayan
sa ganoong paraan. Mas madaling naiintindihan ng mga estudyante ang mga
konseptong teknikal na pinapaliwanag niya. Para sa kanya, kailangang batay sa
kakayahang intelektwal at di lamang sa wika ang pag-aaral sa kemistri dahil di
naman lahat ng estudyante ay magaling mag-Ingles.
3. Magbigay ng mga dokumento at/ o sitwasyon na personal mong naranasan /
nakitaang paggamit ng Filipino sa mga diskurso siyentipiko-teknikal. Ano ang
pagtaya mo sa karanasang ito?

Oo ng magkaroon ng isang debate sa aming paaralan noong ako ay Hayskul pa kung


saan ginamit nila ang Filipino sa mga diskuro siyentipiko- teknikal ginagamit nila ito upang
maihayag ang kanilang mga hangarin at mga plano ng mas madali at upang mapalawak
ang isipan at imahinasyon ng mga tagapakinig. Marami ako na karanasan tulad ng kapag
nagtutuo ang aming ibang guro ma’s pinipili nila ang wikang Filipino na gamitin kahit pa
ang asignatura ay Ingles.

4. Paano makatutulong ang pagsasaling siyentipiko at teknikal sa layuning


intelektwalisasuon ng Filipino? Dapat bang magkaroon ng kasanayan dito ang mga
propesyunal.
Nakatutulong ito upang magbahagi ng impormasyon sa mas nakararaming
mamamayan na hindi lubusang nakauunawa ng SL, na karaniwang Ingles.
5. Paano ka makapag-aambag sa patuloy na pagtatampok sa Filipino sa isang
larangang dinodominahan ng kolonyal na wikang Ingles? May saysay ba ang
ganitong maliliit na hakbang?
Oo malaki ang maitutulong nito sa ating wika. Bilang isang mag-aaral na
kumukuha ng kursong Edukasyon nakatutulong ako sa pagbabahagi ng mga
sapat na kaalaman kung gaano kahalaga satin ang wika. Dahil ang bansa na
walang wika ay para naring isang bansa na walang pagkakakilanlan , puso at
higit sa lahat ay buhay.
B. Isalin sa Filipino ang sumusunod na mga pahayag mula sa manwal ng isang brand ng
Laptop. Kung nakasalin na ito sa Filipino ibalik sa salin naman ito sa Ingles. Ikumpara ang
iyong salin sa iba pang klase. Ayusin ang ginawa para sa pinal na bersyong salin.

Pahayag Mula sa Orihinal na Akda Salin sa Filipino


Provides important information
Never allow a battery pack to become wet Huwag hayaang mabasa ang baterya
Disposal of Used Battery Pack Pagtatapon ng gamit na baterya
Indicates a potentially hazardous situation Nagpapahiwatig ng isang potensyal na mapanganib
which, if not avoided, could result in death or na sitwasyon na kung hindi maiiwasan, ay
maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang
serious injury. pinsala.

Pahayag Mula sa Orihinal na Balik- Salin Pahayag sa Bersiyong Salin


Akda (( Matapat)
Provides important information Provides important Nagbibigay ng mahahalagang
information impormasyon
Never allow a battery pack to Do not let the Huwag kailanman hayaang mabasa ang
become wet battery get baterya
wet
Disposal of Used Battery Pack Disposal of used Batteries Pagtatapon ng Gamit na Baterya
Indicates a potentially Indicates a potentially Nagpapahiwatig ng isang potensyal
hazardous situation which, if not dangerous situation na mapanganib na sitwasyon na
that, if left untreated, kung hindi maiiwasan, ay maaaring
avoided, could result in death
can result in death or magresulta sa kamatayan o
or serious injury. matinding pinsala.
serious injury.

Orihinal na Pahayag Pinal na Salin


Provides important information
Never allow a battery pack to become wet Huwag hayaang mabasa ang baterya
Disposal of Used Battery Pack Pagtatapon ng gamit na baterya
Indicates a potentially hazardous situation which, Nagpapahiwatig ng isang potensyal na
if not avoided, could result in death or serious mapanganib na sitwasyon na kung hindi
injury. maiiwasan, ay maaaring magresulta sa
kamatayan o malubhang pinsala.

Provides important information Provides important information


Never allow a battery pack to become wet Do not let the battery get wet
Disposal of Used Battery Pack Disposal of used Batteries
Indicates a potentially hazardous situation which, Indicates a potentially dangerous situation
if not avoided, could result in death or serious that, if left untreated, can result in death or
injury. serious injury.
-

Mula sa nangyaring sakuna na hindi natin lubos na inaasahan na


mangyayari pala ay tila maaaring nakapinsala ito ng lubos sa maraming tao.
Ayon sa balita mula sa telebisyon isa sa mga labis na naapektuhan ng
pandemyang COVID–19 ang tipikal na pagpinid sa taong pampanuruan sa
pamamagitan ng mga recognition, moving up, at graduation ceremony dahil sa
pagbabawal na magdaos ng mga mass gatherings at pagpapatupad ng social
distancing. Hindi man lamang naranasan ng maraming mga mag–aaral ang
pagmartsa sa entablado, pakikipagkamay, at pag–abot sa minimithing
gantimpala, sertipiko, o diploma. Kung kaya at Iyan ang binigyang–solusyon ng
Senator Renato “Compañero” Cayetano Memorial Science and Technology High
School sa Taguig City matapos nilang isagawa ang online o cyber graduation
ceremony nitong Biyernes, Mayo 22, 2020 sa pamamagitan ng tablet at student–
made robots. Hindi man aktuwal na nakadalo sa seremonya, mistulang
nagmartsa na rin ang mga mag–aaral. Ikinabit sa ulunan ng robot ang tablet kung
saan makikita ang mukha ng mag–aaral. Pinagsuot naman ng puting toga at
graduation cap ang robot, na pinaandar naman ng remote control, at
nagmamartsa sa pamamagitan ng gulong.

Sa nangyaring pamdemyang ito tila ito ay nagsilbing aral satin na sa lahat


ng problema na dinaranas natin malaki man ito o maliit ito ay kayang sulosyunan
ito basta tayo ay nagtutulungan.

You might also like