Professional Documents
Culture Documents
KOMUNIKASYON NG MGA
FILIPINO
Ang bawat isa ay may karapatang magpahayag ng kaniyang kaisipan at
damdamin at upang maging mabisa at malinaw ang
pakikipagkomunikasyon, nararapat matutuhan ang mga pamaraan, ugaliin
at mga gawing pangkomunikasyon ng iba-ibang pangkat.
Kasarian. May mga salitang ginagamit ang mga babae na kapag ginagamit ng lalake ay hindi ayon
sa kanyang kasarian at gayundin sa lalaki na hindi akma sa kasarian ng isang babae. Hingil sa
gender awareness and development, tanggap ng lipunan ang paggamit ng alinmang salita na hindi
na mahalaga ang sekswalidad ng nagsasalita upang magpahayag ng kaisipan at damdamin.
Mga Gawing
Pangkomunikasyon
Tsismisan
Ang salitang tsismis ay mula sa salitang Kastila na ‘‘chismes’’. Ito ay mga kuwento o
pangyayari na maaaring totoo ngunit ang mga bahagi ng kuwento ay maaaring sadyang
binawasan o dinagdagan hanggang sa tuluyan ng magkaroon ng iba’t ibang bersyon at
kadalasan ay hindi kabutihan ang naidudulot nito.
Umpukan
Ito ay gawing pangkomunikasyon na tumutukoy sa pagpapangkat-pangkat ng isang
pamilya, magkakaibigan, o magkakilala na may magkatulad na gawi, kilos, Gawain at
hangarin. Naiiba ang umpukan sa tsismisan sapagkat mabuti ang tunguhin ng usapin sa
umpukan.
Pagbabahay-bahay
Ito ay isang gawaing panlipunan at tuon nito ang pakikipag-usap sa mga mamamayan
sa kanilang mga bahay. Sa pamamagitan ng pagbabahay-bahay, ang mga mamayan ay
nagkakaroon ng impormasyon hinggil sa mga gawain at layuning nais isakatuparan sa
lugar.
Pulong-bayan
Ito ay karaniwang politikal ang usaping paksa at nauukol sa mga gawain at layuning
pambarangay at pambayan. Ang pulong-bayan ay pormal kapag ang mga opisyal o bayan
ay nagsama-sama sa pagpupulong at ito namna ay di-gaanong pormal kapag ang pinuno
ng bayan ay nagsasagawa lamang ng anunsyo.
Komukikasyong Di-Berbal
Ang komunikasyong di-berbal ay ang natural na paggamit ng pagpapahayag na hindi
ginagamitan ng salita. Hindi natin ito napapansin sapagkat ang paggamit ng mga kilos,
ekspresyon at mga paralenggwahe ay umaayon sa bugso ng nararamdaman sa oras ng
pagpapahayag.
Ang sumusunod ay halaw mula sa pagpapaliwanag nina Hans at Hans hinggil sa tatlong
aspekto ang komunikasyong di-berbal, bagamat nakaugnay sa tatlong ito ang dalawa pang
mahahalagang uri ng di-berbal na komunikasyon na batay sa pagpapaliwanag ni Heathfield
tulad ng paralengguwahe at mga bagay:
1. Kinesika (Kinesics)
Ito ay tumutukoy sa komunikasyong di-berbal na may kaugnay sa paggalaw ng katawan tulad
ng tindig, kumpas, ekspresyon ng mukha at paggamit ng mata sa pagpapahayag ng mensahe.
Tindig. Isinasaalang-alang ditto ang idea kung paano naapektuhan ang ibang tao sa paraan
ng pag-upo, paglakad, pagtayo, o kaya ay pagkilos ng ulo. Kung paano igalaw ang katawan o
tumindig ay nakapagpapahayag ng iba’t ibang kahulugan.
Pagkumpas. Ito ay bahagi ng pang-araw-araw na pagpapahayag ng kaisipan at damdamin ng
isang tao at bilang paglalagom, ang paggamit ng kumpas ay may iba-ibang kahulugan sa
konteksto ng iba-ibang lahi at bansa.
Ekspresyon ng mukha. Ito ay nakapagpapahayag ng maramig ekspresyon at na
nakapagpapahiwatig ng kaligayahan, kalungkutan, galit at maging sa kabiguan.
Pagtingin. Ang pagtingin ay nakapagpapahayag ng maraming kahulugan at ito ay
maaaring makapagpakita ng pagkawili, pagmamahal o pagsinta, poot at maging pagkagusto .
2. Pandama (haptics)
Ang pandama, tulad ng paghawak, ay nakapagpapahayag din ng iba’t ibang kahulugan.
Halimbawa, ang pakikipagkamay at pagpitik sa balikat ay maaaring may galit, nakikiramay,
nagmamahal o nambabastos at ang paghaplos, pagpisil, pagpindot at paghipo ay naghahatid
ng magkakaibang mensahe ayon sa pandama ng tumatanggap nito.
3. Proksemika (Proxemics)
Tumutukoy ito sa espasyo o agwat na maaaring may kaugnayansa dalawang taong nag-
uusap. Ang pagiging malapit, malayo o kaya’y malapit ng mga taong nag-uusap ay
naghahatid ng iba’t ibang kahulugan ayon sa kung sino ang mga nag-uusap.
4. Paralengguwahe (Paralanguage)
Ito ay higit na tumatalakay sa kung paano nasabi o kung ano ang paraan ng pagkasabi ng
isang salita kaysa sa kung ano ang kahulugan ng mga nasabi. Halimbawa nito ang bilis o bagal
ng pagsasalita, tono, impleksyon ng boses, pagtawa, paghikab buntong-hininga, pag-ungol at
kahit na ang pananahimik o hindi pag-imik.
5. Bagay (Objective language)
Malimit itong tawaging material culture at ito ay tumutukoy sa komunikasyog nagaganap
sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga bagay-bagay na nakikita sa paligid. Kaugnay nito, sa
ibang kalagayang kultura, mayroon ding iba pang mga uri ng di-berbal na komunikasyon
tulad ng oras, simbolo at kulay.
Oras. Binibigyang pansin ang pagkakaiba-iba ng umaga, tanghali, hapon, takipsilim,
gabi, hatinggabi at madaling araw at sa ibang bansa naman ay may winter, summer, spring
at fall, ngunit sa Filipinas ay tanging tag-ulan at tag-araw lamang ang mayroon tayo.
Simbolo. Malinaw ang mga mensahe na inihahatid ng mga simbolo at makikita ito sa
mga pamilihan, daan, palikuran, sasakyan at iba pa.
Kulay. Maraming kulay at iba-iba ang kahulugan nito. Halimbawa, ang pagsuot ng
puting damit ng ikakasal na babae ay simbolo ng kabusilakan at ang itim naman na damit
ay pagluksa. Maliban dito, noon, ang kulay ay nagpapahiwatig ng oryentasyon pangkasarian
at ang LGBT community, ang kulay ng bahaghari ay nagsisimbolo ng kalayaan nilang
maging bahagi ng lipunan ng walang diskriminasyon.
Mga Ekspresyong Lokal
Mayaman ang kulturang Filipino sa nga kultura na nagpapahayag tulad ng mga
salawikain, kasabihan, talinghaga, at bulong. Kaugnay nito, dahil iba-iba ang mga taong
nakakasalamuha sa lipunan, nahuhulog ang iba-ibang ugaliin, paniniwala, gawi at
kabilang na rin ang pagkakaiba ng mga ekpresyon.
Tayo ay gumagamit ng mga ekspresyon na tangi sa lugar na kinalakihan, iba-iba ang
ekspresyong ito ayon sa lugar na kinabibilangang pangkat ng tagapagsalita.
Ang mga ekspresyon, bilang bahaging gawing pangkomunikasyon ng mga Filipino ay
nag-iiba dahil sa heograpiya o lokasyon ng tagapagsalita. Ito ang dahilan kung bakit may
varyasyon ang paggamit ng wika.
Halimbawa:
Tagalog: Bumangon ka na, mataas na ang sikat ng araw. (nangangahulugang tanghali
na kaya dapat bumangon at magtrabaho na)
Ilokano: Bumtak sara’t nuangin/nuangen. Sa literal na kahulugan ay pumutok na ang
sungay ng kalabaw. Kapag sinabi ang bumtak sara’t nuangen (nangangahulugang
tanghali na at mataas na ang sikat ng araw kaya dapat bumangon na at magtrabaho)
May mga ekspresyong lokal na karaniwan sa mga tagapagsalitang Filipino at
nahahati ito sa tatlong pangkat
Katutubong Ekspresyon
1. Jeproks 6. Iniputan sa ulo
2. Para kang sirang plaka 7. Bugtong na anak
3. Kopong-kopong 8. Topo-topo
4. Naniningalang-pugad 9. Makunat pa sa belekoy
5. Giyera patani 10. May pileges sa noo
Makabagong Ekspresyon
1. Anak ng........! 6. Diyos ko! O, Mahabaging Diyos
2. Diyaske 7. Ikako
3. Susmaryosep 8. Mucho dinero
4. Bahala na o kaya sige lang 9. Totoy o Nene
5. Ganun? 10. Lutong Macau
Ekspesyong Milenyal (Higit na makabagong ekspresyon)
1. Humuhugot 6. Lodi
2. Ansabe 7. E di wow!
3. Ligwak 8. Ginigigil mo ako.
4. Havey 9. Petmalu
5. Werpa 10. Pak!
MGA NAPAPANAHONG
ISYUNG
LOKAL AT NASYONAL
Introduksyon:
Sa pagbabago ng panahon, umusbong din ang iba’t ibang hamong panlipunan sa
kinakaharap ng isang bata. Kailangang makilala at maunawaan ng isang lipunan ang mga
hamong kinakaharap upang matugunan ang mga ito at makasabay sa nagbabagong
panahon.
Ang Filipinas, bilang umuunlad na bansa, ay hindi rin maitatangging nahaharap sa
isyung panlipunan. Sisipatin natin sa araling ito ang kalagayan mg bansa sa konteksto ng
serbisyong pabahay, pangkalusugan, transportasyon, edukasyon, urbanisasyon, pagkasira
ng kalikasan at kalamidad na nagbibigay-buhay sa iba’t ibang isyung panlipunan.
Mga layunin:
1. Nakikilala ang iba’t ibang isyu sa lipunan hinggil sa usapin sa pabahay,
pangkalusugan, transaportasyon, edukasyon, urbanisasyon, pagkasira ng
kalikasan, at kalamidad.
2. Natalakay ang mga dahilan at bunga ng mga isyung panlokal at pangnasyonal;
at
3. Nakapagmumungkahi ng mga solusyon sa iba’t ibang isyung lipunan.
Pabahay
Sa nilabas na ulat ng Kagawaran ng Badyet at Pamamahala noong taong 2017,
pumapatak na humigit-kumulang sa 11.7 bilyong piso ang nailaan na badyet sa pabahay at
Housing Ameties. Ang National Housing Authority ay nagbibigay tulong, serbisyo’t
pagkakataon upang umangat at mapabuti ang kalidad ng pamumuhay ng mga
benepisyaro sa isang bagong komunidad at kapaligiran.
Pangkalusugan
Ang Kagawaran ng Kalusugan ay ang ahensya ng gobyerno na namamahala sa mga
serbisyong pangkalusugan para sa mamamayang Filipino. Binunuo ito ng mga gugulin sa
mga serbisyong ospital, outpatient, kalusugang pampubliko, seguruhang pangkalusugan,
at pangkalusugang pananaliksik at pagsulong.
Pinagtutuunan ng pansin ng nasabing kagawaran ang
sumusunod:
1. Health Human Resource.
Tumutukoy ito sa pagkuha ng mga bagong health personnel para matiyak ang paghahatid ng
mga pangunahing serbisyong pangkalusugan, lalo na s mga liblib na lugar.
2. Early Chilhood Care and Development.
Naglalayong bigyan ang lahat ng 9.3 milyong bata na limang taon pababa ng mahalagang
bitamina at mineral.
3. National Immunization.
Pagsasagawa ng ganap na imyunisasyon sa 2.4 milyong bata sa buong bansa laban sa mga
sakit na kayang maiwasan sa pamamagitan ng bakuna tulad ng dipterya, tigdas at rubella.
4. Other Infectious Diseases.
Naglalayong mabawasan ang epekto sa kalusugan ng mga nakakahawang sakit, at
palakasin ang paghahanda para sa mga sakit.
5. Tubercolosis Control.
Naglalayong pigilin ang pagdami ng mga kaso nga Tubercolosis.
6. Health Facilities Enhancement.
Naglalayong makabili ng mga kagamitan para sa mga ipapatayo, ipapaayos, o
palalawaking pangkalusugan ng gobyerno.
Transportasyon
Isa sa pinakamalaking suliranin na kinakaharap ng bansa ay ang suliranin sa trapiko. Hindi
lamang oras at panahon ang nagugugol kundi pati na rin ang pagkasayang ng pera, hindi rin
maiiwasan ang mga aksidente sa daan bunsod ng ganitong penomena. Ang pagdami ng mga
pamilyang gumagamit ng sasakyan ay nakadaragdag din sa problema ng trapik sa lugar at sa pag-
usbong ng mga ganitong suliranin, naroon din namn ang pagtugon sa mga ito, gaya na lamang ng
pag planong i-extend ang LRT sa Cavite, Pier, Masinag at ang PNR sa Pampanga at Laguna.
Edukasyon
Kinikilala ng pamahalaan ang edukasyon bilang isang matibay na instrumento sa
pagpapausbong ng pagbabago ng bansa kaya nabigyang buhay ang K to 12 Program, namay
layuning makaliha nang buo at ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi. Sa
inilabas ng Philippine Statistics Authority ay may free tuition sa kolehiyo para sa mahihirap na mag-
aaral.
Iba’t Ibang Usapin Hinggil sa
Urbanisasyon
Ang urbanisasyon ay isang proseso kung saan ang mga bayan at siyudad ay
nagkakaroon ng paglobo ng populasyon sanhi ng patuloy na pagdami ng mga
taong gustong manirahan at makapagtrabaho sa lugar. Ang paglipat ng mga
mamamayan patungo sa sentro ng kalakaran ay hindi garantiya ng isang
marangya at maayos na buhay sa bayan o siyudad, sapagkat ito ay maaaring
magdulot ng mas malalang problema sa lipunan. Isa sa mga magandang
naidulot ng urbanisasyon ay ang pagkakaroon ng lakas paggawa para sa mga
industriya at ilan pang paggawa sa urban area, sapagkat ang mabilis na
paglobo ng populasyon sa lugar ay maaaring makapagdulot ng iba’t ibang sakit
sa mga tao. Ang iskuwater sa lungsod ay malaking problema sa lugar dahil na
rin sa lumalaking problema, hindi mailalayo ang bilis na pagdami ng krimen
bunsod ng kahirapang naidudulot ng urbanisasyon.
Usapin Hinggil sa Malawakang Pagkasira ng
Kalikasan at Pagkakaroon ng Kalamidad
Ang bansang Filipinas ay napakayaman sa likas na pinagkukunang yaman dahil sa iba’t ibang
uri ng halaman at hayop. Ayon kay Encarnacion, ang halaman ay may humigit-kumulang na
dalawang milyong uri na matatagpuan sa ating bansa at humigit-kumulang na 1,200 naman ang uri
ng hayop na mtatagpuan sa Filipinas. Ang lahat ng likas na yaman na ito ay unti-unting nawawala
at nasisira, 70% ng bakawanan ang nasira na nitong nagdaang mga dekada. Ang mga bakawan ang
nagsisilbing tahanan ng mga hayop sa dagat at kasabay ng pagkaubos at pagkasira ng mga
bakawan ay ang nakaambang pagkaubos din ng mga lamang-dagat.
Unti-unting nasisira ang kagubatan dahil sa malaking pagputol ng mga kahoy na ginagamit ng
iba’t ibang industriya at ang pagkasira ng kagubatan ay nagbubunsod ng iba’t ibang sakuna sa mga
mamamayan, idagdag pa rito ang pagkawala ng tirahan ng mga hayop sa kagubatan kung patuloy
ang pagkasira ng kanilang tirahan.
Isang nakikitang dahilan ng patuloy na pagkasira ng kalikasan ay hindi pagiging mahigpit ng
ating batas na siyang lalong nagpapahirap ng kalikasan. Dahil sa heograpikong lokasyon ng
Filipinas nasa Pacific Ring of Fire, umuusbong ang iba’t ibang uri ng kalamidad. Ang Bagyong
Yolanda ay mahirap kalimutan dahil ito ang pinakamalakas na bagyo na naranasan sa buong
kasaysayan ng ating daigdig.
MGA NAPAPANAHONG
ISYUNG LOKAL AT
NASYONAL
Korapsyon, Kahirapan, Malnutrisyon, Kawalang Seguridad Sa Pagkain
MGA LAYUNIN:
Kaalaman
1. Maipaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang mabisang wika sa kontekstwalisadong
komunikasyon sa mga komunidad at sa buong bansa.
2. Matukoy ang mga pangunahing suliraning panlipunan sa mga komunidad at sa buong bansa.
Kasanayan
3. Magamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na sitwasyon sa lipunan.
4. Makapagpapahayag ng mg makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng mga tradisyonal at modernong
midyang akma.
5. Makagawa ng malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng impormasyon at analisis na akma sa
iba’t ibang konsepto.
6. Makagawa ng makabuluhan at mabisang materyales sa komunikasyon na akma sa iba’t ibang
konsepto
7. Malinang ang Filipino bilang dayuhan ng inner/multidisiplinaring diskurso na nakaugat sa mga
realidad.
Halagahan
1.Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling paraan ng pagpapahayag ng mga Filipino sa iba’t ibang
antas at larangan.
2.Maisaalang-alang ang kultura at iba pang aspetong panlipunan sa pakikipagpalitang idea.
Tayo ay may iba’t ibang pananaw sa buhay batay sa ating
kinagisnang buhay at magkakaiba ang pangangailangan batay sa uri
ng buhay ng pamilya. Kabilang dito ang pagkain, tirahan at
pananamit ; ang iba ay di na abot dahil sa kahirapan. Ito ang
maituturing na pangunahing isyu sa loob ng bansa.
KAHIRAPAN
Ito ay kalagayan ng isang tao o pamilya na walang
pagpapahalaga sa mga materyal o salapi.
Absolutong kahirapan ay hindi pagkakaroon ng pamamaraan
upang magkaroon ng pangangailangang pantao tulad ng
naiinom na tubig, nutrisyon, kasuotan at tirahan.
Relatibong kahirapan ay ang pagkakaroon ng mapagkukunan
o mas kaunting salapi kaysa sa ibang tao sa loob ng lipunan.
MGA SANHI AT BUNGA NG KAHIRAPAN SA
PILIPINAS
1. Korapsyon – ito ay nakaugat at nakaakibat na sa sistema ng polita kung
saan hindi na nalalaypo an kanilang kahulugan. Hindi natin maikakaila na
marinig lamang ang salitang politika o gobyerno , pumapasok sa ating isipan
ang korapsyon.
nagdadalawang isip ang ibang bansa na tulungan ang Pilipinas dahil di
komportable kung ibinubulsa lamang ba ito ng mga politko. Noong
nakaraang bagyong Yolanda, mahigit dalawang bilyon ang binigay ng
ibang bansa ngunit katiting lamang ang napunta sa mga tao
(Rappler,2013) kabilang din dito ang pork barrel o PDAF kung saan naging
malaking eskandalo sa kongreso at senado dahil sa mahigit sampung
bilyon ang binulsa ni Janet Napoles o “ ina ng scam “ kasama ang ibang
miyembro, ganoon din ang nawalang 900 milyong piso mula sa
Malampaya Gas Field.
MGA AHENSYANG NILIKHA KONTRA KORAPSYON
1987 Saligang Batas ng Pilipinas – lumikha ng konstitusyunal upang sugpuin ang
graft and corruption at epektibong mpatupad ang mga probsyon ng
pagpapanagot na pampubliko at pagkakaroon ng kapangyarihang pisikal upang
masiguro ang kalayaan at aksyong maaapela lamang sa Kataastaasang
Hukuman.
Office of the Ombudsman (OMB) – nag – iimbestiga at kumikilos sa mga reklamong
inihain laban sa mga opisyal at empleyadong pampubliko at nagsisilbing
“people’s watchdog” ng pamahalaan o “protektor ng mga tao”. Ito ang
nangangasiwa sa katungkulang opisyal upang ang btas ay mailapat at
sumisiguro sa patuloy at paghahatid ng serbisyong pampubliko. Pagpipino ng
mga pamamaraan at kasanayang pmapubliko ng mga sanksyong administratibo
sa nagkakasala at naglilitis sa kanila sa mga pag labag sa batas. Si Merceditas
Gutierrez ay na-impeach dahil sa di pgkilos.
Civil Service Commission (CSC) – nagtatatag ng serbisyo upang magtaguyod ng
moral, kaigihan, integridad, pagtugon, pagsulong, at kagandahang loob sa
serbisyong sibil. Nagpapalakas ng sistemang merito at gantimpapala, pagunlad
ng tao at pananagot na pampubliko.
Commission On Audit (COA) – operasyong pansalapi ng pamahalaan upang
siyasatin o i – audit at bayaran ang lahat ng mga account, buwis, resibo,
gastos at pondo sa ilalim ng kustodya ng mga ahensya ng pamahalaan at mga
instrumentalidad. Nagpapalaganap ng mga patakaran at regulasyon para sa
pagpigil sa mga hindi makatwirang mga gastusin o paggamit ng pondo.
Sandiganbayan – anti – graft sa pilipinas laban sa mga kriminal na
kinasasangkutan ng graft and corruption practices at iba pang mga paglabag
at pagpapanatili ng moralidad, integridad at kaigihan ng pamahalaan.
2. KASAKIMAN – ipinagbibili ang sarili sa mga taong makapangyarihan at hindi
kontento sa kanilang natatanggap, kadalasan pa ay nadadamay o humahtak pa ng
ibang tao pababa. Hal. Ang nablalitang “tanim bala”.
KAHIRAPAN
Sherradle Dimla
Grace Shelle Contillo
Krystal Ramos
Paulo Tabago
Prince Clint Agluba
Members