Professional Documents
Culture Documents
BATAYANG
KAALAMAN SA MGA TEORYA
SA PANANALIKSIK NA AKMA
O BUHAT SA LIPUNANG
PILIPINO
Sa panahong ito na nagpapatuloy ang mga hakbang sa
pagkakaroon ng maka-Pilipinong pananaliksik, mahalagang
maisaalang-alang din ang mga mailalapat na konseptong
malapit sa karanasang Pilipino. Ito ay mahalagang susi sa
pagtugon sa mga nangangailangan ng sambayanan lalo na
kung binuo salig sa karansan ng bayan at mamamayan.
Layon ng SP ang:
1. Pagsasakatutubo (indigenization) ng mga pag-aaral, pagsusuri, at
pagteteorya ng tao at kaniyang diwa;
2. Pagkakaroon ng panlipunang kamalayan at kabatirang pinakikilos ng
obhertibong pagsusuri;
3. Patuloy na pag-aaral sa nauna, tradisyonal at kinagisnang Sikolohiya; at
4. Pagpapatibay sa pagsanib ng katutubong Sikolohiya sa iba’t ibang
larangan at maaaring mailipat na Kanluraning konsepto at pag-aaral.
Tumutulay ang mga ito sa tatlong primaryang protestang inihahayag ng SP
bilang isang larangan:
1. Ito ay pagtaliwas sa sikolohiyang nililinang sa mga industriyalisadong
bansa sa mga bansang palinang pa lamang.
Ang mga itp ay hindi lamang magkakaugnay ayos sa lalim at babaw ng mga ito. Bagkus
nililinaw rin nina Santiago at Enriquez (1979) na ang mga ito ay nagpapakita ng kaisahan
mula sa kawalan ng ugnayang pakikitungo tungi sa ganap na esensya identipikasyon sa
pakikiisa.
Metodo sa SP
Ang SP bilang isang disiplinang pampananaliksik na naglalayon ng pangsasakatutubo ay
nagtataglay ng katutubong paraan ng pananaliksik. Maaaring gamitin ang mga sumusunod na
metodo sa pananaliksik:
Ito ay pagsang-ayon sa gawa, salita, at kilos ng isang tao na ang layunin ay maaring
Pakikilahok taos sa puso o hindi. Gayundin, malaki rin ang naitutulong nito sa
(Participation as pakikipagkaibingan. Nakikibahagi ang mananaliksik sa mga gawi ng mga tao sa
one-with-the- pamayanan. Nagkakaroon siya ng partisipasyon sa mga nakikitang pangyayari sa
others.) loob ng natural na konteksto.
Pakikisangkot Ito ay nagpapakita ng aktong pakikibahagi ng mananaliksik sa pamayanan, ang mula
(Integral sa pagiging silbi ay nakikiisa at nakikisangkot na ang mananaliksik sa mga gawaing
Involvement) pampamayanan.
Ang Pagdalaw-dalaw ay pagpupunta-punta at pakikipag-usap ng isang tao sa
Pagdalaw-dalaw kaniyang kapwa. Ito ay isang paraan sa mabilis na pakikilala ng dalawang tao
(Casual but sapagkat sa dalas ng pagkikita at pag-uusap, nailalabas ng isang tao ang nais niyang
repeated Visits) sabihin bagamat maaring may ilan pang pagpipigil.
Pantayong Pananaw
Ayon kay Salazar (1991) ang Pantayong Pananaw (o ang PP) ay isang panloob
na pagkakaugnay-ugnay at pag-uugnay ng mga katangian, halagahin, kaalaman,
karunungan, haranin, kaugalian, pag-aasal, at karanasang ng kabuoang
pangkalinangan-kabuoang nababalot sa, at ipinapahayag sa pamamagitan ng wika;
Tinutungo ito ang layon ng pantayong pananaw na makilala at maipakilala ang
anumang hinggil sa kultura, kasaysayan ng bayan sa kapuwa kultura.
Bilang pananaw, inilahad ito bilang bahagi ng pag-iisip ng tao. Hindi ito pagbibigay-opinyon lamang. Ito
ay proseso ng pagninilay at pagbibigay-interpretasyon sa nangyayari at sa kanyang kapligiran.
Samantala, may limang element ng pantawang pananaw:
1. Medyum. Ito ay may kilalanin sa daluyan ng lunan (entablado, kalye, radio, o telibesyon) na laganap
ang Pantayong Pananaw.
2. Konteksto. Ito ay mga isyung panlipunan na kalikasan ay sosyal at politikal.
3. Nilalaman at Anyo. Ito ang tiyak na pianannggagalingan ng Pantawang Pananaw (maaaring
pagtatanghal, tradisyon, anyo ng akdang pamapanitikan).
4. Aktor. Siya/Sila ay mga nagsisipagganap sa konteskto ng kapaligiran.
5. Manonood. Siya/Sila ang mga tumatanggap ng kamalayang ito.