You are on page 1of 13

YUNIT 5: BATAYANG

KAALAMAN SA MGA
TEORYA SA
PANANALISIK NA AKMA
O MULA SA LIPUNANG
PILIPINO ATIENZA, CYRIL ANNE C.
BSBA FINMGT 2201
TEORYA
● Ito ay binuo upang “magpaliwanag,
magbigay ng prediksyon hinggil sa o
makatulong sa pag-unawa sa
penomemon, at sa maraming
sitwasyon, ay naglalayong suriin ang
kabuluhan at palawakin pa ang
umiiral na kaalaman.”(Abend 2013).
BATAYANG TEORETIKAL
● Binubuo ng mga konsepto at teorya na
magagamit sa pananaliksik ang batayang
teoretikal. Karaniwang nabubuo ito sa
pamamagitan ng kombinasyon ng mga
teorya at konsepto mula sa umiiral na
pananaliksik na naging bahagi ng kaugnay
na literatura at kaugnay na pag-aaral.
(University of Suthern California,2018)
TATLONG KONSIDERASYON SA
PAGPILI NG TEORYA (Torraco (1997) )
● Pagiging akma sa pananaliksik.

● Linaw/dali ng aplikasyon sa pananaliksik.

● Bisa ng teorya sa pagpapaliwanag o paghahanap


ng sagot sa mga tanong ng pananaliksik.
1. Tinutulungan nito ang mambabasa na
PAANO suriing mabuti ang pananaliksik.
NAPATITIBAY NG 2. Iniuugnay nito ang mananaliksik sa mga
BATAYANG umiiral na kaalaman at pananaliksik.
3. Tinutulungan nito ang mananaliksik na
TEORETIKAL malinaw at hakbang-hakbang na sagutin ang
ANG mga tanong ng pananaliksik
PANANALIKSIK 4. Nililinaw rin nito ang saklaw at
(TORRACO, 1997) limitasyon ng pagsusuri sa datos at/o
pagbubuo ng mga kaisipan at/o teorya na
isasagawa ng mananaliksik.
MGA LAYUNIN
1. Matukoy ang mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan at kapaki-
pakinabang na sanggunian sa pananaliksik.
2. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling teorya ng mga Pilipino
sa iba’t ibang larangan.
3. Makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na presentasyon
ng impormasyon at analisis na akma sa iba’t ibang konteksto.
4. Makapag-ambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang
daluyan ng makabuluhan at mataas na antas ng diskurso na akma
at nakaugat sa lipunang Pilipino, bilang wika ng pananaliksik na
nakaayon sa pangangailangan ng komunidad at bansa.
MGA DISKURSO SA NASYONALISMO

● Ayon sa Philippine Cultural Education, ang nasyónalismo ay


isang sistema ng paniniwala o ideyolohiyang politikal ng
pagiging makabansa, ng katapatan sa interes ng bansa, ng
identipikasyon nang may pagmamalaki sa kultura at tradisyon
ng bansa, at ng paglulunggating matamo ang pambansang
pagsulong.
● Sa Philippine EJournals naman ay sinabing ang nasyonalismo o
makabayang pilosopiya ay tumutugon hindi lamang sa pagiging
makabayan kundi sa pagkakaroon ng paninindigan, karapatan,
diwa, at pakikisangkot para sa lipunan.
● Handang kalimutan ng isang
taong makabayan ang kaniyang
“Pananaw ni sarili para maisulong ang
Rizal” kabutihan ng kaniyang mga
Ang kababayan. Higit sa lahat,
nasyonalismo ay gagawin niya ito nang walang
pag-aalinlangan o “sin dudas, sin
pagsasakripisyo
pesar (Quibuyen, 1999,
Marquez-Marcelo,1984).
● Ayon sa akdang “Nationalism” (2009) ni Anthony
Smith, dating propesor sa London School of Economics, ang
mga kahulugan ng nasyonalismo ay maaaring nagmula sa
pagkakaroon ng nasyon.
● Ayon kay Smith, dalawang uri ang kinabibilangan ng mga
kahulugan ng nasyon.
Objective factors - ay mga kahulugang nakatuon sa wika,
relihiyon, asal, teritoryo, at institusyon.
Subjective factors - naman ay tumutukoy sa mga
kahulugang nakasentro sa mga saloobin, pang-unawa, at
sentimyento ng mga mamamayan.
TATLONG PARADIGM (SMITH,2012)
1. Primordialism (perrenialism) - ang nasyonalismo ay
isang likas na penomena na kinakaharap ng bawat nasyon.
2. Ethnosymbolism ay isang paradigmang komplikado,
nakabatay sa perspektibo ng kasaysayan, at ipinaliliwanag na
ang nasyonalismo ay isang dinamiko, ebolusyonaryong
penomena na kinasasangkutan ng historikal na kahulugan, sa
pamamagitan ng subhektibong ugnayan ng nasyon sa
kanyang pambansang simbolo.
3. Modernism - nagmumungkahi na ang nasyonalismo ay dapat tingnan
bilang pinakabagong penomenang panlipunan na nangangailangan ng
istrukturang sosyo-ekonomiko ng makabagong lipunan.

“Miseducation of the Filipino” ni Renato Constantino, na malayang


isinalin ni Martinez sa Filipino bilang “Lisyang Edukasyon ng mga
Pilipino.” Sa nasabing artikulo, sinuri ni Constantino ang kasaysayan ng
edukasyon sa bansa, partikular ang sitwasyon nito sa panahong direktang
kolonya pa ang Pilipinas. Nilinaw niya ang nasyonalismo ay hindi lamang
isyung kultural, kundi politikal at ekonomiko rin. Para kay Constantino,
kailangang itransporma ang sistemang pang-edukasyon ng bansa upang
matiyak na makapag-aambag ito sa pag-unlad ng Pilipinas:
Mga akdang tumatalakay sa nasyonalismo :
● Tulang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” at sanaysay na
“Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog” ni Andres
Bonifacio
● “Kartilya ng Katipunan” at ng sanaysay na “Ningnging
at Liwanag” ni Emilio Jacinto.
● Sanaysay na “Ang Apat na Himagsikan ni Francisco
Balagtas” ni Lope K. Santos
● Artikulong “Perspetibo, Realismo, at Nasyonalismo” ni
Rolando Tolentino.
MARAMING SALAMAT!

You might also like