You are on page 1of 20

Ang Maka-Pilipinong

Pananaliksik
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO
TUNGO SA PANANALIKSIK
Pasahan: November 19, 2019
• P. 172 I 10 pts
• P. 184 I 10 pts
• P. 199 I 10 pts at II 10 pts
• P. 218 I. 10 pts
• P. 219 II 10 pts
• P. 240-241 I 15 pts
• P. 242-243 II 15 pts
• = kabuuang puntos 90 pts
Daloy ng Talakayan

• Kahulugan ng Pananaliksik
• Ang Kahulugan at Kabuluhan ng Maka-Pilipinong Pananaliksik
• Gabay sa Pagpili ng Paksa at Pagbuo ng Suliranin sa Pananaliksik
• Tumutukoy sa “sistematikong proseso ng
analisis at interpretasyon ng mga datos
na makatutulong sa pag-unawa sa
isang penomeno, isyu o suliraning nais
na bigyan ng tuon” (Leedy, 2002; nasa Naval,
Carague, at Castolo, 2007)
• Ayon kay Good “isang maingat at walang
kinikilingang imbestigasyon ng mga
suliranin o isyu na nakabase hangga’t
maaari sa mga katotohanang
napatutunayan na kinabibilangan ng mga
itenpretasyon at mga paglalahat” (nasa Naval,
Carague, at Castolo, 2007)
• Ayon kay Susan B. Neuman (1997), na binanggit ni Evasco et.
al. (2011) sa aklat na “Saliksik:
Gabay sa
Pananaliksik sa Agham Panlipunan,
Panitikan, at Sining” ang pananaliksik ay
paraan ng pagtuklas ng mga kasagutan sa
mga partikular na katanungan ng tao
tungkol sa kaniyang lipunan o kapaligiran.
KATANGIAN NG PANANALIKSIK

1. Sistematiko. Ang pananaliksik ay isang prosesong


nakatuon sa pagsunod ng iba’t ibang hakbang na sasagot sa
kahingian ng pag-aaral.

2. Lohikal at Kritikal. Ang pananaliksik ay ginagamitan ng


pagpapaliwanag at pangangatuwiran sa nakuhang datos o
resulta ng pag-aaral. Kritikal sapagkat sinusuri ng mananaliksik
ang mga datos.
KATANGIAN NG PANANALIKSIK

3. Akademik. Iskolarli ang katangiang dapat taglayin ng


pananaliksik. Pakikilahok sa diskurso at kaalamang ipinapalagay ng
akademya.
KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK

1. Mahalaga ang pananaliksik sapagkat kasangkapan ito sa


pagbuo ng mga batas at polisiya ng lipunan.

2. Mahalaga ang pananaliksik sapagkat napapaunlad nito


ang pamumuhay ng mga tao.
KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK

3. Mahalaga ang pananaliksik sapagkat naitatama nito ang


mga mali.

4. Mahalaga ang pananaliksik sapagkat hinahasa nito ang


pag-iisip ng isang indibidwal para maging kritikal.
• Ang maka-Pilipinong pananaliksik ay gumagamit ng wikang
Filipino at/o mga katutubong wika sa Pilipinas at tumatalakay
sa paksang mas malapit sa puso at isip ng mamamayan.
• Isinasaalang-alang ang pagpili ng paksang naaayon sa interes at
kapakinabangan ng sambayanang Pilipino.
• Komunidad ang laboratoryo ng maka-Pilipinong Pananaliksik
• Ang maka-Pilipinong pananaliksik ay gumagamit ng wikang
Filipino at/o mga katutubong wika sa Pilipinas at tumatalakay
sa paksang mas malapit sa puso at isip ng mamamayan.
• Isinasaalang-alang ang pagpili ng paksang naaayon sa interes at
kapakinabangan ng sambayanang Pilipino.
• Komunidad ang laboratoryo ng maka-Pilipinong Pananaliksik
MAKA-PILIPINONG
PANANALIKSIK
2. Ang maka-Pilipinong pananaliksik ay nakakiling sa pananaw-
Pilipino o teoryang Pilipino. Maituturing na maka-Pilipino ang
pananaliksik kung nakakiling sa pananaw-Pilipino ang pagsusuri ng isang
penomenon. Kaugnay nito, maaaring gamitin ng mga Pilipino ang iba’t
ibang teorya, prinsipyo, at modelo na nilikha ng mga Pilipinong iskolar.
Kaya marapat tingnan at gamitin ng mga Pilipinong mananaliksik ang
iba’t ibang karunungang Pilipino gaya ng Sikolohiyang Pilipino ni Virgilio
G. Enriquez, Pantayong Pananaw ni Zeus Salazar, Pagkataong Pilipino ni
Prospero Covar at Pilosopiyang Pilipino ni Florentino Timbreza.
MAKA-PILIPINONG
PANANALIKSIK
3. Ang maka-Pilipino pananaliksik ay gumagamit ng mga katutubong
metodo sa pangangalap ng datos. Maituturing na maka-Pilipino ang
pananaliksik kung ang mga metodong ginamit o gagamitin sa pag-aaral ay
“katutubo” sa atin gaya ng mga metodo sa Sikolohiyang Pilipino na
pinangunahan ni Virgilio G. Enriquez (1976). Ilan sa mga ito ang pagdalaw-
dalaw (Gepigon at Francisco 1978), pagtatanong-tanong (Pe-pua 1989),
pakikipagkuwentuhan (Orteza 1997), pakapa-kapa (Torres 1982), pagmamasid-
masid (Bennagen 1985), ginabayang talakayan (1985), panunuluyan (San Juan at
Soriaga 1985) (binanggit sa Pe-pua at Marcelino 2002).
MAKA-PILIPINONG
PANANALIKSIK
4. Ang maka-Pilipinong pananaliksik ay nakakiling sa
kapakanan ng mga Pilipino sa loob o labas man ng
bansa. Maituturing na maka-Pilipino ang isang pananaliksik
kung palaging inuuna ang kapakanan ng mga Pilipino saan
man sa mundo. Matatamo ang ganitong hangarin kung ang
paksa ng pag-aaral ay nakakiling na sa mga paksang
Pilipino, at kapakinabangan ng mga Pilipino.
MAKA-PILIPINONG
PANANALIKSIK
5. Ang maka-Pilipinong pananaliksik ay nakakiling sa paggamit ng
wikang Filipino o anumang katutubong wika sa Pilipinas.
Maituturing na maka-Pilipino ang pananaliksik kung ang pangunahing
wikang gagamitin sa pag-aaral ay nakakiling sa wikang Filipino o anumang
katutubong wika sa Pilipinas. Tandaan, dapat maunawaang lubos ng
kalahok ang wikang sinasalita ng mga mananaliksik nang sa ganoon ay
maging maayos ang daloy ng pakikipanayam. At tanging sa kanilang wika
lamang nila lubusang maipapahayag ang kanilang pinakamalalim na
damdamin, ideya, pag-uugali at pananaw (Pe-pua at Marcelino 2002).
Etika ng Pananaliksik

You might also like