You are on page 1of 6

PANANALIKSIK: KAHULUGAN, KATANGIAN AT LAYUNIN

Kahulugan ng Pananaliksik
Ang pananaliksik ay isang masusing pagsisiyasat at pagsusuri sa mga ideya, konsepto, bagay, tao, isyu at
iba pang ibig bigyang linaw, patunayan o pasubalian.
 Masusi ito dahil bawat detalye, datos, pahayag at katwiran ay inuusisa, nililinaw at pinag-aaralang
mabuti bago gumawa ng mga konklusyon.
 Pagsisiyasat ito dahil anumang pamamalagay, ideya o haka-haka ay hinahanapan ng katibayan para
patunayan.
 Pag-aaral ito dahil ang mga bunga ng pagsisisyasat ay tinitimbang, tinataya at sinusuri.
 Nagbibigay-linaw ito sa mga ideyang maaari ng alam ng pero mangangailangan ng dagdag na
impormasyon at paliwanag.
 Nagpapatunay ito sa mga nosyon, palagay, haka-haka at paniniwala.
 Nagpapasubali ito sa mga dati nang pinanialaan pero inaakalang may mali, hindi totoo o hindi dapat
paniwalaan.

Katangian ng Pananaliksik
Ang pananaliksik ay:
 Obhetibo. Ang mga datos ay kinuha sa mga di-kumikiling o di-kinikilingang mga batis. Ang gma
interpretasyon ay batay sa paghahanay, pagtataya, at pagsusuri ng mga datos na ito.
 Marami at iba’t iba ang mga ginagamit na datos. Lahat ng posibleng pagkunan, maging ito’y
nakasulat sa wikang banyaga o kaya’y nasa ibang bansa, ay mga datos na magagamit sa pananaliksik.
Ang anumang problema kaugnay ng pinansya, distansya, at lenggwahe ay limitasyong dapat harapin ng
mananaliksik.
 May pamamaraan o angkop na metodolohiya na tutulong sa ikahuhusay ng pananaliksik.
 Masuri o kritikal sa paggamit ng mga datos at sa pagtitimbang-timbang sa mga ideya.
 Dokumentado sa mga materyales na ginagamit bilang pagkilala sa gawain ng iba at mga datos na
nakuha.
Layunin ng Pananaliksik
1. Tumuklas ng bagong datos at impormasyon.
Hindi ka ba nagiging interesado kung may bago kang nalamang impormasyon? Nagbibigay-sigla ang
mga bagong impormasyon dahil sa orihinalidad ng ideya at mga datos nito.
2. Magbigay ng bagong interpretasyon sa lumang ideya.
Pwede mong tingnan ang isang ideya mula sa ibang anggulo,perspektiba, at pananaw kaysa dati nang
paraan ng pagtingin ng iba dito. Bago pa rin ito, dati na nga lang alam ng marami ang paksa.
3. Maglinaw sa isang pinagtatalunang isyu.
Maraming bagay ang pinagtatalunan, pinag-uusapan at pinagkakainteresan sa komunidad, sa mga
institusyon, at sa bansa. Magandang gumawa ng panananliksik para makatulong sa paglilinaw sa mga bagay na
ito.
4. Manghamon sa katotohanan o pagiging makatwiran ng isang tanggap o pinapalagay na totoo o
makatotohanang ideya.
Ang isyu ukol sa kabayanihan ni Bonifacio ay nagiging paksa ng mga usapan, diskusyunan, hamunan,
balitaktakan sa mga klasrum, simposyum, radio, TV, magasin at mga dyaryo.
5. Magpatunay na makatotohanan o balido ang isang interpretasyon, paniniwala, palagay, O pahayag.
Balido o totoo ang isang ideya kung ito’y mapapatunayan o mapapasubalian ng mga makatotohanang
datos.
6. Magbigay ng historikal na perspektiba para sa isang senaryo.
May mga ideyang makabuluhang tingnan o surin ang hinaharap o kinabukasan nito. Ngunit sa
pagtukoy at pagsusuri dito ay kailangan ang pananaliksik sa kasaysayan nito.

Gamit ng Pananaliksik sa Lipunang Pilipino


1. Sa Pang-Araw-Araw na Gawain
May mga pansariling gamit at kabuluhan ang pananaliksik sa isang indibidwal.
2. Sa Akademikong Gawain
Tinatawag na sulating pananaliksik or panahunang papel ang bunga ng gawaing ito na ginagawa ng paris
mong estudyante. Sa mga nagtatapos naman, tinatawag itong tesis o kaya’s disertasyon.
3. Sa Kalakal/Bisnes
Bago pumasok sa isang bisnes, ang isang korporasyon o indibidwal ay gumagawa muna ng pananaliksik at/
o feasibility study ukol sa potensyal sa market at tubo at ikatatagumpay ng bisnes na pinasok.
4. Sa Iba’t Ibang Institusyong Panggobyerno
 Para sa serbisyong panlipunan, ang mga upisina o institusyong panggobyerno ay nagsasagawa ng
pananaliksik para sa kani-kanilang mga pangangailangan.
 Sa larangan ng kalusugan, halimbawa, ang mga pananaliksik ng Department of Healtho kaya’y ng mga
unibersidad gaya ng Unibersidad ng Pilipinas ukol sa mga pangkaraniwang sakit.
 Sa pagsasaka, ang mga pananaliksik ng Departamento ng Agrikultura pati na ang mga pag-aaral sa mga
barayti ng palay sa JRRI at sa mga kolehiyo at unibersidad ng estado.

Oryentasyong Pilipino sa Pananaliksik


Ang pananaliksik ay isang unibersal na gawain. Hindi ito nasasagkaan ng wika at mga heograpikal at
pisikal na hangganan ng mga kultura at mga bansa. Dito naitatatag ang tinatawag na oryentasyon sa
pananaliksik.
Paano naman naipapakita o napapatunayan ang oryentasyong Pilipino? Maaari mong makita ito sa pamamagitan
ng:
 Paksa
Ang pagpili mismo ng paksa ay nagpapatunay ng oryentasyon ng mananaliksik. May mga paksa na
pandaigdig ang kahalagahan.
 Metodolohiya. Hindi lahat ng pamamaraan o metodolohiya ay angkop sa bawat kultura. Pagdating mo
sa iyong larangan, suriin mo ang metodolohiyang ginagamit kung makakatulong nga ito sa pagdebelop
ng oryentasyong Pilipino.
 Intepretasyon. Ang batayan ng pagsusurilinterpretasyon ay krusyal sa kabuluhan ng pananaliksik.
Dahil sa ating kolonyal na karanasan na pinalalim at pinalawak na sistema ng edukasyon.
 Mananaliksik. Sino ang gagawa ng pananaliksik?
 Tagatanggap. Para kanino ma ba isasagawa ang pananaliksik? Sa mga kababayan mo? Sa mga
dayuhan? Kung sa huli, bakit mo sila tinutulungan? May maitutulong ba ang ginagawa mong
pananaliksik sa iyong mga kababayan?
 Wika. At sa huli, ang wika ay mahalaga para patatagin ang oryentasyon sa pananaliksik.
 Buod. Ipinakilala sa iyo kung ano ang pananaliksik at kung bakit ito ginagawa. lpinakita rin sa iyo
kung paano ito nagiging makabuluhan sa iyo at sa sarili.

TUNGKULIN AT RESPONSIBILIDAD NG MANANALIKSIK


Tulad ng anumang gawain, ang pananaliksik ay isang malaki at mabigat na responsiblidad. May mga
katangian, pagpapahalaga at konsiderasyong dapat malaman at mabigyang halaga ng mananaliksik.
Ang Mananaliksik sa Larangan ng Pananaliksik
Malaki ang papel mo bilang mananaliksik sa pananaliksik. Nakasalalay sa iyo ang kredibilidad ng
iyong gagawin/ginagawa.
Kailangan mong maging:
 Matiyaga sa paghahanap ng mga datos mula sa iba’t ibang mapagkukunan maging ito’y sa aklatan,
upisina, institusyon, tao, medja, komunidad at maging sa Internet;
 Maparaan sa pagkuha ng datos na hindi mdaling kunin at nag-iisip ng sariling paraan para makuha
ang mga ito;
 Sistematiko sa paghahanap ng materyales.
 Maingat sa pagpili ng mga datos batay sas katotohanan at sa kredibilidad ng pinagkunan sa pagsiguro
na lahat ng panig ay sinisiyasat.
 Analitikalsa mga datos at interpretasyon ng iba ukol sa paksa at mga kaugnay na paksa.
 Kritikal sa pagbibigay ng interpretasyon, konklusyon, at rekomendasyon sa paksa.
Etika at Responsibilidad ng Mananaliksik
Sa kahit na anong gawain, may etikang sinusunod upang masanay at maisaayos ang mga gawain. Sa larong golf,
bahagi ng etika ang hindi pagtawanan, kutyain o paringgan ang kasamang manlalaro kahit hindi mahusay ang
pagtira nito sa bola.
Plagiarism at ang Responsibilidad ng Mananaliksik
Ang pangongopya) ay pandaraya at di-katanggap-tanggap sa pananaliksik. Maaari din itong humantong sa
mga problemang lega. Iwasan ito para huwag mapasok sa gulo at gusot
Plagiarism ang teknikal na salitang ginagamit sa wikang Ingles kaugnay ng pangongopya ng gawa ng ibang
nang walang pagkilala.

ANG PANGHIHIRAM NG MGA SALITA


Isang realidad ang pangangailangan ng wikang Filipino na manghiram sa Ingles, Espanyol at iba pang
wika para matugunan ang malawakang pagpasok ng mga bagong kultural na aytem at mga bagong konsepto na
dala ng modernisasyon at teknolohiya.
Mga Tuntunin sa Panghihiram
1. Sundin ang mga sumusunod na lapit sa paghanap ng panumbas sa mga hiram na salita.
a. Gamitin ang kasalukuyang leksikon ng Filipino bilang panumbas sa mga salitang banyaga.
b. Kumuha ng mga salita mula sa iba’t ibang katutubong wika ng bansa.
c. Bigkasin sa orihinal ha anyo ang hiram na salita mula sa Espanyol, Ingles at iba pang wikang banyaga
at saka baybayin sa Filipino.
2. Gamitin ang mga letrang C, N, Q, X, F, J, V, Z kapag ang salita ay hiniram nang buo ayon sa mga sumusunod
na kondisyon.
a. Pantanging ngalan
b. Salitang teknikal o siyentipiko
Halimbawa:
Quartz Filament Marxism Cortex Enzyme
c. Salitang may natatanging kahulugang kultural
Halimbawa:
Cañao (Ifugao)- pagdiriwang
Senora (Espanyol) – ale
d. Salitang may irregular na ispeling o gumagamit ng dalawang letra
Higit pa na hindi binibigkas o ang mga letra ay hindi katumbas ng
Tunog.
e. Salitang may internasyonal na anyong kinikilala at ginagamit.

3. Gamitin ang mga letrang F, J, L, Z para katawanin ang mag tunog, /f/, /j/, /v/, /z/ kapag binabaybay sa
Filipino ang mga salitang hiram.
4. Gamitin ang mga letrang C, N, Q, X sá mga salitang hiniram nang buo.

MAKRONG KASANAYAN SA PAGSULAT


Ang kasanayan sa pagsulat ay mahalagang malinang sapagkat sa pag-aaral mo bilang isang estudyante, ang
pagsulat ay hindi lamang simpleng pagtataya ng ideya na inilalapat sa papel o minamakinilya sa kompyuter.
Ang pagsulat ay artikulasyon ng mga ideya, konsepto, paniniwala at nararamdaman na ipinahahayag sa
paraang pasulat, limbag at elektroniko (sa kompyuter). Binubuo ang pagsulat sa dalawang yugto. Una na rito
ang yugtong pangkognitibo, ibig sabihin, nasa isip lahat natin ang ating mga isusulat. Ang ikalawang yugto ay
ang mismong proseso ng pagsulat.

Iba’t lbang Uri ng Pagsulat


1. Ito ay mga sulating may malinaw na daloy at ugnayan ng pangunahing paksa at detalyadong pagtalakay ng
balangkas ng paksa.
2. Ito ay mga sulatin na malaya ang pagtalakay sa paksa, magaan ang pananalita, masaya at may pagkapersonal
na parang nakikipag-usap lamang sa mga mambabasa.
3. Kumbinasyon. Malayo na rin ang narating ng malikhain at akademikong pagsulat sa bansa lalo na sa hanay
ng mga kabataang manunulat.

Anyo ng pagsulat ayon sa layunin


1. Paglalahad.Tinatawag din itong pagpapaliwanag na nakasentro sa pagbibigay-linaw sa mga pangyayari, sanhi
at bunga, at magkakaugnay na mga ideya at pagbibigay ng mga halimbawa.
2. Pagsasalaysay. Nakapokus ito sa kronolohikal o pagkakasunud-sunod na daloy ng pangyayaring aktwal na
naganap.
3. Pangangatwiran. Ipinapahayag dito ang katwiran, opinyon o argumentong pumapanig o sumasalungat sa
isang isyu na nakahain sa manunulat.
4. Paglalarawan. Isinasaad sa panulat na ito ang obserbasyon, uri, kondisyon, palagay, damdamin ng isang
manunulat hinggil sa isang bagay, tao, lugar at kapaligiran.

Proseso ng Pagsulat
Ayon kay lsagani R. Cruz, naituturo ang pagsulat sapagkat hindi naman namamana ang kakayahang ito.
Yugto sa Proseso ng Pagsulat:
1. Pagtatanong at Pag-uusisa
2. Pala-palagay
3. Inisyal na pagtatangka.
4. Pagsulat ng unang borador.
5. Pagpapakinis ng papel.
6. Pinal na papel.
Organisasyon ng Teksto
Ang lahat ng sulating pang-akademiko ay binubuo ng apat na bahagi.
1. Titulo o Pamagat. Naglalaman ito ng titulo o pamagat ng papel; pangalan ng sumulat, petsa ng pagkasulat o
pagpasa, at iba pang impormasyon na maaaring tukuyin ng guro.
2. Introduksyon o Panimula. Karaniwang isinasaad dito ang paksa, kahalagahan ng paksa, dahilan ng pagsulat
ng paksa at pambungad na talakay sa daloy ng papel.
3. Katawan. Dito matatagpuan ang mga pangunahing pagtalakay sa paksa.
4. Kongklusyon. Dito nilalagom ang mga mahahalagang puntos ng papel.

KATITIKAN NG PULONG
Katitikan ng pulong ay isang sulatin na naglalaman ng mga tala, o mga dokumento ng mahahalagang
pinag-usapan o pinagkasunduan ng mga kasapi sa pagpupulong.
Mga bahagi ng Katitikan ng Pulong
1. Heading - ito ay naglalaman ng pangalan ng kompanya, samahan, organisasyon, o kagawaran. Makikita rin
dito ang petsa, ang okasyon at maging ang oras ng pagsisimula ng pulong.
2. Mga kalahok o Dumalo – dito nakalagay kung sino o sinu-sino ang nanguna sa pagpapadaloy ng pulong
gayundin ang pangalan ng mga dumalo maging ang pangalan ng mga hindi nakadalo sa pagpupulong.
3. Pagbasa at Pagpapatibay ng Nagdaang Katitikan ng Pulong – Dito makikita ang nakalipas na katitikan ng
pulong ay napagtibay o may mga pagbabago.
4. Action items o usaping napagkasunduan – Dito makikita ang mahahalagang tala hinggil sa mga paksang
tinalakay.
5. Pagbabalita o Patalastas – Kung mayroon mang pabalita o patalastas mula sa mga dumalo ay maaaring
ilagay ditto.
6. Iskedyul ng susunod na pulong – Kung kalian at saan gaganapin ang susunod na pulong.
7. Pagtatapos - Inilalagay sa bahaging ito ng Katitikan ng Pulong kung anong oras nagwakas ang pulong.
8. Lagda – Ilagay ang pangalan ng taong kumuha ng katitikan ng pulong at kung kalian ito isinumite.

PANUKALANG PAPEL
Ayon kay Dr. Phil Bartle ng The Community Empowerment Collective, isang samahang tumutulong
sa mga nongovernmental organization (NGO) sa paglikha ng mga pag-aaral sa pangangalap ng pondo, ang
panukala ay isang proposal na naglalayong ilatag ang mga plano o adhikain para sa isang komunidad o
samahan.
Ayon naman kay Besim Nebiu, may-akda ng Developing Skills of NGO Project Proposal Writing, ang
panukalang proyekto ay isang detalyadong deskripsiyon ng mga inihahaing gawaing naglalayong lumutas ng
isang problema o suliranin.
Ayon kina Jeremy Miner at Lynn Miner (2008) sa kanilang aklat na A Guide to Proposal Planning
and Writing, sa pagsasagawa sa panukalang papel, ito ay kailangang magtaglay ng tatlong mahahalagang bahagi
at ito ay ang mag sumusunod:
1. Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto – Bago mo lubusang isulat ang panukalang proyekto, ang
unang mahalagang hakbang na dapat isagawa ay ang pagtukoy sa pangangailangan ng komunidad, samahan, o
kompanyang pag-uukulan ng iyong project proposal.
2. Pagsulat ng Katawan ng Panukalang Proyekto – Sa pagsulat naman ng katawang bahagi ng panukalang
proyekto ay binubuo ito sa tatlong bahagi:
a. Layunin – Sa bahaging layunin makikita ang mga bagay na gusting makamit o ang pinaka-adhikain ng
panukala. Kailangang maging tiyak ang layunin ng proyekto. Kailangang isulat ito batay sa mga inaasahang
resulta ng panukalang proyekto. Kailangan isulat ito batay sa mga inaasahang resulta ng panukalang proyekto at
hindi batay sa kung paano makakamit ang mga resultang ito. Ayon kina Jeremy Miner at Lynn Miner (2008),
ang layunin ay kailangang maging S.I.M.P.L.E.
Specific – nakasaad ang bagay na nais makamit o mangyari sa panukalang proyekto.
Immediate – nakasaad ang tiyak na petsa kung kalian ito matatapos.
Measurable – may basehan o patunay na naisakatutuparan ang nasabing proyekto.
Practical – nagsasaad ng solusyon sa binanggit na suliranin.
Logical – nagsasaad ng paraan kung paano makakamit ang proyekto.
Evaluation – masusukat kung paano makakatulong ang proyekto.
b. Plano ng Dapat Gawin – Naglalaman ng mga hakbang na isasagawa upang malutas ang suliranin.
Mahalagang maiplano itong mabuti ayon sa tamang pagkakasunod-sunod ng pagsasagawa nito kasama ang mga
taong kakailanganin sa pagsasakatuparan ng mga gawain.
c. Badyet – Isa sa pinakamahalagang bahagi ng anumang panukalang proyekto ay ang wasto at tapat na
paglalatag ng kakailanganing badyet para dito. Ang badyet ay ang mga talaan ng mga gastusin na kakailanganin
sa pagsasakatuparan ng layunin. Mahalagang ito ay mapag-aralang mabuti upang makatipid sa mga gugugulin.

3. Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at Mga Makikinabang Nito – Nakasaad dtio kung sino ang
matutulungan ng proyekto at kung paano ito makakatulong sa kanila. Maaring ang makinabang nito ay mismong
lahat ng mamamayan ng isang pamayanan, ang mga empleyado ng isang kompanya, o kaya naman ay mga
miyembro ng isang samahan.

Mga Balangkas sa Pagsulat ng Panukalang Proyekto

1. Pamagat ng Panukalang Proyekto – Kadalasan, ito ay hinango mismo sa inilahad na pangangailangan


bilang tugon sa suliranin.
2. Nagpadala – Naglalaman ito ng tirahan ng sumulat ng panukalang proyekto.
3. Petsa – o araw kung kailan ipinasa ang panukalang papel. Isinasama rin sa bahaging ito ang tinatayang
panahon kung gaano katagal gagawin ang proyekto.
4. Pagpapahayag ng Suliranin – Dito naksaad ang suliranin at kung bakit dapat maisagawa o maibigay ang
pangangailangan.
5. Layunin – Naglalaman ito ng mga dahilan o kahalagahan kung bakit dapat isagawa ang panukala.
6. Plano na Dapat Gawin – Dito makikita ang talaan ng pagkakasunod-sunod ng mga gawaing isasagawa para
sa pagsasakatuparan ng proyekto gayundin ang petsa at bilang ng araw na gagawin ang bawat isa.
7. Badyet – ang kalkulasyon ng mga guguguling gagamitin sa pagsasagawa ng proyekto.
8. Paano Mapapakinabangan ng Pamayanan/Samahan ang Panukalang Proyekto – kadalasan, ito rin ang
nagsisilbing kongklusyon ng panukala kung saan nakasaad dito ang mga taong makikinabang sa proyekto at
benepisyong makukuha nila mula rito.

POSISYONG PAPEL
Ang posisyong papel ay isang sulatin na nagpapahayag ng tiyak na paninindigan ng isang indibidwal o
grupo tungkol sa isang makabuluhan at napapanahong isyu. Naglalaman din ito ng mga katuwiran o ebidensiya
para suportahan ang paninindigan.
Bukod sa paninindigan at mga katuwiran ng sumulat, mahalagang bahagi rin nito ang posisyon at mga
katuwiran ng kataliwas o katunggaling panig. Karaniwang maikli lamang ang posisyong papel, isa o dalawang
pahina lamang, upang mas madaling itong mabasa at maintindihan ng mga mambabasa at mahikayat silang
pumanig sa paninindigan ng sumulat ng posisyong papel.
Ayon kay (Austero, et al., 2018), dinidesenyo ang posisyong papel upang sabihin ang posisyon ng tao,
grupo o organisasyon sa isyu. Maaaring ang isyu ay lokal, nasyonal, internasyonal. Ang posisyong papel,
kagaya ng isang debate, ay naglalayong maipakita ang katotohanan at katibayan ng isang tiyak na isyung
kadalasan ay napapanahon at nagdudulot ng magkakaibang pananaw sa marami depende sa persepsiyon ng mda
tao (Juan, 2019).

Ano ba ang layuin sa pagsulat ng isang posisyong papel?

Layunin ng posisyong papel na mahikayat ang mga mambabasa na pumanig sa pinaniniwalaan ng


awtor. Mahalagang makita ng mga mambabasa na katanggap-tanggap at may katotohanan ang sinasabi ng
awtor.

Mga Katangian ng isang Posisyong Papel


1. Tiyak na Isyu
Tuntungan ng isang posisyong papel ang isang tiyak na isyung iikutan ng nilalaman at paglalahad na
nakapaloob dito. Maaari itong kabilangan ng mga isyung may saklaw na pambansa o pandaigdigang may epekto
sa isa o maraming pangkat ng mga indibidwal.
2. Malinaw ang Posisyon Pinahihindian
Maliban sa mga paliwanag hinggil sa isyung pinapaksa sa loob ng isang posisyong papel, tinataglay
nito ang isang malinaw na posisyon ng manunulat hinggil sa partikular na isyu. Natitiyak lamang na malinaw
ang isang posisyon kung may tiyak itong panig na inaayunan at pinahihindian kaugnay sa paksa.
3. Mapangumbinsing Argumento
Likas ang tunggalian ng mga pananaw sa loob ng isang posisyong papel. Kailangang maglahad ng
matatalinong pangangatuwiran sa pamamagitan ng pag-iisa-isa (hangga’t maaari) ng mga konseptong
napapaloob sa isyu, paglakip ng mga patunay (ebidensiya) na susuporta sa pinaninindigang posisyon, at
masinsinang pagpapaliwanag ng ugnayan ng mga ito sa isa’t isa para mapagtibay ang panig.
Mga Mungkahing Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel
1. Tiyakin ang paksa
May dalawang posibleng paraan kung paano nabubuo ang paksa ng posisyong papel. Una puwedeng
reaksiyon ito sa isang mainit na usaping kasalukuyang pinagtatalunan. Pangalawa, puwedeng tugon lamang ito
sa isang suliraning panlipunan.
2. Gumawa ng panimulang saliksik
Matapos matiyak ang paksa, gumawa ng panimulang saliksik. Lalo na kung napapanahon ang isyu,
maaaring magbasa-basa ng diyaryo o magtanong-tanong ng opinion sa mga taong may awtoridad sa paksa para
mapalalim ang pagkakaunawa sa usapin.

3. Bumuo ng posisyon o paninindigan batay sa inihanay na mga katuwiran


Maglista ng mga argumento o katuwiran ng magkabilang panig upang matimbang ang dalawang
posisyon. Mas makabuuting isulat sa papel ang mga katuwiran sa dalawang hanayan para magkaroon ng biswal
na representasyon ng mga ito.

4. Gumawa ng mas malalim na saliksik


Matapos matiyak ang sariling paninindigan sa isyu, maaaring magsagawa ng mas malawakan at
malalimang saliksik tungkol sa usapin. Sa yugtong ito, maaaring pagtuunan na ang mga katuwiran para sa panig
na napiling panindigan. Maaaring sumangguni sa mga aklat at akademikong journal.

5. Bumuo ng balangkas
Matapos matipon ang mga datos, gumawa ng balangkas para matiyak ang direksiyon ng pagsulat ng
posisyong papel. Maaaring gamiting gabay ang sumusunod na huwaran:

a. Introduksiyon
Ipakilala ang paksa. Dito rin ipaliwanag ang konteksto ng usapin. Maaari na ring banggitin
dito ang pangkalahatang paninindigan sa usapin.

b. Mga Katuwiran ng Kabilang Panig


Isa-isang ihanay dito ang mga katuwiran ng kabilang panig. Ipaliwanag nang bahagya ang
bawat katuwiran. Banggitin din ang sanggunian o pinagkunan ng katuwirang ito-mga dokumento,
memorandum, interbyu, at iba pa.
c. Mga Sariling Katuwiran
Isa-isa namang ihanay rito ang sariling mga katuwiran. Sikaping may katapat na katuwiran
ang bawat isa sa kabilang panig. Bukod dito, maaari ding magbigay ng iba pang katuwiran kahit wala
itong katapat. Sa gayon, maipakikita ang kalamangan ng sariling paninindigan.
d. Mga Pansuporta sa Sariling Katuwiran
Dito maaaring palawigin ang paliwanag sa sariling mga katuwiran. Maaaring magbigay dito
ng karagdagang ebidensiya para lalong maging kapani-paniwala ang sariling mga katuwiran.
e. Huling Paliwanag Kung Bakit ang Napiling Paninindigan ang Dapat
Lagumin dito ang mga katuwiran. Ipaliwanag kung bakit ang sariling paninindigan ang
pinakamabuti at pinakakarapat-dapat.
f. Muling Pagpapahayag ng Paninindigan at/o Mungkahing Pagkilos
Sa isa o dalawang pangungusap na madaling tandaan, muling pahayag ang paninindigan.
Sikaping gawing maikli, malinaw, at madaling tandaan ang mga huling pahayag na ito. Maaari ding
dito sabihin ang mungkahing pagkilos na hinihikayat sa babasa ng posisyong papel.
6. Sulatin ang posisyong papel
Kung may malinaw na balangkas, madali nang maisusulat ang posisyong papel. Kailangang buo ang
tiwala sa paninindigan at mga katuwiran. Kailangang maiparamdam at maipahiwatig sa mambabasa na kapani-
paniwala ang mga sinasabi sa posisyong papel. Ipakita ang kaalaman at awtoridad sa usapin. Patunayan na ang
sariling paninindigan ang siyang tama at nararapat.

7. Ibahagi ang posisyong papel


Walang silbi ang posisyong papel kung hindi ito maibabahagi sa publiko. Maaaring magparami ng
kopya at ipamigay ito sa komunidad, ipaskil sa mga lugar na mababasa ng mga tao, ipalathala sa pahayagan,
magpaabot ng kopya sa mga estasyon ng telebisyon, radyo, at iba pang daluyan. Maaari ding gamitin ang social
media upang maabot ang mas maraming mambabasa.

You might also like