You are on page 1of 19

Ang mahusay na pamimili ng wika at

paksa ang nagtatakda sa bigat at


halaga ng gagawing pananaliksik.
Maisasagawa ang mahusay na
pamimili kung isasaalang-alang ang
kontekstong panlipunan at kultura ng
lipunang kinabibilangan.
Ayon sa pagninilay ni Dr. Bienvenido
Lumbera (2000), ang maka-Pilipinong
pananaliksik ay gumagamit ng wikang
Filipino sa pagpapaliwanag at
pagpapakahulugan, pumapaksa ng
karanasan at aspirasyon ng mga Pilipino
sa iba’t ibang larang at disiplina, at
naisasakonteksto sa kasaysayan at
lipunang Pilipino.
Ayon naman kay Rosario Torres-Yu sa
aklat niyang “Kilates: Panunuring
Pampanitikan ng Pilipinas,” para sa
kaniya, malinaw na ang intelektuwal
na gawain ay hindi pansarili lamang,
bagkus ay kailangang iugnay ito sa
pangangailangan ng bayan.
Ayon kay Virgilio Enriquez (1976),
kailangang “ibatay sa interes ng mga
kalahok ang pagpili ng paksang
sasaliksikin. Kilalanin munang mabuti ang
mga kalahok at hanguin sa kanila ang
paksa, nang ganoon ay may kaugnayan ito
sa kanilang pamumuhay. Kalimutan ang
sariling hangarin at ituon ang pag-aaral sa
pangangailangan at hangarin ng kalahok.
Executive Order No. 210 (Establishing the
Policy to Strengthen the Use of English in the
Educational System), ipinatupad ni dating
Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, Mayo
2003
Tangkang lehislasyon ng Gullas Bill 4710 o
mas kilala sa tawag na English Bill.
Ayon kay Gonzalo Campoamor II, neoliberal
ang katangian ng polisiyang pangwika
sapagkat umaayon ito sa pangangailangan ng
ibang bansa habang tinatalikdan ang
batayang tungkulin sa pambansang
industriyalismo.
Globalisasyon ang nag-uudyok sa pagtaas ng
istandard sa pananaliksik ng mga unibersidad
at kolehiyo. Positibong bagay ang pagkatuto
at pagpapahusay mula sa mga bansang
mauunlad ang pananaliksik, ngunit nalalagay
sa alanganin ang mga guro at mag-aaral na
nagnanais magpakadalubhasa sa
pananaliksik sa araling Filipino.
Makatutulong sa lalong intelektwalisasyon ng
wikang Filipino sa iba’t ibang larangan kung
gagamitin ito sa pananaliksik ng mga mag-
aaral na nasa iba’t ibang kurso at programa.
Maaaring magsilbing eksplorasyon
ng bagong paksa ang pag-aaral
ngunit ipinapayo sa mga
nagsisimulang mananaliksik na
pumili muna ng paksang may sapat
ng pundasyon.
MGA ELEMENTO SA PAGLILIMITA:
1. Panahon 5. Lugar o espasyo
2. Uri o kategorya 6. Pangkat o sektor na
3. Edad kinasasangkutan
4. Kasarian 7. Perspektiba o
pananaw

You might also like