You are on page 1of 9

Yunit IV

Huwag Mo Lamg Sabihin, Isulat Mo Rin!


Aralin 13

Kahalagahan at Kabuluhan ng
Pananaliksik
sa Wika at Kulturang Pilipino
Layunin ng Talakayan
 makapaghinuha sa kahalagahan na magsaliksik hinggil sa wika at
kulturang Pilipino;

 makapagtaya sa mga kasapatan at kakulangan sa pananaliksik sa


iba’t ibang paksa;

 maipaliwanag ang maka-Pilipinong pamamaraan ng pananaliksik;

 mailahad ang opinyon hinggil sa mga nabuong saliksik sa wika at


kulturang Pilipino; at

 makabuo ng bibliograpiyang may anotasyon ng ilang pananaliksik


na pumapaksa sa wika at kulturang Pilipino.
Daloy ng Talakayan
 Kahalagahan at Kabuluhan ng Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino;

 Kakulangan sa pananaliksik sa iba’t ibang paksa; at

 Maka-Pilipinong pamamaraan ng pananaliksik.


Kahalagahan at Kabuluhan ng
Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Sa panahon ng tumitinding kampanya ng internasyonalisasyon,
naisasantabi ang halaga ng sari-sariling yaman ng wika at kultura ng mga bansa at
ang pagkakaiba-iba ng mga ito dahil sa paniniwala na may iisang pamantayang
pandaigdig na nakapadron lamang sa kakayahan at katangian ng mauunlad na
bansa.

May mahalagang papel ang pananaliksik sa sariling wika at kultura bilang


pagharap sa globalisasyon.
Kakulangan Sa Pananaliksik Sa Iba’t Ibang Paksa

“Pakikiangkas” at “Pagnanasa” sa Global na Pamantayan

Malinaw na sa umpisa pa lamang ay may pagkiling na sa mga


kanluraning teorista at sunod-sunuran sa mga panlabas na patakaran ang mga
institusyong pang-edukasyon kabilang na ang mga akademya sa bansa na
produkto ng kolonyal na karanasan.

Sa ganitong kondisyon, malaki ang hamon sa mga mananaliksik ng


wika at kulturang Pilipino na igiit ang espasyo para sa maka-Pilipinong
pananaliksik at ituring na kapantay ito ng alinmang iskolarling pamamaraan at
larangan sa akademya man o sa labas nito.
Kakulangan Sa Pananaliksik Sa Iba’t Ibang Paksa

Katiwalian Ukol sa Pagbubuo ng Maling Kamalayan at


Kaisipan Ukol sa Kulturang Katutubo at Kaalamang Bayan
Sa papel na “Mga Katiwalian sa ating Kamalayan Tungkol sa Kaalamang Bayan”
ni Arnold Azurin (1991), pinuna niya ang kawalang-ingat ng mga mananaliksik at
manunulat sa kanilang mga paksang sinasaliksik na nagreresulta ng katiwalian sa
paglikha ng kahulugan at pagsasawalang-bahala sa kapakanan ng pinag-aaralang
paksa. Nagreresulta rin ang ganitong kakulangan ng panlilinlang sa mga mambabasa
sakaling mailabas bilang aklat o sanggunian ang mga maling impormasyon na
magluluwal din ng maling pag-unawa at kamalayan sa mambabasang Pilipino.

Upang malutas ang ganitong katiwalian, kailangang maging kritikal at


ipinanukala niyang pagaralan ang paksa ukol sa katutubong kultura at kaalamang
bayan, na nangangailangan din ng praktis (lampas sa pagteteorya) at pagpaloob sa
mismong proseso ng pag-unawa rito.
Kakulangan Sa Pananaliksik Sa Iba’t Ibang Paksa

Paglilihis ng Landas sa Pananaliksik


Sa pag-aaral ng wika at kulturang Pilipino, matinding usapin din ang paglilihis
ng landas sa pananaliksik na bunga ng kahinaan sa pagpili ng paksa at tinatanaw na
tunguhin ng pananaliksik. Maraming pananaliksik ang nakabatay sa interes ng
mananaliksik at hindi sa interes ng kaniyang paksang sinasaliksik. Nahihikayat din ang
karamihan na lagi’t laging pag-aaralan ang kulturang dayuhan sa halip na magkaroon ng
motibasyong linangin ang sariling kaparaanan.

Problematiko rin ang paksa at tunguhing nakakulong sa pamantayan at


panlasa ng akademya lamang habang isinasantabi ang kabuluhan ng pamumuhay at
karanasang panlipunan bilang laboratoryo ng kaalaman at pagpapahalaga.

Hindi kailanman mapagtatagpo ang magkaibang realidad, kailangang unawain


ang mga sariling palagay at haka-haka na nakatanaw sa layunin at kontekstong Pilipino.
Maka-Pilipinong Pamamaraan Ng
Pananaliksik

Bilang tugon sa ganitong mga suliranin at hamon tungo sa makabuluhang


pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino, mahalagang ilapat ang modelo ng maka-
Pilipinong pananaliksik. Pangunahing saligan ng modelong ito ang paggamit ng sariling
wika at pamamaraang nakabatay sa sariling karanasan na angkop sa ating konteksto.

Upang maisagawa ito, kinakailangan ang isang metodo na makapagpapakilala


sa mananaliksik at kalahok ng pananaliksik upang kapuwa nila matamo ang maka-
Pilipinong pagpapahalaga at tunguhin gamit ang iskala ng pagmamasid, pakikiramdam,
pagtatanong-tanong, pagsubok, pagdalaw-dalaw o pagmamatyag, pagsusubaybay,
pakikialam, pakikilahok, at pakikisangkot.

You might also like