You are on page 1of 3

 SIKOLOHIYANG PILIPINO

SIKOLOHIYANG PILIPINO: PERSPEKTIBO AT DIREKSYON


1. 2.  Anyo ng sikolohiya sa kontekstong Pilipino Sikolohiya sa Pilipinas, Sikolohiya ng mga
Pilipino, at Sikolohiyang Pilipino  Paliwanag sa iba’t ibang uri ng konsepto sa Sikolohiyang
Pilipino: 1. Mga katutubong konsepto, 2. konseptong bunga ng pagtatakda ng kahulugan, 3.
ang pag-aandukha, 4. ang pagbibinyag, 5. paimbabaw na asimilasyon, at 6. mga ligaw at
banyagang konsepto
2. DALAWANG BAHAGI
3. 3.  Ayon kay Cronbach (1975) mahahati ang sikolohiya sa dalawang disiplina at ang mga
disiplinang ito ay alinsunod sa kung alin ang binibigyang-diin:  Ang metodong
eksperimental  Ang metodong korelasyonal.
4. 4. Anong binibiyang diin ng metodong eksperimental?  Nomotetikong pananaw ay
tumutukoy as pagpapahalaga sa unibersal na katotohanan bilang layunin ng sikolohiya.
5. 5. Anong binibiyang diin ng metodong korelasyonal? Ideograpikong pananaw, nagbibigay
halaga sa pag-aaral ng kaso. Ang indibidwal at ang partikular ang inuunawa.
6. 6. Ayon kay Watson (1968)  Ang nagpahayag na ang mga ito ay “preskripsyon” sa
sikolohiya ngunit ayon kay Virgilio Enriquez, ito raw ay isang isyu.  May mga tapat na
sikolohista na ang sikolohiya ay isang unibersal kaya naman may mga nag-iisip na ang SP
ay isang anti-unibersal.
7. 7. 6 na mungkahi ng kategorya sa pag-aaral ng SP  Kamalayan, tumutukoy sa damdami’t
kaalamang nararanasan  Ulirat, tumutukoy sa pakiramdam sa paligid  Isip, tumutukoy sa
kaalaman at pag-unawa  Diwa, tumutukoy sa ugali, kilos, o asal  Kalooban, tumutukoy sa
damdamin  Kaluluwa, daan upang mapag-aralan ang tungkol sa budhi ng tao
8. 8. MGA ANYO NG SIKOLOHIYA SA KONTEKSTONG PILIPINO  Sikolohiya sa Pilipinas
Pinakamalaki o ang kabuuang anyo sa Pilipinas. Ito ay bunga ng sunud-sunod na
kaalamang may kinalaman sa sikolohiya sa bansang Pilipinas.  Sikolohiya ng Pilipino o
Sikolohiya ng mga Pilipino Maituturing ang bawat teorya ng sinumang nais mag-aral tungkol
sa kalikasang sikolohikal ng mga Pilipino, maging Pilipino, o dayuhan ang sinasabing mag-
aaral.
9. 9.  Sikolohiyang Pilipino, na ayon kay Dr. Virgilio Enriquez, ay pansamantalang binigyang
kahulugan, ito ay bunga ng karanasan, kaisipan, at oryentasyong Pilipino. MGA ANYO NG
SIKOLOHIYA SA KONTEKSTONG PILIPINO
10. 10. Isang analohiya upang maunawaan ang tatlong anyo:  Taong-bahay, maaring
maihalintulad sa sikolohiya ng mga Pilipino na kahit ang mga bisita ay maituturing na taong-
bahay kung kanilang nanaising mamalagi sa bahay.  Tao sa bahay, madalas na ating
ginagawa dahil ito ay hindi na kailangang kusain, pag-isipan o sadyain. Ang mga taong
napapadaan o bisita ay maaari rin nating matawag na tao sa bahay.  Taumbahay, higit na
malalim ito kumpara sa mga nauna. Ito ang mga taong talagang nakatira sa loob ng bahay.
11. 11. Ang Sikolohiya sa Pilipinas ay may aspetong maihahalintulad sa tao sa bahay na dalaw
lamang samantalang ang Sikolohiyang Pilipino ay kahalintulad sa taong bahay sapagkat
dapat na kusang tanggapin muna o pag-isipan upang mabuo o malinang ang mga aspetong
teoretikal, metodolohikal, at empirikal ng nasabing sikolohiya.
12. 12. Ang kabuuang anyo ng Sikolohiya sa kontekstong Pilipino: Ang Sikolohiya sa Pilipinas 
Makikita ang kabuuang anyo ng ating Sikolohiya sa pag-aaral ng ating kasaysayan.  Sina
Bailen (1967), Demetrio (1975), at Jocano (1975) ay pinag-aralan ang tungkol sa mga
Babaylan at Katalonan dahil dito makikita ang ating sikolohiya.
13. 13. Ating Pag-isipan Manana Habit Filipino Time Ningas-Kugon Ito ba ay ating sariling pag-
uugali?
14. 14. Pag-iisip na nagmula raw sa dayuhan  Ayon daw kay Lord Chesterfield, “Huwag mong
ipagpabukas ang maaari mong gawin ngayon.”  Si Balagtas mismo ay may pahayag sa
wikang Tagalog, “...kung maliligo’y sa tubig aagap nang hindi abutin ng tabsing sa dagat.” 
Ang mga ganitong kasabihan sa Pilipinas ay isa lamang pagpapatunay na hinid na bago sa
atin umagap sa halip na magpabukas.  “Ang liksi at sipag ay daig nang maagap,” na sa
salitang kapampangan ay “Ing taung maagap, daig ne ing masipag.”
15. 15. Ang mababang pagtingin sa Sikolohista sa Pinas  Isang dayuhang dumalaw sa Pinas
na nagsabing, “Wala namang ginagawa ang mga Psychologists sa Pilipinas, ah.” 
“Psychology of, for , and by Filipinos” ang kanilang mambabasa ay hindi mga Pilipino
sapagkat 6.05 dollars ang halaga. Ang sabi sa pahina 57, “Filipino psychologists have made
only minimal direct contributions to the understanding of their own society.”
16. 16. Ang palasak na ano ng sikolohiya sa kontekstong Pilipino: Ang sikolohiya ng Pilipino 
Sikolohiya ng Pilipino ay yaong mga inaakalang katangian ng mga Pilipino at ng mga
etnikong grupo sa Pilipinas, na para bang hanggang sa pag aaral ng mga katangian na
lamang ang pagtaya sa sikolohiya ng mga Pilipino.  Makikita ang konseptong panlalahat sa
literatura at social studies.  Ang “ningas-kugon,” pakikisama, hiya, utang na loob, amor
propyo, bahala na, “Filipino Time,” “SIR,” at “manana habit” ay ilan sa mga katangian na
pinangangalandakang katangian o ugali sa pakikipagkapwang Pilipino.
17. 17. Ano bang napapansin natin sa ating kultura? Impluwensyang panlalahat:  Ano ang
tingin natin sa mga Bikolano?  Ilokano? Bisaya? Muslim? Kristiyano? Ang pangunahing
suliraning umiiral sa anyong palasak ng sikolohiya sa kontekstong pilipino ay ang suliraning
dulot ng paggamit ng mga TERMINONG NANLALAHAT!
18. 18. Mga saloobin ni Virgilio Enriquez  Ang pagkatao na ginamit ni Guthrie (1971) noon para
maisalin sa “humanity” ay hindi tama. Ang pagkatao ay nalalapit pa nga sa “personality.” 
“There is no such thing as Filipino food.” (Fay, 1970)  Saloobin sa banyagang
reimporsment na gumagana hindi lamang daw sa tao kundi pati na rin sa mga hayop. 
Hindi rin raw umuunlad ang Pilipino dahil kanyang sinisiraan ang kanyang kapwa. Ito ay
mula sa pag- aaral ng isang banyaga nagngangalang Guthrie.
19. 19. Nilalayong anyo ng Sikolohiya sa Pilipinas: Sikolohiyang Pilipinas  Upang umunlad,
huwag kumiling sa partikular o unibersal. Halimbawa, Kahit na alam na ng isang clinician
ang mga batas ng pagkilos ay hindi nya pa rin ito maaaring magamit sa kanyang kaharap na
tao
20. 20. Pag-aantas ng mga konsepto sa Sikolohiyang Pilipino ayon sa lapit o layo nito sa
karanasang Pilipino o impluwensyang banyaga at pagkapartikular o pagkaunibersal ng
pinapaksa. Katutubong konsepto (hal. Salimpusa, Jocano 1975.) Pagtatakda ng kahulugan
(hal. gunita, Alfonso 1974) Pagaandukha(hal.pagkilatis, Adea (1975)Kultura Henetika
Pagbibinyag (hal. Hiya, Bulatao 1969 Paimbabaw na asimilasyon (hal. Reimporsment)
Banyagang konsepto (hal. Home for the aged, prejudiced Karanasang Pilipino
Impluwensyang Ligaw K B (Partikular) (Unibersal)P U
21. 21. Katutubong Konsepto  Maraming mga konseptong Pilipino ang hindi pa talaga napag-
aaralan at ang konseptong ito ay naiiba sa kanluraning ideya. Hal. Attitude, salitang saling-
pusa na salita.  “Saling-pusa” ay hindi makikita sa anumang aklat ng Amerikano. Ang
salitang ito ay nagbibigay kahulugan ukol sa pagbibigay halaga ng mga Pilipino sa
damdamin ng kanilang kapwa.  “Pamasak-butas” . Ang mararamdaman ng isang Pilipino
kung siya ay inaya sa isang kasiyahan at nalaman niyang hindi siya ang unang
inimbita.Totoo ba ito?
22. 22.  Pagkapikon. Isang natural na konsepto sa atin dahil buhay na buhay ang kultura natin.
 Isa pang makabagong konseptong Pilipino sa larangan ng sikolohiyang panlipunan ang
“Balik- bayan.” Ito ay konseptong patakaran ng gobyerno na hikayatin ang mga Pilipino na
umuwi at dumalaw sa Pinas.  Makabuluhan ang konsepto ng balik-bayan. Ano ang dahilan
ng kanyang pagbabalik? Ano ang kanyang inaasahan? Bakit may iba ay naging balik-
yabang? Katutubong Konsepto
23. 23. Konseptong Bunga ng Pagtatakda ng Kahulugan  Mas mabisa ang pagtatakda ng
kahulugang teknikal sa isang konseptong makahulugan na sa Pilipino.  Halimbawa, hindi
kinakailangan na baguhin ang mga salitang “alaala” at “gunita.” Kung titignan, ang salitang
ito ay may kinalaman sa “memory” kung pagbabatayan ang salitang teknikal.  Ano ang
pagkakaiba ng dalawa? Ang gunita ay inihahanay sa “recall” samantalang ang “alaala” ay
pansamantalang katumbas sa higit na malawak na “memory.”  “Tagapagbatid” at “kalahok”
na naididikit sa “subject”
24. 24. Pag-aandukha  Pagbibigay ng katutubong kahulugan sa ideya at salitang hiram  Kung
minsan ang pinagmumulan ng salita ay sa banyaga kaya ito ay inaandukha.  “Seizing one’s
opportunity” o “If you have a chance to take advantage of it” na sa pananaw raw ng Pilipino
na tila naman yata may “kagarapalan.”  “Paniniyansing” at paano naman lumitaw ito. Dahil
gaya daw ninuman hindi pwede ang basta hawak nang hawak kung kani-kanino sa kulturang
Pilipino.
25. 25. Ang Pagbibinyag  Ito ay tumutukoy hindi lamang sa mga ritwal sa pananampalataya
kundi maging sa paggamit ng katutubong salita para sa pandaigdigang konsepto ng “hiya”,
“utang na loob,” at “pakikisama.”  Kailangan na maunawaan mabuti ang mga salita at kung
paano ito ginagamit. Hal. “Hindi ngayo’t napahiya ay nagiging kahiya-hiya na rin o
nangangahulugang walang hiya.”  Isang paglilinaw rin sa konseptong “Impression
Formation.” Ano ba ang ginagawa ng isang Pilipino kapag kinikilala nya ang kanyang
kapwa?
26. 26. Paimbabaw na Asimilasyon ng Taguri a Konseptong Hiram  May mga konsepto at
teoryang masasabing matagal nang namamalasak sa bokabolaryo ng mga sikolohistang
Pilipino subali’t ang mga kahulugan nito’y tiwalag sa karanasang Pilipino. Hal:  ang need
achievement ay hiram o ligaw na kailangan pang masuring mabuti.  “Standard of
Excellence” Kapag ang Pilipinong estudyante ay handa sa kanyang pagsusulit at tinanong
siya kung nakapag-aral siya. Hindi niya sinasabi na “Oo” at “Ay, oo. Alam na alam ko iyan.”
27. 27. Ang mga ligaw at banyagang konsepto  Tinalakay ni Gamboa (1975) ang tungkol sa
home for the agedna para bang nalulungkot siya at kakaunti lamang daw ang mga ito sa
bansa.  Isa pang koseptong kailangan ding masuri ay ang konsepto ng “prejudice.” Iba ito
sa “stereotypes.” Ang prejudice ay may kabigatan. “Kung ito ay gustong pag-aralan ng isang
siyentipiko ng lipunan, kailangan niyang magtungo sa ibang lugar at mas marami siyang
makikita doon. Mahihirapan siya dito...Medyo ayaw lang ng Pilipino sa ganito o mas gusto
niya ang gayon. Pero hindi naman ‘prejudice.’ Siguro ‘preference’ pero hindi ‘prejudice.’”
28. 28. Mga Mungkahi  Pag-aangkop ng teorya na hindi pa nasusuri at napatunayang
makabuluhan sa buhay at lipunang Pilipino.  Iwasan ang bulag na pagsunod sa alinmang
pagbabago sa sikolohiya sa ibang bansa. Mahalaga ito upang magkaroon ng mapanuri at
orihinal na pag-aaral.  Magkaroon ng pagkakaisa at komunikasyon ang mga mananaliksik
sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas, sapagkat ito’y tanda ng pagkilala at pagpapahalaga ng
Pilipino sa kanyang kakayahan.  Linangin ang pagtitiwala at paggalang sa sariling
kakayahan sapagkat ang higit na pagtitiwala sa sarili ay siyang magiging daan tungo sa mga
impormasyon at teoryang banyaga.

You might also like