You are on page 1of 27

SIKOLOHIYANG PILIPINO:

PERSPEKTIBO AT DIREKSYON
Pagtalakay sa
mga sumusunod:

• Sikolohiya sa Pilipinas
• Sikolohiya ng mga
Pilipino
• Sikolohiyang Pilipino
Iba’t ibang uri ng Konsepto sa Sikolohiyang
Pilipino:
a. Mga Katutubong Konsepto
b. Konseptong Bunga ng Pagtatakda ng Kahulugan,
c. Ang Pag-aandukha,
d. Ang Pagbibinyag,
e. Paimbabaw na Asimilasyon; at
f. Mga ligaw at banyagang konsepto.
Ayon kay Cronbach (1957), mahahati ang Sikolohiya sa dalawang
disiplina:

a. Metodong Eksperimental – nauugnay sa tinatawag na


makanometetikong pananaw sa Sikolohiya.
b. Metodong Korelasyonal – nagbibigay halaga sa pag-aaral ng kaso o
ideograpikong pananaw.
Ano ang Nomotetikong Pananaw?
Ang nomotetikong pananaw ay tumutukoy sa pagpapahalaga sa
unibersal na katotohanan bilang layunin ng Sikolohiya.

Halimbawa:

a. Costa at McCrae: kasama ang kanilang teorya ng "Big 5" o 5 mga


kadahilanan ng pagkatao (Big Five model).
Ano ang Ideograpikong Pananaw?
Sa idiograpikong pananaw, ang indibidwal at ang partikular ang
inuunawa, kung saan ang ginagamit na metodo ay korelasyonal.

Halimbawa:

a. Sigmund Freud: kasama ang kanyang psychoanalytic theory ng


personalidad.
Ang Pangamba na ang SP ay Anti-unibersal

Ang pangambang ito ay kapos sa batayan sapagkat hindi


naangkop sa Sikolohiyang Pilipino ang pagiging anti-unibersal. Sa
katunayan, Sikolohiyang unibersal ang tunguhin ng Sikolohiyang Pilipino
sa kanyang pag-uugat sa karanasang Pilipino.
Anim (6) na Mungkahi ng Kategorya sa Pag-
aaral ng Sikolohiyang Pilipino

Sa isang panimulang pagsusuri sa Sikolohiyang Pilipino (Enriquez


1974) batay sa kultura at wikang Pilipino, nakita kaagad na ang
Sikolohiya ay tungkol sa:

a. Kamalayan d. Diwa
b. Ulirat e. Kalooban
c. Isip f. Kaluluwa
Mga Anyo ng Sikolohiya sa Kontekstong
Pilipino:
a. Sikolohiya sa Pilipinas – pinakamalaki o ang kabuoang anyo sa
Pilipinas.
b. Sikolohiya ng Pilipino o Sikolohiya ng mga Pilipino – Maituturing
ang bawat teorya ng sinumang nais mag-aral tungkol sa kalikasang
sikolohikal ng mga Pilipino, maging Pilipino, o dayuhan ang
sinasabing mag-aaral.
c. Sikolohiyang Pilipino – bunga ng karanasan, kaisipan, at
oryentasyong Pilipino.
Analohiya Upang Maunawaan ang Tatlo:
a. Sikolohiya sa Pilipinas – tao sa bahay na dalaw lamang o bisita sa
bahay.
b. Sikolohiya ng Pilipino – taong-bahay na kahit ang mga bisita ay
maituturing na taong-bahay kung kanilang nanaising mamalagi sa
bahay.
c. Sikolohiyang Pilipino – taumbahay, higit na malalim ito kumpara sa
mga nauna dahil ito ang mga taong talagang nakatira sa loob ng
bahay.
Ang Kabuoang Anyo
ng Sikolohiya sa
Konstekstong
Pilipino: Ang
Sikolohiya sa
Pilipinas
Sina Bailen (1967),
Demetrio (1975), at
Jocano (1975) ay pinag-
aralan ang tungkol sa mga
Babaylan at Katalonan
dahil dito makikita ang
ating Sikolohiya.
Ating Suriin:
Ito ba ang ating pag-uugali?

AKO
Mañana Habit IKAW Ningas-kugon
TAYO

Filipino Time
Ang madalas na pagbanggit sa mga inaakalang pag-uugali at
katangian ng Pilipino tulad ng “mañana habit,” “ningas-kugon,” at
“Filipino time” na nagmumula naman sa perspektibo ng mga dayuhan
ay lubhang mapanganib sapagkat hindi na nasusuri.

Sa artikulo na sinulat ni Arjona (1965) tungkol sa “ningas-kugon”


at “mañana habit” na nagsasabing ang mga ugaling ito ay dapat iwasan.
Kanya pang sinipi si Lord Chesterfield. Sabi raw ni Lord Chesterfield:
“Huwag mong ipagpabukas ang maaari mong gawin ngayon,” na para
bang ang mga Pilipino ay salat sa ganitong paniniwala.
Si Balagtas (Baltazar 1853) mismo ay may ipinahayag dito sa wikang
tagalog :
“… kung maliligo’y sa tubig aagap nang hindi abutin ng tabsing
sa dagat.”

Ayon sa mga Kapampangan (Eugenio 1966):


“Ing taung maagap, daig ne ing masipag,” o “Ang liksi at sipag
ay daig ng agap.”
Ang Mababang Pagtingin sa mga Sikolohista sa
Pilipinas
Ito ay hindi bungang-isip lamang, may mga kongkretong
kasanasan na makapagpapatibay na may mga Pilipinong tumitingala sa
Sikolohiyang kanluranin at mababa ang pagtingin sa mga Sikolohista sa
Pilipinas.
Halimbawa:
• “Wala namang ginagawa ang mga Psychologist sa Pilipinas, ah.”
• “Psychology of, for, and by Filipinos” (Sechrest, Guthrie 1974).
• “Filipino Psychologists have made only minimal direct contributions
to the understanding of their own society.”
Totoo ba?

“Psychology is a new discipline for the


Filipinos.”
Sagot: MALI.
Ang mga asignaturang may kinalaman sa Sikolohiya ay
matagal ng itinuturo sa Pilipinas. Hindi nga lamang Psychology
ang tawag sa mga sentro ng pag-aaral na matanda pa sa
kauna-unahang unibersidad sa Estados Unidos.

“American Psychology is a relatively new discipline to the


Filipinos but Philippine Psychology is as old as the Filipino
himself. “
Ang Palasak na Anyo ng Sikolohiya sa
Kontekstong Pilipino: Ang Sikolhiya ng Pilipino
Ang pangunahing suliraning umiiral s anyong palasak ng
sikolohiya sa kontekstong Pilipino ay ang suliraning dulot ng paggamit
ng mga terminong nanlalahat. Ang hilaw na paggamit ng wikang
Pilipino ay higit na mapanganib kaysa hindi paggamit nito.

Halimbawa:

Ang artikulo ni Himes (1971) tungkol sa konsepto ng “sanhi” sa


mga Tagalog na kung saan ipinasiya niya na wala daw konsepto ng
“sanhi” ang mga Tagalog.
Ang mga Konsepto sa Sikolohiyang Pilipino
1. Mga Katutubong Konsepto – maraming halimbawa sa literatura ng
mga konseptong katutubo na halos ay hindi pa nasasaliksik at
napag-aaralan. Hindi sinasabi na ang konseptong katutubo ay
pekulyar lamang sa Pilipinas ngunit malinaw na it ay mga tanging
kahulugan na higit na malapit sa karanasang Pilipino.
Halimbawa:
Ang salitang “saling-pusa,” kahit hindi makikita sa anumang aklat
sa Sikolohiyang galing sa Amerika ay isang makabuluhang konseptong
sikolohikal dito sa Pilipinas.
2. Mga Konseptong Bunga ng Pagtatakda ng kahulugan – higit ba
mabisa ang pagtatakda ng kahulugang teknikal sa isang konseptong
makahulugan na sa Pilipino kaysa sa walang patumanggang pag-
aangkop at paglalangkap ng mga ligaw na konsepto.
Halimbawa:
Sa karaniwang pag-uusap ay hindi na kinakailangan pag-ibahin
ang mga salitang “alaala” at “gunita” na kapag isinalin sa wikang Ingles
ay “memory.”
a. Ang salitang “gunita” ay inihahanay sa “recall”
b. Ang salitang “alaala” ay itinutumbas sa higit na malawak na
saklaw ng salitang “memory. ”
Halimbawa:

a. Ang paggamit ng salitang “subject” sa isang eksperimento.


b. Ang pagkakaiba ng “pagkatao” sa “personalidad.”

Ang pagkatao ay malalim ang kahulugan. Habang ang


personalidad sa kulturang kanluranin ay maaaring magbago na walang
iniwan sa isang maskara o mukhang pinakikiharap.
Ang Pag-aandukha o Pagbibigay ng Katutubong
Kahulugan sa Ideya o at Salitang Hiram
Sa pagkilala at pagpapalawak sa mga konseptong pangsikolohiya,
magkaminsan ay banyaga ang pinagmumulan ng salitang inaandukha
aat binibigyan ng katutubong kahulugan.
Halimbawa:
a. Ang salitang Ingles na “Chance” na hinaram, binago at inandukha
upang maihabi sa institusyong Pilipino tulad ng nangyari sa salitang
“paniniyansing.”
b. Ang salitang “standby” na naihabi sa salitang “tambay.”
Ang Pagbibinyag o paggamit ng Katutubong salita
para sa pandaigdigan on banyagang konsepto
Ang salitang “pagbibinyag” ay tumutukoy hindi lamang sa mga
ritwal sa pananampalataya kundi maging sa paggamit sa mga
katutubong salita para sa pandaigdigan konsepto tulad ng “hiya”,
“utang na loob” at “pakikisama.”

Ayon kay Charles Kaut (1961), ang Inamin din ni Lynch (1961) na walang
“utang na loob” ay hindi tahasang pagpapahalagang bukod-tangi sa
banyaga sa Washington D.C. Marunong Pilipino lamang makikita.
din silang tumanw ng utang na loob Gayunpaman, ipinapalagay niyang ang
kaya nga lamang, mas gusto nila ang pagpapaha;aga sa pagtanggap ng iba
kaliwaan, iyong sabay ang pag- ay higit na namamayani sa Pilipinas.
aabutan, hanggat maaari.
Ang mga Ligaw at Banyagang Konsepto
Halimbawa:

a. Home for the Aged


b. Prejudice
Reference:
Sikolohiyang Pilipino: Teorya, Metodo at Gamit
Rogelia Pe-Pua

You might also like