You are on page 1of 3

DALMA, Vince Joseph M.

BS PSY 3B

SA ATING INTRODUKSYON, ANO ANG IYONG PAHAYAG NA ANG SIKOLOHIYANG SA

PILIPINAS AY ANGAT-PATONG PSYCHOLOGY?

Ano ang Sikolohiyang Pilipino? Ayon kay Enriquez ang sikolohiyang pilino ay Sikolohiyang

bunga ng karanasan, kaisipan, at oryentasyong Pilipino. Higit na mauunawaan ng isang Pilipino ang

kanyang sarili upang sa gayon ay mapaunlad niya ang kanyang buhay. Isang alternatibong

perspektibo kung paano ipapaliwanagnag pag-iisip, pagkilos at damdaming Pilipino, na malakiang

kaibahan sa mga pananaw ng iba pang anyo ng sikolohiya sa Pilipinas. Ipinaliwanag nya na dito

nakapasok ang paano ang pag iisip ng isang Pilipino.

Angat-Patong Psychology, Ano naman yun? Ayon kay Clemente (2011), ito ay “Uncritical

acceptance of methodologies and theories developed in impersonal and industrialized countries;

mindless acceptance of Western concepts”. Ipinaliwanag nya na ang Angat-Patong Psychology daw

ay ang paggagaya ng mga Pilipino sa mga gawain ng konseptong kanluranin o tinatawag nila na

“Copycat Psychology”. Ang pagkaintindi ng manunulat sa pahayag na ito ay ang pagbabang tingin ng

western sa atin, mga Pilipino o mga mag aaral sa Sikolohiyang Pilipino. Sa Angat-Patong

psychology, Dito nakikita ang acronym na W.E.I.R.D. Ang ibig sabihim ng W.E.I.R.D. ay Western,

English speaking, Industrialize, Rich, Democratic country.

Ang mga mamamayang kanluran, Sinasabi nila na hindi importante ang Sikolohiya sa Pilipinas

dahil ito ay bagong diskubrya, Subalit ang Sikolohiyang Pilipino ay matagal na nariryan ngunit ngayon

palang sinisiyasat dahil sa dami na ng dayuhan ay nakalimutan ng mga Pilipino ang kanilang sariling

sikolohiya. Marami na ang natuklasan ng Sikolohiyang Pilipino ngunit sila ay mabusising iniintindi

kung bagay o tumpak sila sa isang partikular na pahayag o kategorya na nanggagaling sa “western

concept”. Ginagamit ng Pilipino o mga nag aaral ng Sikolohiyang Pilipino ang western concept na
reperensiya.

Para sa manunulat, Malaki laki din ang tulong ng “western concept” sa Sikolohiya sa Pilipinas.

Kailangan din ng mga nag aaral ng Sikolohiyang Pilipino ang reperensya upang meron silang

masundan at hindi maligaw sa kanilang hinahanap. Binibigyan nila ng direksyon ang mga nag aaral

ng Sikolohiyang Pilipino. Malaki din tulong din ang konseptong kanluran dahil marami din nakalap na

malalim na paglalarawan sa ating kulturang sikolohiya. Nakatulong ito na bigyan sa atin ng higit na

pang-unawa sa ating sariling kultura. May na explain na dati walang explanation. May mga ugali din

na pangkaraniwan sa kanluran ugali, katulad ng paniniwala sa “kulam” at “faith healers“na marahil sa

ating kultura lang nakikita.

Oo, bago palang ang Sikolohiya sa Pilipinas. Sa akademyang perspektibo subalit nariryan na

ang Sikolohiyang Pilipino nung umpisa palang ng pagbuo ng mundo. Para sa marami, Hindi agaw

pansin ang Sikolohiyang Pilipino dahil unang tinginin nila sa sikolohiya ay seudosiyensya kung saan

ang isang pahayag (claim), paniniwala (belief), o kaugalian (practice) na ipiniprisentang pang-agham,

ngunit hindi sumunod sa mga pang-agham na pamamaraan ayon sa (Contributors to Wikimedia

projects, 2022), Subalit ngayon lang ikinonsider na ang sikolohiya ay isang sanga ng siyentipiko.

Ang Sikolohiyang Pilipino ay palaki ng palaki. Naging motibasyon nila ang pagbabang tingin ng

kanluran sa mga Pilipino o mga nag aaral ng Sikolohiyang Pilipino. Dahil nga ito ay bago, marami

padin hindi naniniwala. Sa panahong ngayon, paunti-unti binibuild ang Sikolohiya ng mga Pilipino

upang maka hanap ng ekspelnasiyon sa mga ugaling Pilipino na date ay walang pagpapaliwanag

dito.
REPERENSIYA

Sikolohiyang Pilipino - Virgilio Enriquez. (n.d.). Scribd.

https://www.scribd.com/doc/98721023/Sikolohiyang-Pilipino-Virgilio-Enriquez

Clemente, J. A. (2011). An Empirical analysis of research trends in the Philippine Journal of

Psychology: Implications for Sikolohiyang Pilipino. Philippine Social Sciences Review, 63(1).

https://journals.upd.edu.ph/index.php/pssr/article/download/2703/2529

Contributors to Wikimedia projects. (2022). Seudosiyensya. Wikipedia, Ang Malayang

Ensiklopedya.

https://tl.wikipedia.org/wiki/Seudosiyensya#:~:text=Ang%20seudosiyensya%20(Kastila%3A%20pseu

dociencia%3B,mga%20pang-agham%20na%20pamamaraan.

You might also like