You are on page 1of 2

Macawile, Juliane Carmela L.

BSPsych-31A2

Sikolohiyang Pilipino

Panuto: Isulat ang iyong ideya o pagkakaintindi sa mga pangunahing konsepto

A.Sikolohiya sa Pilipinas

- Ayon sa aking pagkakaunawa, ang sikolohiya sa Pilipinas ay ang bunga ng mga

kaalaman sa sikolohiya sa ating bayan. Ang lahat ng mga pag-aaral, libro at

sikolohiyang makikita o nakikita sa Pilipinas ay bahagi ng sikolohiya ng ating bansa.

Higit sa lahat ito ay ang kabuuan at pinaka malaking anyo sa Pilipinas.

B. Sikolohiya ng Pilipino

- Ang sikilohiya ng Pilipino ay ang lahat ng pag-aaral at mga konsepto na may

kinalaman o tumatalakay sa mga Pilipino. Ang kalikasang sikolohikal ng mga Pilipino ay

maaaring aralin ng sinumang indibidwal, Pilipino man o dayuhan. Ang kahit na anong

sikolohiya na tumutukoy o naglalaman patungkol sa mga Pilipino ay bahagi ng

konseptong ito.

C. Sikolohiyang Pilipino

- Ang sikolohiyang Pilipino sa aking pagkakaunawa ay ang anyo ng sikolohiya na

ipinaliliwanag ang karanasan, pag-iisip at pagkilos ng mga Pilipino. Ito ay bunga ng

karanasan, kaisipan at oryentasyong Pilipino. Layunin nitong magbigay ng kamalayan

at kaalaman ukol sa sikolohiya. Higit sa lahat ito ay hakbang sa ating ambag sa

unibersal na sikolohiya.

You might also like