You are on page 1of 3

ACTIVITY SHEET

Name: ____________________________________ Score: ______________


Course/Year/Section: _________________________ Date: ______________

MODULE 1

LEARNING ACTIVITY 2

PART I.

1. Tignan ang mga larawan sa ibaba at tugunan kung sino sa kanila ang sa iyong paningin ay
mga katutubo at bakit.

TUGON

Lahat ng mga nasasalarawan sa itaas ay mga katutubo. Ang pagiging katutuo ay hindi
maikukulong sa konsepto ng kulay ng balat, mata, buhok, tabas ng ilong, o ng mukha, o hindi
kaya ng tangkad o pangkalahatang hugis ng pangangatawan. Hindi nangangahulugang ang isa
ay katutubo dahil hindi siya nanggaling sa kanluraning mga bansa, subalit ang lahat sa atin ay
katutubo sa kadahilanang ang pagiging katutubo ay nababase sa kung saan tayo ay nanggaling
sa isang partikular na lugar o komunidad na may sariling kultura at kaisipan.
ACTIVITY SHEET

PART II.

1. Ilista ang mga gawain sa inyong pamilya o tahanang tinitirhan na sa tingin mo ay katutubo
ito sa inyong pamilya o tahanan lamang. Patunayan sa loob ng 3 na pangungusap.

Ang isang bagay na ginagawa ng aking pamila sa aking tingin ay katutubo sa aming pamilya
lamang ay ang pagtatalaga ng karamihan sa mga gawaing bagay sa mga babae sa pamilya.
Una, sa tingin ko ito ay katutubo sa aming pamilya sapagkat karamihan na sa mga pamilya
ngayon ay bunso o ang ina ang gumagawa ng mga gawaing bagay. Pangalawa, karamihan sa
mga pamilya ngayon ay nagkakanya kanya sa mga gawain o hindi kaya ay hinahati hati ang
mga gawain sa bahay. At panghuli, karamihan sa mga pamilya ngayon ay hiwa-hiwalay na ng
mga tahanan kung kaya ang mga trabaho sa bahay ay solo nang ginagawa.

2. Ibuod sa loob ng anim na pangungusap ang “Development of Filipino Indigenous


Psychology” ni M. Cecilia Gastardo-Conaco.

Ang “Development of Filipino Indigenous Psychology” ni M. Cecilia Gastardo-Conaco ay


nagsasalarawan kung paano nag-umpisa at nabuo ang Sikolohiyang Pilipino. Ang Sikolohiyang
Pilipino ay nabuo mula sa kaisipan ng isang Pilipinong mananaliksik na ang kaisipan sa
sikolohiya ay nilinang ng kanluraning pag-tuturo, siya ay si Dr. Virgilio G. Enriquez. Sa
pagdating ni Dr. Enriquez sa bansa sa taong 1971 mula sa kanyang pag-aaral at pananaliksik sa
Amerika ay hindi nya unang ibinahagi ang mga kanluraning mga konsepto na kanyang
natutunan subalit kanyang binuksan ang kaisipan ng mga katulad nyang mag-aaral ng
sikolohiya na ang kanluraning mga konsepto ng sikolohiya ay hindi angkop at hindi sapat upang
maintindihan nang lubos ang kaisipang sikolohikal ng mga Pilipino. Sa panahon ng pagdating ni
Dr. Enriquez ang Nationalismo ay buhay na buhay habang ang Martial Law ay umiiral, ang
kapanahunang ito ay nagdulot sa kaisipan ng mga Filipino na mag-umpukan at pag-usapan ang
mga nangyayari at ito na rin ay tumungo sa pagtuligsa sa koloniyalismo at imperyalismo, itong
panahong ito ay naging hitik upang maibukas at malinang sa kaisipan ng mga Filipino ang
Pilipinong Sikolohika. Hindi naglaon ay nakapagtayo si Enriquez ng mga organisasyong
naglalayong mas maintindihan ang Pilipinong Sikolohika, mula sa Pambansang Samahan sa
Sikolohiyang Pilipino hanggang sa Pandaigdigang Katipunan sa Sikolohiyang Pilipino, na
naglalayong mas malinang ang Pilipinong Sikolohika na para sa mga Filipino.

3. Ano sa tingin mo ang limitasyong ng katutubong sikolohiya kumpara sa nakasanayang


sikolohiya (kanluranin)?

Ang limitasyon ng katutubong sikolohiya kumpara sa nakasanayag sikolohiya ay ang


pagkakaroon ng mas malawak na pananaliksik sa nakasanayang sikolohiya kumpara sa
katutubong sikolohiya na pausbong pa lamang. Sapagkat ang nakasanayang sikolohiya ay
matagal nang andiyan marami nang pag-aaral ang nagawa at buhat nito ay naging mas pino
ang kanilang metodolohiya ng pananaliksik at ito ay nagbubunga ng mga pag-aaral na mas
naaangkop sa kanluraning kaisipan ngunit hindi nakakasigurong magbubunga ng mga
mapagkakaitwalaang datos sapagkat ang konteksto ng pag-iisip ng pananaliksik ay higit na
naiiba sa pinag-aaralan, sa makatuwid hindi nagiging personal sa kanila ang sikolohiya.
ACTIVITY SHEET

4. Ano naman ang kalakasan ng katutubong sikolohiya kumpara sa nakasanayang sikolohiya?

Ang kalakasan ng Katutubong Sikolohiya kumpara sa nakasanayang sikolohiya bukod sa ito ay


isang pausbong na kasanayan ng pag-aaral at nangangahulugang ang potensyal nito ay nag-
uumapaw, ay ang Katutubong Sikolohiya ay mas malapit at marapat sa personal na karanasan
ng mga taong suheto nito. Ang nakasanayang sikolohiya ay kanluranin sa konsepto at
metodolohiya nito, ito ay hindi unibersal o naaangkop sa lahat ng tao sapagkat ang lahat ay
may indibidwal na karanasang napapasaloob ng kanilang mga kanya kanyang buhay at
konteksto. Dito pumapasok ang kalakasan ng katutubong sikolohiya sapagkat ito ay
umaangkop sa personal na katayuan ng isang tao buhat ng kanyang personal na realidad na
dinidikta ng kanyang lugar, panahon, at komunidad. Sa pamamagitan ng katutubong sikolohiya
ay mas nagiging personal ang pagkilala sa mga suheto at dala na rin nito ay mas nagiging pino
ang pananaliksik na nagreresulta sa mas angkop na mga datos.

5. Kung ikaw ay may interes pag-aralan ang mga tradisyon o ritwal ng mga Pinoy tuwing
Bagong Taon (feng shui, pampaswerte etc.) paano mo papatunayan na ang iyong isasaliksik ay
may pagsasakatutubo?

Ang pagsasakatutubo ay isang pamamaraan sa sikolohiya kung saan ang kanluraning sikolohiya
o hindi kaya ay isang sikolohiyang galing sa ibang kultura ay inaangkop sa isang pag-aaral na
nakabase naman sa mga katutubo ng ibang kultura. Kung ako man ay mag-aaral tungkol sa
isang interes sa isang ritwal o tradisyong Pilipino tuwing Bagong taon, masisigurado kong ang
aking pananaliksik ay pang-katutubo ay gagamitin ko ang konsepto ng Pagsasakatutubo mula
sa Loob at Pagsasakatutubo mula sa Labas. Uunahing kong iinitindihin kung saan nagmumula
ang konsepto ng Feng Shui sa ating kaisipan bilang mga Pilipino, ito ay pagsasakatutubo mula
sa labas. Pagkatapos naman nito ay aking aalamin kung paanong ang Feng shui ay
nakakaapekto sa pamumuhay ng mga Pilipino sa personal at interpersonal na lebel, ito naman
ang Pagsasakatutubo mula sa Loob. Sa pag-aaral na ito ay gagamitin ko din ang mga
Istratehiya sa Pagsasakatutubo: una ay isasakatutubo ko ang paksa e.g. Feng shui; pangalawa,
isasakatutubo ko ang pag-aaral ng konsepto, ito ay makikita sa pag aaral ng kung alin ang
naaangkop sa paggamit ng sikolohiyang Loob o Labas; pangatlo ay aking isasakatutubo ang
metodo o pamamaraan ng aking pag-aaral, paano nga o kalian nga mas mainam na tanungin
ang mga Pilipino patungkol sa paksang ito; at huli ay ang pagsasakatutubo ng mga institusyon,
ito ang siyang magiging bunga ng aking pag-aaral na higit na makakaapekto sa ating pag-
intindi sa mga naturang paksang ating isinakatutubo.

You might also like