You are on page 1of 3

VILLANUEVA, Czarae Jana D.

Ma’am Luwalhati Briones


BS PSYCHOLOGY 3-A Sikolohiyang Pilipino

FINALS:
Ano ang kabuluhan at ambag ng Sikolohiyang Pilipino sa:
1. Politika
2. Edukasyon
3. Hanapbuhay ng mga Pinoy
4. Social media sa panahon ng pandemya

1. Politika - Maraming kabuluhan at ambag ang sikolohiyang pilipino sa politika, isa na


rito ay ang pangangandidato ng mga politiko para makakuha ng boto para sa
eleksyon. Dito palang makikita na natin na ang mga politiko ay gumagamit ng mga
metodo ng sikolohiyang pilipino upang makuha ang loob ng mga mamamayan,
maaaring sa pamamagitan ng pakikisama, pakikipagkapwa, pakikitungo, pakikilahok
sa mga pulong at pakikipagpalagayang-loob sa mga tao. Ito man ay totoo o hindi, iyon
pa rin ay ang mga estilo na ginagamit ng mga politiko tuwing eleksyon at doon pa lang
ay makikita na natin ang kabuluhan at ambag ng sikolohiyang pilino sa politika. Isa
pang ambag ng sikolohiyang pilipino sa pulitika ay sa konsepto ng pag-uugali ng mga
kandidato, hindi maikukubli na hindi lahat ng kandidato ay lumaki sa yaman, bagkus
marami rin ang lumaki sa hirap at nagsumikap upang makatakbo sa politika.
Halimbawa, dahil sa kaibahan ng pag-uugali ng bawat kandidato, nagkakaroon ng
iba't ibang pananaw, iba't ibang approach ng pag-resolba ng mga problema at iba't
ibang ideya at paraan upang maiangat ang bansa. Isa pa ay sa konsepto naman ng
pagpili ng kandidato tuwing eleksyon. Ang pagpili ng kandidato ay depende sa botante
mismo, maaaring gusto niya ang politiko na kababayan niya, politiko na malumanay
magsalita at hindi ang marumi ang bibig, politiko na mahinhin o politiko na matapang,
politiko na babae o politiko na lalake, politiko na minsan nang naging mayor muna o
bagong politiko na wala pang karanasan sa pamumuno. Lahat ay nakadepende sa
pananaw ng isang indibidwal na boboto, at dito makikita na agad ang ambag at
kabuluhan ng sikolohiyang pilipino sa konsepto ng pananaw at pag-uugali sa politika
2. Edukasyon - Pag dating naman sa usaping edukasyon, ilan sa mga ambag at
kahalagahan ng sikolohiyang Pilipino ay sa konsepto ng pagtuturo. Dito sa Pilipinas,
may sarili tayong approach ng pagtuturo na kung saan ito ay naguumpisa sa tahanan,
na kung saan ang mga magulang o nakakatanda ang siyang nangangasiwa sa
pagtuturo sa mga bata. Isa pang ambag ng sikolohiya sa edukasyon ay sa konsepto
ng tinuturong kaugalian, na kung saan ang bawat isang mag-aaral ay tinuturuan kung
paano gumalang sa nakakatanda gaya ng pagsasabi ng "po at opo", pagmamano, at
iba pang kaugalian nating mga Pilipino. Isa pa ay sa konsepto ng history ng ating
bansa na kung saan tayo ay naimpluwensiyan ng edukasyong dayuhan. Isa pa, sa
pamamagitan ng edukasyon, matututunan natin ang kaibahan ng Western research
sa sariling atin, pati na rin ang iba't ibang lengwahe at diyalekto na ginagamit sa
pagtuturo sa iba't ibang lugar sa bansa. Ang sikolohiyang Pilipino ay nakatutulong sa
edukasyon ng bawat isa dahil sa pamamagitan ng edukasyon, malalaman natin ang
kasaysayan, tradisyon, kaugalian, kultura, at mga karanasan ng ating bansa;
malalaman rin natin na ang Pilipinas ay talagang natatangi dahil may sarili tayong
pagkakakilanlan.

3. Hanapbuhay ng mga pinoy - Malaki rin ang ambag at kabuluhan ng sikolohiyang


Pilipino sa konsepto ng hanap-buhay ng mga pinoy. Sa pamamagitan ng sikolohiyang
Pilipino, malaki ang maitutulong nito lalo na sa mga nagpapatakbo ng negosyo dahil
malalaman nila ang mga estilo at metodo na maaaring magamit upang mapalago at
magkaroon ng maraming mamimili ang kanilang negosyo, sa pamamagitan ng mga
metodo gaya ng pakikipagpalagayang-loob o pagbubuo ng rapport. Isa pa, sa
pamamagitan ng sikolohiyang Pilipino, matututo tayo kung paano makuha ang loob
ng mga hr kapa mag-aapply ng trabaho, kung paano makisama, makitungo at
makipagkaibigan sa mga katrabaho at marami pang iba. Halimbawa nito ay ang
pagkakaroon ng ka-buddy sa isang trabaho na bago mo palang gagawin at wala kang
kakilala, dito magagamit ang sikolohiyang Pilipino partikular sa mga metodo. Marami
pang mga ambag at kabuluhan ang sikolohiyang Pilipino sa hanap-buhay ng mga
Pinoy, at talagang napakalaking bagay nito lalo na kapag ang isang tao ay may balak
na magtrabaho sa ibang bansa. Para sa akin, ang pagkakaroon ng sikolohiyang
Pilipino rin ang nakatulong upang magkaroon ng tiwala ang mga mayayamang bansa
na tumanggap ng Pilipino upang magtrabaho. Kung walang sikolohiyang Pilipino, mas
liliit ang potential na makapagtrabaho sa ibang bansa at makakuha ng magandang
sahod para sa kani-kanilang pamilya

4. Social media sa panahon ng pandemya - malaki rin ang ambag ng sikolohiyang


Pilipino sa social media sa panahon ng pandemya. Dahil sa pandemya, nakita ang
pagiging resilient ng mga Pilipino na talagang innate na sa atin. Makikita rin ang mga
kaugalian ng mga Pilipino, tulad ng bayanihan at pagiging hospitable sa kapwa. Sa
pamamagitan ng social media, mas madali maibabahagi ang mga aral at motibasyon
sa buhay, isama na rin ang mgaa kaalaman ukol sa sikolohiyang Pilipino sa
pamamagitan ng webinars. Halimbawa, ang naganap na webinar tungkol sa
sikolohiyang Pilipino ay mas madaling naibahagi sa iba't ibang tao sa pamamagitan
ng social media. Mas maraming tao rin ang nakakita at nakapanood ng nga aral
tungkol sa sikolohiyang Pilipino sa kabila ng pandemya. Ang mga kaalaman na
natutunan ay malaki ang maitutulong upang magpatuloy na lumaban sa buhay at
makapagbibigay inspirasyon sa mga tao na lubos na nasstress dahil sa pandemya.
Gayunpaman, tunay ngang hindi mawawala sa kahit anong larangan ang
Sikolohiyang Pilipino, kahit saang aspeto pa yan ay nakadikit na ito, kailangan lang
pagyabungin at pangalagaan, lalo na ang kultura ng ating bansa.

You might also like